You are on page 1of 15

Antas ng Kaalaman ng Kahalagahan ng Paggamit ng Face mask at pagpapanatili

ng Social Distancing sa Panahon ng Pandemya ng mga mag aaral mula sa ika


Limang Baitang sa Paaralang Elementarya ng Tagbakin Atimonan ,Quezon
Taong Panuruan 2021-2022

KABANATA 1

ANG MGA SULIRANIN AT SAKLAW NITO

Ang paksa ng aming pananaliksik ay kahalagahan ng paggamit ng facemask at pag sunod at


pagpapanatili ng social distancing sa paaralan.Matatalakay dito ang mga suliranin at kahinaan ng mga
mag aaral sa paggamit ng facemask at pagsunod sa social distancing sa paaralan. At dahil sa madalas na
nakakalimutan ang pagsusuot ng mask at hindi pagsunod sa social distancing ng mga bata sa ika limang
baiting.

Marami sa mga mag aaral lalong lalo na sa ganitong baiting ang hindi alam ang kahalagahan ng palagiang
pagsusuot ng mask at pagsunod at pagpapanatili ng social distancing.

Bagamat tayo ay walang face to face class dahil sa pandemya .Walang aktwal na konbersasyon ang guro
sa mga mag aaral upang paalalahan ang mga estudyante sa palaging paggamit ng facemask at pagsunod
sa social distancing.

Dapat malaman ng lahat ng mag aaral ang kahalagahan ng palagiang paggamit ng facemask at pagsunod
sa social distancing. Kailan man at saan man tayo magpunta.

Ang kahalagahan ng palagiang pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing ay makakatulong


sa mga tao upang makaiwas at magkaroon ng kaalaman sa mga kagamitang maaring gamiting
proteksyon sa virus. Ayon sa Ritf ang paggamit ng mask at kung mask lamang (ang gagamitin) ay hindi

sapat na pananggalang sa COVID-19. Ang pagpapanatili ng 1.5 metrong layo sa

ibang mga tao at madalas na paghuhugas ng mga kamay ay nananatili pa ring

pinakamahusay na mga paraan upang protektahan ang iyong sarili.

BALANGKAS TEORITIKAL

Magalang na binigyang-pansin ng mga mananaliksik ang iba’t ibang teoryang pag aaral ng ibat

ibang bansa ng sumuporta sa ginawang pananaliksik sa paksang “Antas ng kaalaman ng kahalagahan ng

Paggamit ng Facemask at pagsunod sa social distancing ng mga Mag-aaral as ika limang baitang sa

Elementarya ng Tagbakin. Sa kalagayan ng ibat ibang mga bansa sa kanilang aksyon laban sa sitwsyon na
himdi nakikita ang kalabang virus kaugnay ng teorya ng pag aaral sa San Francisco California sa

Amerika.

Ayon sa pananaw ng pag aaral ng mga taga San Francisco. Magsuot ng mask kapag ikaw ay nasa

mataong lugar ,nagbibigay ang mask karagdagang proteksyon sa iyo at sa lahat ng bantang

sakit.Anuman ang status ng iyong bakuna ay dapat kang magsuot ng mask sa loob at labas ng mga

pampublikong gusali . Kabilang dito ang mga lugar tulad ng mga tindahan at restaurant kapag hindi

aktibong kumakain o umiinom at sa malalaking event sa loob.

Ayon din sa pananaw at pag aaral ng mga taga San Francisco ay dapat kang magsuot ng

facemask at sumunod sa social distancing kapag ikaws ay: Naghahanap ng pangangailangang

pangkalusugan kasama ang anumang waiting room. Nasa loob ng K- TO- 12 na paaralan, pasilidad sa

pangangalaga sa bata,pambatang sports , o iba pang lugar na may kabataan. Nasa loob ng mga shelter

para sa walang tirahan, sentro ng paglamig at shelter para sa emergency. Nasa mga pasilidad sa

pangmatagalang pangangalaga sa mga nasa hustong gulang at matatanda . Maging ang mga nasa loob

ng bilangguan.

Bilang isang magiging guro ay dapat ay malawak ang iyong kaalaman sa pagamit ng facemask at

pagsunod sa social distancing na maaring maibahagi sa mga mag aaral sa ika limang baitang ng

elementarya na karamihan ay wala pang bakuna.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magsagawa ng isang pagtataya sa tungkol sa

Antas ng kaalaman ng pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing ng mga mag-aaral bilang

batayan sa mungkahing pagpapayaman ng silabus:


Ito’y naglalayong masagotang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang profayl ng mga respondente ayon sa mga sumusunod na aspekto:

 Mga Mag-aaral

1.1 Gulang;

1.2 Kasarian

2. Ano ang antas ng kaalaman sa pagsusuot ng facemask at pagsunid sa social distancing ng mga mag-

aaral?

3. Anu-ano ang mga suliranin ng mga mag-aaral kung bakit wala silang kaalamanan sa kahalagahan ng

pag susuot ng faceamask at pagsunod sa social distancing?

4. Nagkaroon ba ng makabuluhang antas ng pagkakaugnay sa pagitan ng:

4.1 Antas ng suliranin o kahirapan ng mga babae at lalaking mag-aaral sa paggamit ng facemask at

pagsunod sa social distancing.

4.2 Antas ng natutunan ng mga babae at lalaking mag-aaral sa paggamit ng facemask at pagsunod sa

social distancing.

5. Nagkaroon ba ng makabuluhang antas sa pagkakaiba ng marka sa pagitan ng babae at lalaking mag-

aaral?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay may paksang Antas ng Kaalaman ng Kahalagahan ng Paggamit ng Face mask

at pagpapanatili ng Social Distancing sa Panahon ng Pandemya ng mga mag aaral ay makatutulong ng

malaki sa mga sumusunod:

Sa mga maag-aaral. Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat malaki ang maitutulong ng kaalaman sa

pagsusuot ng facemask at pagsunod sa socialdistancing sa mga mag aaral upang sila ay makaiwas at

makatulong sa hindi na pagkalat ng covid 19 sa lipunan.


Sa mga manunulat. Ang pag-aaral nito ay magbibigay-daan sa kaisipang sa pagsulat ng mga basahin

tungkol sa pagsuot ng facemask at pagsunod sa social distancing sapagkat ang issue ay napapanahon at

angkop basahin ng mga mambabasa.

Sa mga mananaliksik. Ang pag-aaral nito ay magbibigay sa kanilang panibagong lakas upang saliksikin

na ang higpit na mahalagang bagay o ideya na makatutulong upang mapalawak ang hangarin ng bawat isa

na mabuksan ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa epekto ng pagamit ng facemask at pagsunod sa

social distancing.

Sa mga magulang. Sa panig ng magulang ,ang resulta ng pagsusuri ay magsisilbing paalala sa kanilang

malaking tungkulin sa paggabay at pagbibigay kalagayan sa pag-aaral ng kanilang mga anak.Ito ay

magpapabatid sa kanila bilang kasama o pakikipag-ugnayan.Mapag-uunawa ang pananaliksik na ito sa

mga magulang upang mapabatid nila ang mga pananaw ng kanilang mga anak hinggil sa pagamit ng

facemask at pagsunod sa social distancing.

KATUTURAN NG MGA TERMINONG GINAMIT

Binigyang kahulugan ang mga sumusunod na katawagan ayon sa paggamit ng pag-aaral na ito

upang maging lubos ang pag-unawa ng mga mambabasa:

Facemask- pantakip sa bibig pang maiwasan ang pagkahawa sa mga virus

Face Sheild- plastic na pantakip sa mukha upang panlaban sa pagkahawa sa virus.

Face coverings – lipon ng mga kagamitang ginagamit pantakip sa mukha

Social Distancing- Pagpapnatili ng distansiya sa

isat isa.
Kabanata 2

Kaugnay na Pag aaral

Ang mga kaugnay na pag-aaral ay nakakatulong sa pagpapaliwanag ng mga kaisipang ginagamit

ng mga mananaliksik sa pagpapaliwanag ng suliraning kinakaharap.

Ayon sa teorya ng pag aaral ng gobyerno ng England pinapanatili ang pagsusuot face mask o face

coverings sa mga pangkalusugang pasilidad gaya ng Gp surgeries ,mga hospital at care homes.

Pinatutupad ng gobyerno ang pagsusuot ng face coverings at pagsunod sa social distancing lalong

lalo na sa mga saradong lugar ar pribadong lugar kapag nakikipagsalamuha sa maraming tao.

Ayon naman sa teorya ng pag aaral sa Scotland ay ang palagiang pag susuot ng face coverings ay

nakakapag panatiling maging ligtas laban sa covid 19. Kahit karamihan sa mga mamayan ay bakunado ay

mas mainam parin ang pagsusuot ng face mask uoang mabawasan ang pagkalat ng virus.

Pinatutupad ng batas sa Scotland na ang mga batang may edad 12 pababa ay ang mga mas dapat

magsuot ng facemask at facecoverings.

Ayon naman sa IATF-EID sa Pilipinas inilabas ang resolusyon noong December 14,2020 na nag

aatas na lahat ng tao ay kailnangang magsuot ng face mask at facesheild sa lahat ng pampublikong lugar

upang maiwasan ang lalong pagkalat ng virus.

Nov 15,2021 ayon sa pangulong Rodrigo Duterte ay hindi ni rerequired na magsuot ng

facesheilds sa maraming lugar. Dahil sa bumababa ang kaso ay inalis na ng pangulo ang mandato

nagtatakda ng pagsusuot ng facesheilds sa mga pampublikong lugar. Sapagkat karamihan sa mga bansa sa

buong mundo ay hindi na gumagamit ng plastic na pantakip.


Kabanata 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang bahaging ito ay naglalahad tungkol sa disenyo ng pananaliksik, lugar pananaliksik,

respondent, instrument ng pananaliksik, paraan ng panglikom ng mga datos at pagsusuring istatistikal.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay impormatib. Nagbibigay ito ng sapat na impormasyon o kaalaman

tungkol sa paggamit ng facemask at pagsunod sa social distancing Impormatib ang siyang naging disenyo

ng pananaliksik na ito upang maipahayag ng mainam o maging detalyado ang pagpresenta ng

pananaliksik na ito.

Respondent

Tinutukoy ang mga respondent ng sarbey,kung ilan sila at paano at bakit sila napili. Sila ang

sasagot sa sarbey o talatanungan.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang pangunahing

instrument sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa

dalawang pangkat: Ang profile at ang survey ukol sa paksang pinag-aralan. Ang sarbey ay ang pagkolekta

ng impormasyon tungkol sa katangian, aksyon, o opinion ng malaking grupo ng mga tao na tumutukoy sa

bilang isang populasyon o malawak na sakop ng pananaliksik ay binubuo ng iba’t-ibang istilong

paghahanap kabilang ang pagtatanong sa mga respondent.

Pagsusuring Istatistikal

Ang mananaliksik ay gumamit ng “Average Weighted Mean” para tukuyin ang problemang

naranasan sa kawalan ng kaalaman sa pagamit ng facemask at pagsunod sa social distancing


Pormula: Xw =∑ fx

N
Kung saan:
Xw = average weighted mean

∑ fx = ang kabuuang dami ng bilang ng mga mag-aaral; at ang frequency


distribution

N=¿ Bilang ng mga respondent

Weighted Mean. Ang pamaraang ito ay ginamit sa pagsukat ng “central tendency” na kung saan ang

iilang mga “value” o halaga ay binigyan ng malaking kahalagahan kaysa sa iba. Ito ay ginamit upang

sukatin ang katamtamang “value” o halaga sa dami ng mga aytem sa talatanungan gamit ang pormulang:

X =¿ ∑ fx

Kung saan:

X= weighted mean

∑= simbolo ng pagbubuo

f= kalimitan ng tugon

x=sukat ng halaga

N= kabuuan ng bilang ng klase

Ang katumbas ng weight mean ay tinatantiya ng:

WM= ∑ (FxW )
N
Minsan ang antas ng mga problemang naranasan ay hindi palaging 100%. Ang mababang antas

ay maaring isaalang-alang: kaya ang arbitraryong sukat ay:

3.25-4.00 – Sa lahat ng pagkakataon

2.50-3.24 – Madalas

1.75-2.49 – Paminsan-minsan

1.0-1.74 - Hindi/WalaKATUTURAN NG MGA TERMINONG GINAMIT

Kabanata4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga

mga datos na nakalap tungkol sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral. Ang

pagtatalakay sa mga sagot ay ibinatay sa pagkakaayos ng mga katanungan sa unang

kabanata.

Kasarian ng Kalimitan Bahagdan

Respondente (%)

Babae 25 68%

Lalaki 12 32%

Kabuuan 37 100%

Edad ng mga Kalimitan Bahagdan

Respondente (%)
12-13 9 24.32

13-14 28 75.68

15-16 0 0

Kabuuan 37 100%

Suliranin 1: Ano ang kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng

facemask?

Talahanayan 1.1 Distribusyon ng mga Respondente sa mga mag-aaral


batay sa wastong paggamit ng faceamask
Kaalaman sa Kalimitan sa Kasarian Porsyento
wastong paggamit
Lalaki Babae Lalaki Babae
ng facemask
Oo, alam na alam 5 15 41.67 60
Oo, katamtaman 3 9 25 36
lamang
Hindi gaano alam 4 1 33.33 4
Walang alam 0 0 0 0

Kabuuan 12 25 100% 100%

Talahanayan 1.2 Distribusyon ng mga Respondente sa mga mag-aaral


batay sa tamang pagsunod sa social distancing

Kaalaman sa Kalimitan sa Kasarian Porsyento


tamang pagsunod
Lalaki Babae Lalaki Babae
sa social
distancing
Oo, alam na alam 4 9 33.33 35.14
Oo, katamtaman 7 16 58.34 62.16
lamang
Hindi gaano alam 1 0 8.33 2.70
Walang alam 0 0 0 0

Kabuuan 12 25 100% 100%

Suliranin 2: Ano-ano ang lebel ng perpormans ng mga mag-aaral sa kanilang

kaalaman sa paggamit ng facemask?

Talahanayan 2.1 Distribusyon ng mga Respondente ayon sa kanilang kaalaman


sa wastong paggamit ng facemask at pagsunod sa social distancing
Marka Kalimitan Porsyento
Lalaki Babae Lalaki Babae
A 0 0 0 0

A- 1 2 8.33 8

B 1 10 8.33 40

B- 3 2 25 8

C 1 2 8.33 8

D 3 5 25 20

F 3 4 25 16

Kabuuan 12 25 100% 100%

Suliranin 3: Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng kaalaman ng mga

mag-aaral sa wastong paggamit ng facemask at pagsunod sa social

distancing
Talahanayan 3.1 Distribusyon ng mga Respondente sa mga mag-aaral na babae

ayon sa implikasyon sa pag-alam sa wastong pagamit ng facemask at pagsunod

sa social distancing

Implikasyon sa pag-alam KALIMITAN BAHAGDAN

ng kanilang mga (n=25) (%)

kaalaman sa wastong

pagsusuot ng facemask

Maaaring magawa ko ang 4 16

lahat ng mga rekwayrment

na kinakailangan sa

pagsusuot ng facemask

Maaaring gaganahan 4 16

akong magsuot ng

facemask

Maaaring akoy ganahan sa 6 24

pagsunod sa safety

protocol

Magiging malinaw sa akin 6 24

ang aking layunin ng

pagsusuot ng facemask

Magiging maganda ang 5 20

epekto sa aking kalusugan

ng palagiang pagsusuot ng
facemask at pag sunod sa

social distancing.

Kabuuan 25 100%

Talahanayan 3.2 Distribusyon ng mga Respondente sa mga mag-aaral na lalaki


ayon sa implikasyon sa pag-alam sa wastong paggamit ng facemask at pagsunod
sa social distancing

KASAGUTAN KALIMITAN BAHAGDAN

(n=12) (%)

Maaaring magawa ko ang 0 0

lahat ng mga rekwayrment

na kinakailangan sa

tamang susuot ng

facemask

Maaaring gaganahan 2 8

akong magsuot ng

facemask

Maaaring akoy ganahan sa 2 8

pagsunod sa safety

protocol

Magiging malinaw sa akin 3 12

ang aking layunin ng

pagsusuot ng facemask

. Magiging maganda ang 5 20


epekto sa aking kalusugan

ng palagiang pagsusuot ng

facemask at pag sunod sa

social distancing.

Kabuuan 12 100%

Kabanata 5

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay para matukoy ang kahalagahan ng pagsunod ng

mga mag-aaral sa wastong pagamit ng facemask at pagsunod sa social distancing. Ang

pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong sarbey, upang makalakap ng mga

datos na hahanguan ng interpretasyon upang makamit anglayunin ng pananaliksik.

Pumunta ang mananaliksik sa bahay ng iba't ibang magaaral sa ika limang baiting sa

Tagbakin upang kumuha ng mga impormasyong magagamit sa pag-aanalisa ngmga

pananaw ng mga respondente.Batay sa sarbey na isinagawa, mayroong 10 na mga

mag-aaral sa ika limang baitang ng Tagabakin Elementary School ang naging

respondente nasumagot sa sarbey-kwestyuner. Buhat sa mga naging kasagutan ng

mgarespondente, nakagawa ng interpretasyon ang mga mananaliksik ukol sapaksang

napili. Natuklasan na madalas na naiintindihan kung bakit ipinapatupad angmga

alituntunin sa wastong paggamit ng facemask at pagsunod sa social distancing sa


paaralan at sa pampublikong mga lugar para sa kanilang seguridad at sa pagbaba ng

tsansang mahawa sa virus.

Konklusyon

Mula sa mga nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa kanilang pagsarbey,ito ang

mga nabuong konklusyon.Ang karamihan sa mga mag-aaral sa ikalimang baitang ay

may opinyon na ang kahalagahan ng alituntunin ng wastong pagsusuot ng facemask at

pagsunod sa social distancing ay kanilang naiintindihan. May ilan ding nag dudulot ng

mabuti ang kanilang pagsunod sa mga alituntunin ng wastong pagsusuot ng facemask

at pagsunod sa social distancing .Kakaunti lamang ang nagsasabing nahihirapan silang

sumunod sa alituntunin ng wastong pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social

distancing

Rekomendasyon

Base sa mga kasagutan at konklusyon nahinuha, ang mga mananaliksik ay

nagbigay ng mga rekomendasyon.

1. Para sa mga magulang, labis na nirerekomenda ng mga mananaliksik na sanaay

gabayan ninyo ang inyong mga anak sa kanilang pagsunod sa mga alitumtunin ng

wastong pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing


2. Para sa mga kaibigan, labis na nirerekomenda ng mga mananaliksik na sana ay

tulungan niyo na mapanatili ang inyong mga kaibigang mag-aaral na sumunod sa mga

alituntunun sa wastong pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing.

3. Para sa mag-aaral, pahalagahan niyo ang pagsunod sa mga alituntunin wastong

pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing para sa iyong kalusugan ..

You might also like