You are on page 1of 16

Epekto ng Pagpapalaganap ng Batas Curfew sa Pagpapaigting ng

Seguridad sa Barangay Guyong

Isang Pananaliksik na iniharap kay

G. Ferdinand S. Fernando

Guro sa Filipino

Sa Fortunato F. Halili National Agricultural School

Guyong, Sta. Maria, Bulacan

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Kinakailangan

sa Asignaturang Filipino

Fatima Faith A. Baltazar

Cedrick Arthur A. Pefanio

2020
Kabanata 1

PANIMULA

Ang isang komunidad ay mayroong karapatan na magpatupad ng mga batas na

dapat sundin ng mga nasasakupan upang maiwasan ang kaguluhan at mapanatili ang

kaayusan ng isang barangay. Dapat maintindihan at maunawaan ng bawat isa na ang mga

isinasagaawang proyekto at programa ng gobyerno ay para sa kani-kanilang kapakanan.

Batas para sa Curfew. Ito ay batas na nagpapanukala ng isang tukoy na oras kung

hanggang kailan lamang maaaring manatili sa labas ang mga menor de edad mula 17

anyos pababa o tinatawag na Juvenile Curfew Laws. Sa kabilang banda, sakop din nito

ang paglilimita ng oras kung hanggang kailan lamang pinahihintulutan ang mga negosyo

na magbukas na tinatawag naman bilang Business Curfew Hours. Naisakatuparan ang

batas na ito sa pamamagitan ng House Bill 894 o Disciplinary Hours for Minors Act na

umiiral naman sa Brgy. Guyong; sa panukalang ito, ipinagbabawal ang mga batang 17

taon gulang pababa na gumala, maglibot, o matulog sa lansangan nang walang kasamang

nakakatanda, sa pagitan ng alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.ng gabi

(Magsaysay, 2017). Ang sinumang mahuli na lumalabag ay dinadala sa Pamahalaang

Barangay ng Guyong, ipinapatawag ang magulang, at kinabukasa`y pinaglilinis ng

kapaligiran bilang parte ng community service.

Ayon sa pag-aaral ni Maslow tungkol sa herarkiya ng mga pangangailangan o

hierarchy of needs na tinukoy ni Villarica (2011) ang pinakapangunahing inaalala ng mga

tao ay ang kaligtasang pisikal. Seguridad ang pinakapangunahing mithiin ng mga tao sa

isang lipunan at maraming bagay ang maaaring maging dahilan upang masira ang
kapayapaan at kaayusan sa isang barangay ilan rito ang; droga, at iba`t ibang uri ng

krimen. Ang Brgy. Guyong ay naihayag na bilang drug-free kaya naman wala nang

problema sa isyu ng droga na maaari pang dumagdag sa maaring ipagalala ng mga

naninirahan dito (Gutierrez, 2020). Ang tanging problema na lamang na dapat kaharapin

ng pamahalaan ay kung paano babawasan ang mga pagala-galang kabataan pagsapit ng

gabi upang masiguro ang kanilang kaligtasan at mailayo sila sa mga hindi magagandang

pangyayari at aksidente.

Maraming magagandang bagay ang maaaring maidulot ng curfew tulad ng

pagpapababa ng insidente ng mga frat war. Maiiwasan din ang pagkagumon sa mga bisyo

gaya ng paggamit ng shabu, ecstasy, marijuana at iba pa. Hindi maikakailang maraming

kabataan ang nasasangkot sa hindi magagandang bisyo, ang ilan nama`y nagiging biktima

ng mga krimeng laganap tuwing gabi sa lansangan. Subalit, sa pagpapairal ng curfew ay

nararapat din namang pahintulutan ang ilang kabataan na hindi mahuli lalo na`t kung

siya’y nagtatrabaho sa gabi gaya ng mga waiter, hospital aides, gasoline boy o kung

siya’y nasa labas na kasama ang magulang (Del Mundo, 2012).

Ang Barangay Guyong ay isa sa 24 na barangay na bumubuo sa bayan ng Santa

Maria, Bulacan. Ito ay ang ika-9 na pinakamalaking barangay sa Sta.Maria na mayroong

361. 91 ektarya ng lupa. Ayon sa Census na isinagawa noong 2015, ang populasyon sa

Brgy. Guyong ay umaabot sa 15,291 katao, pinaniniwalaang tumaas ito ng 3.7% kumpara

sa mga nagdaang taon; binubuo nito ang 5.75% ng populasyon ng buong Sta. Maria.

Gayunpaman, base sa kaligiran ng problemang kinkaharap ng Brgy. Guyong, ang

pag aaral na ito ay naglalayong alamin kung ano ang kahalagahan ng paghihigpit ng isang
barangay ukol sa curfew at kung gaano ito kaepektibo sa pagbabawas ng krimen at hindi

magagandang insidente sa komunidad.

Layunin ng Pag-aaral

Ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay naglalayong palawigin ang kaalaman ng

mga mag-aaral sa Senior High School ng Fortunato F. Halili National Agricultural

School ukol sa batas Curfew at kung paano ito umiiral sa Brgy. Guyong.

Layunin nitong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng pagpapairal ng curfew sa barangay at paano ito

nakatutulong sa aspeto ng:

1.1 kapayapaan

1.2 kaayusan

1.3 disiplina; at,

1.4 seguridad

2. Ano-ano ang kadalasang dahilan ng mga kabataang nahuhuling lumalabag sa

batas curfew?

3. Gaano kaepektibo ang pagpapatupad ng curfew sa Brgy. Guyong at gaano na

kalaki ang naging kontribusyon nito sa pagbabawas ng krimen?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring magkaroon ng magandang dulot sa

mga sumusunod:
Mag-aaral. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa batas curfew ay

maaaring makapanghikayat sa mga mag-aaral na huwag masyadong magpapaabot ng

dilim sa daan. Malalaman din nila na saanmang lugar umiiral ang mga batas na ito ay

ligtas at malayo sa kapahamakan ang mga kabataan.

Mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng kapanatagan sa mga

magulang kung gaano kaligtas ang komunidad na kanilang kinabibilangan hindi lamang

para sa kanila ngunit gayon din naman sa kanilang mga anak.

Mananaliksik. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga

mananaliksik upang masolusyunan mga mga problemang kinakaharap at kakaharapin pa

lamang ng iba`t ibang komunidad sa Pilipinas kung sakaling kakailanganin nilang

mangalap ng mga impormasyon ukol dito.

Mga Residente ng Brgy. Guyong. Makatutulong ito upang maliwanagan ang

mga nasasakupan ng Brgy. Guyong na ang batas curfew ay isinasagawa hindi lamang

para paghigpitan ang mga kabataan ngunit para siguraduhin na laging kapakanan ng

kanilang seguridad.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang kahalagahan at epekto ng pagpapatupad ng

curfew sa mga kabataang lalaki at babae ng mga mag-aaral ng Fortunato F. Halili

National Agricultural School (FFHNAS) na residente ng Brgy. Guyong. Saklaw din ng

pag-aaral na ito kung anu-ano ang iba`t ibang karanasan ng mga kabataang nahuli nang

lumalabag sa batas curfew at kung ano ang pananaw ng mga magulang ukol dito.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng mga respondante mula sa

mga mag-aaral ng FFHNAS SHS sa iba`t ibang espesalisasyon. Nais makabuo ng mga

mananaliksik ng 10 respondanteng babae at 10 respondanteng mula sa mga kalalakihan

upang makakuha ng kabuuang bilang na 20 na respondanteng na magiging daan upang

maisakatuparan ang pananaliksik.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na

salita ay binigyang kahulugan;

Curfew- ay ang takdang oras o hudyat ng pagbabawal sa mga menor de edad na

manatili sa labas ng kani-kanilang mga bahay. Ito rin ay pagtatakda na dapat ng

lisanin ng mga kabataan ang lansangan at iba pang pook pasyalan upang masiguro

ang kanilang kaligtasan.

Menor de edad- mga kabataang nasa edad 18 pababa na hindi pa sumasapit sa

legal na edad para makasuhan at mapatawan ng mga mabibigat na

responsibilidad.

Community Service- ay isang uri ng parusa o hatol sa mga menor de edad na

lalabag sa anumang batas ng barangay kung saan pagagawain sila ng mga bagay

na makatutulong sa pagsasaayos ng komunidad.

Frat War- ay ang pagkakagulo o pag aaway away ng mga fraternity groups na

maaaring magresulta sa pagkakasakitan hindi lamang ng mga kasali sa grupo

kundi pati rin ng mga napapadaan daan lamang ay maaaring madamay.


Shabu- ay isang uri ng ipinagbabawal na gamot. Ito ay slang term para sa crystal

meth o methamphetamine.

Ecstasy- ay isa ring uri ng ipinagbabawal na gamot sa Pilipinas. Methylenedioxy

methamphetamine ang tunay na ngalan ng drogang ito na nakapagpapaliksi at

nagpapalakas ng pakiramdam ng sinumang gumagamit nito.

Marijuana- tinatawag ding Cannabis, isang droga na ipinagbabawal din sa bansa

sapagkat imbis na magamit ito pangmedikal ay inaabuso ang paggamit nito upang

maging buhay na buhay ang diwa ng isang tao.

Drug Free- ay ang kondisyon ng isang partikular na lugar na walang naitalang

sinuman sa listahan ng mga gumagamit ng mga iligal na droga.


Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa kasalukuyang panahon, hindi maikakailang laganap na ang iba`t ibang uri ng

krimen dito sa ating bansa. Ang panggagahasa, paggamit ng iligal na gamot, pagkidnap,

at pagnanakaw ay ilan lamang sa mga talamak na krimeng dapat na masolusyunan. Ayon

sa Philippine Crime Rate & Statistics, ngayong 2020 ay tumaas ng 16.24% ang porsyento

ng krimen sa ating bansa mula sa 11.02% noong 2015. Ang Pilipinas ay mayroong

pinakamataas na porsyento ng krimen sa buong Southeast Asia, at ang ilan sa mga

nangungunang krimeng talamak dito ay; Illegal drug trade, human trafficking, murder, at

domestic violence. Dahil dito, maaari nating masabing, hindi na talaga ganoon kaligtas

ang ating bansa sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin nasosolusyunan ng gobyerno

kung paano pabababain ang bilang ng mga nabibiktima ng mga kriminal na pakalat-kalat

kung saan-saan.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Estonio (2014), may mga krimeng maaaring

maituring na maliit lamang tulad ng pagnanakaw, mayroon din namang maaaring maging

sobrang kamuhi-muhi tulad ng pangkikidnap at pagpatay. Samakatuwid, upang

mabawasan ang mga ganitong pangyayari sa Pilipinas lalo na sa mga barangay,

kailangang panatilihin ng isang komunidad ang kapayapaan at kaayusan o peace and

order. Sa puntong ito nagkakaroon ng papel ang mga opisyal ng barangay katulong na rin

ang mga pulis at militar.

Sa Baranggay ng Guyong, aminado ang mga opisyal na hindi maiiwasang

magkaroon ng mga pagkakataong may krimeng bigla-biglang susulpot kahit pa


kahit pa mahigpit na ang seguridad sa buong barangay. Ayon kay Gutierrez (2020), ang

Brgy. Guyong ay marami nang mga problemang nasolusyunan at napagtagumpayan

katulad ng traffic sa pamamagitan ng road widening at pagbabawas sa bilang ng mga

gumagamit ng iligal na gamot. Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan sa isang baranggay

na magkaroon ng mga insidenteng may nawawalang bata, may naaksidente sa kalsada at

marami pang iba. Hinggil dito, ang Brgy. Guyong ay mayroong ordinansang nakaayon sa

Batas Curfew o Saligang Batas 9344 na kilala rin bilang Juvenile Justice and Welfare Act

of 2006. Nakapaloob sa batas na ito na ang mga kabataang nasa 15 taon pababa at

mahuhuling nasa labas pa ng kani-kanilang tahanan pagsapit ng 10 ng gabi ay

maipagpapaliban sa pagkakakulong ngunit nararapat na sumailalim sa isang intervention

program na isasagawa ng baranggay.

Unang pagpapatupad ng curfew ay marami agad kabataan ang dinampot at dinala

sa presinto at barangay hall at saka pinagsabihan ang mga ito. Pero sa ikalawang

pagkakataon na mahuli, ay ang magulang na ang mananagot. Kasalanan ng magulang

kung bakit lalabuy-laboy pa ang kanilang anak sa kalsada. Kasabay ng pagpapatupad ng

curfew sa mga menor-de-edad ay pinaghuhuli rin naman ng mga pulis at barangay tanod

ang mga kalalakihang nag-iinuman sa kalye at ganundin ang mga nagvivideoke na

nakakabulahaw sa mga kapitbahay, (Estonio, 2014). Sa kabilang banda, mayroon pa ring

iilang mga kabataang tumututol sa batas na ito sapagkat nilalabag daw nito ang kanilang

karapatan bilang kabataan. Ayon naman kay Medina (2011), walang magandang dahilan

na manatili ang kung sinumang kabataan sa labas ng kanilang mga tahanan sa disoras ng

gabi, hindi ito paglabag at pagtatakda sa kanilang karapatang maging malaya bagkus ay

paglalayo lamang sa kanila sa kapahamakan.


Tangi sa riyan, madalas ay hindi lamang ang mga kabataan ang nabibiktima ng

mga insidenteng hindi kanais-nais, bagkus ay kung paminsan, sila pa ang nasasangkot sa

mga ganitong krimen tulad ng paggamit ng iligal na droga at iba-ibang uri ng karahasan.

Ang pagpapalaganap at pagpapairal ng curfew sa mga kabataan ay makatutulong upang

maialis ang mga kabataan sa mga kalsada at galaan lalo na`t sa mga delikadong oras kung

saan talamak ang mga krimeng nangyayari, mailalayo sila sa pahamak at mapapanatag

rin naman ang kalooban ng kanilang mga magulang, (Piedad et al., 2011).

Sa lahat ng ito, ayon kay Shehayeb (2010), ang seguridad ay isang uri ng

pakiramdam. Ang importansya ng pagbibigay ng seguridad sa isang komunidad ay hindi

maaaring ituring na maliit na bagay sapagkat ang pakiramdam na hindi ligtas ang iyong

paligid ay maaaaring magresulta sa pagiging ilag ng mga tao sa isa`t isa o antisocial at iba

pang hindi magagandang kahihinatnan. Buhat dito, mayroong pangangailangan sa

pagpapanatili ng maigting na seguridad sa komunidad para makapagbigay na

kapanatagan sa mga residente ng saanmang lugar.

Gayunpaman, ang kahalagahan ng curfew sa mga kabataan ay upang matulungan

at maprotektahan ang mga kabataang walang muwang at walang laban sa mga umaabuso

sa kanila sapagkat hindi lahat ng magulang ay responsable at ilan sa kanila`y nahahayaan

na lamang na magdusa ang kanilang mga anak, maging sa krimen man ito o mga

aksidente nang hindi nila nalalaman na mayroon nang bisyo ang kanilang anak. Dapat

siguraduhin ng isang komunidad na ang ganitong mga kabataang napapabayaan ay

nakakabalik sa kani-kanilang tahanan nang matiwasay kahit gaano man kaabala ang mga

magulang sa kanilang trabaho, (Caraig, 2012).


Kabanata IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Ang pagpapairal ng curfew sa baranggay ng Guyong ay mahalaga sapagkat

maraming kabataaan ang nalululong sa mga hindi magagandang bisyo na nakukuha nila

sa mga mas nakatatanda sa kanila at ang mga ganitong pangayayari ay kadalasang

nagaganap tuwing gabi. Dagdag pa rito, makatutulong ito sa aspeto ng kapayapaan sa

isang baranggay sapagkat, ang curfew ay hindi lamang umiiral sa mga kabataang pagala-

gala sa daan bagkus ay pati na rin sa mga magdamagang nagiinuman sa daan at mga

nagvivideoke na madalas nakakabulahaw sa mga kapitbahay. Mayroong mga

pagkakataon sa Brgy. Guyong kung saan nagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan

ang mga magkakapitbahay dahil sa mga ganitong pangyayari.

Makatutulong rin naman ito sa kaayusan ng komunidad sapagkat sinumang

nahuhuling lumalabag sa batas curfew ay inisasailalim sa community service programs

na makatutulong rin naman upang may makatuwang ang mga opisyal ng baranggay

kaalinsabay ng pagbibigay parusa sa mga nahuli. Minumungkahi rin nito ang disiplina sa

paraan ng paglulundo sa bawat tao sa isang komunidad na ang pamahalaan ay may

kapangyarihan at karapatan isailalim ang kanilang nasasakupan sa kung anumang batas

ang makabubuti sa mga mamamayan. Maraming mga mamamayan ang hindi basta-basta

sumusunod sa mga ganitong alituntunin at ordinasa ngunit sa pagpapairal nito ay mas

mapagiigting at makikita ng bawat isa na ang lahat ng ito ay upang madisiplina at

maitama ang gawi hindi lamang ng mga kabataan gayun din sa mga may edad na.
Sa huli, ang batas curfew ay may malaking papel na ginagampanan sa

pagpapalaganap ng seguridad sa isang partikular na lugar sapagkat makatutulong ito na

obligahin ang mga kabataang manatili na lamang sa kanilang mga tahanan pagsapit ng

ika-10 ng gabi nang sa gayon ay mailayo sila sa anumang kapahamakang naghihintay sa

kanila sa kalsada lalo pa`t hindi na ganoon kaligtas dito sa mundo at bansa nating

kinagagalawan. Ang aspeto ng seguridad ay ang pinakamahalaga at pinakapangunahing

dahilan kung bakit dapat magpatupad ng curfew sa lahat ng baranggay hindi lamang sa

Guyong, upang kahit papaano ay walang sinuman ang mapapahamak, maaksidente at

mawawala sa tamang landas.

Ang kadalasang dahilan ng mga kabataang nahuhuling lumalabag sa batas curfew

ay ang ginagabing gala ng mga kabataan kasama ang kanilang mga kaibigan. Ilan rito ay

galing sa mga inuman at mga pinuntahang selebrasyon ng kaarawan ng kabarkada o kaya

nama`y nanggaling sa internet cafes. Sa kabilang banda, mayroon ding iba na

kinailangang magpagabi upang tapusin ang isang gawain na kailangang ipasa sa klase at

ang iba nama`y nagtatrabaho habang nag-aaral upang may maipangtustos sa mga

pampamilya at pansariling pangangailangan.


Kabanata V

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM NG NATUKLASAN

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning madetermina ang istatus ng

pagpapairal ng batas Curfew sa baranggay ng Guyong, Sta. Maria, Bulacan. Ang anyo ng

pananaliksik na sinusunod ng pag-aaral ay isinapraktika at deskriptib na sarbey naman

ang ginamit upang mangalap ng mga datos at impormasyon. Nagdisenyo ang mga

mananaliksik ng mga nakatakdang tanong na ginamit na instrument sa pangangalap ng

mga datos mula sa Pamahalaang Baranggay ng Guyong at mga respondent. Ang pag-

aaral na ito ay isinagawa sa taong-akademiko 2019-2020.

Base sa mga ideya na pinagsama-samang mga kaugnay na pag-aaral at literatura,

mahihinuha na nagkaisa ang mga ito na ang curfew ay malaking tulong upang masiguro

ang kaligtasan ng bawat kabataan at mamamamayan sa isang komunidad. Ang mga

impormasyong inilahad ng mga pag-aaral at literatura na ito ay halos magkakapareho,

halimbawa nalang ang sitwasyon ng Brgy. Guyong noong mga lumipas na taon kung

saan hindi pa ganoon kahigpit ang seguridad sa buong baranggay at wala pang batas

curfew na umiiral para sa mga kabataan. Noon ay talamak ang mga kabataang gumagamit

ng droga at marami rin ang mga nabubuong fraternities lalo na sa mga paaralan ng

Guyong kung saan nahirapan na ang mga awtoridad kung papaano pananatilihin ang

kapayapaan sa buong komunidad.


KONKLUSYON

Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay:

1. Karamihan sa mga kalalakihan edad 18 anyos pababa ang palaging nahuhuling

lumalabag sa curfew ng Baranggay. Ang bilang ng mga babaeng lumalabag ay

katiting na porsyento lamng kumpara sa mga lalaki.

2. Maraming paraan upang mapalaganap ang kapayapaan sa isang komunidad, ilan

na rito ang foot patrol, paglalagay ng surveillance cameras, pagpapaigting ng

kapulisan at higit sa lahat pagpapairal ng curfew.

3. Karamihan sa mga magulang ng nahuling kabataan ay walang alam kung saan at

kung sinu-sino ang kasama ng anak sa disoras ng gabi.

4. May mga pagkakataong umuuwi na ng gabi ang ibang mga kabataan dahil sa mga

kailangang tapusin na aktibidad sa paaralan kasama ang mga kagrupo nila.

5. Nakatulong ang curfew upang mabawasan ang pangunahing problemang mayroon

sa iba`t ibang baranggay at ito ay ang pagkakasangkot ng mga menor de edad sa

paggawa ng krimen o di kaya nama`y pagiging biktima nito.

REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuong mga

mananaliksik ang mga rekomendasyong ito:

1. Mas paigtingin rin ang Business Curfew Hours lalo na ng mga computer

shops o internet cafes upang mabawasan ang mga kabataang nagpapaabot ng

dilim hanggang hatinggabi sa paglalaro sa mga computer shops.


2. Nararapat na magkaroon ng kaugnayan ang lahat ng Baranggay sa Sta. Maria

at pati na rin sa ibang karatig lugar na pare-parehong magpatupad ng curfew

upang sa lahat ng maaari nilang puntahan kasama ang kanilang mga

kabarkada ay mayroon ding umiiral na mahigpit na ordinansa. Sapagkat, kung

sa iisang lugar lamang katulad ng Guyong maghihigpit ay maaaring sa ibang

lugar naman mapahamak ang mga kabataang nagpapaabot ng dilim sa daan.

3. Kung gagabihin para sa isang school-related na gawain, ang isang mag-aaral

ay nararapat na humingi ng correspondence letter mula sa guro ng naturang

asignatura upang may maipakita sa mga opisyal.

4. Ang mga working students, ay dapat na magpakita ng kanilang valid ID kung

saan sila nagtatrabaho at marapat lang din naman na bigyan sila ng baranggay

ng pahintulot lalo pa`t kung gipit na gipit na talaga ang pamilya ng estudyante.

5. Dapat na maliwanagan ang bawat isa sa komunidad na ang paghuli sa mga

kabataang lumalabag dito ay hindi para ipahiya sila sa buong baranggay o

ibaba ang kanilang pagkatao sapagkat para ito sa kaayusan, kapayapaan at

seguridad ng bawat residente ng Brgy. Guyong.


REPERENSIYA:
1. Advantages and Disadvantages of Curfew Laws
https://ourhappyschool.com/debate/curfew-minors-advantageous-or-
disadvantageous
2. Peace and Order https://camilleannedt.wordpress.com/2014/12/18/peace-and-
order-keeping-for-security-barangay-level/
3. Curfew Thesis https://www.academia.edu/35262587/Curfew-thesis
4. Policies
https://www.academia.edu/37783305/Chapter_1_THE_PROBLEM_AND_ITS_S
ETTING_Background_of_the_Study
5. Curfew para sa menor de edad https://news.abs-
cbn.com/news/05/30/17/nationwide-curfew-para-sa-menor-de-edad-isinusulong
6. Curfew Ordinance http://puertoprincesa.ph/?q=articles/filipino-news-curfew-
ordinance-sa-lungsod-hiniling-na-palakasin-ang-implementasyon
7. Juvenile Curfew Laws https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4656116/
8. Curfew (Editoryal)https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2016/07/28/1607381/editoryal-curfew-sa-mga-menor-de-edad
9. Curfew on Minors https://www.scribd.com/document/337137806/Curfew-on-
Minors

You might also like