You are on page 1of 14

SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY

Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

PANGANGASIWA NG PAMAHALAAN SA GITNA NG

COVID-19 SA BARANGAY RANG-AY BANGA, SOUTH

COTABATO

ROSE ANN C. FELIX

AIZEL N. SALANAP

ARLAN JALANDONI

EMMALYN PASQUIN

ERICA ROSE PARILLA

LARRY MACATIGUEL

CHRISTIAN FAOCBIT

ALROHAN VINE E. PANALANGIN

ABDILA S. KULINTANGAN

HULYO 6, 2021
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

KABANATA I

PANIMULA

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang rang-ay, ay dating barrio 4, na isang barangay sa munisipalidad ng Banga, sa


lalawigan ng South Cotabato. Ang populasyon nito na tinukoy noong 2015 census ay
mahigit 4,885. Kinakatawan nito ang 5.78% ng kabuuang populasyon ng banga
south cotabato.

Ayon sa census noong 2015, ang pangkat ng edad na may pinakamataas na


populasyon sa barangay rang-ay, ay 5 hanggang 9, na may 570 na indibidwal. Sa
kabaliktaran, ang pangkat ng edad na may pinakamababang populasyon ay 80 at
higit pa, na may 49 na indibidwal.

Ang populasyon ng rang-ay ay lumago mula 2,973 noong 1990 hanggang 4,885
noong 2015, isang pagtaas ng 1,882 katao. Ang pinakahuling bilang ng census
noong 2015 ay nagpapahiwatig ng positibong rate ng paglago na 1.32%, o pagtaas
ng 323 katao, mula sa dating populasyon na 4,532 noong 2010.

Balangkas ng Kaisipan

Ang pangangasiwa ng pamahalaan sa gitna ng covid-19 sa barangay rang-ay,


banga, south cotabato ay layunin ng pananaliksik na ito ay matulongan ang mga
mamamayan na magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa mga pamamahala sa
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

gitna ng covid-19 at sa nakalipas ng mahigit isang taon nakaranas tayo ng


kakulangan sa lahat ng bagay, may nawalan ng trabaho, may nagugutom at
maraming bagay ang naapektuhan sa krisis na hatid nito ngayong pandemya baa
ting nararanasan ay may mga ipinatupad ang mga pamahalaan upang maiwasan
ang pagkalat ng sakit na nagdudulot ng krisis o tinatawag na covid-19. Ilan lamang
dito ang mga protokol na maghugas ng kamay, pagsuot ng facemask at face shield
at pagsunod sa social distancing ng higit isang metro.

At ngayon buong ginagawa at binibigyang pansin ang pagkakaroon ng vaccine ng sa


ganon ay mawakasan o mabawasan ang pagkahawa ng sakit na covid-19.

Konseptwal Na Balangkas

Malayang Baryabol Di Malayang Baryabol

Pangangasiwa
Nasisiyahan ang mga residente ng
p Ng
Barangay Rang-ay, Banga, South Cotabato.
Pamahalaan.

Figura 1. Konseptwal na Balangkas ng pag-aaral


SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito upang malaman ang pangangasiwa ng


pamahalaan sa gitna ng covid-19 sa Barangay Rang-ay, Banga, South Cotabato.

Kaya’t magsilbing tuntunin ito ng mga mag-aaral upang matugunan ang mga
sumusunod na suliranin.

1. Ano ang mga naganap na positibong pamamahala sa barangay rang-ay, banga,


south cotabato.

a. ang mga BPAT ay pinapaalala sa mga residente ng barangay rang-ay na


magsuot ng facemask at faceshield.

b. nagbibigay ayuda ang namamahala sa barangay rang-ay.

c. nagpapatupad ang namamahala sa barangay rang-ay ng bagong protokol na


bawal lumabas kung hindi kinakailangan.

2. Ano ang mga naganap na negatibong pamamahala sa barangay rang-ay, banga,


south cotabato.

2.1 ang ibang namamahala at mga residente sa barangay rang-ay, banga, south
cotabato ay hindi sumusunod sa protokol na ipinapatupad nila.

2. 2 ang ibang pamilya ay hindi nabigyan ng ayuda.

2. 3. Ang ibang mga empleyado ng barangay rang-ay, banga, south cotabato ay


kulang ang pinagkakakitaan sa pang araw-araw na gastosin.

3. Ano-ano ang mga gawain ng mga residente ng barangay rang-ay, banga, south
cotabato.

3. 1 pagtatanim ng gulay sa bakuran.

3. 2 pagtratrabaho sa kani-kanilang pinagtratrabahuhan.


SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

3. 3 paglinis ng bahay.

Haypotesis

Ang null na haypotesis ay susubukan sa 0.10 label ng kabuluhan

1. Madaming napatupad na proyekto at nagging handa ang mga mamamayan sa


pangangasiwa ng pamahalaan sa gitna ng covid-19 sa barangay rang-ay, banga,
south cotabato

2. Walang gaanong proyekto at di nabigyan ng mga mamamayan ang patungkol sa


covid-19 sa pangangasiwa ng pamahalaan sa gitna ng covid-19 sa barangay rang-
ay, banga, south cotabato

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalagang malaman ng bawat isa at ng mga


mamamayan kung ano ang mga nangyari sa pamamahala sa barangay rang-ay,
banga, south cotabato. Ang residente ng barangay rang-ay nagkakaisa upang
maging maayos ang pangangasiwa ng pamahalaan na naayon sa makakatulong

Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay reyalisasyon upang maisip o maintindihan ng


mamamayan ang mga nagaganap sa kanilang barangay. Maaaring makapagbigay
ng magandang impormasyon sa mga mag-aaral upang mamulat sa kanilang
kaisipan ang mga magandang natulong ng barangay rang-ay sa mga residente nito.
Maaaring gabay ito sa mga namamahala dito na panatilihing maging ligtas sa
panahon ngayon.
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa pangangasiwa ng pamahalaan sa


barangay rang-ay, banga, south cotabato.

Ang respondente ng pag-aaral na ito ay dalawampu(20) taong pinili sa barangay


rang-ay,banga, south cotabato. Ang mga napiling respondente ay ang mga may
kakayahang sagutin ang mga maaaring katanungan sa pananaliksik na ito.
Isasagawa ang pag-aaral na ito sa darating na Hunyo 5,2021- Hunyo 12,2021 sa
mismong lugar.

Operasyonal na mga termino

Ang mga sumusunod ay mga terminolohiya sa loob ng pag-aaral na ito ay bigyan


ng kahulugan para sa mga mambabasa sa ikakadali ng kanilang pag-unawa.

Pangangasiwa- Ang paraan ng pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon sa


Barangay Rang-ay at kung paano nila mabibigyan ng tulong ang mga mamamayan.

Pamahalaan- Ito ang mga taong namamahala, tumutulong at palaging nagpapaalala


ng palaging maging maingat at alagaan ang kalusugan at nagpapatupad ng mga
health protokol sa mga mamamayan ng Barangay Rang-ay.

Covid-19- Ito ay nagdudulot ng malubhang sakit at rason kung bakit maraming


mamamayan ng Barangay Rang-ay ang nawalan ng pagkakakitaan at trabaho at
naghihirap ngayon.

Barangay Rang-ay, Banga, South Cotabato- Lugar kung saan matatagpuan ang
pag-aaral o isinagawa ang pag-aaral.
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang coronavirus ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit,
mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malulubhang impeksyon tulad ng
MERS-COV at SARS-COV. Ang coronavirus ay maaari ring magdulot ng iba’t ibang
sakit sa mga hayop. Noong ika 31 ng disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng
pneumonia sa wuhan, china. Napag-alaman kamakailan lamang na ang kaso ay
dulot pala ng isang uri ng hindi pa kilalang coronavirus. Ang coronavirus na ito ay
karaniwang sa hayop lamang natatagpuan, at hindi pa nakita sa mga tao noon.

Noong ika 24 ng enero 2020, kinumpirma ng world health organization na ang 2019-
nCoV ay naipapasa sa tao-sa-tao. Ngunit wala pang sapat na ebidensyang
nagpapatunay sa tindi at bilis ng pagkahawa nito, maging ang orihinal na
pinanggalingan ng outbreak. Masuri paring pinag-aralan ng mga eksperto ang
pinanggalingan ng sakit at kung paano ito kumakalat. Bagama’t napatunayan na iba
ito sa SARS at MERS, ang bilis ng pagkalat at bagsik nito ay patuloy pang inaalam.

Sa ika 18 ng mayo 2021, ang opisyal ng pangkalusugan ng county ay nagpalabas


ng bagong kautusan na nagtataguyod ng nakatuon na mga pamamaraan sa
kaligtasan na idinisenyo sa pagbawas sa pagkalat ng covid-19. Marami sa mga
nakaraang paghihigpit ay hindi na kailangan dahil mayroon ng pagtaas ng bilang at
paglaganap ng pagbabakuna at may mga kakaunting kaso ng covid-19 sa
komunidad. Gayunpaman, mahalaga na mas maraming tao ang mabakunahan at
ang mga hindi nabakunahang tao ay magpatuloy na gumawa ng mga naangkop na
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

mga pamamaraan sa kaligtasan. Sa gayon, ang bagong kautusan ay


nangangailangan sa mga employer na tumukoy kung sino sa lugar ng trabaho ang
nabakunahan na para sumunod sa kasalukuyan at inaashan na mga patakaran ng
county at estado na nauugnay sa kaligtasan sa covid-19 sa lugar ng trabaho. Ang
bagong kautusan ay magkakabisa sa miyerkules, mayo 18,2021 kapag ang county
ay papasok sa dilaw na antas ng plano para mas ligtas na ekonomiya ng estado.

Papalitan ng bagong kautusan ang oktubre 5,2020 na binagong kautusan ng


pagbabawas ng panganib at magreretiro ng marami sa kanilang mga kinakailangan,
kabilang ang sumusunod: pag maximize ng telework na trabaho ay hindi na
kinakailangang mag-maximize ng bilang ng mga tao na nagtratrabaho nang
malayuan(remotely). Ang mga protokol ng pagdistansya sa ibang tao ay hindi na
kinakailangan: ang mga negosyo at entidad ng gobyerno ay hindi kinakailangan na
magsumite ng mga protokol ng pagdistansya sa ibang tao sa public health
department ng county. Sa halip, sila ay dapat sumunod sa anumang patakaran ng
estado na naangkop sa kanilang negosyo, kabilang ang mga cal/OSHA’s COVID-19
emergency prevention regulation na naaangkop sa karamihan sa mga negosyo.

Tinanggal na ang lokal na mahigpit na ipinapatupad na direktiba sa mga limitasyon


sa kapasidad, wala nang mga lokal na patakaran na nauugnay sa kapasidad. Para
sa impormasyon sa kung ano ang pinapayagan sa mga county na nasa dilaw na
antas, tingnan ang plano para sa mas ligtas na ekonomiya ng estado at ang
webpage ng patnubay sa industriya sa pagbawas ng panganib ng estado. Papalitan
ng bagong kautusan ang mga naunang paghihigpit sa mga aktibidad na may
kakaunting nakatuon na mga kinakailangan na nauugnay sa pagbabakuna, mga
panakip sa mukha, at pag-uulat ng kaso. Kabilang dito ang: mangailangan sa lahat
ng mga negosyo at entidad ng gobyerno na tumukoy ng katayuan ng pagbabakuna
ng lahat ng kanilang empleyado(at mga contractor at boluntaryo sa lokasyon).
Sertipikasyon sa katunayan ng pagbabakuna mangailangan sa lahat ng mga
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

indibidwal, negosyo, at entidad ng gobyerno na sumunod sa mahigpit na


ipinapatupad na direktiba sa paggamit ng mga panakip sa mukha. Mangailangan sa
lahat ng mga negosyo at entidad ng gobyerno na sumunod sa mahigpit na
ipinatupad na direktiba para sa mga hindi nabakunahang tauhan ng opisyal ng
pangkalusugan. Mangailangan sa lahat ng mga negosyo at entidad ng gobyerno na
magpatuloy sa agarang pag-ulat ng mga kaso ng covid-19 sa kanilang mga tauhan
sa public health department, at na ang lahat ng mga programa ng
kabataan( kabilang ang mga paaralan, kampo, isports program, at iba pang mga
programa ng kabataan) ay magpatuloy sa pag-uulat ng mga kaso ng covid-19, tulad
ng ipinaliwanag sa mahigpit na ipinapatupad na direktiba sa pag-uulat ng kaso ng
paaralang k-12, mga programang atletiko ng kabataan, at iba pang mga programa
ng kabataan.
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

KABANATA III

PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng disenyo ng pag-aaral, lugar ng pag-aaral,


mga respondente ng pag-aaral, pamamaraan, kagamitan sa pangangalap ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pamamaraan na ginamit sa pananaliksik nay hindi pang-eksperimentong


pananaliksik o pagsisiyasat(survey). Walang kundisyon na kasangkot sa ganitong uri
ng pag-aaral. Pagkakalap at pagkolekta lamang ng datos o impormasyon. Gumamit
ito ng pagsisiyasat(survey) bilang isang diskarte sa pangangalap ng datos na
makakakuha ng mga katotohanan o impormasyon tungkol sa paksa o bagay ng
pananaliksik sa pamamagitan ng mga instrumento sa pangangalap ng datos ng
pakikipanayam at talatanungan.

Lugar ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Barangay Rang-ay, Banga, South


Cotabato. Pinili ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral dito dahil hindi ito
malayo at mas madaling Makita/maabot ang kanilang mga respondent.
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

Respondnte ng Pag-aaral

Ang respondente/sumagot ng pag-aaral na ito ay ang 20 na residente ng


Barangay Rang-ay, Banga, South Cotabato.

Sampling Teknik

Upang mapili ang mga respondente ang uri ng mga diskarte ng sampling teknik.
Ang mga mananaliksik ay pinili ang (CONVENIENCE SAMPLE) dahil binubuo ito ng
mga tao na madaling maabot at iyon din ang dahilan kung bakit pinili ng mga
mananaliksik ang mga residente ng Barangay Rang-ay, Banga, South Cotabato.
Pinili din ng mga mananaliksik ang (PURPOSIVE SAMPLING) o kilala rin bilang ang
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

pagpipilian, o pag-subject na sampling. Ang pamamaraan na ito ay umaasa sa


paghatol ng mananaliksik kapag pumili kung sino ang hihilingin na lumahok.

Instrumentong Ginamit

Ang instrumento o materyal na ginamit upang mangolekta ng datos na ginamit ng


mananaliksik ay ang talatanungan. Gumamit ang mananaliksik ng hindi pang-
eksperimentong pananaliksik sapagkat walang kundisyon na kasangkot sa ganitong
uri ng pag-aaral. Ang pangangalap at pagkolekta lamang ng datos ng impormasyon.

Ang mga iminungkahing pagsusulit ay dumaan sa mga pagsusuri ito ay sinuri ng


guro upang masuri kung ang pagsusulit ay nakaugnay sa topiko, ito ay upang
malaman kung ang mga pagsusulit ay nasa leksiyon na nagging batayan sa pag-
aaral na ito.

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Bago isagawa ang pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay kinakailangang ipa
apruba sa guro ang proyektong ito upang ang mga mananaliksik ay makapagsimula
na sa kanilang pananaliksik sa pagkuha ng datos sa mga respondente batay sa
topikong pinag-aralan.

Paghingi ng permiso sa tagapamahala sa Barangay Rang-ay, Banga, South


Cotabato

Pagsasagawa ng paunang pagsusulit

Pangangasiwa ng pamahalaan sa gitna ng covid-19

Pagsusuri ng resulta gamit ang istatitikal tritment


SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

Figura 4. Pangkalahatang ginamit sa pag-aaral

Rating Scale ng Pangangasiwa ng Pamahalaan sa Gitna ng Covid-19

Upang matukoy ang resulta ng pag-aaral sa pangangasiwa ng pamahalaan sa


gitna ng covid-19 sa mga mamamayan ng Barangay Rang-ay, Banga, South
Cotabato. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng likert scale mula sa
simplypsychology.org upang bigyan kahulugan ang resulta ng pag-aaral.

Bilang Deskriptibong Reyting


5 Lubos na sumasang-ayon
Sumasang-ayon
4
Hindi Sigurado
3
Hindi Sang-ayon
2
Hindi lubos na sumasang-ayon
1

Istatistikong Ginamit

Pagkatapos ng pagsusulit ay itinala at sinailalim sa istatistikong gamit upang


malaman ang resulta ng pag-aaral ang mga mananaliksik ay gumamit ng statictical
mean gain para matukoy ang makabuluhang pagsusulit ginamit ng mananaliksik ang
tally upang malaman kung ang mga resulta ng pag-aaral ay may magandang epekto
sa mga mamamayan ng Barangay Rang-ay.

Ang lahat ng mga statistical computations ay gagawin sa Microsoft excel at sa


tulong ng Scientific Calculator upang matiyak ang kawastuhan ng datos na kailangan
sa pag-analisa sa pananaliksik.
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City

You might also like