You are on page 1of 39

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay

malilinang sa iyo ang kasanayan na:

 Nakasusunod nang may masusi at


matalinong pagpapasiya para sa
kaligtasan (ESP 5 PPP-111C-26)
 Mga paalala para sa mga panoorin at
babasahin.
 Pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-
iingat sa sunog at paalala kung may kalamidad.
Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung nagpapamalas ng paglinang ng
kakayahan at pakikilahok at ekis (X) kung hindi.

________ 1. Pagsali sa mga patimpalak na may kinalaman sa


sariling kakayahan.
________ 2. Paggamit ng teknolohiya sa pag-awit, sayaw at sining.
________ 3. Panonood ng mga palabas na nagpapakita ng
pagkamalikhain.
________ 4. Pag-iwas sa pagsali sa mga palabas sa paaralan.
________ 5. Paglalaan ng panahon sa pagsasanay at pag-eensayo.
Sa pag-aaral sa pagpapakatao, hindi
lamang sa libro nakukuha ang mga aralin a
t prinsipyong dapat tandaan. Nakukuha rin
ang mga ito mula sa iyong kapaligiran at
komunidad, at sa wastong paggamit ng
mga yamang makukuha dito. Kaya naman
bigyan natin ng importansya ang
paglinang sa mabuting pagpapasiya.
A. Mga Paalala sa Panoorin at Babasahin

Dahil napapalibutan ang mga kabataan


ngayon ng iba't ibang teknolohiya na
mapaghuhugutan ng mga panoorin at
babasahin, mahalagang magkaroon ng
disiplina sa pagkonsumo ng mga ito nang
naaayon sa iyong edad. Ang wastong
pagkonsumo ng panoorin at babasahin ay
makasisiguro ng iyong kaligtasan sa pisikal,
emosyonal, at mental na aspeto.
Dapat kang maging mapili
pagdating sa libangan.
Ang Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine
at Telebisyon o Movie and Television Review
and Classification Board (MTRCB) ay ang
ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na
responsable sa regulasyon ng telebisyon at
pelikula , pati na rin ang sari-saring uri ng de-
bidyong medya , na makikita at/o ikinakalakal
sa bansa.
Tandaan rin namang ang mga panoorin at
babasahin ay naririyan upang matuto ka sa
mundo, makapagkalap ng impormasyon tulad
ng balita at bagong
matututunan.
Ang disiplina ay kakambal ng kabutihan. Ang taong
may disiplina ay nagpapasya para sa ikabubuti at
kung ano ang mainam para sa lahat. Ang taong may
disiplina ay kahanga-hanga at mayroon ding maayos
na kinabukasan. Ang pagkakaroon ng pansariling
disiplina ay bunga ng positibong pagtugon sa kung
anong magandang ibinubulong ng sariling
konsensya. Kapag ang lahat ng tao may disiplina,
magdudulot ito ng katiwasayan sa lipunan at lubos
na kaunlaran ng bansa.
Basahin ang sitwasyon at sagutan ito.

1. Nakita mo ang iyong kaklase


na nagbabasa ng malalaswang
babasahin, at nang makita ka
nya, inakit ka niya na magbasa
din ng mga ito. Ano ang gagawin
mo?
Basahin ang sitwasyon at sagutan ito.

2. Sa iyong pag-uwi, kasabay mo ang iyong mga


kaklase. Tumawid sila sa hindi tamang tawiran,
niyaya ka din nilang tumawid doon, hindi ka
tumawid dahil alam mong mali iyon at alam mong
may pwedeng mangyaring masama kapag
tumawid ka doon. Nagpatulong ka sa Barangay
Tanod na tumawid sa tamang tawiran. Nang
nakatawid ka na. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
Basahin ang sitwasyon at sagutan ito.

3. Kumain si Jessa ng kendi, hindi nya alam kung


san nya itatapon ang balat ng kending kanyang
kinain, lumingon sya sa kanyang paligid ngunit
wala siyang nakitang basurahan. Sa halip na
itapon nya ito sa daan, inilagay nya ito sa bulsa ng
bag nya. Tama ba ang ginawa ni Jessa? bakit?
B. Pagsunod sa alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at
paalala kungmay kalamidad.
Ang pag-iingat at matalinong pagpapasiya ay dapat na dinadala rin
sa pisikal na kapaligiran na iyong ginagalawan. Sa pagtulong na
maging ligtas at malinis ang kapaligiran, napangangalagaan din
ang kalusugan ng katawan, kaisipan, at damdamin. Ngunit minsan
ay may mga hindi inaasahang pangyayari sa paligid. Kaya naman
mahalaga rin na may sapat kang kaalaman upang maiwasan ang
mga sakuna tulad ng sunog, pati na rin ang pag-iingat sa mga
kalamidad gaya ng pagbaha at lindol.
B. Pagsunod sa alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at
paalala kungmay kalamidad.
Ang pag-iingat at matalinong pagpapasiya ay dapat na dinadala rin
sa pisikal na kapaligiran na iyong ginagalawan. Sa pagtulong na
maging ligtas at malinis ang kapaligiran, napangangalagaan din
ang kalusugan ng katawan, kaisipan, at damdamin. Ngunit minsan
ay may mga hindi inaasahang pangyayari sa paligid. Kaya naman
mahalaga rin na may sapat kang kaalaman upang maiwasan ang
mga sakuna tulad ng sunog, pati na rin ang pag-iingat sa mga
kalamidad gaya ng pagbaha at lindol.
Kaligtasan sa Sunog
1. Huwag paglaruan ang posporo at lighter.
2. Alamin ang mga maaaring maging emergency exit sa inyong tahanan.
3. Maging alerto sa mga amoy at usok sa bahay.
4. Kung sakaling magkaroon ng sunog, huwag magtago sa bahay, sikaping makalabas agad
at makalayo sa sunog.
5. Para makaligtas kung sakaling may sunog, dumapa, at gumapang palabas. Mas madaling
makahinga kung mababa. Humanap ng pinto na madaling makalalabas ng bahay.
6. Kung nasusunog ang iyong damit: huminto, dumapa, at gumulong hanggang mapatay
ang apoy. Sumigaw at humingi ng tulong.
7. Magkaroon kayo ng plano bilang pamilya kung saan lalabas kung sakaling magkasunog.
8. Magsagawa ng fire drill para magkaroon ng sapat na kahandaan.
9. Pag-usapan kung saan magkikita-kita sa labas ng bahay. Huwag na huwag bumalik sa
nasusunog na bahay. Kung may naiwang tao sa bahay,
10.Alamin, tandaan, at i-save ang emergency number na maaring tawagan.
Kaligtasan sa Lindol

Bago ang Lindol:


1. Maging alerto sa pag-uga ng kapaligiran, lalo na kung ito ay lumalakas.
2. Dapat magkaroon ng kaalaman ang buong pamilya sa kung ano ang aksyong
gagawin. Alamin ang pinakaligtas na lugar sa bahay at huwag lumapit sa mga
bintana, malalaking salamin, mga nakabitin na bagay, mabibigat na gamit, at
mga lugar na madaling magkasunog.
3. Maghanda ng emergency supplies katulad ng de-bateryang radio, flashlight,
first aid kit, imbak na tubig na nakabote, pang-dalawang linggong pagkain,
gamot, at pito.
4. Alamin ang main switch ng inyong tubig, gas, at elektrisidad para maisara
kung may emergency. Alamin din ang lokasyon ng mga kakailanganing
kagamitan.
Kaligtasan sa Lindol

Habang Lumilindol:
1. Tandaan ang drop, cover, and hold.
2. Kung ikaw ay nasa loob ng bahay, manatili sa kinalalagyan.
Pakiramdaman ang kapaligiran at lumipat sa ligtas na lugar.
3. Kung ikaw ay nasa loob ng bahay at nagluluto, patayin ang
kalan at isara ang tangke ng gas. Pumunta sa ligtas na lugar.
4. Kung ikaw ay nasa labas ng bahay, pumunta sa lugar na
maluwag ang espasyo upang makaiwas sa bumabagsak na
bagay.
Kaligtasan sa Lindol

Pagkatapos ng Lindol:
1. Tingnan kung may mga nasaktan, tiyakin kung ligtas ang mga tao sa iyong paligid.
2. Tingnan kung may sira ang bahay o gusali. Kung malaki ang pinsala/sira,
kinakailangang masuri ng mga eksperto.
3. Kung nakaaamoy ng gas, sabihan ang lahat ng miyembro na lumabas ng bahay.
Sikaping mabuksan ang mga bintana at pinto. Kung magagawa nang maingat at ligtas,
isara ang tangke ng gas. Ipagbigay-alam sa pinakamalapit na istasyon ng bumbero.
4. Kung walang kuryente, tanggalin ang lahat ng mga nakasaksak na de-
kuryenteng gamit. Isara ang main fuse o breaker ng kuryente. Kung may panganib,
kailangang propesyonal o may sapat na kaalaman sa kuryente ang magsasaayos nito .
Kaligtasan sa Baha

Bago ang Pagbaha:


1. Maging alerto, magmasid sa nangyayari sa paligid, at makinig ng balita. Alamin ang mga
bagong impormasyon tungkol sa bagyo. Humanap ng mataas at ligtas na lugar.
2. Tiyaking may nakaimbak na emergency supplies tulad ng inuming tubig, pagkain, pera,
gamot, damit, de-bateryang radyo, flashlight, at nakalagay ang mahahalagang dokumento
sa isang lalagyang plastic at nakatago sa ligtas na lugar.
3. Maging handa sa paglikas. Alamin ang lokasyon ng mga evacuation center, magkaroon
ng mga alternatibong daan na hindi bahain. Tiyakin din ang kaligtasan ng mga alagang
hayop. Kapag pinayuhang lumikas, huwag mag-atubili at gawin sa pinakamadaling
panahon.
4. Pag-aralan ang plano ng pamilya. Nararapat na mabigyan ng kaalaman sa nakalaang
lugar kung saan magkikita-kita kung sakaling magkahiwa-hiwalay. Mayroon din dapat
numero ng taong tatawagan ang lahat ng miyembro ng pamilya.
Kaligtasan sa Baha

Habang Bumabaha:
1. Maging alerto at mapagmasid sa nangyayari sa kapaligiran.
2. Iwasang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
3. Kung inabot ng baha, humanap ng mataas at ligtas na lugar.
Lumikas sa lugar na binabaha kung kinakailangan lalo na kung
may payo na ang mga awtoridad na lumikas.
4. Iwasan ang paglalakad o paglangoy sa umaagos na tubig.
5. Kung baha na sa kapaligiran, patayin ang main switch ng
kuryente.
Kaligtasan sa Baha

Pagkatapos ng Pagbaha:
1. Pakinggan ang babala kung ligtas na ang kapaligiran at kung
maaari nang magsibalik ang mga pamilyang lumikas ng bahay.
2. Mag-ingat sa pagbibiyahe. Mag-ingat ng husto at tiyaking
ligtas ang mga daan at lugar na nilalakaran.
3. Tingnan kung may mga pinsalang duot sa bahay o gusali.
Maging maingat sa mga kable ng kuryente.
4. Tiyaking malinis nang husto ang bahay at siguruhin ang
kaligtasan ng pamilya.
Kaligtasan sa Pagputok ng Bulkan

Bago ang ashfall:


1. Makinig sa radyo, telebisyon o mga balita sa social
networking sites para sa mga updates mula sa mga awtoridad
kung sakaling may paparating na pagputok ng bulkan
nagbubunsod ng ashfall.
2. Ihanda ang inyong emergency supply kit at ilagay sa abot
kamay na lugar.
Narito ang gamit na nasa loob dapat ng inyong emergency
supply kit:
Narito ang gamit na nasa loob dapat ng inyong emergency
supply kit:
 First aid kit and medications  Goggles
(alcohol, bandages, absorbent  Knife
cotton, gauze, masks, adhesive  Blankets and spare clothes
plasters, medicine, tweezers)  Rope - at least 7 meters long
 Food  Plastic wrap (to keep ash out of
 Bottled water electronics)
 Flashlights and batteries  Toiletries
 Radio (battery operated)  Pen and paper
 Lighters and matches  Emergency contact numbers
 Whistle  Cash
3. Maghanda ng mga dust mask o kaya’y malinis na telang panakip sa
ilong at goggles bilang proteksyon sa mga mata.
4. Maghanda ng mga gamit panlinis katulad ng walis, vacuum cleaner,
mga extrang bag at mga filter at pala.
5. Kung may sasakyan, maghanda rin ng mga store emergency supplies
sa loob.
6. Maghanda ng pagkain at tubig para sa mga alagang hayop pati na rin
mga manok at baboy kung ikaw ay nasa mga sakahan.
7. Alamin ang lokasyon ng inyong evacuation area.
8. Kung may mga anak na nag-aaral, alamin ang emergency plan ng
mga anak.
9. Maghanda ng mga indoor games at iba pang mga aktibidad para sa
mga bata.
Habang may ashfall:
1. Maging kalmado. Manatili sa loob ng lugar. Takpan ang ilong at bibig ng basa
at malinis na tela o dust mask.
2. Isarado ang lahat ng bintana at pintuan ng bahay at sasakyan.
3. Maglagay ng basang tuwalya o tela sa mga bukasan ng pinto at iba pang mga open
source.
4. Hugasan ang lahat ng prutas at gulay na kakainin.
5. Takpan ang lahat ng pagkain at inumin upang maiwasan ang kontaminasyon ng abo.
6. Makinig sa radyo, telebisyon o mga balita sa social networking sites para sa mga updates
o developments hinggil sa volcanic eruption.
7. Itago ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan o sa loob ng inyong bahay para
maiwasang makahinga ng abo.
8. Kung nagmamaneho, tumigil muna sa tabi ng kalsada kung may heavy ashfall dahil
nagdudulot ito ng poor o low visibility.
9. Kung nasa labas, maghanap ng mapagsisilungan at magsuot ng salamin pamproteksyon
sa mata at iwasang gumamit ng contact lenses.
Pagkatapos ng ashfall:
1. Agad na tanggalin gamit ng pala ang mga abong naipon sa mga bubong para
maiwasan ang pagguho.
2. Pagkatapos nito, linisan pa ang bubong gamit ang tubig para maiwasan ang
pag-aagnas.
3. Linisin ang mga pinto at bintana ng bahay at sasakyan. Gumamit ng tubig
bago sabunan kasama ng maligamgam na tubig.
4. Ipunin ang abo sa isang lugar at iwasan ang mga malapit sa water drainage
para maiwasan ang pagbabara nito.
5. Linisin muna ang mga damo bago ipakain sa mga alaga sa bukid.
6. Pakuluan muna ang tubig bago inumin.
7. Gumamit ng powdered soap sa paglaba ng damit na punong-puno ng abo.
8. Gumamit ng vacuum cleaner o pagpagan ang mga furniture para mawala ang
mga abo. Takpan ang bibig at ilong kapag naglilinis.
Kaligtasan sa Pandemya o Nakahahawang Sakit

1. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na
may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
3. Takpan ang iyong ubo at bahing gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o
babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at
maghugas ng kamay.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may
lagnat o ubo. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at
sa kung sinumang may lagnat o ubo.
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo
lang.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad –
ngunit tawagan mo muna ang health facility.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad tulad ng World
Health Organization (WHO).
1. Anong uri ng babasahin at panoorin na dapat
mong tangkilikin?

2. Anu-anong impormasyon ang maibabahagi


tungkol sa kaligtasan?
3. Nakaranas ka na ba ng sakuna/kalamidad? Ano
ang iyong ginawa?
4. Anu-ano ang mga dapat mong tandaan para
mapanatili ang kaligtasan?
5. Bakit mahalagang sundin ang mga paalala para
sa kaligtasan?
Isulat ang T kung tama at M kung mali.

T
______1. Manuod ng panuoring may kinalaman
sa pag-aaral.
______2.
M Makipag-unahang bumababa sa gusali
kapag may lindol.
______3.
M Makihalubilo sa maraming
tao at wag magsuot ng mask.
______4.
M Manatili sa loob ng bahay
habang nasusunog.
______5.
T Maging handa sa anumang
sakuna na dumating.
Takda

Sagutan angmga Gawain


sa inyong modyul.
Panginoong Jesus, salamat po sa aming
natutuhan sa araw na ito. Salamat po sa
aming guro na matiyagang nagturo sa amin
gayundin ang aming mga magulang sa
kanilang pagsubaybay
Palagi Nyo po kaming iingatan. Ito ang
aming dalangin sa pangalan ng Panginoong
Jesus. Amen

You might also like