You are on page 1of 5

1. May isang hari na gustong lituhin ang manliligaw ng kaniyang prinsesa.

Kapag
nabunot daw ng lalaki ang itim na bato mula sa sisidlan, papaya siyang ipakasal ang
anak sa lalaki. Dalawa lamang ang bato sa sisidlan, ngunit ang hindi alam ng lalaki
na parehong puti ito. Paano maiisahan ng lalaki ang hari?

Sagot: Itapon niya sa malayo o ang bato. Kung puti ang matira sa
sisidlan, ibig sabihin ay itim na bato ang nakuha niya
2. Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si Mara ay
nagluluto. Si KC ay naglalaro ng chess. Habang si Maria naman ay nagsusulat. Ano
ang ginagawa ng ikalimang anak?

Sagot: Naglalaro ng chess kasama ni KC


3. Ano ang makikita mo ng isang beses sa isang minuto, dalawa sa walong siglo,
pero hindi sa habambuhay?

Sagot: Titik O
4. May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod
nito ay may mga panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan
palabas. Sa ikalawa naman ay mayroong babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang
sa huli naman ay may isang leon na tatlong taon nang di kumakain. Saan ka
dadaan?

Sagot: Sa ikatlo dahil kapag di kumain ng tatlong taon ang leon, patay na ito.
5. Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang
nasa ikatlong puwesto. Anong pwesto mo na ngayon?

Sagot: Ikatlo
6. Ano ang laging parating pero hindi naman talaga dumarating?

Sagot: Bukas (Tomorrow)


7. May mga buwan na mayroong 31 araw habang mayroon namang may 30 araw.
Ilan naman ang mayroong 28 araw?

Sagot: Lahat ng buwan ay may 28 araw


8. Kapag tumalon ka sa ikatlong palapag na gusali, saan ang bagsak mo?

Sagot: Sa ospital
9. Bakit tayo umiinom ng tubig?

Sagot: Kasi hindi naman natin maaaring nguyain


10. Anong bagay ang bibilhin mo ng kulay itim, gagamitin mo ng kulay pula, at
itatapon mo na kulay puti?

Sagot: Uling
11. Mayroong isang babae na mayroong dalawang anak na babaeng ipinanganak
nang parehong oras, parehong araw, at parehong taon. Pero hindi sila kambal.
Paano nangyari iyon?
Sagot: Triplets sila, lalaki lang yung isa sa kanila
12. Anong bagay ang hindi naman bote o pitsel, na mayroon ding maraming butas,
pero kayang mag-imbak ng tubig?
Sagot: Ispongha o Sponge
13. Bago matuklasan na ang Mt. Everest ang pinakamataas na bundok sa buong
mundo, ano ang pinakamataas na bundok sa mundo?
Sagot: Mt. Everest pa rin, hindi nga lang ito natutuklasan pa
14. Ang nanay ni Junior ay mayroong apat na anak. Ang unang anak ay
pinangalanang April. Ang ikalawa naman ay May. Ang ikatlo ay tinawag na si June.
Ano ang pangalan ng ikaapat?
Sagot: Junior
15. Anong bagay ang nasisira na, hindi pa man naisasakatuparan?

Sagot: Pangako
16. Anong salita sa diksiyonaryo ang laging binabaybay nang mali?

Sagot: mali
17. Anong bagay ang kapag pinakain mo ay tumitindi, kapag pinaiinom naman ay
namamatay?

Sagot: Apoy
18. Anong bagay ang ginagawa ng manggagawa pero di niya ginagamit? Na siyang
binibili rin ng bumili pero di niya rin gagamit? Na siyang gagamitin ng gumamit pero
di niya nakikita?

Sagot: Kabaong

19.“Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.” Ano ito?


Sagot: KULIGLIG

20 “Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.” Ano ito?

Sagot: GAMU-GAMO

21 “May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang

Hagdanan.” Ano ito?

Sagot: KUMPISALAN

22.” Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.” Ano ito?

Sagot: BAYONG O BASKET

23. “Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.” Ano ito?

Sagot: BALIMBING

24. “Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.” Ano ito?

Sagot: ANINO

25. “Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.” Ano ito?

Sagot: KANDILA
26. “Nakakaluto’y walang init. Umuusok kahit na malamig.” Ano ito?

Sagot: YELO

27.” Sapagkat lahat na ay nakahihipo; walang kasindumi’t walang kasimbaho; bakit mahal nati’t
ipinakatatago.” Ano ito?

Sagot: SALAPI O PERA

28. “Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.” Ano ito?

Sagot: KULOG

29. “Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid, bunga ay matulis.” Ano ito?

Sagot: PALAY

30.“Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa’t madalas gamitin ng iba

Kaysa sa iyo.” Ano ito? Sagot: PANGALAN

31. “Ang sariwa’y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na.” Ano ito?

Sagot: MATANDA

32. “Tinuktok ko ang bangka, naglapitan ang mga isda.” Ano ito?

Sagot: Sagot: KAMPANA


33. “Kung sa isda, ito ay dagat, kung sa ibon, ito’y pugad, lungga naman kung ahas, kung sa

You might also like