You are on page 1of 2

ANG EPEKTO NG PAGGAMIT NG PICK-UP LINES

SA PARAAN NG PANLILIGAW

NG MGA LALAKE NG

G11 PROGRAMMING A

STUDENT SY 2017-2018

Isang

Paunang Papel sa Pananliksik

Na iniharap sa Kagawaran ng

Kaguruan sa Paaralang

Cainta Senior High School

Cainta, Rizal

Bilang Bahagi ng mga

Kahilingan sa Asignaturang

Komunikasyon at Pananliksik

Wika at Kulturang Pilipino

ELONA LERMA D, SEPTEMBER 2017 PARCON ANGELA ANNE T,

PROGRAMMING A PROGRAMMING A
Paksa : Epekto ng Paggamit ng Pick-up Lines sa Paraan

ng Panliligaw ng mga Lalake ng G11 Programming A

Student SY 2017-2018

KALIGIRAN NG PANANALIKSIK:

Ang panliligaw ay isang tradisyon na kung saan napapaibig ng isang lalake ang isang
babae tulad sa panahon natin ngayon, ang ginagamit na panliligaw ay ang pick-up lines, ano ba
ang pick-up lines?

Ayon kay Ogie Alcasid, na isang batikang actor at sikat na mang-aawit na gumanap na
Boy Pick-up sa palabas na Bubble Gang ng GMA, na ang pick-up lines ay paraan ng panliligaw o
pang-aasar sa taong tinatanong mo nito.

Ayon naman sa dating Senador na si Meriam Defensor Santiago, na binansagan namang


queen of pick-up lines ng mga mag-aaral, na ang pick-up lines ay ginagamit sa paraan ng
pagpasa sa pag-aaral o inspirasyon sa pag-aaral.

Ayon kay Elyson masaganda (Top 3-Grade 11Prog A) ang pick-up lines daw ay isang uri
ng pagsaslita na may makatang pagkakagawa kadalasang ginagamit sa katuwaan.

Mga Tanong:

1. Paano nagging inspirasyon ang pick-up lines sa panliligaw?


2. Ano ang positibong dulot nito sa panliligaw?
3. Ano ang negatibong dulot nito sa panliligaw?

Haypotesis

1. Nagiging inspirasyon ito dahil nagbibigay kulay ito sa mga salitang sinasabi
2. Postibong dulot nito ay nakakapag pasaya, nakakaalis ng lungkot ng mga tao
3. Negatibong dulot naman nito ay minsang di na namamalayang nakakasakit na

You might also like