You are on page 1of 1

SULATING EDITORYAL

Ang online classes sa Pilipinas ay isa sa mga “platforms”na isinasagawa sa


larangan ng edukasyon ngayong “new normal”. Sang-ayon sa karamihan sa mga
guro, at mga eksperto sa larangan ng edukasyon, matatagalan pa bago
magkaroon ng tinatawag na “face-to-face” sa pagsasagawa ng mga klase. Ito ay
sa kadahilang matatagalan pa rin bago tuluyang mawala ang sakit na COVID-19,
lalo na sa Pilipinas. Base ito sa pahayag ng mga eksperto sa larangan ng kalusugan
at medisina. Pero, dahil sa mga bagong bakuna na naimbento laban dito, may pag-
asa nang magkaroon ng “immunity” ang karamihan sa mga Pilipino.

Subalit, atin pa ring dapat tandaan na ang bakuna ay hindi isang mahikang
solusyon na magdudulot ng tuluyang pagkawala ng COVID-19. Ayon sa World
Health Organization (WHO) dapat pa rin daw bigyan ng prioridad ang mga health
protocols katulad ng “test, trace, isolate” na programa para mas mapabilis at
maging epektibo ang pagkawala ng sakit na ito.

Sa panahon ng tinatawag na “new normal”, maraming hamon at pagsubok


ng ang naranasan ang mga guro at mga mag-aaral sa pampubliko man o
pribadong paaralan. Kung kaya ang pinaka-mabuting magagawa ng mga mag-
aaral ng kasalukuyang henerasyon ay lalong maging handang matuto sa
pamamagitan ng tinatawag na “independent learning”, na kung saan hindi
lamang mga guro sa paaralan, kundi mga magulang din sa tahanan ang magsisilbi
nilang gabay sa pagkatuto.

Salamat sa inyong masugid na pagbabasa. Aming tinitiyak ang mainam na


paglilingkod sa pamamagitan nang pagpapahayag ng bago at pinaka-tinatangkilik
na balita. Hanggang sa susunod na mga bago at makabuluhang balita mula dito
lamang sa Filipinonews.

Dareen Margareth E. Aranton


Grade 7 – Section Hernandez

You might also like