You are on page 1of 4

Mga Dapat Unahin at Pangalagaan ng Baitang 11 ng PIHS sa Panahon ng Pandemya

KABANATA I.
A. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
Ayon sa isang artikulo ng ABS-CBN network, may mga bagay tayong dapat unahin lalong lalo
na ngayong panahon ng pandemya. Anu-ano nga ba ang mga ito at bakit nga ba natin
kailangan unahin at pangalagaan ang mga bagay na ito. Halina’t sabay sabay natin alamin.
Kamakailan lamang noong Marso taong 2020, napagpasyahan ng ating pangulo na si Pang.
Rodrigo Duterte na magsagawa ng “lockdown” sa buong bansa. Hindi lamang ito sa pilipinas
nangyari ngunit halos buong mundo ay nagsagawa nito.
Ang dahilan ng pagsasagawa nito ay dahil sa kumakalat na virus na nagmula sa Wuhan,
China na tinawag na Corona Virus o mas kilala sa tawag na Covid 19. Ang nasabing virus ay
nagmula sa mga taong mahilig kumain ng maduduming hayop ayon sa mga eksperto.
Mabilis itong kumalat sa iba’t ibang lugar hanggang sa nakarating ito sa iba’t ibang bansa at
halos buong mundo ay nagdurusa dahil dito. Dahil sa epekto ng Covid 19, maraming mga
bagay at patakaran ang nabago, tulad na lamang ng maraming ipinagbabawal gaya ng bawal
ang basta basta lumabas, magsuot ng proteksyon sa katawan tulad ng facemask at face
shield at sundin ang mga payo ng gobyerno.
Ngayon sa kasalukuyan ay hindi pa din natatapos ang pandemya kaya naman may payo ang
pamahalaan kung ano ang dapat nating gawin upang tayo ay maging ligtas at matapos na
ang lahat ng ito.

B. Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang sumusunod na
katanungan:

1. Anu-ano ang mga dapat unahin at pangalagaan ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng PIHS sa
panahon ng pandemya

2. Bakit kailangan unahin at pangalagaan ang mga bagay na ito

3. Ano ang epekto kapag inuna at pinangalagaan ang mga bagay na ito

C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may layunin na alamin ang mga bagay na dapat unahin at pangalagaan ng
mga mag-aaral ng PIHS sa panahon ng pandemya. Ang mga tiyak na layunin nito ay ang sumusunod:

1. Alamin ang mga bagay na dapat unahin at pangalagaan ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng PIHS.

2. Bakit kailangang unahin at pangalagaan ang mga bagay na ito.


D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Ayon sa ating mga local na pamahalaan at mga tagapagbalita, sinasabi ng mga eksperto na ang Covid
19 ay nagtataglay ng matinding sakit na sumisira sa ating mahahalagang parte ng katawan. Ito rin ay
mabilis makahawa kahit sa simpleng paglapit sa taong positibo sa virus na ito.

Kaya naman ay mahigpit at laging ipinapagbawal ang mga pagtitipon, pagkakaroon ng pisikal na
kontak sa bawat isa at ang dapat na laging pag-agwat ng isang metro sa isa’t isa. May mga paalala
din ang mga pamahalaan tungkol sa kalinisan ng bawat isa upang maiwasan ang pagkakaroon ng
sakit at ang pagkahawa sa virus na ito.

Ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay, paliligo araw-araw at pagsasanitize ng katawan at ng


mga kagamitan sa bahay. Ugaliin din ang pagsusuot ng facemask at face shield tuwing lalabas ng
bahay at huwag naman lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.

Sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang pagkahawa sa virus hanggang sa ito ay tuluyan nang
mawala at bumalik na sa normal ang lahat.

E. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay ayon sa sagot ng mga piling mag-aaral sa baitang 11 ng PIHS na
mga bagay na dapat unahin at pangalagaan sa panahon ng pandemya. Konektado din dito ang mga
bagay na binabanggit ng mga pamahalaan, balita at mga eksperto. Masasabi ding ang mga bagay na
dapat unahin at pangalagaan ay ayon sa mga kani-kanilang sariling pangangailangan kaya naman
halos lahat ng mababanggit ay importante o mahalaga sa bawat isa. Ang pag-aaral na ito ay
nakabatay din ayon sa sariling opinion ng bawat isa.

F. Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang pagsusuri sa pananaw ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng PIHS
sa pagsagot ng konsepto o napiling paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa sarbey ng napiling paksa.
Hindi kabilang sa pag-aaral na ito ang mga guro at iba pang mga empleyado sa paaralan.

KABANATA II.

A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay nasa disenyong kuwantitatibo sapagkat titignan ang magiging resulta sa
pamamagitan ng online sarbey at research.

B. Lokal at Populasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Brgy. Pantay Matanda, Tanauan City, Batangas. Ang mga
kabilang sa pananaliksik ay galling sa mga piling mag-aaral ng Pantay Integrated High School na nasa
baitang 11 sa taong pampaaralan 2020-2021.
C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

Ang gagamiting instrumento sa paglikom ng mga datos sa pag-aaral na ito ay online sarbey o
talatanungan. Ito ay naglalaman ng katanungan na naaayon sa paksa: Mga Dapat Unahin at
Pangalagaan ng Baitang 11 ng PIHS sa Panahon ng Pandemya.

D. Paraan sa Paglikom ng Datos


Ang online sarbey o talatanungan ay sinagutan ng mga piling mag-aaral sa baitang 11 ng PIHS. Ang
mga sasagot na mag-aaral ay maaaring ipaliwanag ang kanilang sagot na mabuti sa pamamagitan ng
sanaysay.

E. Paraan sa Pagsusuri ng Datos

Upang makuha ang kasagutan ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng PIHS, kinakailangan lamang na
sagutin nila ang mga bagay na dapat unahin at pangalagaan sa panahon ng pandemya na naaayon sa
kanilang mga pangangailangan.

KABANATA III. Resulta at Diskusyon

Mahahalagan Bilang ng mga Mga Bagay na Bilang ng mga Mga Bagay Bilang ng mga
g Bagay Mag-aaral ng Dapat Unahin Mag-aaral ng na Dapat Mag-aaral ng
Baitang 11 Baitang 11 Pangalagaa Baitang 11
n
Pagkain 5 Kalusugan 8 Kalusugan 8

Mga Damit o 5 Kaligtasan 8 Sarili 8


Kasuotan
Gadgets 3 Responsibilidad 8 Pamilya 8

Others: 0 Others: 0 Tahanan 8

Ayon sa online sarbey ng walong piling mag-aaral ng baiting 11, nakatala sa itaas ang
kanilang mga sagot na ayon sa kanilang napili. May mga nakatalang mga katanungan sa
online sarbey at sa bawat tanong ay may mga pagpipiliang sagot. Ang unang tanong ay anu-
ano ang mga mahahalagang bagay para sayo. Ang mga pagpipiliang sagot ay pagkain, mga
damit o kasuotan, o gadgets. Limang mag-aaral ang pumili ng pagkain at mga damit o
kasuotan samantalang tatlong mag-aaral naman ang pumili sa gadgets. Ang pangalawang
tanong ay anu-ano ang mga bagay na dapat unahin. Ang mga pagpipiliang sagot ay
kalusugan, kaligtasan, o responsibilidad. Lahat ng mga piling mag-aaral ay pinili lahat ng
pagpipilian sa pangalawang tanong. Ang pangatlong tanong ay anu-ano ang mga bagay na
dapat pangalagaan. Ang mga pagpipiliang sagot ay kalusugan, sarili, pamilya, o tahanan.
Lahat ng mga piling mag-aaral ay pinili lahat ng pagpipilian sa pangatlong tanong.
KABANATA IV.
1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay may layunin na alamin ang mga bagay na dapat unahin at
pangalagaan ng mga mag-aaral ng baitang 11 ng PIHS sa panahon ng pandemya. Ang
kahalagahan ng pag-aaral na ito ay matiyak na handa ang mga mag-aaral ng baitang 11 ng
PIHS ngayong panahon ng pandemya. Nakalap ang datos ng pag-aaral na ito sa
pamamagitan ng pagsasagot ng walong mga piling mag-aaral ng baitang 11 ng PIHS sa online
sarbey. Isinagawa ang pag-aaral na ito noong Hunyo 25 hanggang 28 ng taong 2021. Ito ay
isang pag-aaral na nasa disenyong kuwantitatibo sapagkat sinukat ang resulta sa
pamamagitan ng online sarbey.

2. Kongklusyon
Batay sa pananaliksik, napag-alaman ang sumusunod:
1. Mahalaga ang pagkain at mga damit o kasuotan kaysa sa gadgets.
2. Kailangang unahin ang kalusugan, kaligtasan at responsibilidad.
3. Kailangang pangalagaan ang kalusugan, sarili, pamilya at tahanan.

3. Rekomendasyon
Batay sa resulta ng pag-aaral, iminumungkahi ang sumusunod:
1. Unahin natin ang ating kalusugan, kaligtasan at responsibilidad upang makatulong sa
kapwa maging sa ating mga sarili.
2. Pangalagaan natin ang ating kalusugan, sarili, pamilya at tahanan upang maging maayos
at masaya ang ating pamumuhay.

You might also like