You are on page 1of 2

BUGTONG (SOME OF THE FAMOUS FILIPINO RIDDLES)

Riddles in Tagalog is referred to as Bugtong. Ito ay isang palaisipan o talinghaga na may
nakatagong kahulugan. Ang bugtong ay Isang pangungusap na patanong nahumihingi ng
kasagutan. Ang mga bugtong ay kadalasang patungkol sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw
na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
Mga halimbawa ng Bugtong na may Sagot:
1. Maikling landasin, di maubos lakarin. – ANINO (SHADOW)
2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. – sinturon (belt)
3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. – sapatos (shoes)
4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. – langgam (ant)
5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay. – kandila
(candle)
.
Karagdagang Mga Bugtong
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: langka
3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
13. Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
14. May bintana nguni’t walang bubungan,
may pinto nguni’t walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo
18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata
19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket
22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: batya
23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta
24. Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola
25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma
26. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: bote
27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: sandok
28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: kampana o batingaw
29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.
Sagot: bayabas
30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Sagot: balimbing

Aling ibon dito sa mundo ang lumilipad at sumususo ang anak

Sagot: kabag ( fruit bat)

You might also like