You are on page 1of 20

Magandang

umaga Agnesians!
HULAAN MO!
Dalawang batong itim,
malayo ang nararating.

mga mata
Ate mo, ate ko, ate ng
lahat ng tao.

atis
Ako’y aklat ng panahon,
binabago taon-taon.

kalendaryo
Dalawang magkaibigan, magkadikit
ang baywang; kapag silay ay nag
papasyal, nahahawi ang daanan.

gunting
Kaaway ni Bantay, may siyam na
buhay.

pusa
Nang bata pa ay apat ang paa. Nang lumaki
ay dalawa. Nang tumanda ay tatlo na.

tao
Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay
nagbabasa. Si Mara ay nagluluto. Si KC ay
naglalaro ng chess. Habang si Maria naman ay
nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang anak?

Naglalaro ng chess kasama si KC.KC.


TALAISIPAN
(PALAISIPAN)
Ano ang talaisipan/palaisipan?

Ito ay isang suliranin o uri ng bugtong na


sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas
nito.
Ano ang pagkakaiba nito sa bugtong?
Ito ay nasa anyong tuluyan o pasalaysay.
Ito ay kalimitang gumigising sa kaisipan ng
tao upang bumuo ng kalutasan sa suliraning
inilahad ng nagpapahula.
Unang Pagsubok

Ikaw ay natutulog ng biglang nawalan ng kuryente. Bigla mong narinig na may kumakatok sa pinto. Naalala mo na may posporo at lampara sa
ilalim ng mesa na katabi mo. Ano ang una mong bubuksan?

Sagot: Mga mata


Ikalawang Pagsubok
Pumasok ka sa kwarto, sa ibabaw ng kama may dalawang manok. Sa ibabaw ng manok may lumilipad na tatlong maya. Sa upuan ay may
pusa. At sa sahig naman ay may isang aso. Ilan ang pang nakaapak sa sahig sa loob ng kwarto?

Sagot: 14 na paa
Ikatlong Pagsubok

Ano ang makikita mo ng isang beses sa isang minuto, dalawa sa walong siglo, pero hindi sa habambuhay?

Sagot: Titik O
Ikaapat na Pagsubok

Ang nanay ni Junior ay mayroong apat na anak. Ang unang anak ay pinangalanang April. Ang ikalawa naman ay May. Ang ikatlo
ay tinawag na si June. Ano ang pangalan ng ikaapat?

Sagot: Junior
Ikalimang Pagsubok
May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod nito ay may mga panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan
palabas. Sa ikalawa naman ay mayroong babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa huli naman ay may isang leon na tatlong taon nang di kumakain. Saan ka dadaan?

Sagot: Sa ikatlo dahil kapag di kumain


ang leon ng 3 taon ay patay na ito.
Upang sa lahat ng
bagay, ang Diyos ay
papurihan!
Gawain: Banghayin ang pawatas na pandiwa na nasa
loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

1. (makipagdebate) Balita ko ___________ ka


na naman sa kaibigan mo kanina.
2. (hanapin) Siya ang suspek na ________ ngayon
ng mga pulis.
3. (hiramin) Kay Helen mo ba _______ang
aklat na binabasa mo?

4. (paglaruan) __________ngayon ng mga bata


ang kanilang bagong Lego set.

5. (magsaing) Pagkatapos ko manood ng


teleseryeng ito, na ako.

You might also like