You are on page 1of 2

1. Paano ang pagpili ng mabuting paksa sa pagbuo ng pinal na pananaliksik?

Ang pagpili ng mabuting paska sa pagbuo ng pinal na pananaliksik  Ito ang ang
unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik na kailangan ang masusing pag-
unawa. Paksa- napakahalagang piliing mabuti upang maging matagumpay ang isang
sulating pananaliksik. Nararapat pinag-isipang mabuti at dumaan sa isang maingat na
pagsusuri upang matiyak na makabubuo ng isang makabuluhang sulatin. Ilang tanong
na maaari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang magpasiya sa paksang susulatin:
Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at
pagsulat ng ukol dito? Angkop, makabuluhan, at napapanahaon ba ang paksang ito?
Magiging kapaki-pakinabang ba ang magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa
partikular sa mga kaklase ko? Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa?
Masyado ba itong limitado? Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng
panahong ibinigay sa amin? Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong
pagkunan ng impormasyon upang mapalawak ang paksang napili ko?

2. Bakit kinakailangan ang paghahanda ng pansamantalang Bibliyograpiya sa pagbuo ng pinal na pananaliksik?

kinakailangan ang paghahanda ng pansamantalang Bibliyograpiya sa pagbuo ng


pinal na pananaliksik dahil dito mo matatanong at masasagot ang mga katanongan
katulad ng ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa? Ano-
anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat bang kagamitan o
sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko
mahahanap ang mga ito? Mula sa iyong mga nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng
pansamantalang bibliyograpiya. Hindi lahat ng mga sangguniang itinala sa
pansamantalang bibliyograpiya ay magagamit subalit mahalaga pa ring kunin ang lahat
ng makikitang may kaugnayan sa paksa spagkat maaaring sa panahon ng pagsusulat
ay makatulong ito sa iyo at hindi ka na kailangang manghagilap ng iyong gagamitin dahil
alam mo na kung saan mo ito mahahanap.

You might also like