KOMFIL - Gawain Sa Pananaliksik NG Impormasyon

You might also like

You are on page 1of 1

Gawain:

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga sa iyo ang pagpunta sa aklatan? Palagian mo ba
itong nagagawa? Kung hindi, bakit?
Bilang isang mag-aaral, ang pagpunta sa aklatan ay mahalaga para sa akin sapagkat ang
lugar na ito ay nagbibigay ng isang tahimik na kapaligiran para sa mga mag-aaral upang
makapag-aral ng payapa. Higit pa rito, ang silid-aklatan ay nagbibigay ng mga literatura na
makakasigurado ang estudyante na may kredibilidad at nasuri na. Sa kabila ng magagandang
aspeto ng pagpunta sa aklatan, ito ay nagagawa ko lamang minsan sa isang buwan. Ito ay
dulot ng kakulangan sa oras para pumunta sa isang aklatan at ang hindi pagkakaroon ng silid-
aklatan sa lugar kung saan ako nakatira.

2. Paano mo magagawang kawili-wili ang gawaing pananaliksik?


Para sa akin, ang paggawa ng pananaliksik ay magiging kawili-wili kung ang paksa na
iyong pipiliin na saliksikin ay pumupukaw sa iyong interes. Ang isa sa mga bagay na narinig
ko mula sa aking dating propesor na inilalapat ko sa aking sarili kapag gumagawa ng
pananaliksik ay ang pag-iisip nito bilang isang paghahanapsubok upang mahanap ang
katotohanan. Sa ganitong paraan, kahit na tinatamad ka sa simula, sa sandaling gawin mo ang
unang hakbang sa paggawa nito, ay patuloy mong nanaisin na gumawa ng higit pa hanggang
matapos mo ang iyong pananaliksik.

3. Bakit maituturing na makabuluhang gawain ang pagpunta sa aklatan? At bakit mahalagang


ito’y maranasan ng bawat mag-aaral o mananaliksik?
Ang pagpunta sa silid-aklatan ay maituturing na isang makabuluhang gawain dahil ito ay
makakatulong upang hikayatin ang mga mag-aaral na magbasa at marahil ay matutunan
nilang mahalin ang aktibidad na ito. Bilang karagdagan, ang pagbabasa sa pangkalahatan ay
tumutulong sa pagpapalawak ng bokabularyo ng isang tao at ang pagpunta sa aklatan ay
nagbibigay ng tamang kapaligiran at iba't ibang mga libro para mabasa ng tao. Bukod dito,
ang pagpunta sa aklatan ay mahalagang maranasan ng bawat mag-aaral lalo na ang mga
mananaliksik. Kung babalikan natin ang kahulugan ng pananaliksik ay mapapansin natin na
ito ay ang nanggaling sa salita na may ibig na hanapin sa lahat ng dako. Kaya kung ang
pagbabasehan lamang ng mga estudyante sa paggawa ng pananaliksik ay ang mga sors o
batis na makikita sa internet ay hindi ito maituturing na pananaliksik kung nanggaling
lamang ang impormasyon sa isang klase ng sors o sa internet.

You might also like