You are on page 1of 3

EASY PALAISIPAN

1.Ano ang makikita mo ng isang beses sa isang minuto, dalawa sa walong siglo, pero hindi sa
habambuhay?
Sagot: Titik O

2.Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa ikatlong
puwesto. Ano ang puwesto mo ngayon?
Sagot: Ikatlo

3.Ano ang laging parating pero hindi naman talaga dumarating?


Sagot: Bukas (Tomorrow)

4.Kapag tumalon ka sa ikatlong palapag na gusali, saan ang bagsak mo?


Sagot: Sa ospital

5. Anong bagay ang bibilhin mo ng kulay itim, gagamitin mo ng kulay pula, at itatapon mo na
kulay puti?
Sagot: Uling

6. Mayroong isang babae na mayroong anak na babaeng ipinanganak nang parehong oras,


parehong araw, at parehong taon. Pero hindi sila kambal. Paano nangyari iyon?
Sagot: Triplets sila, lalaki lang yung isa sa kanila

7. Anong bagay ang hindi naman bote o pitsel, na mayroon ding maraming butas, pero kayang
mag-imbak ng tubig?
Sagot: Sponge
8. Bago matuklasan na ang Mt. Everest ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, ano ang
pinakamataas na bundok sa mundo?
Sagot: Mt. Everest pa rin, hindi nga lang ito natutuklasan pa

9.. Ang nanay ni Junior ay mayroong apat na anak. Ang unang anak ay pinangalanang April. Ang
ikalawa naman ay May. Ang ikatlo ay tinawag na si June. Ano ang pangalan ng ikaapat?
Sagot: Junior

10.Anong bagay ang nasisira na, hindi pa man naisasakatuparan?


Sagot: Pangako
AVERAGE PALAISIPAN
1.Anong salita sa diksiyonaryo ang laging binabaybay nang mali?
Sagot: mali

2. Anong bagay ang kapag pinakain mo ay tumitindi, kapag pinaiinom naman ay namamatay?
Sagot: Apoy

3.Anong bagay ang ginagawa ng manggagawa pero di niya ginagamit? Na siyang binibili rin ng
bumili pero di niya rin gagamit? Na siyang gagamitin ng gumamit pero di niya nakikita?
Sagot: Kabaong

4.Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?


Sagot: Kasi nakasara,bakit bubuksan mo pa ba kung bukas na.

5.Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna?


Sagot: Donut na may butas sa gitna

6.Maliit na bahay, puno ng mga patay.


Sagot: Posporo

7.Anong isda ang lumalaki pa?


Sagot: Yung bata pa.

8.hindi hayop, hindi rin tao ngunit tinatawag niya ako


Sagot: Telepono/Cellphone

9.Anong meron sa jeep, tricycle, at bus, pero wala sa eroplano?


Sagot: Side Mirror

10.Bakita tayo umiinom ng tubig? Sagot:kasi bawal


natin ito nguyain

HARD PALAISIPAN
1.Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si Mara ay nagluluto. Si KC ay
naglalaro ng chess. Habang si Maria naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang
anak?
Sagot: Naglalaro ng chess kasama ni KC

2.Hindi hayop, hindi tao kumakain ng itim na damo


Sagot: suklay

3.Ama ng wikang Pilipino, Sa Pilipinas nagging pangulo, lugar na matatagpuan din sa pilipinas
Sagot: Quezon

4.Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto... ano naman
ang gumagapang sa kabayo?
Sagot: Plantsa

5.Pag - aari ko na mas madalas gamitin ng ibang tao .

Sagot: Pangalan ko

6.Buto itong kinain mo, balat ay tinaapon ng kusinero


Sagot: Patane

7.Binili mo ng mahal, sa isang iglap itoy Nawala na parang bula


Sagot: Paputok

You might also like