Course: Filipino sa iba’t-ibang disiplina Module #5
Code: FILI01 Week #9-10 Program & Section: BTVTED CHS 1B Title: Mga Batayang Kaalaman sa Metodolohiya at Pananaliksik Activity Number 1: Panuto: Gamit ang SWOT Analysis, gumawa ng 2 minutong bidyo na nanghihikayat ng isang produkto na pangangailangan/kinakailangan sa panahong ito. FASKMASKomportable, isa ito sa pangunahing pangangailangan ng sambayanan, kahit nga mismong matataas ang posisyon ay nangangailangan din ng ganito. Alam nyo ba na ang Facemask ay isa sa pinaka kailangan ngayong panahon ng pandemya? Isa ito sa kailangan ng mga mamamayan sa buong mundo. Ang facemask ay mahalaga sa panahon ngayon. Ito ay nagiging bahagi na ng pamumuhay ng mga tao at isa pa rito sa ganitong paraan, maaari tayong sumabay sa agos sa pagharap sa hamon ng pandemya. Dumadating din sa puntong nagkakaubusan. Ang facemask ay ginagamit sa kumpanya, factory at ngayon ay ginagamit na sa pang-araw-araw na pamumuhay sa tuwing tayo ay lalabas ng ating tahanan upang maging protektado tayo sa banta ng Covid-19. Bilang isang taong nagbebenta ng ganitong pangangailangan ay aking sinusiguro ang kalidad nito, at akin din sinisuguro na ang lahat ng nangangailangan at miski hindi nangangailangan ay aking babahagian. Simpleng bagay pero nais nating maging protektado laban sa kumakalat na sakit. Libo libong tao na ang napoprotektahan, kahit nasaang dako ka man, mayaman ka man o mahirap, magiging FACEMASKomportable ka naman kontra Covid 19. Sabihin na nating hindi natin alam kung paano masusugpo ang ganitong sakit? Pero sa simpleng pagtutulungan natin at kooperasyon ng bawat isa ay malaking bagay na para sa ating sarili. Sa panahon ngayon kailangan nating maging protektado upang maprotektahan din natin ang ibang tao, sumunod tayo sa mga taong mas mataas sa atin, sundin natin kung ano ang tamang pagsuot ng Facemask at alamin natin kung bakit ito mahalaga at kung marami na rin bang naprotektahan nito. Ayon sa Department of Health (DOH) ang pagsusuot ng Facemask ay nakakapigil sa pagkalat ng droplets mula sa iyong bibig at ilong. Ang pagsusuot ng Facemask ay mahalaga, mahalaga sa atin at sa buong mamamayan, dahil sa pagsusuot ng Facemask ay hindi lang ako ang napoprotektahan nito kundi ang bawat taong iyong nakakasalamuha at nakakasama. Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin upang masugpo ang nakakamatay na sakit. Sa pagsusuot ng Facemask ay napakalaking ambag na sa mga Frontliners natin, dahil nakakabawas din ito sa pagdami ng mga tinatamaan ng sakit at umounti na rin ang mga namamatay. Sikapin nating maging ligtas, magsuot lagi ng Facemask kapag lalabas ng tahanan o kung pupunta man sa pampublikong lugar, iwasan nating ibaba ang Facemask kapag tayo ay makikipag-usap. Ugaliin nating sumunod sa mga awtoridad. Pwede nating maging regalo ito ngayong darating ang pasko. Gawin nating ligtas ang pagdiriwang ng kapaskuhan at ang pagsalubong ng bagong taon. FACENMASKomportable Product (SWOT Analysis) S-trenght Sa panahon ngayon ng pandemya, isa ito sa pangunahing (Kalakasan) pangangailangan ng sambayanan, kahit nga mismong matataas ang posisyon ay nangangailangan din ng ganito. Alam nyo ba na ang Facemask ay isa sa pinaka kailangan ngayong panahon ng pandemya? Isa ito sa kailangan ng mga mamamayan sa buong mundo. Ang facemask ay mahalaga sa panahon ngayon. Ito ay nagiging bahagi na ng pamumuhay ng mga tao at isa pa rito sa ganitong paraan, maaari tayong sumabay sa agos sa pagharap sa hamon ng pandemya. Dumadating din sa puntong nagkakaubusan. Mahalaga ang Facemask sa mga tao ngayon, dahil ang karamihan ay sumusunod sa mga awtoridad upang maging protektado din sila at ang mga taong nakakasama at nakakasalamuha nila. Pwede natin itong iregalo sa darating nakapaskuhan.
W-eakness Ang maaaring kahinaan ng produktong ito ay ang kapital,
(Kahinaan) base sa aking naobserbahan ay ito pinaka mabili sa panahon ngayon. Ayon sa aking nakalap mabili ngayon ang bentahan ng Facemask, mapa-online selling man o kahit sa mga malls o palengke dahil na rin sa mga naggagandahang disenyo at kulay nito na nakakapukaw sa mga mamimili ay sadyang nagkakaubusan ang bentahan ng Facemask.
O-pportunities Ang FACEMASKomportable ay isang eco friendly dahil kahit
(Pagkakataon) hindi kana gumamit ng surgical mask at itatapon din sa kung saan saan ay pwede din ang mga tela at lagyan na lamang ng iba’t-ibang disenyo na gusto ninyo. Pwede rin itong gawing kompetisyon sa inyong barangay o sa paaralan upang malaman ng bawat isa ang kahalagahan nito sa panahon ngayon. Maaari itong ipost sa mga online sites, social media katulad ng Facebook, Instagram, at marami pang iba.
T-hreats Ang maaaring banta ng ganitong produkto ay ang labanan
(Banta) sa gitnang ng Kumpanya sa kumpanya dahil sa pag- eendorso at pagbebenta ng mas mura at dahil ang ganitong produkto ay pwedeng ibenta gamit ang iba’t-ibang online platform. Activity Number 3: Panuto: Sa pamamagitan ng isang interbyu, kapanayamin ang isang kamag-anak o kakilala tungkol sa kaniyang propesyon. Isaalang ang mga natutunan sa pakikipanayam. Gamtin ang kahit anong online platform sa pakikipanayam at irekord na lamang ang usapan. Dahil sa interbyu na naganap nabigyang liwanag yung sarili ko, na mas piliin ko yung gusto ko kaysa sa kailangan ko, ang ibig kong ipahiwatig ay doon ako sa gusto ko at alam ko na mag-eenjoy ako, kung baga maenjoy ka sa pipiliin mong kurso at alam mo kakayanin mo hanggang dulo. Ngayon naliwanagan na ako na tatapusin ko kung ano yung nasimulan ko na.