You are on page 1of 4

MGA PAALALA PARA SA KALIGTASAN NG BAWAT SAMBAHAYAN

1. Panatilihing maikli ang mga kuko upang mas madaling alisin ang mga bacteria at
virus na nasa ilalalim nito. Mapapadali rin nito ang paghuhugas natin ng ating mga
kamay.

2. Mga bagay na dapat dalhin tuwing lalabas ng bahay: alcohol, mask, protective
eyewear. Siguraduhing dalhin lamang ang mga mahahalagang gamit na
kakailanganin sa isang maliit na bag.

3. Laging tandaan na anumang mga bagay na dinala ninyo sa labas ng bahay ay hindi
dapat ipasok muli sa bahay ng hindi ito sumailalim sa disinfection. Iwasan nang
magsuot ng relo o mga alahas, at dagdag na mga abubot upang mabawasan ang
mga gamit na kailangang i-disinfect.

4. Tuwing nasa labas, laging pakatandaan na LAHAT ay maaaring pagmulan ng virus


or bacteria katulad ng mga door bell, gate, at package. Kaya ugaliin ang puspusang
paglinis ng kamay gamit ang alkohol, hand sanitizer, o hugusan gamit ang sabon at
tubig lalo na tuwing papasok o lalabas ng sasakyan o kaya naman ay tatanggap ng
package.

5. Kung ikaw ay may allergy at nakararanas ng pangangati ng ilong at mata, ang


pagsusuot ng mask at salamin ay nakatutulong upang maiwasan mo na hawakan
ang iyong mukha (nakasanayan ng mga mayroong allergies).

6. Huwag kalimutan sumunod sa social distancing sa tuwing nasa labas ng bahay o


pampublikong lugar.

7. Kung ang mag-aabot ng iyong package ay walang suot na mask, sabihan sila na
ilapag ang package sa sahig at sabihin ito nang maayos. Hintaying makaalis ang
taong may dala ng package bago ito kuhanin.

Halimbawa:
Boss, para hindi ka mahawa sa mikrobyo ko mag-social distancing tayo . . . Mas
okay na mag-ingat tayo sa panahon ngayon.

8. Ugaliing magpasalamat sa mga taong naghahatid ng inyong mga package. Sa


pamamagitan nito napaparamdam natin sa kanila na tayo ay humahanga sa kanilang
mga hirap at sakripisyo sa kanilang trabaho.

9. Ilagay ang lahat ng mga package mula sa inyong grocery o errands sa trunk na
inyong kotse, mas malayo sa iyo ito ay mas mabuti hanggang ikaw ay makauwi sa
bahay at ma-disinfect ang mga ito.

10. Magtayo ng mga disinfecting station sa inyong garahe kung saan lahat ng mga item
ay inilalagay kasama na ang mga salapatos o tsinelas. Mag-iwan din dito ng gunting,
mga alkohol, at basahan na maaari mo na gamitin para linisin at punasan ang lahat.
11. Kung ikaw ay galing sa pampublikong lugar katulad ng mga grocery store o
palengke, ugaliin na agad maligo pagkarating sa bahay, hubarin ang suot na damit
at ilagay agad sa labahan.
12. Hanggang maaari iwasan na lumabas ng inyong village, ang pagpapa-deliver ay
isang magandang alternatibong paraan upang mabawasan ang pakikisalamuha sa
maraming tao at ito ay tiyak na magdudulot sa atin ng mas kaunting panganib.

13. Hugasan ang mga prutas at gulay kapag na-deliver na ang mga ito at patuyuin bago
itago sa ref.

14. Hugasang mabuti ang mga pagkain na gusto nating kainin ng sariwa o fresh katulad
ng salad, smoothies, atpb.

MGA HAKBANG SA LIGTAS NA PAG-AASIKASO NG MGA TAKE OUT O COOKED


FOOD ITEM:

1. Iwasang magdala ng anumang package sa loob ng inyong bahay nang hindi ito na-
didisinfect. Tanggalin ang lahat ng laman ng mga kahon at itapon ang mga
packaging sa basurahan. Tanging mga pagkain lamang ang dapat ipasok at mas
mabuting initin ito sa microwave sa loob ng 1 o 2 minuto bago kainin.

2. Kung ang pagkain ay nakalagay sa plastic container, maaari itong punasan ng


basahan at alkohol.

3. Sa tuwing tatanggap ng mga ganitong package, laging tandaan na sundin ang mga
nabanggit na pag-iingat katulad ng social distancing, at pagsusuot ng mask.

4. MULI, tandaan na ang lahat ng mga bagay na mula sa labas ng inyong bahay ay
maaaring kontaminado ng virus kaya ugaliing sundin ang lahat ng mga hakbang
upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19

MGA PAALALA TUNGKOL SA PAGGAMIT NG HIGH GRADE DISINFECTANTS:

1. Maging maingat sa pag-spray ng Lysol o anumang misting disinfectants sa inyong


bahay upang maiwasan ang sobrang paggamit nito na maaaring maging sanhi ng
ibang sakit sa hinaharap katulad ng lung cancer.

2. Mag-ingat sa paggamit ng hand sanitizer na gel based kung ikaw ay nagluluto o


naninigarilyo dahil matagal itong matanggal sa kamay at maaari din itong masunog o
flammable kung ma-eexpose sa init.

3. Namamatay ang virus sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon


at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. Kaya hindi kinakailangan nang
sobra-sobrang paggamit ng high grade disinfectants maliban kung nasa ospital o
kaya naman ay nasa lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
MGA TIPS UPANG MAPANGALAGAAN ANG ATING WELL-BEING
1. Mayroong kasabihan na “you are only as strong as your weakest link” kaya ipadala
lamang ang mga taong mayroong wasto at sapat na training upang isagawa ang
mga nasabing mga kasanayan sa kalinisan upang malaban ang virus.

2. Asahang ito na ang magiging pansamantalang “new normal” kaya kinakailangan


nating maging mas maingat. Halimbawa, ang aking asawa ay nahihirapang huminga
tuwing gumagamit ng surgical mask, kaya sinabihan ko siya na hindi siya maaaring
lumabas ng bahay hanggat hindi siya nasasanay na gumamit ng mask.

Nakakakita rin ako ng mga taong naglakakad sa village na may suot nga na mask
subalit hindi naman nito natatakpan ang bahagi ng kanilang bibig. Okay lang ito
basta malayo sila sa mga tao sa kanilang paligid subalit mas mabuti pa rin na isuot
ang mask nang TAMA. Kung madaling makahinga sa iyong gamit na mask hindi nito
nagagampanan kung ano ang gamit at halaga nito kaya mas mabuti na iwasan itong
gamitin sa mga pampulikong lugar kung saan maraming mga tao.

3. Kinakailangan nating LAHAT na masanay na sa “new norm” nang pagsusuot ng


mask. Maaaring mahirap huminga gamit ang mask kung mainit subalit lagi nating
tatandaan na kailangan nating pagtiisan muna ito sa ngayon.

4. Ang stress ay isa sa ating kalaban sa mga panahon ng pandemya kaya kailangang
labanan ito sa abot ng ating makakaya. Alamin kung ano ang maaaring mag-trigger
ng iyong stress katulad ng panonood ng balita, sobrang paggamit ng social media
kung saan maraming negatibong balitang makikita dito. Panahon ito upang
magpokus sa pinaka importante sa ating buhay. Hindi mo kailangang maging
produktibo, o kaya ay isipin ang pagpapalago ng negosyo o pagkamit ng promosyon
sa trabaho - hindi mo kailangan ang mga dagdag na stress sa ating sitwasyon
ngayon. Laging mong tatandaan na ang layunin mo ngayon ay MABUHAY at kung
magagawa mo ito ikaw ay siguradong MATAGUMPAY.

5. Ugaliing alagaan ang sarili o magkaroon ng selfcare, kausapin ang inyong mga
mahal sa buhay at ibahagi ang inyong mga kinatatakutan sapagkat ang paglalabas
ng inyong mga takot o mga ligalig sa buhay ay sobrang makatutulong.

6. Maaaring nakatatakot ang ating sitwasyon ngayon subalit lagi mong isipin na lahat
tayo ay makaliligtas sa pandemyang ito. Ang COVID-19 ay HINDI parusang
pangkamatayan para sa atin subalit maaari itong maging mapanganib sa iba kaya
kailangan natin na maging seryoso sa pagsasagawa ng social distancing at proper
hygine hindi lang para sa ating sarili kung hindi maging para sa ibang tao. Ito sa
tingin ko ang nais ituro sa atin ng COVID-19, ang isipin muna ang kapakanan ng iba
bago ang sarili. Kung ito ay ating matutunan siguradong pagkatapos nito ay
magkakaroon tayo ng mas maayos na komunidad, mas maayos na bansa, at mas
maayos na mundo.
GAANO NAGTATAGAL ANG CORONAVIRUS SA MGA BAGAY O KAGAMITAN?

Metal : 5 araw

Halimbawa: doorknobs, jewelry, silverware

Kahoy: 4 araw
Halimbawa: furniture, decking

Plastic : 2 hanggang 3 araw


Halimbawa: packaging katulad ng gatas, containers at bote ng mga detergent, mga upuan
sa subway and bus, backpacks, mga pindutan ng elevator, bote ng tubig

Stainless Steel : 2 hanggang 3 araw


Halimbawa: refrigerator, kaldero at kawali, lababo, iilang bote ng tubig

Cardboard : 24 oras
Halimbawa: mga kahon na ginagamit sa shipping ng mga package

Aluminum : 2 to 8 oras
Halimbawa: lata ng soda, tinfoil, lata ng pagkain

Glass : Hanggang 5 araw


Halimbawa: mga baso, measuring cups, mga salamin, mga bintana

Ceramics : 5 araw
Halimbawa: pinggan, palayok, tasa

Papel:
Ang tagal ng oras ay nag-iiba. Ang ibang strain ng coronavirus ay nabubuhay lamang ng
ilang minuto sa papel habang ang iba naman ay kayang tumagal ng hanggang 5 araw.

You might also like