You are on page 1of 27

Impak patungkol sa magulang ng mga estudyante sa baitang 11 ng

STEM strand mula Taytay Senior High School na nawalan ng trabaho


dahil sa Covid-19.

Isinimute sa Departamento ng Science Technology Engineering and


Mathematics (STEM) bilang bahagi ng pangangailangan sa
asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.

Isinimute ni
Angela Grace Oliva
Rochelle Revilla
Chereene Jian Rañola
Jeanny Mae Pesebre
Jesther Remo
Jhon Prince Legaspi
Josh Darunday
Sharyn Pauya
Ericson Sta. Ana
Grade 11 – STEM C Magaling
MAY AKDA
Isinumite kay
Gng. Imelda Posadas
GURO
2021
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon
Bago sumapit ang COVID-19 ay may kanya-kanyang trabaho ang
bawat indibidwal. Sa pamamagitan nito ay natutugunan nila ang
kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ngunit sa paglipas ng
panahon ay nagbabago rin ang mga nangyayari sa kapaligiran at isa na
rito ay ang pagsisimula ng pandemya. Dahil dito, maraming
naapektuhan at nawalan ng pagkakakitaan. May iba na napilitan
paalisin sa trabaho at may ilan naman na napilitan mag-iba ng trabaho
dahil sa delikadong pamamaraan ngayong may pandemya.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), abot 5
milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus
pandemic. Dito natin makikita na ang COVID-19 ay hindi lamang
natatapos sa mga pasyente na naapektuhan nito kundi pati sa mga
naghahanap buhay at may kabuhayan na mga pilipino. Marami umano
ang permenenteng nagsara ng mga negosyo o pinagtatrabahuhan at
pati ang pagbabawas ng mga empelyado ay lubos na naapektuhan dahil
sa kakulangan ng pasahod sa mga ito. Karamihan sa mga estudyante
ngayon ay may magulang na nawalan ng trabaho kaya marapat lamang
bigyan ng pansin ito. Ang pananaliksik na ito ay naka-pokus sa
magulang ng mga estudyante sa baitang 11 ng STEM strand ng Taytay
Senior High School na nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 at
pandemya sa bansa. Kaugnay nito, malalaman natin ang impak sa
kanilang pisikal at mental na kalagayan. Ilan sa mga magulang ay hindi
nagsasabi ng kanilang nararamdaman ngunit mapapansin ito sa
kanilang mga kilos. Ang pananaliksik na ito ay nais matukoy ang lubos
na impak sa mga magulang at ang opinyon ng kanilang mga anak sa
kanilang kalagayan.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa ang pangkalahatang layunin
upang masuri o matukoy ang impak patungkol sa magulang ng mga
estudyante ng baitang 11 ng STEM strand ng Taytay Senior High School
na nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19. Ang pag-aaral na ito ay
hinahangad na malaman ang mga kasagutan sa tulong ng mga
estudyante sa nasabing paaralan.

Layunin nito na sagutan ang sumusunod na katanungan:


1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa katayuan sa buhay
at trabaho ng magulang?
2. Ano ano ang salik na nagkaroon ng malaking impak sa mga
magulang, pisikal o mental?
3. Ano ang alternatibong paraan upang matugunan ang
pangangailangan at ang opinyon ng mga anak patungkol dito?

Kahulugan ng katawagan
Ang sumusunod na kahulugan ay ang mga piling salita na ginamit sa
pananaliksik upang mas maunawaan ang pag-aaral na ito:

COVID-19 – Ang bagong virus na nagmula sa tsina noong taong 2019.


Pandemya – Ito ay isang pang internasyonal na pagkalat ng sakit na
walang kaligtasan mula rito.
DOLE – Ito ay Kagawaran ng Paggawa at Empleyado ng Pilipinas kung
tawagin sa tagalog, ito naman ay Department Of Labor and
Employment sa ingles. Ito ang nagiging daan tungo sa pamahalaan sa
paggawa kaugnay niyo ang mga empleyado.
Hanap buhay – Ang trabaho o pinagkakakitaan upang kumita ng pera sa
pang-araw-araw pangangailangan.
Negosyo – Ito ang tumutulong sa isang tao o samahan na magkakaroon
ng kita upanv maging hanap buhay.
Empleyado – Ito ang nagtatrabaho sa isang nagmamay-ari o may
negosyo.
Pokus – Tumutukoy sa isang sentro ng pangungusap.
STEM – Ito ay akroniym na ang ibig sabihin ay Science, Technology,
Engineering and Mathematics.
Pisikal – Ito ay panlabas na anyo ng isang tao.
Mental – Ito ay may kaugnay sa pag-iisip ng isang tao.
Impak – Ang malaking epekto sa isang tao.

Batayang Konseptuwal
Ayon sa teorya ni Karl Marx or tinatawag na Marxian
unemployment theory na pinalooban ng maraming teorya, ngunit may
tatlong teorya ang nagkaroon ng koneksyon sa ating pag-aaral. Ito ang
Cyclical theory, Frictional theory at Structural theory. Ang teoryang
cyclical ay nangyayari kapag walang sapat na demand sa ekonomiya ng
bansa na maaaring wala ng sapat ba makapagbibigay ng mga trabaho
para sa mga mamamayan, hindi ito nalalayo sa Keynesian
unemployment theory. Ang patuloy at paulit-ulit na pagbagsak ng
bawat sektor sa ekonomiya ay dahilan upang patuloy ang pagkakawala
ng sapat na trabaho sa mga magulang. Ang dulot ng pandemya ang
dahilan kung bakit ito ay nangyayari sa ating bansa na nagpapahirap sa
maraming pilipino. Sa kabila nito, ang frictional theory naman ay
paglilipat ng panibagong trabaho upang makakuha ng sapat na kita
dahil hindi ito naging sapat upang matugunan ang pangangailangan,
lalo na ngayong may pandemya. Karugtong nito, may ilang magulang
naman ang naghahanap bg trabaho hindi dahil ito’y hindi sapat para sa
kanilang pang-araw-araw kundi dahil sapilitan silang nawalan ng
trabaho at dito papasok ang structural theory.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang suliranin na


dahilan ng pagkawalan ng trabaho ng bawat magulang. Ang mga
teoryang ito ang nagsilbing basehan ng mga mananaliksik upang lubos
maunawaan ang buong pag-aaral.

Saklaw at limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mga magulang ng mga
estudyante na nawalan ng trabaho, ang impak nito sa kanilang mental,
pisikal na aspeto,kung kaya't dito umiikot ang pag-aaral. Ito ay binubuo
ng tatlumpu’t limang katao na nakuhang sampol sa kursong STEM ng
Taytay Senior High School. Ito ay may limitadong nilalaman sa ihinayag
na talatanungan. Una, propayl ng mga respondente tungkol sa kanilang
katayuan sa buhay at trabaho ng magulang. Pangalawa, ang mga
katanungan na nag-uugnay sa mga magulang ng estudyante.
Karugtong nito, ang pananaliksik na ito ay pinalooban ng may
katotohanan at buong katapatan. Sa tulong ng kaalaman ng mga
mananaliksik at kasanayan sa pagbuo nito ay maayos na naisagawa ang
kinalabasang awtput. Ang pag-aaral na ito ay nakapaloob sa paaralang
Taytay Senior High School sa kasulukuyang taon 2020-2021 na
sinimulan noong Abril 2021 hanggang Mayo 2021.

KABANATA II

METODO NG PANANALIKSIK

Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan
ng pananaliksik o metodolohiya upang matukoy ang impak sa magulang
ng mga estudyante ng baitang 11 ng STEM strand sa Taytay Senior High
School. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng kasalukuyang
pangyayari sa ating bansa na nakaapekto sa libo-libong manggagawa sa
ating bansa o sa mga magulang ng estudyante. Ang napili ng mga
mananaliksik sa pagkuha ng datos ay ang kwantatibong paraan dahil ito
ang nakikita na pinakamainam na paraan sa pagkuha ng datos. Ang
instrumento na ginamit sa talatanungan upang makakalap ng sapat na
datos ay ang makabagong teknolohiya. Ito ay nakakasiguro na
makakasagot ang lahat, naniniwala ang mga mananaliksik na ito ay
pangkalahatan at masusukat ang kabuohang resulta ng datos. Ito ang
nakikita ng mga mananaliksik na paraan upang mapadali ang pagkuha
ng datos, naniniwala ang mga mananaliksik na napapadali nito ang pag-
aaral.

Respondente
Ang mga napiling respondente sa pananaliksik na ito ay mga piling
mag-aaral sa Taytay Senior High School sa baitang 11 ng kursong STEM.
Ang kailangan na bilang ng mga respondente ay mahigit tatlumpu’t-
lima (35) base sa Slovin’s formula na ginamit sa pag-aaral na ito.
Naglaan ng 15% margin of error ang mga mananaliksik upang makuha
ang karapatdapat na sampol dito.
KURSO RESPONDENTE
STEM A 11
STEM B 12
STEM C 12
KABUOHAN 35

Intrumento ng Pananaliksik
Ang datos na nalikom ay naging silbi upang maging batayan sa
konklusyon. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kasalukuyang
teknolohiya upang magsagawa ng sarbey. Sa tulong ng Google Forms
napandali ang paghahayag ng talatanungan sa baitang 11 ng kursong
STEM. Upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat ngayong may
pandemya, ito ang naisip na paraan ng mga mananaliksik.

Talatanungan na nakapaloob sa Google Forms ay ang mga sumusunod:

1. Ang iyong mga magulang ba ay parehas na nagtatrabaho?


A. Oo
B. Isa lang ang nagtatrabaho
C. Parehas walang trabaho

2. Napalitan ba ang trabaho ng iyong magulang o nawalan ng


magkaroon ng pandemya?
A. Oo
B. Hindi

3. Ano ang dating trabaho ng iyong magulang?


• Sariling sagot.

4. Ano ang alternatibong trabaho ang kinuha ng iyong


magulang?
• Sariling sagot

5. Mas maganda ba ang DATING trabaho ng iyong magulang o


BAGONG trabaho ng iyong magulang base sa aspeto ng
sahod?
A. Mas malaki ang sahod sa DATING trabaho ng aking
magulang.
B. Mas malaki ang sahod sa BAGONG trabaho ng aking
magulang.

6. Anong uri ng trabaho mayroon ang iyong magulang


A. Gamit ay pisikal na katawan (blue collar job)
B. Gamit ay memtal na katawan (white collar job)
C. Iba pang sagot.

7. May malaki bang epekto sa pamilya ang sitwasyon ng


trabaho ng iyong magulang ng magkaroon ng pandemya?
A. Oo, lalo na sa pinansyal
B. Oo, lalo na sa pisikal dahil hindi sanay ang aking
magulang na hindi gumagawa o nagtatrabaho.
C. Oo, sa parehong pinansyal at pisikal (dahil sa
kakulangan ng pinansyal ay hindi natutugunan ang
tamang pangangailangan ng katawan.
D. Hindi, dahil sapat naman ang kinikita ng isa kong
magulang.

8. Ang kinikita ba ngayong may pandemya ay sapat upang


matugunan ang inyong pang-araw-araw na pangangailan?
A. Oo
B. Hindi, dahil nagigipit parin kami

9. May napansin ka bang pagbabago sa pisikal at mental na


kalagayan ng iyong magulang ng magsimula ang
pandemya?
A. Meron
B. Wala

10. Positibo o negatibo ba ang epekto ng pandemya sa


sahod na kinikita ng inyong magulang?
A. Positibo
B. Negatibo

11. Saan pinaka naapektuhan ang iyong magulang sa mga


susumusunod na estado:
A. Pisikal
B. Mental
C. Parehong pisikal at mental

12. Kung MENTAL ang iyong naging sagot:


• Sariling sagot

13. Kung parehong PISIKAL at MENTAL ang naging sagot:


• Sariling sagot

14. Kung PISIKAL ang iyong naging sagot:


• Sariling sagot

15. Sa iyong palagay, ang bagong sistemang kinahaharap


ng iyong magulang sa pagtatrabaho habang may pandemya
ay nakaapekto sa iyong pag-aaral?
A. Oo
B. Hindi

16. Bilang isang anak at estudyante na lubos na


nangangailangan ngayong pandemya, ano ang iyong
masasabi sa pagkawala ng trabaho ng iyong magulang
dahil sa pandemya?
• Sariling sagot

Tritment ng mga datos


Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang
pagtataya rito. Inilalahad sabahaging ito ang ginamit na pormula
sa pagkompyut ng mga nakalap na datos. Ang mga datos na ito
ay magsisilbing kasagutan para sa mga katanungang nabuo ng
pag-aaral na ito. Sinusukat kung ilang bahagdan sa kabuuang
populasyon ang sumagot sa isang aytem sa talatanungan o mas
kilala sa tawag na percentage.

Pormulang Ginamit:
P=n/N x 100

Kung saan:

P= porsyento
n = bilang ng tumugon
N= kabuuang bilang ng respondente

KABANATA III

PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS

Pagsusuri
Ang mga sumusunod ay bilang at porsyento ng mga naging
sanhi o impak sa mga magulang ng estudyante na nawalan ng
trabaho dulot ng pandemya.

Bar Graph I
Respondente ayon sa estado ng trabaho ng magulang

Chart Title

Tugon

0 5 10 15 20 25 30 35 40 45 50

Oo Isa lang nagtatrabaho Parehas walang trabaho

Ayon sa datos na nakalap ng mga mananaliksik tungkol sa


katuyuan nila sa buhay ay naglalaro lamang sa 8.6% ang
parehong walang trabaho ang magulang sa buong 35
respondente na nakalap ng mga mananaliksik. Makikita sa bar
graph ang pagiging pantay ng bahagdan ng may trabaho at ang
iisang magulang lamang ang nagtatrabaho na may 45.7%.
Lumalabas na karamihan ay may trabaho ang magulang.

Bar Graph II
Respondente ayon sa trabaho ng magulang

Chart Title

Tugon

0 10 20 30 40 50 60 70 80 90
Gamit ay pisikal Gamit ay mental
Parehas na White at Blue collar job

Ang datos na nakalap ng mga mananaliksik ay nagpapakita


ng porsyento sa magkaibang uri ng trabaho na maaaring
kinabibilangan ng magulang ng mga estudyante. Makikita sa bar
graph na malaki ang bahagdang porsyento ng blue collar job o
trabaho na ginagamitan ng pisikal, ito ay nasa bahagdang 77.1%
o 27 na respondente. Ang white collar job o trabaho na
ginagamitan ng mental na paraan ay nasa bahagdang 17.1% o 6
na respondente. Ang may magulang na nagtatrabaho sa
magkaparehas na paraan ay nasa 5.8% o 2 na respondente sa 35
na respondenteng kinuhaan ng sampol. Makikita dito na mas
malaki ang porsyento ng mga magulang na nagtatrabaho gamit
ang pisikal na pamamaraan.

Bar Graph III


Respondente ayon sa mga mag-aaral na may
magulang na napalitan ng trabaho ngayong pandemya.
Chart Title

Tugon

0 10 20 30 40 50 60 70 80 90

Oo Hindi

Ang datos sa bar graph ay napapakita ng mataas


ang porsyento ng mga magulang na hindi napalitan ng
trabaho dulot ng pandemya, ito ay may 80% o 27 na
respondente at may 20% o 7 na respondente ang may
magulang na napalitan ng trabaho. Makikita dito na
kakaunti lamang ang napalitan ng trabaho dulot ng
pandemya.

Interpretasyon
Sa bahaging ito ipinapakita ang pinagsama-
samang resulta ng sarbey na isinagawa ng mga
mananaliksik.

Bar Graph IV
A. Batay sa pag-oobserba ng mga mag-aaral sa
kanilang magulang
Chart Title

Tugon

0 10 20 30 40 50 60 70

Meron Wala

A.1. Malaking pagbabago

Base sa isinagawang pag-sarbey, nagpapakita na malaki ang


bahagdang porsyento ng mga nakakaranas ng pagbabago
pisikal at mental na aspeto sa kanilang magulang, ito ay may
bahagdang 62.9% o 22 na respondente o katumbas ng 8 sa 10
magulang.

A.2. Walang pagbabago

Ayon dito, mayroong 37.1% o 13 na respondente ang hindi


nakapansin ng pagbabago sa kanilang magulang o katumbas ng
5 sa 10 magulang, malaki ang tsansa na hindi nawalan ng
trabaho ang kanilang magulang.

Bar Graph V
B.Ang naging impak ng pandemya sa magulang ng mga mag-
aaral

Chart Title

Tugon

0 10 20 30 40 50 60 70 80 90

Positibo Negatibo

B.1. Negatibo

Makikita na 85.7% o 30 respondente ang naging negatibo


ang sagot o katumbas ng 9 sa 10 magulang, dito makikita na
marami ang naapektuhan ng pandemya.

B.2. Positibo
Ang 14.3% ay naging positibo ang naging impak sa kanila ng
pandemya o katumbas ng 2 sa 10 magulang. Maaaring ang
bahaging ito ang hindi nawalan ng trabaho ang magulang.

Bar Graph VI
C. Ayon sa obserbasyon ng mga mag-aaral sa kanilang
magulang

Chart Title

Tugon

0 5 10 15 20 25 30 35 40 45

Hindi, dahil sapat naman ang kinikita Oo, sa parehong pinansyal at pisikal
Oo, lalo na sa pisikal Oo, lalo na sa pinansyal

C.1. Pinansyal

May 40% ang naapektuhan sa pinansyal na


problema o katumbas ng 8 sa 10 magulang ang lubos
naapektuhan.

C.2. Pisikal

Ang mga naapektuhan sa pisikal ay may 5.7% o


katumbas ng 1 sa 10 magulang.
C.3. Pinansyal at Pisikal

Ang pinansyal at pisikal naman ay may 31.4% na


naapektuhan o katumbas ng 7 sa 10 magulang. Makikita
na pumapangalawa ang bahaging ito sa naging impak sa
mga magulang na nawalan ng trabaho.

C.4. Hindi naapektuhan

May 22.4% ang hindi naapektuhan o katumbas ng


2 sa 10 magulang, maaaring ito ang hindi nakaranas ng
kawalan ng trabaho o hindi gaanong naapektuhan ng
pamdemya.

KABANATA IV

PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay ang paglalahad ng pagsusuri at


pagkahulugan sa mga nakalap na datos mula sa mga estudyante
ng kusong STEM sa baitang 11 ng Taytay Senior High School na
may magulang na nawalan ng trabaho dulot ng pandemya. Sa
pag-aaral na ito ay matatalakay ang sagot mula sa respondente.
1. Propayl ng mga respondente batay sa estado ng trabaho ng
magulang.

a. Tungo sa mga estudyante na may magulang na


parehas walang trabaho, lumalabas na 8.6% o katumbas
ng 3 sa 35 na respondente ang may mga magulang na
parehas walang trabaho ngayong may pandemya.
Kumpara sa may magulang na iisa ang nagtatrabaho at
sa parehas may trabaho ang magulang, ito ay may pantay
na posyento o bahagdan.

b. Tungo sa mga estudyante na may magulang na


nagtatrabaho, lumalabas na may 45.7% o katumbas ng
16 sa 35 ang may magulang na iisa lamang ang
nagtatrabaho at ang may magulang na parehas may
trabaho, lumalabas na pantay ang bahagdan o porsyento
nito kumpara sa na may magulang parehas walang
trabaho na may mababang bahagdan o porsyento.

2. Impak sa mga magulang ng mag-aaral na nawalan ng


trabaho

Base sa sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik,


lumalabas na maraming sanhi ang pandemya sa mga
magulang na nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.
Maraming naapektuhan sa pisikal, mental, at pinansyal na
pamamaraan, ang lubos na pag-iisip upang maging sanhi
ng stress, ang paghahanap ng latawan sa nakagawiang
trabaho, at ang pinansyal na pangangailangan para sa
pang-araw-araw. Lahat ng ito ay napansin ng mga mag-
aaral sa kanilang magulang. Naipapakita dito na ang
pandemya ay lubos nakaapekto sa mga magulang na
nawalan ng trabaho o nagpalit ng trabaho dulot ng
pandemya upang may maipangtustos sa pamilya. Base sa
opinyon ng mga mag-aaral sa kanilang nararansan lubos
din silang naaapektuhan nito.

3. Kaugnay nito ang alternatibong pamamaraan ng magulang

Lumalabas na kakaunti lamang sa mga magulang ang


may alternatibong trabaho ngayong may pamdemya.
Karamihan sa mga ito ay mas bumaba ang sahod kumpara
sa dati nilang trabaho. Makikita lamang dito na ang epekto
ng pandemya sa ilang bahagi ay negatibo ang kinalabasan.
Ngunit may ilang bahagi padin ang tumaas ang sahod sa
bagong trabaho ngayong may pamdemya.

Makikita lamang dito na ang alternatibong pamamaraan


ng magulang hindi sapat, sa kabilang banda may ilang
magulang na sobra pa sa sapat ang naging sahod.
Depende ito sa uri ng trabaho ng magulang, at ang
diskarteng magagawa upang gawing motibasyon ang
pagkawalan ng trabaho. Base sa opinyon ng mga mag-aaral
may mabuti at hindi mabuti itong naidulot sa kanilang
pamumuhay.
Konklusyon
Matapos ang pag-aaral na ito, naihayag at natukoy ng
mananaliksik ang resulta ng malaking impak sa magulang na
nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19. Masasabi na may iba’t
ibang sanhi ang pagkawalan ng trabaho. Ngunit minsan ay hindi
napapansin ng mga magulang na ang kanilang anak ay
napapansin ito base sa kanilang kinikilos.

1. Batay sa mga datos na nakalap mula sa sarbey,


masasabing ayon sa katayuan sa buhay ay sasapat ang
kinikita ng kanilang magulang ngayong may pandemya
upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan at base sa trabaho ng mga magulang,
karamihan sa tumugon ay may 80 bahagdan o 28 na
respondante ang nagsabing hindi napalitan ng trabaho ang
kanilang magulang.

2. Mataas ang bahagdan sa parehong pisikal at mental na


aspeto na may kabuuang 21 o 60 bahagdan, sapagkat sila’y
naapektuhan sa biglang pagbabago sa sistema na
nagbibigay sa kanila ng negatibong epekto.
3. Sampu mula sa tatlumpu’t lima ang tumugon sa
katanungan, dito ay lumabas na sa sampung respondante
ay mayroong tatlong tumugon na walang kinuhang
alternatibong trabaho ang kanilang magulang. At sa
opinyon ng mga respondante, lumabas na karamihan sa
kanila’y naapektuhan sa pagkawala ng trabaho ng kanilang
magulang dahilan din ito upang sila’y maapektuhan.

Ang mga sanhing ito ay marapat lamang bigyang pansin


upang bigyan ng solusyon. Ngayong may pandemya pamilya ang
pinakamahalaga, ngunit baka hindi sakit ang maging dahilan ng
pagkasira ng isang pamiya kundi dahil sa iba’t ibang sanhi ng
kawalan ng trabaho ng magulang. Hindi lamang magulang ang
naaapektuhan nito kundi ang mga anak na nakikita ang
paghihirap ng isang magulang. Ang ahensya ay marapat na
bigyan ito ng pansin dahil maaaring lumala ito at mahirap ng
sulosyunan.
TALASANGGUNIAN

Manabat, Johnson L. (Setyembre, 2020). Higit 180,000 nawalan


ng trabaho sa Pilipinas muna Enero: labor dep’t. Mula sa
https://news.abs-cbn.com/business/09/02/20/higit-180000-
nawalan-ng-trabaho-sa-pilipinas-mula-enero-labor-dept

Glennznl. (2021). Kawalang trabaho. Mula sa


https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Kawalang_trabaho

Go, Miriam Grace A. (Mayo, 2021). Pagdurusa ng


manggagawang Pilipino sa gitna ng pandemya. Mula sa
https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-
stories-labor-jobs-losses-coronavirus-pandemic-philippines

Hernandez, Zen (Abril, 2021). Higit 17,000 mangagawa ang


nawalan ng trabaho sa loob ng 2 linggo. Mula sa
https://news.abs-cbn.com/amp/news/04/12/21/higit-17000-
manggagawa-nawalan-trabaho-2-linggo
Sacramento, Edison (2017). Unemployment. Mula sa
https://www.slideshare.net/EdisonSacramento/unemployment-
78756690

OAbot. (2021). Marxian Theory of Unemployment. Mula sa


https://en.m.wikipedia.org/wiki/Unemployment

Amadeo, Kimberly (Enero, 2021). Keynesian Economics Theory.


Mula sa https://www.thebalance.com/keynesian-economics-
theory-definition-4159776

You might also like