You are on page 1of 2

PRODUCT REBYU: KALIDAD NG PRODUKTONG NAGBIBIGAY PROTEKSYON

KONTRA SA SAKIT (FACEMASK)

Sa kasalukuyang paglaganap ng pandemya, mas lumaganap ang ating


pangangailangan sa paggamit ng facemask o ang paggamit ng proteksyon sa mukha, ginagamit
natin ito upang maprotektahan ang ating sarili mula namamalasang sakit na tinatawag na
COVID-19, ginagamit rin ito upang mapigilan ang pagkalat ng maliliit na patak ng laway mula
sa ibang tao kapag sila ay nagsasalita, tumatawa, umuubo, o bumabahing, ang mga nasabing
kilos ng tao ay ang siya rin sa isa sa mga rason kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng
mga taong nagkakaroon ng nasabing sakit. Sa pamamagitan ng paggamit ng panakip sa mukha
ay naproprotektahan natin ang ating mga sarili sa paglanghap ng iba’t-ibang klase ng kemikal,
mga maruruming alikabok na nanggagaling sa ating kapaligiran at mga usok mula sa mga
pribado at pampublikong sasakyan, mga halimbawa nito ay kotse, jeep at iba pa.
Nagsimulang naglabasan ang samu’t saring klase ng facemask o panakip sa mukha,
maraming klase ng kulay, disensyo, uri at istilo ng facemask na ngayon ay ibinibenta sa mga
maliliit na tindahan, malls, online shops at iba pa. Ang mga sumusunod ay ang larawan ng ilan sa
mga iba’t ibang klase ng panakip sa mukha na tinatawag na face mask sa ingles.

Ang surgical mask, na kilala rin bilang isang medical face mask, ay isang personal na
kagamitan sa proteksyon na isinusuot ng mga propesyonal sa kalusugan sa panahon ng
pagsasagawa ng pang medikal na pangagamot. Ang FFP1 ay ang pinakabasic na mask.
Karaniwang ginagamit ang mga ito upang maprotektahan sila sa panahon ng mga gawaing DIY
tulad ng pag-liha, na siyang halimbawa. Ang mask na ito ay maaaring magsilbing proteksyon
laban sa mga hindi nakakalason na materyal o sangkap sa paggawa ng mga matataas at maliliit
na imprastraktura gaya ng brick dust, semento, lime stone, at pollen ngunit hindi ito magiging
sapat na proteksyon kung ang substance ay nakakalason kung kaya ay kakailanganin ng mas
mataas na proteksyon. Nag-aalok ang FFP2 mask ng higit na proteksyon kaysa sa FFP1. Ito ay
katumbas ng EU ng US N95 standard at inirerekomenda ng World Health Organization (WHO)
sa panahon ng mga paglaganap mga di pangkaraniwang virus o SARS, corona virus at avian flu.
Nag-aalok ito ng proteksyon mula sa mga nakakapinsalang alikabok sa hangin tulad ng lead dust,
pati na rin ang mga aerosol, usok, samakatuwid ito ay isang tanyag na panakip ng mukha sa mga
industriya ng pagmimina at metal, agrikultura, at ito ay ang go-to mask para sa mga propesyonal
na nangangalagang sa pangkalusugan upang maprotektahan ang mga sarili laban sa trankaso.
Ayon sa larawan na nakatala sa itaas ay makikita ang ibang pang klase ng mga panakip sa mukha
o face mask na ginagamit ng mga sibilyan, propesyonal at iba pa, makikita rin ang bilang ng
porsyento ng proteksyon na makukuha sa paggamit ng face mask na nakasaad sa larawan na nasa
taas.
Ang karaniwang panakip sa mukha laban sa namamalasang sakit na ginagamit ko at ng aking
pamilya na ang Blue Cross Disposable Surgical Mask ng Pharmatechnica Laboratory Inc. ay
purong gawa ng mga Pilipino dito sa Pilipinas, masasabi kong maganda ang kalidad ng
produktong ito dahil sa lambot ng kanyang non-woven fabric hindi siya makati sa mukha kapag
ito ay sinusuot, sa mga facemask na aking nagamit noon ang ilan sa kanila ay ang rason kung
bakit nagkaroon ako ng mga tigyawat at pamumula sa mukha, napatunayan kong
naproprotektahan ako ng face mask na ito dahil sa kapal ng kanyang filter non-woven fabric
hindi ako nakalalanghap ng mga masasamang kemikal na makakasama sa aking kalusugan, mas
madali itong gamitin dahil pagkatapos ng isang beses mong paggamit ay kaagad mo na siyang
itatapon, para saakin mas mabuti ang paggamit ng disposable mask dahil nagpapakita ito ng
kalinisan, bibigyan ko ng 5/5 na marka ang produktong ito dahil sa kanyang epektibo at mahusay
na kalidad, dahil sa produktong ito naprotektahan ko at ang aking pamilya mula sa
nakahahawang sakit na kasalukuyang nangyayari sa buong mundo.

Sanggunian:
Unang larawan:
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.researchgate.net%2Ffigure%2F
Types-of-face-masks-removing-power-of-03-micron-
particle_fig3_340417975&psig=AOvVaw0NMd49ewNCI1A4wO9TIrJJ&ust=16394779739550
00&source=images&cd=vfe&ved=0CAsQjRxqFwoTCLidoMbJ4PQCFQAAAAAdAAAAABA
D
Ikalawang larawan;
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.lazada.com.ph%2Fproducts%2
Fblue-cross-disposable-surgical-face-mask-fda-approved-made-in-the-philippines-
i2225673089.html&psig=AOvVaw1FSBMlrMyF8AI9ekdsRebQ&ust=1639477714460000&sou
rce=images&cd=vfe&ved=0CAsQjRxqFwoTCNCWn-XI4PQCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.researchgate.net/figure/Types-of-face-masks-removing-power-of-03-micron-
particle_fig3_340417975
https://covid19.govt.nz/languages-and-resources/translations/tagalog/protecting-your-
community/face-coverings-and-masks/

You might also like