You are on page 1of 6

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Tayong lahat ay sinisubok nitong panibagong pandemya na Covid-19. Kinakailangan nating


tumupad sa mga pampublikong protokol at isa sa mga mahalagang aspekto nito ay ang pagsuot ng
facemask. Ang “Facemask” ay isang asparato na isinusuot upang maiwasan ang sarili sa paglanghap ng
masamang hangin upang hindi mahawa ang iba sa iyong sakit. Isang “Chinese medical scientist Wu
Liande” ang nag inbento ng “Facemask” na gawa sa dalawang layer ng gasa na tinatawag na “mask ni
Wu”. Ang pagsuot ng Facemask ay ang simple at mainam na solusyon upang maiwasan ang nasasabing
virus. May iba’t ibang uri ng Facemask, Mayroong Cloth, N95 at surgical. 6-8 hours lamang ang
durasyon nito sapagkat nawawalan bisa ang filter niya.

Malaki ang naging epekto ng pagsusuot ng Facemask sa mga tao, maging negatibo at positibong
epekto. Dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao patungkol sa Facemask. Sa Barangay Lower,
Taway ang mga kabataan edad 13-21 ay nagkulang sa kaalaman kung anong mga possibleng epekto ng
Facemask, mga tao ay hindi wasto ang paggamit ng Facemask, lagi nilang hinahawakan ang kanilang
mask, ang iba ay madumi na ngunit kanilang paring ginagamit tapos hindi maayos pagkaligpit ng mga
natatapong Facemask(disposable). Ito ay maaaring magbigay kapahamakan sa mga tao. Ayon sa isang
eksperto na si Dr. Benedetta Allegranzi ang teknikal na lead ng W.H.O. sa pagkontrol sa impeksyon, ang
sakit na ito ay pwedeng makuha natin sa hangin at ang pinaka mabisang paraan upang maiwasan ang
pagka hawa sa sakit ay ang pagsuot ng face mask. Nakakatulong ito dahil sinasala(filter) nito ang hangin
na maaaring may mga “droplets” ng laway na galing sa isang taong nahawa sa sakit. Ngunit sa
proteksyon na dala nito, maaari rin itong maging dahilan ng ating pagka hawa kung ito ay hindi na
“dispose” o na gamit ng maayos. At pwede din itong maging dahilan ng pagkaroon ng “discomfort” sa
atin. Maaaring sa paghinga, sa pag salita, o konting pananakit sa mukhang natatakpan nito kung ito ay
ginamit ng matagal.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang magbigay kaalaman sa mga kabataan at sa barangay
kung ano ang mga possibleng epekto nito sa kanilang kalusugan sa paraan ng paggamit nila ng kani
kanilang Facemask.

Isinagawa din ng aming grupo ang pag aaral na ito upang mabigyan ng sagot at matugunan ang
mga katanungan:

1
1.Ano ang kahalagahan nito sa mga tao ang pagsusuot ng facemask?
2.Ano ang mga possibleng makuha sa pagsusuot ng Facemask?
3.Ano ang mga positibo at negatibong maidudulot ng Facemask sa mga tao?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng mga epekto nito sa mga tao sa pagsusuot nila ng
Facemask sa panahon ng pandemya at nagbibigay kaalaman para sa mga kabataan.

Kung babasahin mo ito, makikita mo ang ibat ibang possibleng epekto ng Facemask sa mga
tao. At binibigay din dito ang kahalagahan ng Facemask.

Para sa Barangay Lower, Taway, maaaring gamitin ang aming pananaliksik na ito upang
magkaroon sila ng kaalaman at ang mga taong kanilang sakop sa barangay.

Para sa mga kabataan, ang pananaliksik ay malaking tulong sa kanila upang mabigyan o
madagdagan pa ang kanilang mga kaalaman nila sa Facemask. Sapagkat alam natin na hindi lahat ay may
kaalaman at lahat tayo ay nasapunto palang ng pag aadjust.

Para sa mga manggagawa o mamamayan, ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa kanila upang
makapag isip sila sa kung anong mga paraan ang kanilang gawin upang mapalayo sila sa kapahamakang
possibleng maidudulot.

Para sa mga sumusunod na mananaliksik ang mga impormasyon at datos ay pwede nilang magamit sa
kanila ding pag aaral, maging basehan nila at makatutulong sa kanilang pananaliksik kung ang kanilang
paksa ay patungkol sa mga possibleng epekto ng paggamit ng Facemask.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang aming mga pag-aaral ay nakapokus lamang sa Epekto ng pang matagalang paggamit ng
Facemask sa Dalawampung(20) Kabataan edad 13-21 ng Barangay Lower Taway, Purok Ilang-ilang, Ipil
Zamboanga Sibugay. Humingi muna kami ng permiso para magsagawa ng sarbey sa mga kabataan sa
Barangay.

2
Limitado lang an gaming pag-aaral sa piniling dalawampung(20)kabataan.Sampung(10)Dalaga at
Sampung(10)binatang lalaki.

Ang aming pagnanasa sa mga kabataan sa Barangay ng Lower,Taway,Purok Ilang-ilang ay


makakuha ng kanilang kaalaman o opinyon patungkol sa epekto ng Facemask.

DEFINASYON NG MGA TERMINOLOHIYA

FACEMASK- Isang proteksiyong maskara na tumatakip sa ilong at bibig. Upang maiwasan mahawa at
makahawa ng sakit.
https://www.merriam-webster.com/dictionary/face%20mask

COVID-19- Ang coronavirus (COVID-19) ay sakit na dulot ng isang virus na maaaring kumalat
mula sa isang tao patungo sa ibang tao.
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/downloads/2019-ncov-factsheet-Tagalog.pdf

DOH/WHO- Sila ang nag tatagal ng protocol ng pagsusuot ng Facemask at nagbibigay impormasyon
patungkol sa Facemask at sa pandemyang Covid-19
https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019/advice-for-public/when-and-how-to-
use-masks

3
KABANATA II

MGA KAUGNAYAN NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa isang dermatologist na si Harry Dao , MD,FAAD,(2020) Ang pangmatagalang


pagsuot Facemask ay nagdudulot ng problema sa balat ng tao na tinatawag na “MASKNE” dahil
ang mask ay nagpapataw ng init, alitan at oklusi sa balat at kapag isinama sa isang mamasa-
masa na kapaligiran mula sa paghinga, pakikipag-usap o pagpapawis, ito ay isang resipe para sa
mga breakout, “sabi ni Dao”. Hindi lamang ito ang iniulat na problema ng pagsuot ng Facemask, Ang iba
pang mga karaniwang problema sa balat ng mukha sa mukha ay kinabibilangan ng
(Rosacea,Folliculitis,Seborrheic dermatitis etc.)

Ayon din sa mga ibang Doctor at sa WHO organization(2020). Ang pangmatagalang paggamit ng
Facemask ay para magbigay ng proteksyon sa mga tao upang di dumami ang mga nahawaan ng virus.
Ukol pa sa kanila ang ipinapatupad nila ang paggamit ng Facemask dahil nakakatulong ito upang
mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.

Nuong March 2020,Ayon sa eksperto na si Dr. Cleavon Gilman ang matagal na paggamit ng N95 at
masker sa pag-opera ng mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan sa panahon ng COVID-19 ay
nagdulot ng masamang epekto tulad ng pananakit ng ulo, pantal, acne, pagkasira ng balat, at may
kapansanan sa katalusan sa karamihan ng mga nasuri.

4
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang ginawa naming paraan upang makakuha ng impormasyon at datos ay ang


deskriptive na pananaliksik at pagsasagawa ng sarbey sa mga Kabataan. Dahil ang aming
impormasyon ay patungkol sa epekto ng pangmatagalang paggamit ng Facemask. Sa paraan din
ng pag sarbey ay makakakuha din kami ng mga impormasyon at datos mula sa mga kabataan. Sa
aming sarbey ang mga napili naming kabataan ay aming binigyan ng magkatulad na tanong
upang malaman naming ang kani kanilang opinyon at para makakuha ng mahahalagang datos.Ang
aming pagsasagawa ng sarbey isinasagawa lang sa Barangay ng Lower, Taway, Purok Ilang-ilang.
Hindi naaayon sa dami kundi naaayon ito sa kalidad ng impormasyon. Ang aming layunin nito ay
malaman at masagutan ang mga katanungan ng mga tao, ang mga epekto ng pangmatagalang
paggamit ng Facemask.

MGA RESPONDENTE

Ang mga napili naming mga respondent sa aming pag-aaral na ito ay ang mga napiling
dalawampung(20)mga kabataan na napapabilang sa Barangay ng Lower,Taway, Purok Ilang ilang, Ipil,
Zamboanga Sibugay. Napag desisyonan ng aming grupo na sa Barangay Lower,Taway ang piliin naming
dahil ito ay malaking barangay at may maraming mga kabataan. Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa
sa pamamagitan ng sarbey at pagtatanong sa mga kabataan ng Barangay Lower,Taway. Naniniwala kami
na sa paraang ito kami makakakuha ng sagot at alam naming matutugan ng mga napiling respondent ang
mga tanong.

INSTRUMENTO NG PAG-AARAL-

Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghahanda ng


katanungan na ginagamit pang sarbey at pagtatanong namin sa dalawapung (20) mga kabataan ng
Barangay Lower,Taway Purok Ilang-ilang. Nangalap din kami ng mga impormasyon at datos sa
pamamagitan ng Aklat, sa Internet, Social Media at sa iba pang sanggunian na maaaring mapagkukunan.

5
TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pag-aaral namin ay isang pananaliksik lamang upang malaman at masagutan ang mga
epekto ng panggmatagalang paggamit ng Facemask dahil ito ay panibago para sa atin at kasalukuyang
patuloy na pinag aaralan pa ito ng mga eksperto. Walang walang masamang nangyayari o ginagamit sa
aming pag-aaral na ito o ano mang mga kompleks na pamamaraan. Ang aming mga ginamit lamang sap
ag-aaral na ito ay pagbibigay ng panayam at sarbey . Ang mga impormasyon at datos na aming nakuha sa
pamamagitan (messenger,social media,harap harapan) ay naka pokus sa paksa na aming ginagawan ng
pananaliksik. Iipunin naming lahat ng impormasyon at mga datos na nakuha sa mga kabataan.

You might also like