You are on page 1of 4

MGA HALIMBAWA NG PALAISIPAN

1. “Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.” Ano ito?


Sagot: KULIGLIG
2. “Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.” Ano ito?
Sagot: GAMU-GAMO
3. “May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang
hagdanan.” Ano ito?
Sagot: KUMPISALAN
4. ” Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.” Ano ito?
Sagot: BAYONG O BASKET
5. “Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.” Ano ito?
Sagot: BALIMBING
6. “Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.” Ano ito?
Sagot: ANINO
7. “Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.” Ano ito?
Sagot: KANDILA
8. “Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig.” Ano ito?
Sagot: YELO
9. ” Sapagkat lahat na ay nakahihipo; walang kasindumi’t walang
kasimbaho; bakit mahal nati’t ipinakatatago.” Ano ito?
Sagot: SALAPI O PERA
10. “Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.” Ano
ito?
Sagot: KULOG
11. “Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig, dahon ay makitid,
bunga ay matulis.” Ano ito?
Sagot: PALAY
12. “Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa’t madalas gamitin ng iba
kaysa sa iyo.” Ano ito?
Sagot: PANGALAN
13. “Ang sariwa’y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay
lagas na.” Ano ito?
Sagot: MATANDA
14. “Tinuktok ko ang bangka, naglapitan ang mga isda.” Ano ito?
Sagot:
Sagot: KAMPANA
15. “Kung sa isda, ito ay dagat, kung sa ibon, ito’y pugad, lungga
naman kung ahas, kung sa tao, ano ang tawag?” Ano ito?
Sagot: BAHAY
MGA BUGTONG
Ito ay isang palaisipan o talinghaga na may nakatagong kahulugan. Ang
bugtong ay Isang pangungusap na patanong nahumihingi ng kasagutan. Ang
mga bugtong ay kadalasang patungkol sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-
araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.

1. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.


Sagot: Tenga
2. Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha
3. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
Sagot: Mais
4. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
5. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok
6. Dikin ng hari, palamuti sa daliri.
Sagot: Singsing
7. Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos
8. Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
Sagot: Kalendaryo
9. Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan.
Sagot: Yoyo
10. Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.
Sagot: Bumbilya
11. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: Pluma o Pen
12. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
Sagot: Payong
13. Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis sa tayong ito.
Sagot: Duyan
14. Urong sulong, lumalamon.
Sagot: Lagari
15. Walang hininga ay may buhay, walang paa ay may kamay, mabilog na
parang buwan, ang mukha’y may bilang.
Sagot: Orasan

https://sites.google.com/site/thesongofhear/bugtong-riddles

https://philnews.ph/2018/12/20/bugtong-bugtong-20-halimbawa-ng-bugtong-palaisipan/
TUGMANG DE GULONG
Ang Tugmang De Gulong ay mga paalala na maaaring makita sa mga pampublikong
sasakyan tulad ng dyip, bus at traysikel. Karaniwa’y ito’y batay sa nakatutuwa, lalo na’t ang
karamihan sa mga tugmang ito ay nakabatay sa mga kasabihan o salawikain na dati nang batid
ng mga Pilipino.

Mga Halimbawa ng mga Tugmang De Gulong

1. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa paroroonan. (Batay sa: Ang


hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.)

2. Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.

3. Ang ‘di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.

4. Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto,
sambitin ang “para”
sa tabi tayo’y hihinto.

5. Huwag dumi-kwatro sapagkat dyip ko’y di mo kwarto.

6. Ms. na sexy, kung gusto mo’y libre, sa drayber ka tumabi.

7.Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay nag-hahabol ng hininga.

8. Huwag kang magdekwatro, ang dyip ko’y di mo kwarto.

9. Pasaherong masaya, tiyak na may pera.

10. Puwedeng matulog, bawal humilik.


tugmangdegulong tugmadegulong
11. God knows Hudas not pay.

https://www.tagaloglang.com/tugma-de-gulong/
MGA
HALIMBAWA NG
BUGTONG,
PALAISIPAN
AT TUGMANG DE
GULONG

You might also like