You are on page 1of 2

ANTAS NG KASANAYAN SA TALAALITAAN AT WASTONG GAMIT NG

WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA G-11 HUMSS

ABSTRAK
Ang talasalitaan , na kilala rin bilang bukabularyo, ay ang pangkat mula sa

isang wika na pamilyar sa isang tao.Ito rin ang umuunlad na sabay rin sa edad at

kadalasang ginagamit ito bilang pundamental na gamit para sa komunikasyon at

pagkakamit ng kaalam. Kapag ang tao ay mayroong hindi maunawaan na salita ay

maari niyang tingnan ang kahulugan alamin, tuklasin sa pamamagitan ng talasalitaan.

Maraming salita sa Filipino ang nagpapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan ng

pag-unawa Sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil dito,

nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw ang pagpapakahugan sa mensahe o

pahayag.Sinasabi dito na bawat salita ay may tiyak o katumbas na kahulugan subalit

kung mali ang pagkakagamit mo magkakameron ito ng iba pang kahulugan. Ang

layunin ng pag aaral na ito ay upang makatulong sa pag papaunlad ng kanilang

kaalaman at husay sa pakikisalamuha sa tao.

Ang layunin din nito ay ipaalam kung gaano kahalaga ang wastong paggamit ng

salita at ang halaga nito sa kanilang pang araw-araw na buhay. Karamihan sa mga

respondente ay may kaalaman sa paggamit ng naunang kaalaman sa wika at pagdating

naman sa stratehiya ng pag aaral ay mas may kasanayan ang mga respondente sa

paggamit ng wikang filipino. Ganun din pagdating sa pormalidad ng wika at pakikipag-

ugnayan na lumalabas na may kasanayan ang mga respondente sa pag-gamit ng wikang

Filipino. Karamihan sa aming mga repondente ay lumalabas na mayroon silang

kasanayan sa pag-gamit ng wikang Filipino at kasanayan sa talasalitaan. Nakita sa


aming pag aaral na madami parin ang kayang panatilihin ang tamang pag-gamit ng

wikang Filipino at may kasanayan sa talasalitaan Huwag nating hayaan na mawala o

maglaho ang sariling atin , dahil mas napapadali ang pakikipagusap o pakikisamuha

kung lahat tayo ay may kasanayan sa pag-gamit ng wikang Filipino.

You might also like