You are on page 1of 3

Posisyong Papel ng Maryhill Colege

Hinggil sa Pagtatanggal ng Takdang Aralin


Mula sa Kinder hanggang Senior High School

PANATILIHIN ANG TAKDANG ARALIN MULA SA KINDER HANGGANG


SENIOR HIGH SCHOOL: HUWAG TURUAN NA MAGING TAMAD ANG MGA MAG-
AARAL NA PILIPINO
Posisyong Papel na nauukol sa Senate Bill no. 966.

Isa sa napapanahong isyung pinaguusapan sa lipunan ngayon ay ang “No


homework Policy.” Nagsimula ito noong pinasa ni Sen. Grace Poe ang Senate Bill no.
966 noong Agusto 27. Ito ay nagsasaad na bawal magbigay ng takdang aralin ang guro
tuwing biyernes. Ito ay epektibo sa mga mag-aaral na Kinder hanggang Senior High
School. At ang batas na ito ay makakadulot ng masamang epekto sa mga mag-aaral na
Pilipino. Mahalagang maihanda ang mag-aaral sa totong buhay lalo na ang pagpasok
sa kolehiya. Mararanasan ng mga mag-aaral ang tunay na ibig sabihin ng pag-aaral.

Ang unang argumento ay ang benepisyo nito na maiiwasan ang lahat ng


problema ng mga-aaral. Dahil doon magkakaroon ng sapat na oras sa pagpapahinga
ang mga mag-aaral. Magkakaroon din ng sapat na oras sa pagbobonding kasama ang
pamilya. Ngunit, sa panahon ngayon iba na ang pamilyang Pilipino ngayon. Maraming
aspekto sa buhay na nakakaapekto sa buhay ng mga pamilyang Pilipino. Ang
ikalawang argumento ay ang benepisyo nito na magkaroon ng fixed na oras sa pag-
aaral. Magkakaroon lamang ng sapat na oras ng pag-aaral sa paaralan. Hindi
magbibigay ng oras sa pag-aaral sa kanilang mga bahay. Ngunit, ito ay magdudulot din
ng masamang epekto sa mga mag-aaral. Dahil makakalimutan ng mga mag-aaral ang
resposibilidad ng mga mag-aaral sa pag-aaral. Mawawala ang kahalagahan ng pag-
aaral kung ang mga mga-aaral ay hindi nag-aaral. At ang huling argumento ay ang
benepisyo na mabawasan ang oras ng trabaho ang mga guro. Mabibigyan ng mga guro
ng oras para makapaghanda sa kanilang pagtuturo pati na rin sa kanilang mga pamilya.
Ngunit, ito rin ay magdudulot ng masamang epekto sa mga mag-aaral. Dahil bababa
ang kalidad ng pagtuturo sa Pilipinas. Sa halip na mabigayan ng gawain ng mga guro
ang mga mag-aaral ay matuturuan din nila ito na maging tamad.

Ang takdang aralin hindi makakatulong sa pagbigay ng oras sa mga


pamilya ng mga mag-aaral. Karamihan sa mga pamilya sa Pilipinas ay broken family.
Sa isang pananaliksik na ginawa ng McCann-Erickson Philippines, "Portrait of the
Filipino as Youth," nalalamang 32% ng 500 kabataan mula sa pamilya sa Metro Manila
na nakapanayam ay wala ang isa (nanay o tatay) o dalawang magulang (nanay at
tatay) sa tahanan. At sa 58% ng mga kabataang may nanay at tatay, 69% sa kanila ay
may mga nanay na may trabaho sa labas ng bahay. Marahil marami sa mga magulang
ay overseas workers. (Dy, 1994) Ang pagbigay ng oras ng mga mag-aaral sa kanilang
broken family ay makakasama sa kanila. Ito ay maaring magdulot ito ng depression,
suicidal thoughts at iba pa. Sa kabilang banda ng lahat, mayroong mga pamilya na buo
at masaya. Ang paggagawa ng takdang aralin kasama ang pamilya ay maaring maging
bonding ng pamilya. Ayon kay Raquib (2018), ang takdang aralin ang tulay ng
komunikasyon ng mag-aaral at ang kaniyang magulang.

Ang takdang aralin ay makakatulong sa mga slow learners sa paaralan. Ang


takdang aralin ay makakatulong sa pagsasanay ng isang aralin. Ito ay makaka-tulong
sa pagmaster ng isang aralin. Ayon sa pagsisiyatsat ni Cristobal (2015) ng National
Statistics Office Census of Population and Housing (2010), na 97.5% ng 71.5 milyon na
mga sampung taon pataas ay marunong magbasa at magsulat. Ipina-pakita ng census
na ang pagbibigay ng takdang aralin ay nakakabuti sa mga mag-aaral. Mas mahahasa
ang kakayanan ng mga Pilipinong mag-aaral.

Ang takdang aralin ay makakatulong upang mas bigyang halaga ang pag-aaral.
Ito rin ay makakatulong upang mabawasan ang mga mag-aaral na maglaro ng video
games. Sa panahon ngayon, ang mga mag-aaral ay naeeganyo na maglaro ng mobile
games kaysa sa pag-aaral. Nagreresulta ito sa pagkalimot ng obligasyon sa pag-aaral.
Ayon sa pag-aaral ni Ruben (2018), ang mga kabataan ngayon ay mas nagbibigay ng
pansin sa pag-lalaro ng mga video games. Nagreresulta ito sa masamang epekto.
Tulad ng pag-cutting, hindi paggawa ng takdang aralin at iba pa.

Ayon sa mga mag-aaral sa social meadia, ang takdang aralin ay nakakadag-dag


gawain at nakaka-stress. Oo, ito ay nakakapagod at nakaka-stres ngunit, ito ang tunay
na pagsasanay sa pag-aaral. Ang pag-aaral ay hindi madali ay hindi rin mabilis. Ito ay
pinaghihirapan ng isang mag-aaral na masipag. Matutunan ng mga mag-aaral ang
tamang pag-bigay ng oras sa mga gawain. Ang maaring gawin na lamang ng
pamahalaan ay mag-karoon ng isang sistematikong daloy ng pag-turo. Naka-schedule
ang lahat ng mga gagawin at naka ayos ang lahat ng mga takdang aralin. Maaring
gawin din ng mga guro ay ang pagbigay ng takdang aralin na sakto sa lang sa oras na
meron.

SANGUNIAAN

Cristobal, L. (2015). Literacy Daily. Retrived on September 17, 2019, on

https://www.literacyworldwide.org/blog/literacy-daily/2015/08/06/literacy-in-the-

philippines-the-stories-behind-the-numbers

Dy, M. B. Jr. (1994). “Pilosopikal na Btayang Espiritwalidad ng Pamilyang

Pilipino.” Pambansang Samahan Para sa Pagpapalahaga, Inc., Baguio City.

You might also like