You are on page 1of 20

ARALIN SA FILIPINO 7

JHASSIE V. BELTRAN
Guro sa Filipino
LAYUNIN:
• Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng
Palaisipan;
• Naiuugnay sa pang-araw-araw na buhay ang
gamit ng Palaisipan; at
• Nakasusulat ng sariling Palaisipan na naaayon
sa itinakdang pamantayan.
PAGGANYAK:
“Cabbage Game”
• Magpapatugtog ang guro ng awiting bayan at
ihihinto ito. Kung sino man ang may hawak ng
cabbage na gawa sa papel, siya ang sasagot sa
bugtong. Kung hindi niya alam ang sagot, tutugtog
ulit ang awit at iba naman ang sasagot.
Bugtong… Bugtong…
Dalawang magkaibigan mahilig mag-
unahan.
Sagot:
Dalawang paa
Bugtong… Bugtong…
Isda ko sa Maribeles, Nasa loob ang
kaliskis.
Sagot:
Sili
Bugtong… Bugtong…
Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
Ngunit kung ako’y pataying paminsan,
Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay.

Sagot:
Kandila
Bugtong… Bugtong…

Kadena ay sinabit, sa batok nakakawit.

Sagot:
Kuwentas
Bugtong… Bugtong…
Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng
mga sundalo.

Sagot:
Watawat
Gawain:
• Hahatiin ang klase sa 5 pangkat at bibigyan
sila ng iba-ibang palaisipan na kanilang
sasagutin. Bibigyan ng 5 minuto ang bawat
grupo sa pag-iisip ng kasagutan. Isusulat
nila sa bond paper ang kanilang sagot.
Palaisipan - Pangkat 1

• Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na


piramido ang hugis. Nagtatalo-talo ang mga
kapitbahay kung saan babagsak ang itlog ng
tandang. Saan babagsak ang itlog ng tandang?
Sagot: Wala. Dahil hindi naman nangingitlog ang tandang
Palaisipan - Pangkat 2
• May isang hari na gustong lituhin ang manliligaw ng kaniyang
prinsesa. Kapag nabunot daw ng lalaki ang itim na bato mula sa
sisidlan, papaya siyang ipakasal ang anak sa lalaki. Dalawa
lamang ang bato sa sisidlan, ngunit ang hindi alam ng lalaki na
parehong puti ito. Paano maiisahan ng lalaki ang hari?
• Sagot: Itapon niya sa malayo o ang bato. Kung puti ang matira sa sisidlan, ibig
sabihin ay itim na bato ang nakuha niya
Palaisipan - Pangkat 3

• Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria


ay nagbabasa. Si Mara ay nagluluto. Si KC ay
naglalaro ng chess. Habang si Maria naman ay
nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang
anak?
Sagot: Naglalaro ng chess kasama ni KC
Palaisipan - Pangkat 4

• Ano ang makikita mo ng isang beses sa


isang minuto, dalawa sa walong siglo,
pero hindi sa habambuhay?
Sagot: Titik O
Palaisipan – Pangkat 5

• May tatlong pinto na kailangan mong daanan para


makalabas. Kaya lang, sa likod nito ay may mga panganib.
Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan
palabas. Sa ikalawa naman ay mayroong babaril sa iyong
dalawang lalaki. Habang sa huli naman ay may isang leon
na tatlong taon nang di kumakain. Saan ka dadaan?
Sagot: Sa ikatlo dahil kapag di kumain ng tatlong taon ang leon, patay na ito.
Pagsusuri:
• Anong anyo ng panitikan ang inyong sinagutan?
• Paano ninyo nakuha ang tamang sagot?
• Nahirapan ba kayo sa pagkuha sa tamang kasagutan?
• Ano ang layunin ng isang Palaisipan?
• Paano hinuhubog ng Palaisipan ang ating pagkatao?
PALAISIPAN
• Ang mga palaisipan ay mga uri ng teksto na humahasa sa ating utak at
nagbibigay ng kasayahan sa atin mga Pilipino.
• Ang mga palaisipan ay kilala rin bilang mga bugtong, pahulaan, o patuturan.
Ito ay isang tanong o pangungusap na may natatanging sagot na iba sa
karaniwan.
• Ito ay isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng
lumulutas nito.
• Nakalilitong tanong, suliranin, o bagay
• Anumang kataká-takáng salita o pahayag
Mga Halimbawa
• 1. Ano ang makikita mo sa gitna ng dagat?
• 2. Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna?
• 3. Ang nanay ni Junior ay mayroong apat na anak. Ang
unang anak ay pinangalanang April. Ang ikalawa
naman ay May. Ang ikatlo ay tinawag na si June. Ano
ang pangalan ng ikaapat?
Paglalahat:

• Ano ang Palaisipan?


• Ano ang kahalagahan at kaugnayan nito sa pang-araw-
araw na buhay natin?
• Bilang isang Pilipinong mag-aaral, paano mo
maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa panitikang
Pilipino kagaya ng Palaisipan?
Pagtataya
Panuto: Sumulat ng sariling Palaisipan batay sa sumusunod na
pamantayan.
• Nilalaman
Malinaw ang mensahe……………………… 3 puntos
May orihinalidad………………………….….3 puntos
• Pagiging Masining
Malikhain ang presentasyon………………..3 puntos
May hikayat sa madla…………………….....3 puntos
Angkop ang mga salitang ginamit………....3 puntos
• KABUOAN……………………………………15 puntos
TAKDANG-ARALIN

• Magsaliksik tungkol sa tugmang de-gulong


at magbigay ng isang halimbawa. Isulat ang
sagot sa kwaderno.

You might also like