You are on page 1of 23

PALAISIPAN

1. May isang hari na gustong lituhin ang manliligaw ng kaniyang prinsesa. Kapag nabunot daw
ng lalaki ang itim na bato mula sa sisidlan, papaya siyang ipakasal ang anak sa lalaki. Dalawa
lamang ang bato sa sisidlan, ngunit ang hindi alam ng lalaki na parehong puti ito. Paano
maiisahan ng lalaki ang hari?
Sagot: Itapon niya sa malayo o ang bato. Kung puti ang matira sa sisidlan, ibig sabihin ay itim
na bato ang nakuha niya

2. Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si Mara ay nagluluto. Si KC ay


naglalaro ng chess. Habang si Maria naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang
anak?
Sagot: Naglalaro ng chess kasama ni KC

3. Ano ang makikita mo ng isang beses sa isang minuto, dalawa sa walong siglo, pero hindi sa
habambuhay?
Sagot: Titik O

4. May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod nito ay
may mga panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan palabas. Sa ikalawa
naman ay mayroong babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa huli naman ay may isang leon
na tatlong taon nang di kumakain. Saan ka dadaan?
Sagot: Sa ikatlo dahil kapag di kumain ng tatlong taon ang leon, patay na ito.

5. Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa
ikatlong puwesto. Anong pwesto mo na ngayon?
Sagot: Ikatlo

6. Ano ang laging parating pero hindi naman talaga dumarating?


Sagot: Bukas (Tomorrow)

7. May mga buwan na mayroong 31 araw habang mayroon namang may 30 araw. Ilan naman
ang mayroong 28 araw?
Sagot: Lahat ng buwan ay may 28 araw

8. Kapag tumalon ka sa ikatlong palapag na gusali, saan ang bagsak mo?


Sagot: Sa ospital

9. Bakit tayo umiinom ng tubig?


Sagot: Kasi hindi naman natin maaaring nguyain

10. Anong bagay ang bibilhin mo ng kulay itim, gagamitin mo ng kulay pula, at itatapon mo na
kulay puti?
Sagot: Uling
11. Mayroong isang babae na mayroong dalawang anak na babaeng ipinanganak nang
parehong oras, parehong araw, at parehong taon. Pero hindi sila kambal. Paano nangyari iyon?
Sagot: Triplets sila, lalaki lang yung isa sa kanila

12. Anong bagay ang hindi naman bote o pitsel, na mayroon ding maraming butas, pero kayang
mag-imbak ng tubig?
Sagot: Ispongha o Sponge

13. Bago matuklasan na ang Mt. Everest ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, ano
ang pinakamataas na bundok sa mundo?
Sagot: Mt. Everest pa rin, hindi nga lang ito natutuklasan pa

14. Ang nanay ni Junior ay mayroong apat na anak. Ang unang anak ay pinangalanang April.
Ang ikalawa naman ay May. Ang ikatlo ay tinawag na si June. Ano ang pangalan ng ikaapat?
Sagot: Junior
15. Anong bagay ang nasisira na, hindi pa man naisasakatuparan?
Sagot: Pangako

16. Anong salita sa diksiyonaryo ang laging binabaybay nang mali?


Sagot: mali

17. Anong bagay ang kapag pinakain mo ay tumitindi, kapag pinaiinom naman ay namamatay?
Sagot: Apoy

18. Anong bagay ang ginagawa ng manggagawa pero di niya ginagamit? Na siyang binibili rin
ng bumili pero di niya rin gagamit? Na siyang gagamitin ng gumamit pero di niya nakikita?
Sagot: Kabaong

19.“Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.” Ano ito?


Sagot: KULIGLIG

20 “Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.” Ano ito?


Sagot: GAMU-GAMO
21 “May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan.” Ano ito?
Sagot: KUMPISALAN

22.” Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.” Ano ito?


Sagot: BAYONG O BASKET

23. “Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.” Ano ito?
Sagot: BALIMBING

24. “Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.” Ano ito?


Sagot: ANINO

25. “Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.” Ano ito?
Sagot: KANDILA

26. “Nakakaluto’y walang init. Umuusok kahit na malamig.” Ano ito?


Sagot: YELO

27.” Sapagkat lahat na ay nakahihipo; walang kasindumi’t walang kasimbaho; bakit mahal nati’t
ipinakatatago.” Ano ito?
Sagot: SALAPI O PERA

28. “Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.” Ano ito?


Sagot: KULOG

29. “Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid, bunga ay matulis.” Ano ito?
Sagot: PALAY

30.“Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa’t madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo.” Ano ito?
Sagot: PANGALAN
31. “Ang sariwa’y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na.” Ano ito?
Sagot: MATANDA

32. “Tinuktok ko ang bangka, naglapitan ang mga isda.” Ano ito?
Sagot: KAMPANA
33.Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking
buksan ito ay naging pabilog, At nang aking kainin ito ay naging tatsulok. Ano ito?
Sagot: Pizza pie

32.Baboy ni Pedro, balat ay pako.


Sagot: Langka

34.Sinampal muna bago inalok.


Sagot: Sampalok

35.Ate mo, ate ko, ate ng lahat.


Sagot: Atis

36.Sina Singko ay limang magkakapatid. Kung ang panganay ay si Uno, sino ang bunso sa
kanila?
Sagot: Si singko

37.Tinaga ko ang puno, sa dulo ang pagdurugo.


Sagot: Gumamela

38.Isang lupa - lupaan sa dulo ng kawayan.


Sagot: Sigarilyo

39.Pag - aari ko na mas madalas gamitin ng ibang tao.


Sagot: Pangalan ko

40.Hawakan mo at naririto, hanapin mo ay wala ito.


Sagot:Tenga
41 Ako ay makikita sa gitna ng dagat, dulo ng daigdig, at unahan ng globo.
Sagot: Titik G

42.Ano ang bagay na may butas sa harap at sa likod?

Sagot: Keyk!

43. Ano ang laging bumibilis kapag umuulan?

Sagot: Ulan!

44. Ano ang nagsisimula sa T, nagtatapos sa T, at may T sa loob?

Sagot: Tea (tsaa).

45. Ito ay hindi buhay, pero laging naglalakad. Ano ito?

Sagot: Orasan.

46.Isa itong lugar na puno ng mga hayop, ngunit walang leon at elepante. Ano ito?

Sagot: Zoo.
SALAWIKAIN

1. "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa


paroroonan."
Sagot: Mahalaga ang pagpapahalaga sa ating mga pinagmulan upang magtagumpay
sa hinaharap.

2.Ang sakit ng kalingkingan, ramdam ng buong katawan."


Sagot: Ang maliit na problema ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa kabuuan
ng ating buhay.

3.Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy."


Sagot: Sa kabila ng mga pagsubok, ang katapatan at dedikasyon ay nagbubunga ng
positibong resulta.

4. "Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit."


Sagot: Sa mga oras ng pangangailangan, ang tao ay handang gawin ang lahat para
mabuhay o malampasan ang krisis.

5."Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw."


Sagot: Ang mga taong may masamang layunin ay madalas magalit sa kanilang kapwa,
dahil pareho silang nangangailangan ng ingat at pag-iingat.

6. "Kung ano ang puno, siyang bunga."


Sagot: Ang ugali ng magulang ay maaring maipasa sa kanyang anak, kaya't mahalaga
ang mabuting pagtataguyod ng halimbawang itinatangi ng pamilya.

7."Pagkakaibigan, hindi sa taglay ng ginto; kundi sa tapat na damdamin at tunay na


halaga."
Sagot: Ang kasabihang ito ay nagpapahayag ng halaga ng tunay at tapat na
pagkakaibigan, hindi batay sa yaman o kayamanan kundi sa damdamin at tunay na
halaga ng pagkakaibigan. Ito'y paalala na ang tunay na pagkakaibigan ay nagmumula
sa puso at hindi nasusukat sa materyal na bagay.

8."Kapag may itinanim, may aanihin."


Sagot: Ang pagtitiyaga at pagsusumikap sa pagtatanim ng mabuti ay nagbubunga ng
positibong resulta o tagumpay sa hinaharap.

9. Kung ano ang hindi mo gusto, huwag gawin sa iba. Kung ano ang iyong inutang ay
siya ring kabayaran.
Sagot: Kung gusto mo na respetuhin at maging Mabuti sa iyo ang mga tao, mauna ka
na magpakita ng respeto at Magandang asal at tiyak na susuklian din nila ito ng
mabuting intension.

10. Ang batang palalo at di napapalo pag lumaki ang kahalubilo sa mundo ng magugulo
Sagot: Kapag hindi marunong mag-disiplina ang magulang sa kanilang anak, lalaki
itong barumbado.
11. Ang batang palalo at di napapalo pag lumaki ang kahalubilo sa mundo ng
magugulo.

Sagot: Kapag hindi marunong mag-disiplina ang magulang sa kanilang anak, lalaki
itong barumbado.

12. Mansiyon man ang bahay mo asal ka namang hunyango mabuti pa ang bahay mo
ay kawayan kung maasahan ka sa lahat ng bayanihan
Sagot: Hindi dapat hinahayaan ng tao na mabago ng pera ang kanyang ugali. Mahirap
man o mayaman, dapat matutong magpakumbaba.
13. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo
Sagot: Pwede itong ihambing sa kalikasan, araw-araw, libo-libung puno ang pinuputol
para panggawa ng bahay, darating ang araw na makakalbo na ang mga bundok dahil
dito. At kapag bumagyo at gumuho ang lupa galing sa bundok, wala ng mga puno para
pigilan ang pagbagsak nito sa mga bahay na malapit.
14. Ang tumatakbo ng matulin pag masusugat ay malalim.
Sagot: Matutong pagisipan at intindihin ang kalalabasan ng iyong desisyon.
15. Kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay.
Sagot: Huwag mong sabayan ang galit ng iyong mga kaaway

16. Ang taong tahimik kapag nag-isip ay malalim ang taong mabunganga walang
kuwenta ang salita.

Sagot: Hindi dahil tahimik ang isang tao ay wala na siyang alam. Merong mga tao na
pinipili muna nila ang kanilang sinasabi, dahil alam nila na hindi nasusukat ang talino sa
dami ng salita na lumalabas sa bibig.

17. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.

Sagot: Walang batang siga sa nanay na may pamalo hahaha!

18. Daig ng taong maagap ang taong masipag

Sagot:Ang mga taong gumagawa ng aksyon ang palaging nagtatagumpay.

19. Ang aral ay nakakalimutan sa gitna ng kalituhan ngunit ang natural na asal ay
hinding-hindi mapag-iiwanan.

Sagot: Matutong intindihin sa iyong puso ang mga pinag-aaralan. Huwag mag-aral para
lang sa pag-susulit, hindi nagtatagal ang ganitong kaalaman. Intindihin at damdamin
ang binabasa para habang-buhay mo itong magamit.

20. Mas delikado ang taong edukado


Sagot: Ang taong may pinagaralan kapag ginamit ito sa kabutihan ay pakinabang ng
sanlibutan, ngunit kapag ito ay ginamit para sa masamang bagay, marami ang
mapapahamak.
21. Ang kahalagahan ng salawikain tungkol sa edukasyonSa mga Kabataan edukasyon
ang gawing daan at maging inyong sangkalan sa anumang uri ng laban.

Sagot: Lahat ng bagay sa buhay mo ay pwedeng mawala o nakawin, ngunit ang


edukasyon ay hindi.

22. Ang buhay ay mahirap kung hindi ka maagap mag-aral ka at magsumikap para sa
magandang hinaharap

Sagot: Kahit nagsimula ka sa wala, kapag ikaw ay meron pinag-aralan, malaki ang
pagkakataon na makaangat sa kahirapan.

23. Ang batang busog sa pangaral ay lalaking marangal malayo sa pagiging hangal
dala ay mgandang asal

Sagot: Kapag ang bata ay laging may gabay ng magulang habang lumalaki, tatanda
itong mabuting tao.

24. Para sa magandang kinabukasan kamangmangan ay wakasan pag-aaral ay gawing


sandata lalo na kayong mga bata

Sagot: Seryosohin ang pag-aaral dahil ito ang magbibigay ng magandang kinabukasan

25. Ang ating abakada ating natatanging sonata para sa mga bata pati na sa mga
nakatatanda

Sagot: Natatangi ang mga pinoy. Huwag ikahiya ang sariling wika.

26. Walang bilang ng edad ang pag-aaral ang edukasyon ay walang katapusang
paglalakbay para sa masagana at magandang kinabukasan

Sagot: Walang pinipiling edad ang edukasyon.

27. Sa aking paaralan aking natutunan magbasa at sumulat pati mata ay namulat

Sagot: Tungkulin ng mga paaralan na ihanda ang mga bata sa reyalidad ng mundo.

28. Walang mataas at malayo sa mga taong mayroong prinsipiyo

Sagot: Kapag ang tao ay merong paniniwala, lahat ng bagay ay kaya niyang maabot.
29. Aral ay gawing tulay tungo sa magandang buhay

Sagot: Ang mga batang nagaaral ng mabuti ay magkakaroon ng magandang


kinabukasan.

30. Aanhin mo ang ganda ng mukha at katawan na kaakit-akit pag ang utak ay wala
pati ang iyong bibig ay walang maibuga

Sagot: Hello, kamusta ka? Ako nga pala ang gumawa ng website na ito, gusto ko lang
sabihin sa’yo na hindi lahat ng bagay nasusukat sa yaman at ganda, tandaa mo ito,
hindi dahil maitim, pandak, pango o bakla ka ay pangit ka na at wala ka ng karapatan
maging masaya, yun lang ang sinasabi nila sa TV, wag mo silang paniwalaan. May
karapatan ka maging masaya at may lugar ka sa ating mundo. Lahat ng tao ay may
karapatan maging masaya. Kailangan mo lang maging mabuting tao. At maging
edukado. Tandaan mo, ang ganda ay lumilipas. Wag na wag mong hayaan na maliitin
ka nila. Naniniwala ako sa’yo. Kahit hindi tayo magkakilala, naniniwala ako sa’yo, kahit
na hindi naniniwala ang guro o magulang mo sa’yo, ako, naniniwala ako sa’yo.
Naniniwala ako na magiging malaki ang kontribusyon mo sa Pilipinas. Wag mong
sayangin ang kinabukasan mo, mag-aral ka ng mabuti. Lagi mong tatandaan, ang Leon
ay hindi nagpapaapekto sa opinyon ng mga tupa.
31. Oh pag-ibig na makapangyarihan pag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang
lahat masunod ka lamang

Sagot: Hindi mo kayang piliin kung sino ang mamahalin mo, kapag mahal mo, mahal
mo.

32. Huwag kang patatalo sa iyong panibugho mundo mo ay guguho at magkakagulo-


gulo

Sagot: Natural lang ang pagseselos sa isang relasyon, ngunit wag mong hayaan na
ikasira ito ng inyong pagmamahalan.

33. Kapag ang pag-ibig ang namayani ang lahat ay magbubunyi

Sagot: Importanteng magmahalan ang mga tao.

34. Ang totoong nagmamahal harangan man ng sampung kawal ay hinding-hindi


mabubuwal

Sagot: Walang makakapigil sa dalawang taong nagmamahalan.

35. Ang lalaking puro sablay ay hindi magandang kasama habang buhay

Sagot: Hindi magandang karelasyon ang lalaking hindi mapagkakatiwalaan.

36. Huli man raw at hindi magaling ay nakakahabol rin

Sagot: Kapag nagsikap ang tao, balang araw makakaraos din.

37. Sa aking pag-idlip mukha mo ang aking panaginip sa tuwing ako ay nagigising ikaw
pa rin ang nasa isip

Sagot: Sa sobrang mahal mo ang isang tao, siya ang nagpapatulog sa’yo at siya din
ang rason mo na gumsing.

38. Sa haba man ng tinahak na tadhana ang hulihan pa rin ay dambana

Sagot: Ipaglaban ang taong minamahal hanggang sa dulo.

39. Ang lalaking mapagkunwari ay lagging may atubili kaya ikaw ay mamili mag-isip ka
ng mabuti

Sagot: Huwag magmahal ng taong hindi sigurado sa’yo.

40. Ang pag-ibig ay bulag dahil hindi mata ang basehan ng pag-ibig
Sagot: Minsan mahirap bigyan ng rason ang pag-ibig, basta nalang itong dumadapo at
hindi ka na nito tatantanan
41. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda

Sagot: Wag mong pilitin maging iba, malaking karangalan ang isang pagiging Pilipino.

42. Wika ko mamahalin ko pagyayamanin ko at ipagmamalaki ko

Sagot: Ikalat sa mundo ang pagiging isang Pilipino, huwag ito ikahihiya dahil sa bilyon-
bilyon na tao sa mundo, ang mga Pilipino ay walang kapareho.

43. Saan ka man mapunta wika ay gawing sandata sa pananalita man at


pakikipagkapwa

Sagot: Importante ang wika, kaya nito magsimula at magpatigil ng digmaan.

44. Aanhin ko pa ang wikang banyaga kung ako ay may sarili ng wika para sa akin ito
ay sapat na

Sagot:: Importante ang wikang pilipino.

45. Wikang aking gamit ang lagi ko ng sinasambit hindi kita ipagpapalit o kahit man lang
iwawaglit

Sagot: Kahit na mapunta pa sa iba’t ibang bahagi ng mundo, hindi padin kakalimutan
ang pagiging Pilipino.

46. Wikang Pambansa alay sa mga masa lagi nating isapuso at huwag ipapalit sa
salitang nauuso

Sagot: Huwag ikahiya ang sariling wika.

47. Ang wika ay dakilang regalo mula sa ating mga ninuno bigyang halaga ito para ito
ay hindi maglaho

Sagot: Daang-taon ang kasaysayan ng ating wika, mula sa mga sinaunang Pilipino
noon, hanggang ngayon sinalin-salin na ito sa bawat henerasyon. Protektahan ito para
maipamana pa sa mga susunod na henerasyon.

48. Ilang salinlahi man ang dumating wika natin ay paigtingin atin itong gamitin at
pagkamahalin

Sagot: Kahit na uso na ngayon ang paghaluin ang wika, wag padin kakalimutan ang
wikang Pilipino.

49. Pairalin ang pagkabayani sariling wika ay ating ipagbunyi wika na ating kaagapay
sa ating pang araw-araw na buhay
Sagot: Gamitin palagi ang ating wika.

50. Ang pamilyang kumakakain at nagdarasal ng sabay-sabay ay nagsasama at


nabubuhay ng matiwasay

Sagot: Ang pamilya na dikit at rinerespeto ang isa’t-isa, habang tumatagal ay lalong
tumitibay ang pagsasamahan.
MGA KASABIHAN (38)

1. Wag mong gawin sa iba, kung ayaw mong gawin nila sayo.

2. Kapag may sinuksuk, may madudukot

3. Aanhin mo pa ang iyong mata, kung di mo naman nakikita ang aking halaga.

4. Ang batang makulit, napapalo sa pwet

5. Ang taong walang tiyaga, ay walang mapapala

6. Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng Martilyo

7. Unahin hanapin ang paraan, hindi ang dahilan

8. Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat

9. Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan

10. Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan


11. Ang hindi Tumititingin sa Pinangalingan ay hindi makakaroon sa patutunguhan

12. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay daig pa ang malansang isda

13. Kung walang tiyaga, walang nilaga

14. Kung hindi ako ang para sa kanya, kawawa naman sya

15. Pangit man ako sa inyong paningin, maganda naman ako sa aming salamin

16. Bakla man ako sa inyong paningin, nakakabuntis din

17. Pag may away sa bahay, nakasilip buong kapitbahay

18. Mag biro ka lang sa lasing, wag lang sa bagong gising

19. Bat ka pa nagpupuyat, kung hindi naman ako ang iyong ka chat

20. Pag panget ka, wag ka mag taka, nasa lahi niyo yan
21. Maitim man ako sa inyong paningin, maganda naman ako kapag madilim

22. Kapag nakakita ka ng usok, tumakbo kana nasa langit kana

23. Baliw man ako sa inyong paningin, subukan mo lang tumingin, mababaliw ka rin.

24. Every sermon, damay selpon

25. Sa bawat tagumpay, may inggiterang nakasubaybay

26. Kapag kaya ng iba, edi ipagawa niyo sa kanila

27. Aanhin mo pa ang pag-ibig na wagas, kung wala ka ng bigas

28. Kapag ikaw ay mabait, lahat ng blessings ay lumalapit

29. Ang magalang na sagot, ay nakakapawi ng poot

30. Ang batang iyakin, nagiging mutain


31. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga

32. Kung ikaw ay mapili, matatapat ka sa bungi

33. Mataba man ako sa inyong paningin, mukha ka namang sakitin

34.kapag nkakita ka ng itlog na puti ...itlog ng manok un

kapag nkakita k ng itlog na pula ...itlog n maalat un

at kpag nkakita k ng itlog n brown

opppzz dont panic its organic..

35. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang Gawa

36. Ang lalaking gipit, sa bakla kumakapit

37. Aanhin mo pa ang iyong kamay, kung hindi naman ako ang iyong kaakbay.

38. Kung hindi ako ang para sa iyo, kawawa ka naman.

39.
Sawikain:

1. Kumuha ng bato, wag magtapon ng sisiw.

2. Mapait ang kahoy, pero ang bunga'y matamis.

3. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

4. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa paroroonan.

5. Huli man daw at magaling, na sa huli ay mahahalata rin.

6. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.

7. Kung ano ang puno, siya ang bunga.

8. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.

9. Kapag may tiyaga, may nilaga.

10. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.


11. Bato-bato sa langit, ang tamaan wag magagalit.

12. Kung sino ang bayani, siyang hari.

13. Ang pikon, talo.

14. Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.

15. Pag may tiyaga, may nilaga.

16. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.

17. Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.

18. Pag may usok, may apoy.

19. Ang sakit ng kalingkingan, ramdam ng buong katawan.

20. Kapag ang alimango ay patay na, doon nagagalit ang hipon.
Kawikaan
1.Pag may tiyaga, may nilaga.
2. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
3. Kapag ang alak ay umiikot, ang isip ay sumusoprot.
4. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda.
5. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
6. Ang hindi marunong magtanim, hindi makakain.
7. Kung anong tinanim, siyang aanihin.
8.Ang sakit ng kalingkingan, damdamin ng buong katawan.
9. Ang hindi marunong magmahal sa sariling pamilya, mas masahol pa sa hayop at malansang
isda.
10. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay mas masahol pa sa hayop.
11. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.
12. Ang mabigat ay binubuhat, ang magaan ay itinatapon.
13. Ang di marunong lumingon sa itinapon ay walang makakamtan.
14. Ang naglalakad ng mabilis, late dumadating.
15. Ang tamad na kabayo, naglalakad ng mabagal.
16. Ang hindi marunong magmahal sa sariling bayan, masahol pa sa malansang isda.
17. Ang kagandahan ng buhay ay naroroon sa kasimplehan.
18. Ang bato na tinatapakan, hindi na mababalik sa dati.
19. Ang naglalakad ng matulin, late dumadating.
20. Ang masamang damo, matagal mamatay.
21. Ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa ay kayamanan sa puso.
22. Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan.
23. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda.
24. Ang hindi marunong kumilala sa sariling kasaysayan ay tila parang bulaklak na nagdudulot
ng masamang amoy.
25. Ang pagkakaroon ng tiyaga ay nagbubunga ng masaganang ani.
26. Ang naglalakad ng mabilis, late dumadating.
27. Ang hindi marunong magtanim, hindi makakain.
28. Ang magalang na sagot, nakakakapawi ng pagod.
29. Ang tunay na kaibigan, sa hirap at ginhawa'y kasama.
30. Ang taong walang takot, walang mataas na bakod.

You might also like