You are on page 1of 7

I.

PAKSA

Ang silid-aklatan ay isang mahalagang bahagi ng isang paaralan. Sa silid-aklatan

makukuta ang iba't ibang klaseng mga libro at iba pang mga kagamitan na maaaring gamitin ng mga mag-

aaral sa kanilang pag-aaral.

Sa panahon ngayon, marami pa ba ang dumadalaw sa silid-aklatan at nanghihiram ng

libro para masagutan ang mga asignatura o kaya naman ay para may mabasang mga lumang kwento?

Marahil ay kaunti nalang dahil sa pagbabago ng panahon at paglago ng teknolohiya. Ang silid-aklatan ay

laging puno ng mga estudyanteng masisipag magbasa at mag-aral. Diyan niyo maririnig ang librarian ng

“Bawal ang mag-ingay, silid-aklatan ito!”. Andyan yung may nakikita kayong tulog at mga

magkasintahan na ginagawang date ang pagbuklat ng mga libro at nag-aaral ng sabay.

Ngayon, wala nang masyadong kuwento sa loob ng silid-aklatan maliban sa mga inaanay

na libro at makailan-ilan na mahilig magbasa talaga. Sa katagalan kong paggamit ng google sa cellphone

at computer, napag-alaman ko na hindi lahat alam ni google, hindi lahat sa kanya ay may sagot. Kulang

pa din ang impormasyon na kaya niyang ibigay. Sa libro pa din natin mahahanap ang tamang sagot at

kompletong karunungan.

Malimit sa pag-aaral at pananaliksik, nangangailangan ng maraming referensya upang

mahanap natin ang mga kasagutang kailangan. Tumatagal ng mahabang panahon bago ito dumating sa

isang konklusyon sapagkat ang mga impormasyon ay hindi nakukuha sa isang lugar o panahon. Ang

pananaliksik ay isinasagawa ng bawat gustong matuto, maging doktor, guro o maging ng mga mag-aaral

sa kanilang mga aralin sa klase.

Nariyan ang Silid-Aklatan na laging pinupuntahan sa tuwing may kailangang alamin.

Mahabang pisi at pagtitiyaga ang dapat baonin sa loob ng silid na ito, sapagkat ang pakay ay maaaring

hindi lamang matatagpuan sa isa kundi maraming aklat na buong tiyaga mong hahanapin sa linya ng mga
aklat sa napakaraming istante. Gugugol rin ng mahabang oras sa pagbabasa, subalit sa pagbasa ng bawat

detalye nadaragdagan ang mga kaalaman.

Sa paglipas ng panahon, maraming imbensiyon ang nabuo sa hindi maawat na papaangat

na teknolohiya, at maraming bagay ang nagiging posible at madali, maging paraan ng pagkalap ng

impormasyon ay nagiging napakadali na.

Ang Silid-Aklatan dating tambayan ng magkaklase sa tuwing may takdang aralin,

proyekto o bakanteng oras ay nalipasan na rin ng panahon. Dahil sa naglipana ang Internet sa paligid,

halos wala ng mag-aaral ang nakakaisip magsaliksik sa Silid-Aklatan.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao na ang teknolohiya ay nagiging napakalaking tulong

sa pamumuhay ng bawat isa. Ang internet ay isa sa matagumpay na imbensiyon ng siyensiya. Ang

inaakalang imposible ay maaari na palang gawin, maging sa simple o kumplikadong bagay man. Ngunit

anumang bagay na lumalabis sa limitasiyon ay nakasasama. Sa panahon ngayon na maraming bagay na

ang maaaring pumukaw sa atensiyon ng mga kabataan na mamulat sa kaalamang hindi pa nararapat para

sa kanila.

Sa paggamit ng internet ay mas napapabilis nito ang pananaliksik dahil isang pindot mo

lamang ay maaari ka ng makakuha ng impormasyon na iyong kailangan. Sapagkat ito ay nakapagbibigay

ng maraming impormasyon sa pamamagitan ng pook-sapot.

Dahil sa Internet , tila napag-iwanan na ng panahon ang Silid-aklatan wala ng

nagpapahalaga. Subalit laging tatandaan na mas mapagkakatiwalaan, eksakto at totoo ang mga

impormasiyong makukuha sa mga libro sa silid-aklatan. Hindi mo na kailangang magbayad para

makakuha ng impormasyon. Ang kailangan mo na lamang ay sipag at tiyaga sa pagbabasa.

Napakahalaga ng silid-aklatan sa mga mag-aaral dahil dito sila makakakuha ng mga

"reliable sources" na magagamit nila sa kanilang pag-aaral. Nakakatulong din sa mga mag-aaral na
mapalawak ang kanilang kaalaman at madagdagan ang kanilang mga bukabulario mula sa pagbabasa ng

mga libro. Maiiwasan din ang pagkalat ng mga maling impormasyon mula sa "internet".

Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao ang kahalagahan ng pagkakaroon ng silid-aklatan ng

isang paaralan. Ito at lubusang makatutulong upang mapabuti at mapataas ng mga mag-aaral ang kanilang

kaalaman at kalidad ng pag-aaral.

Maaaring napag-iwanan na nga ng panahon ang Silid-aklatan, ngunit mananatili pa rin

ang mga eksaktong kaalaman na hindi mabubura ng panahon.


II. LAYUNIN

Ang layunin ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay makalikom ng mga ideya hinggil sa

pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral na bumabase sa silid-aklatan bilang referensya sa bawat

pananaliksik. Layunin din ng mananaliksik na ilarawan ang bilang ng respondente na gumagamit ng silid-

aklatan.

Ang mananaliksik ay naglalayong masiyasat kung ano ang mas nakatutulong sa

sanggunian sa pag-aaral. Ang mananaliksik ay naglalayong maibalik ang interes ng mga mag-aaral sa

paggamit ng silid-aklatan bilang referensya sa pananaliksik. Naglalayon din na makatulong lalong-lalo na

sa mga mag-aaral upang hondi maapektuhan sa mga umusbong na makabagong teknolohiya at hindi

mababawasan ang kanilang kaalaman sa pananaliksik.

III. PAMAMARAAN

Ang pagbuo ng konseptong papel ay nangangailangan ng mga pamamaraan upang

makakalap ng mga impormasyon. Bago makabuo ang mananaliksik sa paggawa ng pananaliksik

kailangan nangangalap ng impormasyon sa internet dahil sa panahon ngayon marami ang natatakot na

ipahayag ang mga hinaing kaya dito sila sumulat ng masasabi. Marami ang makukuhang impormasyon

ang mananaliksik lalo na ng mga rekomendasyon sa mga ganitong isyu sa mga taong may pagpapahalaga

sa mga libro at ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa silid-aklatan.

Magkaroon ang mananaliksik ng sarbey sa nasabing paaralan at hingiin ang pananaw ng

mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan malalaman ng mananaliksik kung ano

ang persepsyon ng mga mag-aaral tungkol sa pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral na bumabase sa silid-

aklatan bilang referensya sa bawat pananaliksik.


IV. LAGOM

Sa panahon ngayon mas lumala pa ang mga nangyayari sa mga mag-aaral lalo na sa pag-

usbong ng makabagong teknolohiya. Unti-unti nilalamon ang mga tao sa paglipas ng panahon at mas

mapapasama kapag minahal ito ng husto. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nawawalan na ng interes lalo

ng mga mag-aaral sa pagpunta sa silid-aklatan upang magsaliksik. Dahil nalaman na mas mapadali ang

pananaliksik sa internet sa isang pindot lamang at makikita agad ang mga kasagutan. Yan ang dahilan

kung bakit nalilipasan na ang silid-aklatan ngayon dahil sa kakailanganin ng tiyaga kapag magsasaliksik

sa silid-aklatan, makakalap ng mapaniniwalaang kasagutan, nagbibigay ito ng eksaktong sagot sa mga

katanungan at nagbibigay ito ng kaalaman lalo na kapag nagbabasa ng pananaliksik. Layunin ng

mananaliksik na makatulong na maibalik ang interes ng mga mag-aaral sa paggamit ng silid-aklatan para

sa pananaliksik at maitanim sa puso na dapat pahalagahan. Ang mananaliksik ay kumukuha ng ng

impormasyon lalo na sa mga dahilan kung bakit nalilipasan na ng panahon ang mga silid-aklatan.

Nagbigay ang mananaliksik ng mga katanungan sa mga mag-aaral upang maipahayag ang kanilang

masasabi. Ito ang paraang ginamit ng mananaliksik dahil dito mas makakuha ng impormasyon at ang

kanilang rekomendasyon sa isyung ito at natitiyak na totoo ang masasabi.

V. KONKLUSYON
VI. REKOMENDASYON

Marami ang maaaring paraan para maibalik ang interes ng mga mag-aaral sa pagsaliksik

sa silid-aklatan. Ang mairekomenda ng mananaliksik sa isyung ito dapat bigyan ng halaga at panahon

upang magamit ng muli ang ating aklatan. Isa na rin ditto ang meirerekomenda ng pananaliksik na kung

may ipapagawang pananaliksik ang guro ay dapat sa silid-aklatan magtungo at hindi pwedeng gumamit

ng internet, kailangan paghirapan upang makahanap ng tamang sagot sa isang pananaliksik.


Amando A. Fabio Memorial National High School

Sta. Cruz, Placer, Surigao del Norte

S.Y. 2019-2020

Unang Semestre

KONSEPTONG PAPEL

SA FILIPINO

MGA RASON SA PAGBABA NG BILANG NG MGA MAG-AARAL NA BUMABASE SA SILID-

AKLATAN BILANG REFERENSYA SA BAWAT PANANALIKSIK

IPINASA NINA:

PEARLY JANE CRUZ


EMELA MAE SALON
MARK JOSEPH IRISARI
NOBBY TULANG
JELO CRIS LISBOS
JHON MARK EDICA

IPINASA KAY:

G. BENJIE PATULILIC

You might also like