You are on page 1of 13

MITHIIN NG PAMANTASAN

HANGARIN NG PAMANTASAN
Ang nangungu nang
Ang Cavite State University ay
pamantasan sa makasaysa yang
Kabite na kinikilala sa pagh ubog makapagbibigay ng mahusay, pantay at
Republic of the Philippines makabuluhang edukasyon sa sining, agham at
ng mga indibidwal na may
pandaigdigang kakayahan at
CAVITE STATE UNIVERSITY teknolohiya, sa pamamagitan ng may kalidad na
kagandahan-asal. Cavite College of Arts and Trades Campus pagtuturo at tumutugon sa pangangailangang
Rosario, Cavite pananaliksik at mga gawaing pangkaunlaran.
Makalikha ito ng mga indibidwal na dalibhasa,
may kasanayan at kagandahang-asal para sa
pandaigdigang kakayahan.

SALITA NG TAON : “ ”

Bilang Parsyal na Pagtupad para sa

Asignaturang GNED12: DALUMAT NG/SA

FILIPINO

IPINASA NI

Maglacas, John Lennon Andrei B.

IPINASA KAY

PRINCESS LEANNE MAE V. MONAHAN, LPT


INTRODUKSYON
Mungkahing Salita ng Taon: Online Class

Kahulugan ng Salita

Ang ONLINE CLASS ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan
ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang
magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga kamag-aral.

Nang magkaroon ng lockdown sa mga bansang apektado ng COVID19 Crisis, nakapagpatuloy


pa rin ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang pag-aaral gamit
ang computer.
Sa Pilipinas, sa kabila ng mga paghihigpit noong panahong iyon, nagawa pa rin ng mga guro na
magdaos ng mga aralin sa mga takdang petsa at oras, at tumulong ang mga magulang dahil
nasa bahay sila noon at hindi makakapasok sa trabaho. O kaya naman ay papasok sila sa
trabaho. Sa bahay. sapat na panahon para gabayan ang kanilang mga anak.

Bagama't iba pa rin ang kapaligiran sa silid-aralan na mayroong personal na interaksyon sa


pagitan ng guro at ng mga mag-aaral, kailangang gawing mas masigla, mabisa at kailangan ang
paraan ng pagbabahagi ng mga aralin upang magkaroon ng pokus at atensyon ang mga
bata.magtulungan. Kaya naman, masasabing ang mga online na kurso ang kasalukuyang uso at
isa ring malaking hamon para sa mga tao na malampasan ito kahit sa bahay.

Doble rin ang pagpapahirap nito sa iba dahil hindi lahat ay kayang magkaroon ng internet sa
bahay, kaya gumagamit kami ng telepono ng magulang na may internet subscription o
nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng WhatsApp o Messenger. Isipin din natin ang kalagayan
ng mga mag-aaral na ang mga magulang ay full-time healthcare worker tulad ng mga doktor,
nars, paramedic at iba pa na patuloy na nagtatrabaho dahil kailangan ito kaagad.kahit sa
panahon ng quarantine. Maaaring mahirapan sila dahil ang kanilang mga magulang ay walang
sapat na oras upang tumulong at tumuon sa kanilang online na kurso. 

Etimolohiya o Pinagmulan ng Salita

Sa Midya

Ang GMA ay halos oras-oras pinapalabas ang mga update tungkol sa COVID-
19. Katunayan ay naglabas ito ng panibagong update noong October 9, 2020 sa umabot sa 2,996

ang nadagdag na COVID-19 cases. Sa kabuuan ay 334,770 ang lahat ng tinamaan ng sakit at 53,

311 naman ang mga aktibong kaso at patuloy itong tumataas. Patunay lamang ito na madalas

gamitin ang salitang COVID-19 sa taong ito sa kadahilanang ito’y usapin at kinakaharap na

sakuna ng nakakararami.
Ayon naman sa ulat ni Ulat ni Kristine Sabillo ng ABS-CBN News lumabas sa isang

pag-aaral na kayang tumagal ng halos 1 buwan ang coronavirus disease (COVID- 19) virus sa

ilang bagay tulad ng pera, screen ng cellphone, at stainless steel.

"Researchers at CSIRO, Australia's national science agency, have found that SARS-

CoV-2, the virus responsible for COVID-19, can survive for up to 28 days on common surfaces

including banknotes, glass – such as that found on mobile phone screens - and stainless steel,"

ayon sa pag-aaral mula sa National Science Agency ng Australia.

Lumalabas din sa nasabing pag-aaral na puwedeng tumagal ang virus nang ganito

kapag malamig, at kapag ang kinakapitan na materyal ay makinis.

Paliwanag ni Dr. Anna Ong-Lim, Infectious and Tropical Disease Section chief ng

Philippine General Hospital, posible ito dahil nabubuhay ang virus sa labas ng katawan ng tao

dahil sa mga droplet.

"Dito sa mga respiratory viruses karaniwan 'yong mucus na nanggagaling sa plema or

sa sipon, doon namamahay ang mikrobyo, yung virus. And for as long as that particular

substance… Or minsan kahit natuyo na siya, puwedeng nandodoon pa rin 'yung virus tapos kung

nahawakan natin o nalanghap natin doon na tayo mahahawahan," aniya.

Giit pa ni Lim, hindi rin masisiguro ng pagdi-disinfect ang pagpatay sa virus.

"Nagkakabisa lang ‘yung disinfectant na ‘yun kung hinahayaan nating ma-cover ‘yung

buong surface at nandodoon siya sa surface na iyon for a minimum of 10 minutes…


So kahit ini-spray-an niyo pa rin, hindi pa rin tayo dapat nagha-handle nang hindi natin

hinuhugasan yung kamay natin bago tayo, for example, hahawakan ang mukha," ani Lim.

Ito umano ang dahilan kung bakit mas importanteng sumunod sa minimum health

standards tulad ng paghuhugas ng kamay. Nakakatulong din aniya ang pagsuot ng face mask at

face shield dahil napipigilan nito ang mga tao na humawak sa kanilang bibig, ilong, at mata na

puwedeng pasukan ng virus.

Ayon sa mga Eksperto

Marami ang nagtatanong kung ang isang pasyente bang gumaling na mula sa

COVID-19 ay puwede pa muling mahawahan ng bagong coronavirus. Ayon sa isang pag-aaral

sa Hong Kong, puwede ito.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, napatunayan ito umano sa kaso ng isang 33

taong gulang na residente na nagpositibo nang umuwi siya galing Europa. Una itong nagka-

COVID-19 higit apat na buwan na ang nakalilipas.

Ayon sa may-akda ng pag-aaral, pinatunayan nito na hindi panghabang-buhay ang

immunity sa COVID-19. Ibig sabihin, puwede muling kaagad mahawa. "Our study proves that

immunity for COVID-19 infection is not lifelong — in fact, reinfection can


occur quite quickly," ani Kelvin Kai-Wang To, microbiologist ng Hong Kong University-

faculty of medicine na na-interview sa istorya.

Para kay Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases specialist, nakaaalarma ang

findings na ito. Kaya dapat ibayong pag-iingat kahit pa gumaling na sa COVID-19.

"Wag kang kampante because anytime that you will be exposed, there’s a

possibility, a chance, that risk of getting the infection again."

Kaya ayon kay Solante, importanteng magkaroon na ng bakuna laban sa

COVID-19.

Sa ngayon, lumalabas na di pa aniya makaaapekto sa pag-develop ng vaccine

ang natuklasang "mutation" ng virus na nagdudulot ng COVID-19.

Sa kaso kasi ng taga-Hong Kong na muling nagkasakit, magkaibang virus strains

ang nakita. Ibig sabihin, hindi lang tira-tira nung naunang virus ang nakita nang muli syang

ma-swab test.

"Since reinfection is possible with the natural infection, the antibody is not enough to

protect an individual after an infection. Then we need to fast-track vaccine so that everyone will

be protected, including those who have been infected," ani Solante.


Importante rin aniya na wag balewalain ang hand washing, physical

distancing, at iba pang epektibong paraan para makaiwas sa COVID-19.

Diskurso

Ayon sa Asian Center University of the Philippines, ang mabilis na pagkalat ng

COVID-19 pandemya ay naging sanhi ng pagsara ng mga borders sa buong mundo. Pagsapit ng

huling bahagi ng Abril 2020, halos lahat ng mga bansa ay nagpatupad ng mga paghihigpit sa

paglalakbay, at ipinagbawal ang pagpasok ng mga dayuhan. Kahit na ang ilang mga bansa sa

Kanluran ay nagsimulang bawiin ang mga paghihigpit sa pagpasok mula noong Hunyo, ang

karamihan ng mga bansa sa Asya ay nagpapanatili ng isang napaka-maingat na paninindigan sa

pagtanggap ng mga dayuhang manlalakbay hanggang ngayon. Ang Japan, bilang isa sa mga

bansang iyon, ay nakaranas ng una at pangalawang alon ng impeksyon sa COVID-19.

Kabuluhang Panlipunan ng Salita

Ang salitang COVID-19 ay may malaking impak hindi lamang sa ating lipunan kundi

maging sa buong mundo dahil ito ay nagsisilbing malaking dagok na kinakaharap


ng nakararami sa kasalukuyan at ang pangunahing usapin ng ating bansa. Malaki ang pinsala nito

sapagkat kumitil na ito ng buhay ng nakararami. Mas lalong naghihirap at nagkakasakit ang mga

tao dahil rito. Ngunit kung titingnan natin ito sa ibang anggulo ay nagdulot din ito ng kabuluhan

at isa na rito ang inobasyon ng panibagong mga gamot panlaban sa naturang sakit. Ang

pagkakaroon ng kamalayan ng mga tao ukol sa nasabing problema ay ang pinakamahalagang

bunga ng pagkakaroon ng pandemya. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman na ang bawat tao sa

kung ano ang gagawin upang ito ay maiwasan. Magiging handa ang bawat isa upang ito ay

labanan at ito ay maibsan. Ang pagkabuhay muli ng bayanihan o pagtutulungan ang isa sa

pinakamahalagang bunga ng pandemya. Ito ay hindi kailanman nawala bagkus ito ay sumibol

muli. Ito ang magiging daan upang malampasan ang pandemyang kinakaharap ng bawat isa sa

atin.

Normal lamang ang makaramdam ng pagkabahala dahil sa kasalukuyang pagkakaroon

ng COVID-19 sa ating bansa lalo na para sa iyong sarili at mga mahal sa buhay. Samantala, ang

karamihan sa mga kaso ng COVID-19 (81%) ay mayroong bahagyang mga sintomas lamang lalo

na sa mga bata at young adults. Maliit lamang ang posibilidad na kakailanganing maospital ng

mga apektadong pasyente.Sa kabilang banda, siguraduhing proteksyunan ang sarili upang

maiwasan ang pagkalat ng COVID-

19 virus sa iyong mga mahal sa buhay at komunidad. Ugaliing gawin ang tamang paghuhugas ng

mga kamay, social distancing, at tamang pag-ubo. Bukod dito, maaaring sundin ang mga payo at

abiso mula sa pamahalaan at mga lokal na opisyal partikular na ang pag-iwas sa mga

malawakang salu-salo o pagpunta sa mga mataong lugar.


Iba pang Argumento Pabor sa Inyong Lahok

Ayon sa websayt na www.sscgov.org, wala pang bakuna para sa bagong coronavirus at walang

tiyak na paggamot o pagalingin para sa COVID-19. Gayunpaman, maaaring gamutin ang

marami sa mga sintomas. Ang mga pasyente ng COVID-19 ay dapat magpahinga ng lubusan,

uminom ng maraming likido, kumain ng malusog na pagkain, at bawasan ang stress.

Dapat gamitin ang Acetaminophen upang mabawasan ang lagnat at pananakit at sakit. Para sa

mga malubhang kaso, ang pangangalagang medikal ay maaaring kailanganin upang mapawi ang

mga sintomas at suportahan ang mga mahahalagang pag-andar ng organo hanggang sa gumaling

ang pasyente.

Malakas na sinusuportahan ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ang pagpapalawak ng

pagkakaroon ng pagsubok para sa COVID-19. Ang kasalukuyang kakulangan ng malawak na

kapasidad ng pagsubok sa buong bansa at lokal ay negatibong nakakaapekto sa aming

kakayahang masubaybayan ang epidemya, na magtuon sa mga pamamaraan upang mabawasan

ang pagkalat, at ipaalam sa mga indibidwal na tao ang kanilang katayuan sa impeksyon. Sa

kasamaang palad, ang mga lokal at pambansang mapagkukunan ng pagsubok ay hindi maaaring

lumaki sa lawak na
inaasahan namin, at hindi lahat ng may sakit ay maaaring masuri sa oras na ito.

Habang tayo ay nagsasagawa ng pagkilos upang mabawasan ang agarang epekto ng COVID-19

sa ating mga komunidad at sa ating mga sistema sa pangangalagang pangkalusugan, mahalaga

ring mabawasan ang pangalawang epekto sa kalusugan ng pandemic na ito. Ang laganap na

stress at pagkabalisa tungkol sa COVID-19, na mas pinatindi pa ng pang-ekonomiyang

pagkabalisa sanhi ng kawalan ng sahod, trabaho at mga pinansyal na asset; pagsasara ng mga

paaralan; at mga kinakailangang pagdistansya sa isa't isa ay maaaring magresulta sa pagdami ng

mga kundisyong pangkalusugan na may kaugnayan sa stress.

Maraming kinakaharap ang mga magulang at pamilya sa panahon ng pandemyang ito.

Ang mga nagtatrabahong ina at ama ay dapat nang tumayo bilang manggagawa, magulang,

counselor ng bata, at guro nang sabay-sabay. At may ilang magulang na dapat humarap sa mga

bagong lugar ng trabaho, nawalan ng trabaho, at nakakaranas ng interpersonal na karahasan.

Habang ang pandemyang coronavirus (COVID-19) ay patuloy na nakakaapekto sa ating bansa,

marami sa atin ang magdurusa sa pagkawala ng isang miyembro ng pamilya o isang kaibigan.

Ang pagkamatay ng isang minamahal ay palaging mahirap, ngunit malamang na gawing

lalong mahirap ng pandemya ang pagkaya sa pagkawala. Parehong ang likas na katangian ng

sakit na COVID-19 at ang mga hakbang na kailangan


upang mapigil ang virus ay nagbabadya ng kakaibang mga paghamon.

Kabilang dito:

• Ang pagkamatay sa COVID-19 ay hindi dumarating pagkatapos ng ilang buwan ng

pagkakasakit; madalas ay biglaan ang mga ito at mga hindi inaasahang kamatayan. Maaaring

ikaw, ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay ay magkaroon ng kaunting pagkakataon para

paghandaan ang pagkawala at ang mga pamamaalam ay maaaring maging malayuan, kung ito

man ay mangyayari pa.

• Para sa karamihan, ang ating karaniwang paraan ng pagharap sa kamatayan at pagluluksa ay

depende sa pagsasama-sama ng mga tao. Ang mga kaugaliang ito ay mahalaga bilang mga ritwal

ng pananalig, pagsasara, at bilang isang paraan para kumonekta at suportahan ang ibang tao.

Nakakalungkot man, ang mga kinakailangan sa pisikal na pagdistansya upang tayo ay

protektahan sa mas lalo pang pagkalat ng COVID- 19 sa kasulukuyan ay pumipigil sa

malakihang mga personal na pagtitipon.

• Ikaw, ang mga miyembro ng pamilya mo o mga kaibigan ay maaaring mag-alala o

makaramdam ng pagkakasala na sila ang nagdala ng virus papasok sa tahanan, na dapat ay

nakilala nila nang mas maaga ang mga palatandaan ng sakit o nakapagtuon nang mas matindi

laban sa virus. Ang katotohanan ay maraming tao ang hindi nakakaalam na kanilang dala-dala

ang virus, at hindi natin masasabi kung paano ang virus ay


nakakaapekto sa bawat tao. Unawain na iyong ginawa sa abot ng makakaya mo na

pangalagaan ang iyong minamahal sa isang mahirap at hindi masasabing sitwasyon.

• Dumadagdag pa sa lahat-lahat ay ang pag-aalala mo tungkol sa hinaharap: kawalan ng trabaho,

mga rentang lagpas na sa taning at mga utang, medikal na bayarin, nawalang seguro sa

kalusugan at nabawasang mga pondo sa pagreretiro. Para sa maraming pamilya, ang

karagdagang mga hamong ito sa iyong buhay ay maaaring patindihin ang kalungkutan,

pagdadalamhati at pagkawala na dumarating sa pagkamatay ng isang minamahal at gawing mas

malala sa pakiramdam ang lahat ng bagay.

You might also like