You are on page 1of 3

Wastong Pag-aaral ng Maagham na Ponema sa Ika-anim na

Baitang sa St. James School of Subic

Ponema- Tamang pagbigkas ng isang salita at tamang pagsabi ng isang pangungusap.

1. LAYUNIN:
Ano nga ba ang layunin nito, layunin nito na ihayag sa lahat ang tamang paggamit ng ponema
sa mga mag-aaral, kung paano nga ba bigkasin ng tama ang diin, tono, haba at antala ng mga
salita. Layunin nito na maisabi ng mga mag-aaral ang kanyang salita ng tama at naiintindihan.
Isa ang ponema sa mga nagsisilbing tulay para magkaroon ng komunikasyon ang mga nag-
uusap, dahil maiintindihan mo ang kanilang sinasabi dahil sa tamang tunog ng pagbigkas nila
sa mga salita, naipahihiwatig nila ang kanilang ideya o saloobin ng maayos at naiintindihan.
Lalo na sa mga salitang Filipino na minsan ay napakahirap intindihin kung ang nagsasalita ay
hindi tama ang paggamit nila ng ponema sa mga salita na binibigkas nila. Alam naman natin
na lumalawak at dumadami na ang mga salitang nabubuo sa wikang Filipino kaya nararapat
lang na pag-aralan ang ponema dahil mas maiintindihan natin ang mga pahayag na binibigkas
natin o nais nating sabihin kapag tama ang ponema nito.

2. BAKIT NAPILI ANG PAKSA SA RESEARCH TITLE:


Napili naming ang paksang pag-aaral ng maagham na ponema sa ika-anim na baiting dahil
gusto namin na habang hindi pa sila tumutuntong ng sekondarya ay alam na nila kung paano
bigyang linaw ang tamang pagbigkas ng mga salita, kung saan nila tataasan ang tinig ng isang
pantig, kung paano ang tamang tono na gagamitin nila, kung gaano kabilis o kabagal at kung
saan sila hihinto sa kanilang binibigkas. Sa pagtuturo nito ng maaga sa mga mag-aaral ay
makakausap mo sila ng maayos at maihahayag nila ang mga nais nilang sabihin ng malinaw
dahil sa paggamit nila ng ponema. Hindi kayo magkakalituhan kung ano nga ba ang nais
niyang iparating kapag alam ng kausap mo ang paggamit ng ponema sa mga salita, kaya
nararapat lamang na ituro na ito sa mga mag-aaral ng saintjames habang sila ay elementarya
pa lang.
3. TEORITIKAL NA MAIIUGNAY:

Balangkas Teoritikal (1988)


Ayon kay Henry Gleason ang wika ay sinasalitang tunog na may masistemang balangkas na
pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong
kabilang sa iisang kultura. (Ang wika ay masistemang balangkas. Ang lahat ng wika ay
nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema)

-Ito ang inugnay naming dahil gaya ng sabi ni Henry Gleason, ang wika ay ginagamit sa
komunikasyon at nakabatay ito sa tunog, na ginagamit ng isang tao kung paano niya ilalahad
ang kanyang nais sabihin gamit ang kanyang boses. Kaya inugnay naming ito sa aming paksa
dahil malalaman natin dito na para malahad mo ng maayos ang isang salita ay kailangan tama
ang paggamit mo ng ponema. Tama kung pano mo ito bigkasin. Ang wika natin ay Wikang
Filipino, sa tamang paggamit nito ay kailangan natin matutunan ang ponema o tamang tunog
na kailangan gamitin kung paano sabihin o bigkasin ang isang salita.

4. BAKIT MAHALAGA SA KASALUKUYANG KONTEKSTO:


Bakit nga ba mahalaga ito sa kasalukuyang kontekso, gaya nga ng sabi ni Henry Gleason, ang
wika ay ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, ang ponema naman ay ang tamang tunog ng
gagamitin ng ating wika. Sa kasalukuyan ay napakarami ng salitang nabubuo na hindi
nagagamitan ng tamang pagbigkas nito, kaya ito ang aming paksa para bigyan linaw ang mga
mag-aaral na kailangan nating pag-aralan ang ponema dahil maganda ang magiging epekto
nito sa bawat isa. Hindi lamang para sa Wikang Filipino ito kundi para rin sa ating sarili na
kailangan ay mailahad natin ang gusto nating sabihin ng naiintindihan ng lahat dahil sa
tamang ponema nito, mas nagkakaintindihan ang bawat isa at mas mapapadala na lumawak
ang ideya ng lahat lalo na sa mga mag-aaral dahil tama ang pagbigkas nila ng Wikang Filipino
na nagsisilbing komunikasyon natin.
5. EPEKTO SA PAG-UNLAD NG WIKANG FILIPINO:
Sa pagsasalita natin ay nagagamit na natin ang Wikang Filipino, ngunit kung mali ang
pagbigkas natin sa mga salita ng Wikang Filipino ay hindi ito uunlad. Gamitin natin ng tama
kung paano nga ba ang tamang bigkas ng mga salita ng sa gayon ay umunlad ang wikang
Filipino at para mas magkaintindihan ang bawat isa. Sa pagtuturo ng mga guro sa tamang
ponema sa asignaturang Filipino sa paaralan ng saint james ay umuunlad na ang wikang
Filipino dahil hindi nila hinahayaan na bigkasin natin ang wika natin na mali mali. Walang
tama sa pagbigkas ng mali dahil hindi mo ito maiintindihan, kaya tayong mga mag-aaral sa
saintjames ay ipaunlad natin ang wikang Filipino sa paraan ng paggamit ng tamang ponema
sa mga salita nito nang sa gayon ay maayos nating masabi sa lahat ang mga saloobin at ideya
natin nang naiintindihan nila tayo at nakukuha nila ang nais nating ilahad.

You might also like