You are on page 1of 11

Department of Education

Region VI-A CALABARZON


Division of Tanauan City North
PANTAY INTEGRATED HIGH SCHOOL
Pantay MatandaTanauan City, Batangas

“KAHALAGAHAN NG PAGIGING HANDA AT PAGKAKARON NG SEGURIDAD NG


MGA MAG-AARAL NG P.I.H.S. SA PANAHON NG COVID-19 PANDEMIC”

Isang pananaliksik na iniharap para kay


Gng. Lalaine T. Borja

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa


Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik

Nina:
Almendras, John Carlo A.
Elic, Laurence T.
Lactaoen, John Lester H.
Melanio, Marck Angelo M.
Ricario, Angel Boris M.

Hulyo 2021
Department of Education
Region VI-A CALABARZON
Division of Tanauan City North
PANTAY INTEGRATED HIGH SCHOOL
Pantay MatandaTanauan City, Batangas

KABANATA I
RASYONAL AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

A. PASIMULA
Mataas na edukasyon ang karaniwang pinagbabasehan ng pagkakaroon ng magandang
kinabukasan para sa mga Pilipino. Ito ang nagsisilbing daan upang makamtan ang bawat
pangarap na minimithi ng bawat isa at ito rin ay susi upang magkaroon ng magandang buhay sa
hinaharap. Ngunit sa pagdating ng hindi inaasahang pandemyang – “corona virus”, mas namulat
ang bawat tao na bukod sa mataas na edukasyon, ang pagkakaroon ng magandang kalusugan ang
pinakaimportante sa lahat.
Taong 2019 lumaganap ang pandemyang kumitil ng buhay at nagbigay pangamba sa
buong mundo lalo na sa bansang Pilipinas. Ayon sa WHO (March 12, 2020), ang COVID-19 ay
isang bagong uri ng coronavirus na umaapekto sa baga at daanan ng hininga na maaaring
magdulot ng pakamatay. Ang sakit na ito ay nagsimula noong ika-31 ng Disyembre taon 2019,
naitala ang ilang kaso ng pneumonia na hindi pa naireport sa WHO. Napag-alaman na lamang na
ang outbreak ay dulot ng isang uri ng hindi pa nakikilalang coronavirus. Ang coronavirus na ito
ay karanwang natatagpuan sa mga hayo lamang at hindi pa nakikita sa tao noon. At noong ika-11
ng Oktubre taon 2020, umabot na sa halos 340,000 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong
kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, base sa datos na inilabas ng Department
of Health (DOH). S
Sa panahon ng COVID-19 na pandemya, marami sa ating mga karaniwang gawain ay nag
bago. Isa na rito ay ang pag-aaral ng mga kabataan. Isang malaking isyu sa gitna ng pandemya
ang mga problemang umusbong ukol sa Edukasyon. Sa banta ng virus na ito, naapektuhan ang
pag-aaral ng mga mag-aral sa iba’t-ibang paaralan, ito ay dahil ipinagbawal ang pisikal na
diskusyon sa loob ng silid aralan. Iba’t iba ang paraan ng mga eskwelahan at ahensya ng
gobyerno sa pagsagot sa sitwation. May mga eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online,
at may iba namang tinapos ang school year.
Department of Education
Region VI-A CALABARZON
Division of Tanauan City North
PANTAY INTEGRATED HIGH SCHOOL
Pantay MatandaTanauan City, Batangas

Dagdag pa rito sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang


kaligtasan at kalusugan ng bawat mag-aaral ay laging kasama sa prayoridad, lalo na ngayong
panahon ng pandemya. Ang online class sa Pilipinas ay ipinatupad ni Secretary Leonor Briones,
at ipinatupad ito noong ika-24 ng Agosto taon 2020.

Malaki ang papel ng internet dito upang ang mga mag-aaral ay makakapagpatuloy ng
kanilang pag-aaral sa gitna ng pandemya. Nagsisilbi itong instrumento sa lahat dahil sa
pinapatupad na online learning, isa itong nagbibigay alam at komunikasyon sa mag-aaral at guro,
sa pamamagitan nito ay may koneksyon ang mga guro sa kanilang estudyante. Ngunit sa gitna
nito ay hindi lahat ay may access sa internet o kaya mayroong magagamit na gadget tulad ng
cellphone at laptop, ngunit hindi ito naging hadlang upang ang mga mag-aaral ay tumigil sa pag-
aaral, dahil na din sa pagiging konsiderasyon at unawa ng mga guro ay mabibigyan ng
pagkakataon ang mga estudyante sa mga huling pumapasa sa aktibidad.
Hinirit sa mga ahensya ng pamahalaan ng Council for the Welfare of Children (CWC) na
bigyang prayoridad ang pagkakaloob ng stress management program sa mga kabataan. Ito ay
bilang pag harap nila sa mga negatibong epekto ng pandemya at pagpasok ng new normal.
Ang kalusugan ng bawat isa ay napaka halaga na mapanatiling malusog at malakas lalo
na ngayon na may kinakaharap ang buong mundo na pandemya. Upang magkaroon ng malakas
at malusog na pangangatawan kailangan malusog din ang kinakaing pagkain at nararapat lang na
magkaroon ng sapat na tulog sa araw-araw upang ang isipan ng bawat isa lalo na ng mga mag
aaral ay makapag pahinga at makaiwas sa stress na dulot ng pandemya.
Dagdag pa rito, ayon sa panayam ng HealthLink BC (May 28, 2020) sa pang araw-araw
na pamumuhay lalo na ngayon na may kinakaharap na pandemya, napaka halaga ng seguridad sa
kalusugan lalo na ng mga bata at mag-aaral. Ang pagiging handa ng mga mag-aaral ay napaka
halaga upang ma protektahan ang kanilang kalusugan lalo na ang kanilang pag-iisip, dahil
marami sa mga estudyante ngayon ay nakararanas ng pagka depress dahil narin siguro sa dulot
ng pandemya.
Department of Education
Region VI-A CALABARZON
Division of Tanauan City North
PANTAY INTEGRATED HIGH SCHOOL
Pantay MatandaTanauan City, Batangas

Kung kaya’t ang mga mananaliksik ng Grade 11 ay nagdesisiyon na alamin ang


kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng seguridad ng mga mag aaaral ng PISH sa
panahon ng pandemya sapagkat para sa kanila ang pag-aaral at pananaliksik tungkol dito ay
magiging makabuluhan at makakatulong sa mga mag aaral at sa buong pamayanan.

B. PAG LALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng


seguridad ng mag-aaral ng P.I.H.S sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Naglalayong masagot ng mga respondente ng may buong katotohanan ang mga


sumusunod na katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng seguridad ng mag-aaral sa


panahon ng COVID-19 pandemic?
2. Paano nakakaapekto ang pag-alam sa kahalagahan ng ng pagiging handa at pagkakaroon
ng seguridad sa mga mag-aaral?
3. Malaki ba ang naitutulong ng kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng
seguridad sa mga mag-aaral sa panahon ng COVID-19 pandemic?

C. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na mabatid ang kahalagahan ng


pagiging handa at pagkakaroon ng seguridad ng mag-aaral ng P.I.H.S sa panahon ng COVID-19
pandemic. Ang mga tiyak na layunin nito ay ang mga sumusunod:

1. Upang malaman kung ano ang kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng


seguridad ng mag-aaral sa panahon ng COVID-19 pandemic?
2. Upang alamin kung paano nakakaapekto ang pag-alam sa kahalagahan ng ng pagiging
handa at pagkakaroon ng seguridad sa mga mag-aaral?
3. Mabatid kung malaki ba ang naitutulong ng kahalagahan ng pagiging handa at
pagkakaroon ng seguridad sa mga mag-aaral sa panahon ng COVID-19 pandemic?

D. REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA


Department of Education
Region VI-A CALABARZON
Division of Tanauan City North
PANTAY INTEGRATED HIGH SCHOOL
Pantay MatandaTanauan City, Batangas

Ang Coronavirus (COVID-19) ay isang bagong uri ng karamdaman. Ito ay nauugnay sa


karaniwang cold virus. Mayroong ngayon isang bilang ng mga tao sa Canada na mayroon nito.

katulad ng sipon o trangkaso. Kasama sa mga sintomas na ito ang lagnat, ubo at
kahirapan sa paghinga. Maaari din silang makaranas ng pagduwal at pagtatae. Ang ilang mga tao
na may COVID-19 ay maaaring walang mga sintomas.

Dahil nakakaapekto ito ngayon sa mga tao sa Canada at maraming talakayan sa balita
tungkol dito, gumawa kami ng madaling basahin na impormasyon tungkol sa Coronavirus na
magagamit mo.Ang bagong Coronavirus, na kilala rin bilang COVID-19 ay maaaring may mga
sintomas na banayad hanggang malubha, kabilang dito ang: lagnat, ubo, at igsi ng paghinga na
lumilitaw sa loob ng 2-14 na araw pagkatapos ng pagkahawa. Hindi lahat ng may COVID-19 ay
makakaranas ng mga sintomas, o maaari din na kung banayad lang ang mga sintomas ay hindi
ito pansinin, ngunit maaari pa rin silang makahawa. Ang mga may-edad at mga taong may
mahinang pangangatawan at kalusugan ay madaling makakuha ng coronavirus o COVID-19 na
maaring maging sanhi ng kamatayan dahil sa paghina ng resistensya.

Kung ikaw ay makaramdam ng mga sintomas ng virus, tawagan ang iyong healthcare
provider at kausapin sila tungkol sa iyong mga sintomas, kung paano kang posibleng nahawa, at
anumang mga kondisyon na meron ka bago pa nito. Ang iyong healthcare provider ay
magpapasya kung kailangan mong magpasuri batay sa impormasyong iyong ibinahagi.

Upang matukoy ang isang potensyal na kaso, ang mga health providers ay maaaring
magsagawa ng ilang pagsusuri upang matiyak na hindi ito trangkaso o iba pang mga karaniwang
impeksyon. Hindi lahat ng mga healthcare facilities ay may kakayahan para magpasuri sa
COVID-19 sa panahong ito, at sa kasalukuyan ay walang gamot para sa Coronavirus.May mga
hakbang na maaaring gawin upang ihanda ang iyong sarili at ang iyong pamilya sa pagkakataon
na kumalat sa iyong komunidad ang Coronavirus o COVID-19. Rekomendasyon ng CDC na
gumawa ng isang plano sa pagkilos ang sambahayan, kasama dito ang pag-gawa ng listahan ng
mga emergency contact, pag-plano para sa mga paraan ng pangangalaga sa mga maaaring
magkasakit, at pagkakaroon ng suplay para sa mga ilang linggo kung sakaling kailangan mong
manatili sa bahay ng matagalang panahon.

Gayundin, alalahanin na ang mga lokal na opisyal sa kalusugan ng publiko ay maaaring


gumawa ng mga rekomendasyon na natitiyak sa iyong lokal na sitwasyon. Kung paano ka
tumugon sa pagkalat (ng COVID-19) ay maaaring depende sa iyong background, sa komunidad
kung saan ka nakatira, at ang mga bagay na naiiba sa iyo sa ibang tao. Ang pag-aalaga sa iyong
sarili ay makakatulong sa stress sa panahon ng pagkalat ng sakit at ang pagtulong sa iba na
makayanan din ang kanilang stress, at ang pagbahagi ng tamang impormasyon tungkol sa virus
ay maaaring magpalakas sa iyong komunidad
Department of Education
Region VI-A CALABARZON
Division of Tanauan City North
PANTAY INTEGRATED HIGH SCHOOL
Pantay MatandaTanauan City, Batangas

E. TEOROTIKAL NA GABAY AT KONSEPTONG BALANGKAS

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa "Pagiging handa ng mga mag-aaral at sa panahon


ng pandemya.” Batay dito ang kumakalat na COVID-19 ay isang malubhang sakit na madaling
makahawa sa sangkatauhan, at ito ay lubhang nakamamatay kung hindi agad aagapan,
kailangang maging handa at maging maingat ang lahat upang mapuksa ang sakit na ito. Malinaw
sa lahat na ang COVID-19 at isang sakit na nanggaling sa bansang china at kumalat sa buong
mundo kaya walang ibang paraan para matalo ito kundi ang sumunod sa mga pinatupad na
protocol ng gobyerno ngayong new normal.

Input

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang sumusunod
na katanungan.

1. Ano ang kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng seguridad ng nga mag-aaral


sa panahon ng COVID-19 pandemic?

2. Paano nakakaapekto ang pag-alam sa kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng


seguridad sa mga mag-aaral?

3. Malaki ba ang naitutulong ng kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng


seguridad sa mga mag-aaral sa panahon ng COVID-19 pandemic?

Proseso

Sarbey palatanungan, presentasyon, pagsusuri sa pamamagitan ng Weighted mean, at


pagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa nasabing paksa.

Awtput

1. Karamihan sa mga estudyante ay sumusunod sa sinasabi nating health protocol at ayon sa


mga naging sagot nila ay ginagawa nila kung ano ang tama para sa pandemya.

2. Ayon sa nakuhang datos mula sa palatanungan ,mas lumamang ang mga estudyante na
marunong sumunod at umayon sa mga pinatupad na batas ng gobyerno ngayong
pandemya.
Department of Education
Region VI-A CALABARZON
Division of Tanauan City North
PANTAY INTEGRATED HIGH SCHOOL
Pantay MatandaTanauan City, Batangas

F. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay tumutukoy sa pagsusuri ng Kahalagahan ng


pagkakaroon ng seguridad ng mga mag-aaral sa P.I.H.S sa panahon ng pandemya sa
pamamagitan ng pagbibigay ng palatanungan ayon sa paksang napili. Kinabibilangan ito ng mga
mag-aaral na nagmula sa senior high sa paaralan ng Pantay Matanda na may bilang na 30: 15 na
babae at 15 na lalake.

KABANATA II

Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik

Ang pananaliksik na pinamagatang "Kahalagahan Ng Pagiging Handa At Pagkakaroon


ng Seguridad ng Mag-aaral ng P.I.H.S sa Panahon ng COVID -19 Pandemic" ay nasa disenyong
kwantatibo sapagkat susukatin dito ang magiging resulta sa pamamagitan ay gumamit ng sarbey,
isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang
tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik na susuriin ang datos sa pamamagitan ng
weighted mean.

Lokal at Populasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na may pamagat na " Kahalagahan Ng Pagiging Handa At


Pagkakaroon ng Seguridad ng Mag-aaral ng P.I.H.S sa Panahon ng COVID -19 Pandemic" ay
isinagawa sa paaralan ng Pantay Integrated High School, Lungsod ng Tanauan. Ang mga
kalahok ng pananaliksik ay nagmula sa mga piling mag-aaral ng Pantay Senior High School na
nasa baitang 11 sa taong pampaaralan taong 2020 - 2021. Ito ay kinabibilangan ng 30 na
magaaral: 15 na babae at 15 na lalake.

Kasangkapan sa paglikom ng Datos

Ang napiling instrumento sa paglikom ng mga datos sa pag-aaral na ito ay questionnaire


o talatanungan. Ito'y naglalaman ng mga katanungan na naaayon sa paksang " Kahalagahan Ng
Pagiging Handa At Pagkakaroon ng Seguridad ng Mag-aaral ng P.I.H.S sa Panahon ng COVID
-19 Pandemic".
Department of Education
Region VI-A CALABARZON
Division of Tanauan City North
PANTAY INTEGRATED HIGH SCHOOL
Pantay MatandaTanauan City, Batangas

Paraan sa paglikom ng Datos

Sa pananaliksik na ito ibabahagi sa 30 na mag-aaral ang questionnaire o talatanungan at


kanila itong sasagutan sa loob lamang ng ilang minuto upang mapagisipan ng mabuti ang
kanilang sagot.

KABANATA III

RESULTA AT DISKUSYON

Ang bahaging ito ay naglalahad ng diskusyon ukol sa resulta ng pag aaral batay sa mga
impormasyong nalakap. Dito maingat na sinuri at isinaayos ang mga suliranin sa pag aaral upang
mapag ugnay ugnay ang malinaw na resulta.

Lubos na Hindi Sang- Walang


Sang-ayon
  sumasang-ayon ayon pagsang-ayon Weighted Mean
(2)
(1) (3) (4)

  Babae Lalaki Babae Lalaki Babae Lalaki Babae Lalaki Babae Lalaki 
1. Handa ako sa mga
posibilidad na
mangyari sa panahon
ng pandemic - - 2 - 6 7 7 8 3.3 3.5 
2. Marami akong
nalalaman tungkol sa
COVID-19 pandemic. - - 2 - 2 6 11 9 3.6 3.6
3. Sumusunod ako sa
health protocol sa
panahon ng pandemic. - - - - 8 9 7 6 3.5 3.4 
4. Lumalabas ako ng
bahay ng hindi
nakaface mask o face
shield. 9 - 6 10 0 0 0 0 1.4 1.7 
5. Nagdidisinfect ako - 5 - - 11 3 4 12 3.3 3.8 
Department of Education
Region VI-A CALABARZON
Division of Tanauan City North
PANTAY INTEGRATED HIGH SCHOOL
Pantay MatandaTanauan City, Batangas

paguwi ko ng bahay
kung may pinuntahan
ako.
6. Nanonood ako ng
mga balita sa
telebisyon na
patungkol sa COVID-
19 upang
madagdagan ang
aking nalalaman. - - 2 4 5 6 8 5 3.4 3.1
7. Nakapagpaturok na
ako ng bakuna para
sa COVID-19. 4 4 1 6 1 2 3 3 2.2  2.3
8. Nakikipagusap ako
sa mga tao ng
malapitan kahit wala
akong suot na PPE. - - - - 2 3 13 12 3.4  3.8
9. Pinapalalahaban
ko ang mga taong
aking nasasalubong
na nakakalimot sa
helath protocol. - - - - 11 5 4 10 3.3  3.7
10. Sang-ayon ako sa
nagaganap na
bakunahan para
labanan ang COVID-
19. - - - - 8 6 7 9 3.3 3.6 

TOTAL
3.14 3.25

Pagkatapos ng maingat na pagtatalakay sa ginawang survey at pananaliksik, dito nalaman


ang kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng seguridad ng mga mag-aaral sa kabila ng
pandemya. Mula sa mga katanungang nakalahad sa table makikita na ang mga mag-aaral munla
sa baitang 7-12 ay may angkop na kaalaman ukol sa kanilang mga seguridad laban sa COVID-
19.
Batay sa pag aaral ni Ms. Jimenez(2019), kinakailangang magkaroon ng karagdagang
kaalaman ukol sa tamang paghahanda ng pagkain para sa pamilya.
Department of Education
Region VI-A CALABARZON
Division of Tanauan City North
PANTAY INTEGRATED HIGH SCHOOL
Pantay MatandaTanauan City, Batangas

BANANATA IV

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang saliksik na ito ay may layuning malaman kung handa ba ang mga mag-aaral ng
P.I.H.S sa panahon ng pandemya; alamin kung ang mga mag-aaral ba ay sumusunod sa mga
pinatupad na health protocol sa panahon ng pandemya, at mabatid kung nakatutulong ba ito sa
kanilang kalusugan. Ito ay binigyang-katugunan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga suliraning
inilahad tulad ng:

1. Ano ang kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng seguridad ng nga mag-aaral


sa panahon ng COVID-19 pandemic?

2. Paano nakakaapekto ang pag-alam sa kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng


seguridad sa mga mag-aaral?

3. Malaki ba ang naitutulong ng kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng


seguridad sa mga mag-aaral sa panahon ng COVID-19 pandemic?

Ito ay isang pag-aaral na nasa disenyong kwantitatibo sapagkat sinukat ang resulta sa
pamamagitan ng weighted mean na pamamaraan.

Lumabas sa pananaliksik na uto na ang mga estudyante ng P.I.H.S ay handa sa mga


posibilidad na mangyare sa panahon ng pandemya.

Konklusyon

Batay sa pananaliksik, napag-alaman ang sumusunod:

1. Ang pagiging handa sa panahon ng COVID-19 pandemic ay makatutulong upang


mapuksa ang kumakalat na sakit at hindi mahawa dito.
2. Nakakaapekto ang pag-alam sa kahalagahan ng pagiging handa at pagkakaroon ng
seguridad sa mga mag-aaral upang makaiwas sa nasabing sakit na kumakalat.
3. Malaki ang naitutulong ng pagiging handa ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya
para kung sakali mang may mangyaring di inaasahan ay alam at may sapat na kaalaman
ang mag-aaral kung ano ang gagawin sa ganong sitwasyon.
Department of Education
Region VI-A CALABARZON
Division of Tanauan City North
PANTAY INTEGRATED HIGH SCHOOL
Pantay MatandaTanauan City, Batangas

Rekomendasyon

Batay sa resulta ng pag-aaral, iminumungkahi ang mga sumusunod:

1. Ugaliing nakasuot palagi ng PPE o yung mga gamit na ginagamit upang makaiwas sa
virus tulad ng facemask,faceshield etc.

2. Sumunod sa kung ano man ang sinasabi ng gobyerno kung alam mo na para na din ito sa
iyong kapakanan at kalusugan.

3. Umiwas sa mga taong may lubhang karamdaman at manood ng mga balita upang
madagdagan ang iyong kaalaman patungkol sa pandemya.

You might also like