You are on page 1of 15

Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng mga Non-readers sa Asignaturang Filipino Ayon sa

Persepsyon ng mga Mag-aaral ng Felizardo C. Lipana National High School

Bacaycay, Jerome N.
Gregorio, Sharon B.
Sanguyo, Jaycel Joy T.
Viray, Eunice Joy M.
Kolehiyo ng Edukasyon

Pambansang Pamantasan ng Bulacan (BulSU)

ABSTRAK

Ang pagbasa ay nagmula sa salitang-ugat na 'basa' at nilagyan ng unlaping 'pag' na


nangangahulugang isang aktibong proseso na kailangang paunlarin at payabungin. Ito ay isa sa
mga limang makrong kasanayan. Kaya naman, mahalaga na mahasa ng mga mag-aaral ang
kanilang kakayahan sa pagbasa. Subalit hindi maitatanggi na mayroon pa ring mga mag-aaral na
hindi makabasa na angkop sa kanilang edad at antas ng pinag-aralan. Iyon ang sentro ng pag-
aaral na ito. Ito ay alamin ang mga dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay isa pa rin ito sa
mga problemang kinakaharap ng mga mag-aaral at maging sa kanilang pinagmulang paaralan.
Ginamit ang pamamaraang palarawan (descriptive method) sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon hinggil sa mga dahilan na kaugnay ng paksa sa pananaliksik. Isandaang bilang ng
mga mag-aaral sa ika-pitong baitang ng Felizardo C. Lipana National High School ang naging
kalahok sa pag-aaral na ito. Ang instrumentong ginamit ay talatanungan na naglalaman ng
dalawamput limang katanungan na nahahati sa limang bahagi; 1.) personal na dahilan, 2.)
gampanin ng magulang, 3.) pamamaraan ng guro, 4.) kalagayan ng silid-aralan at 5.) kalagayan
ng silid-aklatan. Ginamit ang pagsusuring pampamantayan (normative survey) na may limahang
puntos ng iskalang Likert upang masukat ang mga dahilan ng pagkakaroon ng mga non-readers.
Natuklasan sa isinagawang pananaliksik na ang pinakadahilan ng pagkakaroon ng non-readers sa
asignaturang Filipino ay ang personal na dahilan ng mag-aaral. Natukoy ito gamit ang tugon ng
mga mag-aaral sa mga talatanungan na ipinamudmod sa kanila.
Bulacan State University
City of Malolos, Bulacan

Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng mga Non-readers sa Asignaturang Filipino Ayon sa

Persepsyon ng mga Mag-aaral ng Felizardo C. Lipana National High School

nila:

Bacaycay, Jerome N.
Gregorio, Sharon B.
Sanguyo, Jaycel Joy T.
Viray, Eunice Joy M.

Abril 2017
Panimula

Ang pagbasa ay nagmula sa salitang-ugat na 'basa' at nilagyan ng unlaping 'pag' na

nangangahulugang isang aktibong proseso na kailangang paunlarin at payabungin. Ito ay isa sa

mga limang makrong kasanayan. Ang pagbasa ay isang mahalagang aspekto ng wika. Ito ay

pinangungunahan ng pakikinig at sinusundan ng pagsulat. At bilang bahagi ng papa-unlad ng

salik sa pakikipagtalastasan, ang mga guro ay may mahalagang katungkulan upang lubos na

mabigyan ng pagpapahalaga ang ibang aspekto gaya ng pakikinig, pagsasalita, at pagsulat. Sila

ay lubos na nagkakaisa sa paniniwalang mas magiging mabilis at madali na maunawaan ng mga

mag-aaral ang wastong paraan ng pagbasa. Gayunpaman, malaki ang kaugnayan ng pakikinig sa

pagsasalita, pagbasa, at maging sa pagsulat. Sa pagsasalita ay gumagamit ng mga kakayahan sa

pagbasa gaya ng pagbibigay kahulugan sa mga salita, pag-iisip ng maayos, at mabisang haka-

haka. Sa pamamagitan naman ng pakikinig, natatamo ng isang mag-aaral ang mga kaisipang

kanyang nagagamit sa pag-unawa ng mga iba’t ibang babasahin. Samakatuwid, nagkakaroon ang

isang mag-aaral ng ideya hinggil sa kanyang binabasa na makatutulong upang maayos niyang

maipaliwanag ang ibig niyang ipakahulugan. Kaya naman, mahalaga na mahasa ng mga mag-

aaral ang kanilang kakayahan sa pagbasa. Sapagkat sa pamamagitan nito ay nakatutuklas ng

maraming kaalaman at karunungan tutugon sa kanyang pangangailangang pangkabatiran sa iba't

ibang disiplina tulad ng agham, panitikan, teknolohiya, at iba pa. Higit sa lahat, mahalaga ang

pagbasa sa isang tao para hindi mapag-iwanan ng nagbabagong panahon gawa ng mga

makabagong teknolohiyang nagsusulputan ngayon. Subalit hindi maitatanggi na mayroon pa ring

mga mag-aaral na hindi makabasa na angkop sa kanilang edad at antas ng pinag-aralan. Iyon ang

sentro ng pag-aaral na ito. Ito ay alamin ang mga dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay isa

pa rin ito sa mga problemang kinakaharap ng mga mag-aaral at maging sa kanilang pinagmulang
paaralan. Ito ang napiling paksa ng mga mananaliksik sapagkat kahit patuloy pa ring umiiral ang

problemang ito ay hindi pa rin nabibigyang kaukulang atensyon at solusyon. Nais itong bigyang-

diin ng mga mananaliksik sapagkat maliit at pangkaraniwan mang tingnan ang problemang ito,

ay malawak naman ang sakop ng epekto nito.

Sino nga ba ang mga Non-readers?

Ayon kina Martin at Pappas (2006) “A non-reader lacks the skills of a fluent reader.

They read below grade level and struggles with comprehension, phonics, and vocabulary.

Feeling of defeat have turned off their desire to read and they exhibits inappropriate behaviors

to hide their inability to read and comprehend. They read very little and do not like to read”.

Ipinahihiwatig din na ang non-reader ay maaaring uriin sa tatlo: hindi makabasa, ayaw magbasa

at mabagal bumasa o nangangailangan ng mas mahabang panahon upang makabasa.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Inihanda ng mga mananaliksik ang talatanungan at sumangguni sa ilang dalubhasa upang

pagtibayin ang talatanungang gagamitin sa pananaliksik na pinagkuhanan ng datos.

Ang pamamaraang palarawan (descriptive method) ay ginamit sa pananaliksik gayundin

ang pagsusuring pampamantayan (normative survey) sapagkat mahalaga ito sa pagkuha ng datos

gaya ng pagbabahagdan, katumbas na bigat at pagraranggo sa mga nakalap na datos.

Layong tugunan sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod:

1. Anu-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng non-readers?

2. Anu-ano ang maaaring gawin upang matulungan ang mga non-reader na mag-aaral?

Ang mga datos na nakalap ay ginamitan ng pormula na;


P = f/n x 100%

kung saan ang;

P = bahagdan (percentage)

f = dalas o dami (frequency)

n = bilang ng kalahok (number of cases)

Parametrong Likert Scale

Katumbas na Bigat Antas Kahulugan

4.50 – 5.00 5 Napakadalas

3.50 – 4.49 4 Madalas

2.50 – 3.49 3 Hindi Gaanong Madalas

1.50 – 2.49 2 Minsan

0.50 – 1.49 1 Hindi Kailanman

Ang mga mananaliksik ay nagpapamudmod ng mga talatanungan sa isandaang tagatugon

sa mag-aaral ng Felizardo C. Lipana National High School sa ika pitong baitang sapagkat

naniniwala ang mga mananaliksik na makakukuha ng sapat na impormasyon at datos mula sa

mga mag-aaral.
Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng Mga Datos

Ang mga datos na nakalap na may kaugnayan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng mga

non-readers. Nilikom ang mga datos mula sa mga talatanungan na ipinasagutan sa mga mag-

aaral ng Felizardo C. Lipana National High School na nasa ika pitong baitang sa nasabing antas

sapagkat naniniwala ang mga mananaliksik na mula sa napiling tagatugon ay makikita ang

kalutasan sa mga suliranin na nais bigyang linaw sa pananaliksik na ito.

Talahanayan I
Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng mga Non-readers

Timbang
A. Personal na Dahilan na Antas Kahulugan
Promedyo
1. Nagbabasa ako ng aklat tuwing 3.16 3 Hindi Gaanong
wala akong ginagawa sa bahay. Madalas
2. Mayroon akong regular na oras sa 2.81 3 Hindi Gaanong
pagbasa. Madalas
3. Pumipili ako ng aklat na nais kong 3.58 4 Madalas
basahin.
4. Naranasan ko ng mapagalitan ng 1.50 2 Minsan
guro dahil hindi ako makabasa.
5. May iba pa akong
pinagkakaabalahan Hindi Gaanong
(nagtratrabaho, nag-o-online 2.52 3 Madalas
gaming at iba pa) kaya hindi ako
nakakapagbasa.

Batay sa inilahad sa Talahanayan I, natuklasan na kaya hindi makabasa ang isang mag-

aaral dahil minsan na silang nakaranas mapagalitan ng guro. Malaki ang epekto nito sapagkat

ang mga guro ang itinuturing na ikalawang magulang ng mga mag-aaral. Kung gayon, sila ay

dapat ding magkaroon ng pagpapahalaga at pagmamahal sa kanilang mag-aaral upang ang


layunin ng paaralan upang mapaunlad ang mga salik sa pagpapahayag at pakikipagtalastasan,

lalo na sa pasalitang pagbasa ay maisakatuparan.

Talahanayan II
Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng mga Non-readers

Timbang
B. Gampanin ng Magulang na Antas Kahulugan
Promedyo
1. Binibilhan nila ako ng
aklat na maaari kong 2.53 3 Hindi Gaanong
basahin. Madalas
2. Naglalaan sila ng oras para Hindi Gaanong
turuan akong bumasa. 2.69 3 Madalas
3. Inaalam nila ang
kalagayan ko sa klase. 3.70 4 Madalas
4. Abala sila palagi kaya
hindi nila ako 2.21 2 Minsan
nasusubaybayan.
5. Nagtatanong sila sa akin Hindi Gaanong
kung ano ang suliranin ko 3.40 3 Madalas
sa paaralan.

Batay sa mga datos na nakalap, mapapansin na palaging abala ang mga magulang kaya

hindi nila nasusubaybayan ang kanilang mga anak pagdating sa mga gawaing pampaaralan gaya

ng pagbabasa. Ayon nga kay Cartwright (1995), ang mga bata ay mas nagpapakita ng kahusayan

sa paaralan kung sila ay sinusuportahan ng kanilang magulang at kung ang mga ito ay

nakikibahagi sa kanilang edukasyon.


Talahanayan III
Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng mga Non-readers

Timbang
C. Pamamaraan ng Guro na Antas Kahulugan
Promedyo
1. Gumagamit ng ibang istratehiya
ang guro ayon sa sitwasyon sa 3.39 3 Hindi Gaanong
klase. Madalas
2. Laging gumagamit ng biswal
eyds ang guro sa kaniyang
pagtuturo ng asignaturang 3.50 4 Madalas
Filipino
3. Binibigyan ng pagkakataon ang
mga mag-aaral sa pagbasa ng
kuwento bago ito talakayin sa 3.95 4 Madalas
klase.

4. Laging handa ang guro sa


kaniyang pagtuturo hinggil sa 4.17 4 Madalas
asignaturang Filipino.
5. Mas lalong binibigyang pansin ng
guro ang mga mag-aaral na may
kahinaan sa pagbasa. 4.05 4 Madalas

Batay sa inilahad sa Talahanayan III, lumilitaw na hindi nagbabago ang istratehiya na

ginagamit ng guro ayon sa sitwasyon sa klase. Kaya, ang pamamaraang pampagtuturo ay siyang

dapat bigyang-pansin ng guro. Ayon nga kay Navarro (1993), ang pagbabago ng kalidad ng

edukasyon ng mga mag-aaral sa panahong ito ay nakasalalay din sa guro. Sapagkat

kinakailangan na ang guro ay dapat handang-handa sa gawain at iangkop ang kaniyang

pamamaraan sa kakayahan ng mga mag-aaral upang sa ganoon ay maganyak silang mag-aral

nang mabuti.
Talahanayan IV
Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng mga Non-readers sa Asignaturang Filipino

Timbang
D. Kalagayan ng Silid-aralan na Antas Kahulugan
Promedyo
1. Naglilinis kami ng aming silid-
aralan upang ito ay maging 3.96 4 Madalas
kaaya-aya.
2. Kumpleto ang mga kagamitan
ng paaralan na nagagamit ko 4.03 4 Madalas
nang mahusay.
3. Nagagamit ko ang silid-aralan na
may kasiyahan. 4.00 4 Madalas
4. Nahihikayat akong magbasa sa
loob ng aming silid-aralan dahil 3.22 3 Hindi Gaanong
sa angkin nitong kaayusan at Madalas
kalinisan.
5. Maliwanag at mahangin sa loob
ng silid-aralan na nakahihikayat 3.31 3 Hindi Gaanong
sa akin mag-aral. Madalas

Natuklasan sa isinagawang pananaliksik na isa ang silid-aralan sa dahilan kung bakit

nahihikayat ang isang mag-aaral na bumasa. Subalit makikita sa talahanayan na hindi ito

gaanong malinis at maayos sa paningin ng mga tagatugon. Ayon nga kay Calderon (2005), ang

disiplina sa loob ng silid-aralan ay isang proseso sa pagdedebelop sa kakayahan ng mga mag-

aaral, sa pagkontrol sa sarili, pagkilala sa kanilang mga responsibilidad, pagiging pino sa kilos at

gawi at pagkilala sa kanila na kabilang sila sa klase. Sa ganitong kaparaanan, lalong nahuhubog

ang kanilang pagkatao sa lahat ng uri ng pagkatuto.


Talahanayan V
Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng mga Non-readers sa Asignaturang Filipino

Timbang
E. Kalagayan ng Silid-aklatan na Antas Kahulugan
Promedyo

1. Pumupunta ako sa silid-aklatan sa 2.46 2 Minsan


tuwing mayroon takdang aralin.

2. Pumupunta ako sa silid-aklatan sa


tuwing walang ginagawa upang 2.08 2 Minsan
magbasa.
3. Pinipili ko ang mga aklat na gusto 3.12 3 Hindi Gaanong
kong basahin sa silid-aklatan. Madalas
4. Limitado lang ang mga aklat sa 2.66 3 Hindi Gaanong
silid-aklatan. Madalas
5. Naka-organisa nang maayos ang 3.69 4 Madalas
mga aklat sa silid-aklatan.

Batay sa naging tugon ng mga mag-aaral, mapapansin na hindi sila madalas pumunta sa

silid-aklatan upang magbasa. Marahil, ito ay hindi naglalaman ng mga aklat na kinawiwilihan

nilang basahin upang mahikayat silang patuloy na bumasa. Inihayag ni Salandanan (2005), na

ang silid-aklatan ay kailangang naglalaman ng lahat ng klase ng aklat at iba pang mga

sanggunian para sa mga mag-aaral at guro. Dapat ito rin ay may kaaya-ayang pasilidad gaya ng

mga upuan at mga mesang maaaring gamitin, shelves para sa mga magasin at dyornals.
Talahanayan VI
Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng mga Non-readers sa Asignaturang Filipino

Timbang
Mga Dahilan na Antas Kahulugan
Promedyo
1. Personal na 2.71 3 Hindi Gaanong Madalas
dahilan
2. Gampanin ng 2.91 3 Hindi Gaanong Madalas
magulang
3. Pamamaraan ng 3.91 4 Madalas
guro
4. Kalagayan ng 3.70 4 Madalas
silid-aralan
5. Kalagayan ng 2.80 3 Hindi Gaanong Madalas
silid-aklatan

Ayon sa resulta ng isinagawang pananaliksik, lumitaw na ang pinakadahilan ng

pagkakaroon ng mga non-readers sa asignaturang Filipino ay ang personal na dahilan ng mga

mag-aaral, marahil ay dulot ito ng katamaran, kawalan ng motibasyon at iba pang mga salik.

Ngunit ang katumbas na bigat nito ay hindi nalalayo sa bigat na natamo ng kalagayan ng silid-

aklatan at gampanin ng magulang.


Konklusyon:

Sa kabuuan, natuklasan ng mga mananaliksik na ang dahilan ng pagkakaroon ng non-

readers sa asignaturang Filipino ayon sa persepsyon ng mga mag-aaral sa ika pitong baitang ng

Felizardo C. Lipana National High School ay:

 hindi nabibigyang-pansin ng mga mag-aaral ang pagbabasa dahil na rin sa iba’t-ibang

kadahilanan (kawalan ng oras at motibasyon, limitadong bilang ng aklat sa tahanan at

naranasang mapagalitan ng guro).

Mga Rekomendasyon:

 Patuloy na hikayatin ang mga mag-aaral na bumasa ng mga aklat na kawili-wili para sa

kanila hanggang masanay na sila at hindi na kailangan pang pilitin ng sinuman.

 Paalalahanan ang mga magulang na maglaan ng oras upang turuang bumasa ang kanilang

mga anak at makilahok sa mga gawaing pampaaralan (pagdalo sa mga PTA meetings at

pagkuha ng report card)

 Para sa mga guro, iminumungkahi ng mga mananaliksik na dumalo sa mga seminar

upang patuloy na mapalawak ang kanilang kaalaman at magkaroon ng mga bagong

istratehiya na gagamitin sa loob ng silid-aralan.

 Upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa silid-aralan, maaaring gumamit ang guro

ng reward and punishment method na kadalasan na ring ipinapatupad sa mga

pampublikong paaralan.

 Sa mga paaralan, iminumungkahi na mas gawing organisado at kaaya-aya ang silid-

aklatan upang maganyak ang mga mag-aaral na tumungo rito upang magbasa. Punuin din

ito ng mga kawili-wili at napapanahong babasahin.


Talasanggunian

Ramos, Victor C., Filipino II-Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Guiguinto, Bulacan,

Guiguinto Printing Press 2006.

Best and Kahn, Likert Scaling Technique

Philip Cartwrigth, et. al, Educating Social Learners, 4th Edition, Wadsworth Publishing

Company, 1995.

Salandanan PhD Gloria G.,”Teaching and the Teacher”., Lorimar Publishing Co., Inc 776

Aurora, Cor. Buston St. Cubao, Quezon City Metro Manila 2005.

Silip sa Internet

Martin at Pappas (2006), https://www.google.com.ph/url?sa=t&source=web&rct=j7ur

l=http://www.peterpappas.com/blogs/read-blog/
Mga Larawan habang Isinasagawa ang Pananaliksik

Mg

Dahilan ng Pagkakaroon ng mga Non-readers sa Asignaturang Filipino Ayon sa

Persepsyon ng mga Mag-aaral ng Felizardo C. Lipana National High School


Bacaycay, Jerome N.
Gregorio, Sharon B.
Sanguyo, Jaycel Joy T.
Viray, Eunice Joy M.
Kolehiyo ng Edukasyon

Pambansang Pamantasan ng Bulacan (BulSU)

ABSTRAK

Ang pagbasa ay nagmula sa salitang-ugat na 'basa' at nilagyan ng unlaping 'pag' na


nangangahulugang isang aktibong proseso na kailangang paunlarin at payabungin. Ito ay isa sa
mga limang makrong kasanayan. Kaya naman, mahalaga na mahasa ng mga mag-aaral ang
kanilang kakayahan sa pagbasa. Subalit hindi maitatanggi na mayroon pa ring mga mag-aaral na
hindi makabasa na angkop sa kanilang edad at antas ng pinag-aralan. Iyon ang sentro ng pag-
aaral na ito. Ito ay alamin ang mga dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay isa pa rin ito sa
mga problemang kinakaharap ng mga mag-aaral at maging sa kanilang pinagmulang paaralan.
Ginamit ang pamamaraang palarawan (descriptive method) sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon hinggil sa mga dahilan na kaugnay ng paksa sa pananaliksik. Isandaang bilang ng
mga mag-aaral sa ika pitong baitang ng Felizardo C. Lipana National High School ang naging
kalahok sa pag-aaral na ito. Ang instrumentong ginamit ay talatanungan na naglalaman ng
dalawamput limang katanungan na nahahati sa limang bahagi; 1.) personal na dahilan, 2.)
gampanin ng magulang, 3.) pamamaraan ng guro, 4.) kalagayan ng silid-aralan at 5.) kalagayan
ng silid-aklatan. Ginamit ang pagsusuring pampamantayan (normative survey) na may limahang
puntos ng iskalang Likert upang masukat ang mga dahilan ng pagkakaroon ng mga non-readers.
Natuklasan sa isinagawang pananaliksik na ang pinakadahilan ng pagkakaroon ng non-readers sa
asignaturang Filipino ay ang personal na dahilan ng mag-aaral. Natukoy ito gamit ang tugon ng
mga mag-aaral sa mga talatanungan na ipinamudmod sa kanila.

You might also like