You are on page 1of 3

Karunungang Bayan

• Salawikain
Mga Halimbawa:
1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
2. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
3. Kung walang tiyaga, walang nilaga.
4. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
5. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.

• Sawikain
Mga Halimbawa:
1. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
2. Asal hayop
Kahulugan: Masama ang ugali
3. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
4. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
5. Balat-kalabaw
Kahulugan: Matapang ang hiya

• Kasabihan
Mga Halimbawa:
1. Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.
2. Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa.
3. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi
makararating sa paroroonan.
4. Ang di magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayop at
malansang isda.
5. Huwag kang magtiwala sa ‘di mo kakilala.

• Bugtong
Mga Halimbawa:
1. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga paa
2. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo parin makita.
Sagot: Tenga
3. Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok
4. Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
Sagot: Unan
5. Nang hinawakan ko ay namatay, nang iniwan ko ay nabuhay.
Sagot: Makahiya

• Palaisipan
Mga Halimbawa:
1. Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit
meron sa manok na dalawa sa buwaya, at kabayo na tatlo sa palaka?
Sagot: Letrang A

2. Ano ang makikita mo sa gitna ng dagat?


Sagot: Letrang G

3. Ang killer ay may anim na target ito ay sina:


Sanny,Yohey,Nilda,Moymoy,Ochoco at Ibara. Para ma-kumpleto ang misyon
kailanagan niyang patayin sunod-sunod. Anong pagkakasunod dapat gawin
ng killer, ang pag-patay, Sino ang uunahing patayin, hanggang huli?
Sagot: Moymoy,Ibara,Sanny,Yohey,Ochoco at Nilda.(MISYON)

4. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo


ng tao ay kuto.
Ano naman ang gumagapang sa kabayo?
Sagot: Plantsa

5. May tatlong gaya-gaya pero takot mamatay, tumalon ang isa sa


building ilan ang natira?
Sagot: Tatlo, tumalon lang ang isa hindi nagpahulog.

• Bulong
Mga Halimbawa:
1. Tabi, tabi po, ingkong.
2. Makikiraan po.
3. Huwang kayong maiingit, nang hindi kayo magipito.
4. Mano po.
5. Pagaling ka, amang, mahirap ang may karamdaman.
Proyekto
Sa
Filipino
Ipinasa ni: Aleckxia Ashley B. Gaboy

Ipinasa kay: Binibining Almera Castigador

You might also like