You are on page 1of 1

Pabasa: Baitang 7 – Susing Sagot

Ang Mayabang na Asong Gubat


“Kaibigan, marami akong alam na hindi mo alam,” pagmamalaki ng
asong gubat sa pusa.
“Napakarami kong paraan para makalusot sa kaaway. Madali ko
silang naililigaw.”
“Mabuti ka pa,” mahinahong sagot ng pusa. “Ako, iisa lang ang alam
kong paraan.”
Dumating ang isang pangkat ng mangangaso. Mabilis na umakyat sa
puno ang pusa habang nag-iisip pa ang asong gubat sa gagawin.
Nakarating na ang mga mangangaso ay natataranta pa sa pagtakas
ang asong gubat. Nahuli tuloy siya. Hinila siya patungo sa kanyang
kamatayan.

1. Ilan ang nag-uusap sa kuwento?


sagot: dalawa
2. Sino sa nag-uusap ang nagyayabang?
Sagot: si asong gubat/ aso
3. Bakit hindi nakatakas sa mga mangangaso ang asong gubat?
Sagot: dahil nataranta siya kung ano ang gagawin
4. Bakit si asong gubat lang ang hinuli ng mga mangangaso?
Maaaring sagot:
 Dahil marami silang makukuhang karne sa asong gubat
 Dahill siya mas malapit na nasa ibaba
(Tanggapin ang ibang sagot na may pagkakatulad )

5. Kung ikaw si asong gubat ano ang gagawin mo upang makaiwas sa mga
mangangaso?
Maaaring sagot:
 Tatakbo ako ng mabilis patungo sa masukal na lugar at
magtatago.
(Tanggapin ang ibang sagot na may pagkakatulad )

You might also like