You are on page 1of 2

"Ang Epekto ng Pandemya sa Kalusugang Pangkaisipan ng mga Mag-aaral sa Senior High School sa

Isang Pribadong Unibersidad sa Lungsod ng Maynila":

Introduksyon

Sa pagsapit ng Enero 2020, idineklara ng World Health Organization (WHO) ang Coronavirus disease-
2019 bilang isang pandemya. Nagdulot ito ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tao, lalo na sa mga
kabataan. Napukaw ang interes ng mga mananaliksik na tuklasin kung ano ang lubusang nakaaapekto sa
kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral sa senior high school sa isang pribadong unibersidad sa
lungsod ng Maynila.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malinang kung ano ang sanhi ng pandemya na pinaka nakakaapekto
sa mga mag-aaral mula sa pribadong unibersidad.

Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa senior high school sa isang pribadong
unibersidad sa lungsod ng Maynila. Ang limitasyon ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa ika-11
baitang.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ginamit ng mga mananaliksik ang simple random sampling teknik upang makalikom ng 66 na
respondente mula sa populasyon ng 1,701 na ika-11 baitang na mag-aaral.

Sa kongklusyon ng pag-aaral,

naitala ng mga mananaliksik ang mga epekto ng pandemya sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-
aaral sa Senior High School sa isang pribadong unibersidad sa Lungsod ng Maynila. Kasama sa mga
epekto ang hirap sa online class, hindi pagkakaroon ng epektibong pamamahala sa oras, responsibilidad
sa bahay, pagkawala ng personal na interaksyon, takot sa COVID-19, epekto ng balita at social media,
pagkakaroon ng face mask sa paligid, pananatili sa bahay, financial stress, at takot sa pagkawala ng
mahal sa buhay. Ang mga natuklasan na ito ay mahalagang bigyang-pansin upang matugunan ang mga
pangangailangan at suporta ng mga mag-aaral sa kanilang kalusugang pangkaisipan sa gitna ng
pandemya.
Rekomendasyon

Para sa mga mag-aaral, gumawa ng "todo list" at mag-set ng sariling mga deadline para maayos ang
paggamit ng oras sa online class. Para sa mga estudyanteng may gawaing bahay, mag-priyoridad at
gumawa ng lingguhang iskedyul. Para sa mga magulang, kumustahin at suportahan ang kalusugan
pangkaisipan ng mga anak. Para sa mga gabay tagapayo, mag-conduct ng seminar at counseling para
matuturuan ang mga mag-aaral ng coping skills. Ito ay mga hakbang na makakatulong sa pag-aalaga ng
kalusugan pangkaisipan ng mga mag-aaral sa

You might also like