You are on page 1of 155

ESP

Masusing
Pagpapasya para sa
Kaligtasan
Lagyan ng tsek () kung tama ang isinasaad sa pangungusap at ekis
(X) naman kung hindi.
______1. Bigyang babala ang kaibigan at kaklase sa paparating na
bagyo sa inyong lugar.
______2. Ipagbigay-alam sa iba ang impormasyong napakinggan
tungkol sa mga kalamidad na paparating.
______3. Ilihim ang napakinggang babala upang ikaw lamang at ang
iyong pamilya ang makaligtas sa sakuna.
______4. Unahin ang pansariling kapakanan bago pansinin ang
kalagayan ng iba.
______5. Isaisip ang laging pagtulong sa iba lalo na ang pagbibigay
babala at impormasyon tungkol sa kalamidad.
Panuto: Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon? Isulat
ang titik ng iyong tamang sagot sa sagutang papel.
1.Naiwan kang mag-isa sa bahay nang biglang lumindol.
A.Tumakbo palabas ng bahay.
B. Manatili sa kinalalagyan, makiramdam at lumipat sa ligtas na lugar.
C. Humingi ng saklolo sa kapitbahay
2. Nalaman mo na may paparating na bagyo sa inyong lugar.
B.Hahayaan lang.
B. Magkunwari na hindi narinig.
C. Maghanda ng emergency supplies at iba pa
3. Nakita mong nagbabasa ng malalaswang babasahin ang iyong
kamag-aral habang hinihintay ang umpisa ng inyong klase.
A.Ipagtatapat sa guro ang nakita mo.
B. Hindi papansinin ang kaklase.
C. Aawayin ang kaklase.
4. Hindi nakikinig ang iyong mga kaklase habang ipinaliliwanag ng
inyong guro ang mga alituntunin para sa kaligtasan kapag may
kalamidad.
A. Magagalit ka sa kanila.
B. Aalis na lamang bigla sa silid-aralan.
C. Pagsasabihan ang mga kaklase.
5. Sa hindi sinasadyang pagkakataon nakita mo ang
iyong nakatatandang kapatid na nanonood ng
malalaswang palabas sa You Tube.
A.Magkunwari na walang alam sa nakita
B. Sasabihin sa magulang ang nasaksihan
C. Hindi ipaaalam sa mga magulang
Basahin ang paalaala at gamitin ang matalinong pagpapasya para sa kaligtasan.
Mga Paalaala Para Sa Kaligtasan
Kaligtasan sa Sunog
1. Huwag hayaan na maglaro ng posporo at lighter ang mga bata.
2. Tingnan kung mayroong mga maling pagkakakabit ng mga linya ng kuryente
sa bahay.
3. Ilayo ang mga bagay na madaling masunog tulad ng alcohol, gas, at kandila.
4. Pag-aralan ang inyong lugar kung saan pwedeng dumaan sakaling
magkasunog.
5. Tanggalin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit.
6. Pahingahin ang mga appliances.
7. Maging mapagmatyag sa mga amoy at usok sa tahanan.
8. Kung sakaling may sunog dumapa at gumapang palabas.
9. Kung nasusunog ang inyong damit: huminto, dumapa, at
gumulong hanggang mapatay ang apoy. Sumigaw at humingi ng
tulong.
10. Idispley ang emergency number na maaaring tawagan sa
oras ng sunog.
Kaligtasan sa Lindol
A.Bago ang Lindol
1.Alamin ang mga ligtas na lugar sa loob ng bahay.
2. Palaging ihanda ang mga kagamitang pang-emergency
tulad ng flashlight, posporo, kandila, first aid kit, at iba pa.
3. Huwag maglagay ng mabibigat na mga bagay sa mataas na
lugar.
4. Hikayatin ang miyembro ng pamilya na magkaroon ng
kaalaman kung ano ang gagawin sa sakuna na maidudulot
nito.
. B. Habang Lumilindol
1.Kung nasa loob ng bahay o gusali magtago sa ilalim ng matibay na
mesa at humawak sa paanan
2. Lumayo sa bintana at pintong babasagin, cabinet, at iba pang
mabibigat na bagay.
3. Kung nasa labas, manatili sa kinatatayuan. Tingnan ang paligid
kung may maaring matumba o bumagsak. Pumunta sa isang ligtas na
lugar na malayo sa maaring bumagsak o matumba na istruktura.
4. Kung nasa tabing dagat, lumikas sa mataas na lugar upang
makaiwas sa tsunami.
5. Kapag may nagaganap na lindol lumagakpak, magsuklob, at
kumapit o duck, cover, and hold.
C. Pagkatapos ng Lindol
1. Tingnan kung may nasaktan, tiyakin kung ligtas ang mga kasamahan.
2. Inspeksyunin kung may sira ang bahay o gusali.
3. Mag-ingat sa mga kuryente at gas na maaring magdulot ng sakuna.

Kaligtasan sa Baha
A.Bago ang Pagbaha
1. Maging alerto at makinig ng balita.
2. Maghanda ng emergency supplies tulad ng inuming tubig, pagkain, pera,
gamot, damit, de-bateryang radyo, flashlight, at nakalagay ang mahahalagang
dokumento sa isang lalagyan at nakatago sa ligtas na lugar.
3. Maging handa sa paglikas. Alamin ang lokasyon ng mga evacuation center,
magkaroon ng alternatibong daan na hindi bahain. Huwag antaying payuhang
lumikas at huwag mag-atubili at gawin sa pinakamadaling panahon.
B. Habang Bumabaha
1.Makinig sa radyo o manood ng telebisyon para sa mga
balita.
2. Iwasang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
3. Kung inabot ng baha, humanap ng mataas at ligtas na lugar.
Lumikas sa lugar na binabaha kung kinakailangan lalo na kung
may payo na ang mga awtoridad na lumikas.
4. Iwasang pumunta sa mga lugar na maaaring magkaroon ng
pagkatibag o landslides.
5. Kung baha na sa kapaligiran, isarado ang kuryente, gasul at
gripo ng tubig sa bahay.
C. Pagkatapos ng Baha
1.Pakinggan ang babala kung ligtas na ang kapaligiran at kung maaari
nang magsibalik ang mga pamilyang lumikas ng bahay.
2. Iwasan ang mga nasirang istruktura, gusali, poste ng kuryente, at
mga naputol na puno.
3. Maging maingat sa pagkukumpuni ng mga napinsalang bahagi ng
bahay.
4. Siguraduhing hindi nabasa ang mga electrical outlets at appliances
bago buksan ang kuryente.
5. Linising mabuti ang mga alulod, gulong, plorera, at kahit anong
maaaring pamahayan ng lamok
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong, Isulat sa kwaderno ang
inyong sagot.
1. Batay sa iyong nabasa, anong bagong impormasyon ang iyong
nalaman patungkol sa kaligtasan sa sunog, baha, at lindol?
2. Nakaranas ka na ba ng sakuna/kalamidad? Anong sakuna/
kalamidad ito at ano ang iyong ginawa para matulungan ang sarili at
ang kapwa?
3. Ano ang dapat mong tandaan upang mapanatili ang kaligtasan?
4. Ano ang magandang maidudulot ng pagkakaroon ng kaalaman
tungkol sa kaligtasan?
Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Ano kaya ang iyong gagawin kung
maharap ka sa ganitong mga sitwasyon? Isa-isahin ang mga hakbang na iyong
gagawin.
1. Naiwan kang mag-isa sa bahay nang biglang lumindol.
2.Nakita mong pinaglalaruan ng nakababata mong kapatid ang
posporo.
Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon sa ibaba at isulat ito sa sagutang papel.
1. Maipapakita ko ang pagpapahalaga ko sa aking buhay at sa buhay ng iba sa
pamamagitan ng _____________________.
2. Simula ngayon mas magiging maingat na ako sa pamamagitan ng
_____________________.
3. Ang pagiging alerto at mapagmasid sa panahon ng sakuna at kalamidad ay
mahalaga dahil _____________________.
4. Upang matugunan ng pamahalaan ang mga programang pangkaligtasan
dapat na _____________________.
5. Bigyang babala ang mga tao sa nangyayari sa kapaligiran upang
_____________________.
Gumawa ng slogan na maaaring
maibahagi na nagpapakita kung
paano mapangalagaan ang iyong
sarili at ang ibang tao.
ENGLISH
Making Generalizations and
Summarizing Various Text Types
based on Elements
Asma’s letter on Christmas is different in some ways. One, it isn’t a greeting card. Two, it is
a letter addressed to Jesus Christ who is not a common person, relative, friend, or
acquaintance. Jesus, for the Christians, is the Son of Mary. And three, the letter is asking for
some explanation of the untoward happenings here on planet Earth. Lastly, the letter will not
be mailed but will be placed on the altar for the angels to carry to Jesus. Amazingly different
in three ways, the letter holds the greatest message of all time-the message of love and
justice, of brotherhood, and sisterhood
 
 
Which sentence states the generalization? How did you know? What examples,
reasons, or facts are presented to validate the generalization? What words or
phrases introduce them? Remember that generalizations are like “big
umbrellas.”
A summary restates only the main points of a text without giving
examples or details such as dates, numbers or statistics. When you
summarize, you keep in mind the answers to the (5) Wh’s and How
questions. Texts are written for a variety of purposes, using different
forms and standards of composition. These forms of writing are known
as text type. There are two main text types, factual and literary. Factual
text types include factual description, recount, or persuasive. Literary
text types include poetry, narrative or personal response. One of its
kind is the narrative text. It is a type of literary text that tells a story. It
presents series of events which can either be fiction or non-fiction.
Fiction narrative may include picture books, cartoons, fantasy, adventure,
science fiction, fairy tales, legends, fables or plays. Non-fiction narratives
include autobiography, biography, memoir, diary and others. The basic
elements of narrative include the theme, setting, characters and plot.
Theme refers to the author’s message about life or human nature he or
she tries to convey in the story. The setting answers the when and where
the story happens and the characters are the people, animals or things
playing an important role for the events. The plot consists of the episodes
happened from beginning, middle and ending event
How is Test A different from Text B?
Text B is the summary of Text A, which
is the original text? How are the two
texts the same? Do they have the
same idea and details?
Directions: Read each sentence. Is it a generalization?
Write YES or NO on the following statement. Write the
signal word.
1. All boys love to play basketball. __________
2. Some people are afraid of the dark. __________
3. The grade five learners are respectful. __________
4. My sister and my brother are fond of playing chess.
__________
5. Always wear face mask in going to the market.
__________
Summarize in five to six
sentences the fable “Two Cats
and a Monkey” using the (5) wh’s
and how as guide questions
Summarize its elements by completing the graphic organizer.
Read the text below and make a generalization. Choose the letter of your answer.
1. Ariane showed her report card to her friend, Kyle. Ariane received all As. On her report
card. Her teacher said that she enjoys having Ariane in her class.
A. Ariane is a girl.
B. Ariane enjoys going to school.
C. Ariane received As in all of the subjects.

2. The canteen servers have noticed that when they serve green beans, the green beans
often remain uneaten. When they serve squash, however most squash are gone when the
students returned their lunch trays.
B. Squash is a vegetable.
B. More kids like green beans.
C. Most students eat squash than green beans in school.
3. A blue whale can reach a length of 100 feet. That is almost
as long as three school buses. Blue whales are thought to be
as one of the biggest animals that ever lived on Earth.
A.Blue whales are the ocean’s king.
B. No other other is as big as the blue whale.
C. The size of a blue whale is very impressive.
 
 
 Summarize the story.
Read the paragraph below. Make a generalization on
what they prefer to eat.
Octokids
If you travel to Oceanland to go snorkeling in the clear
blue water, you will find octokids. Octokids make their
houses in the coral reefs in warm waters. They love to
find caves to curl up in. Octokids sometimes eat snails,
but always eat algae, plants, leaves, seaweed and sea
grass.
MATHEMATICS
Identifies the terms related to a
circle.
Identify circular objects in the real world by matching the object in column A to its name in
column B. Writer the letter of your answer on a separate answer sheet.
Directions: Read each item carefully. Choose the letter of
the correct answer and write it on a separate answer
sheet.
1. What is a line segment joining any two points on the
circle?
a. chord b. center c. diameter d. radius
2. Which of the following parts of a circle measures less
than a semi-circle?
a. minor arc b. major arc c. inscribed angle d. central angle
3. What do you call a chord that passes through the
center of the circle?
a. diameter b. circumference c. radius d. arc
4. Which refers to the distance around the circle?
b. perimeter b. circumference c. diameter d. central
angle
5. What is a line segment that connects the center and
any point on the circle?
a. arc b. chord c. radius d. diameter
A circle is the set of all points that are the
same distance from a fixed point on a plane
called the center. A point is inside, on, or
outside of a circle depending on whether its
distance from the center is less than, equal to,
or greater than the length of a radius,
respectively.
A minor arc is an arc that is less than a semi-circle. In
figure 5, 𝐹𝐺̂ and , 𝐵𝐺̂ are minor arcs. A major arc is an
arc that is more than a semi-circle. In figure 5, arc BFG
and arc FBG are major arcs. A tangent line is a line that
intersects the circle at exactly one point. The point
where the circle and tangent line intersect is called the
point of tangency. In figure 5, line CE is a tangent line.
Point F is the point of tangency. A secant line is a line
that intersects the circle at two points. In figure 5, line
BH is a secant line.
Directions: Read each item carefully. Choose the letter of the correct answer and
write it on a separate answer sheet.
1. What part of a circle measures more than half a circle?
a. diameter b. major arc c. 3minor arch d. semicircle
2. What do you call the intersection of a circle and the tangent line?
b. Center b. point of tangency c. radius d. arc
3. How many degrees are in a circle?
c. 90o b. 180o c. 270o d. 360o
4. Which refers to the distance around the circle?
a. central angle b. circumference c. diameter d. perimeter
5. Which do you call two or more
circles sharing the same center?
a. equal b. congruent
c. similar d. concentric
Identify the following parts of circle B answer and write
it on a separate answer sheet
SCIENCE
Infer the conditions necessary to make
a bulb light up;
How do we construct
a simple electric
circuit?
In what way does an electric
circuit applied in our daily life?
Use a semantic web for the
learners’ answers.
Prepare the materials listed below. If not available, you may use other
materials at home to perform the activity. You may ask the help of your
parents/guardians or any adult members of the family if needed.
Questions: In your setup, the switch and
the wires connect the light bulb to the
battery.
1.What happened to the bulb after you
connect the switch to the wire? Why?
2. What happened to the bulb after you
detach the switch from the wire? Why?
Draw an example of open and closed circuit. Consider the rubric below in
doing the task
Read each item carefully. Choose the letter of your answer.
1.It is the source of electrical energy. a. battery b. switch c. wire d.
bulb
2. It is a circuit where electricity cannot flow. a. open circuit b. closed
circuit c. battery d. switch
3. It connects the light bulb to the battery. a. wire b. source c. open
circuit d. bulb
4. It is used to open and close the circuit. a. switch b. source c. circuit
d. bulb
5. It is a complete path of electricity. a. closed circuit b. switch c. circuit
d. open circuit
Write a brief essay with at least 5
sentences on why it is important to
switch off appliances when not in use.
Consider the rubric below in doing the
task.
FILIPINO
Nakabubuo ng mga tanong matapos

mapakinggan ang isang salaysay


Basahin ang mga pangungusap sa ibaba, at sikaping buoin ang daloy ng mga
pangyayari. Pagsunod-sunurin ang mga ito batay sa talaarawang binasa.
Isulat sa iyong kuwaderno ang letrang A para sa pangyayaring dapat mauna,
B, C, D, ng mga kasunod na pangyayari at E para sa huling pangyayari.
_______1. Napagdisiyunang ibenta ang baboy na gagamitin sana panghanda
sa kaarawan ng bunsong kapatid ni Edrian.
_______2. Kaarawan ni Edril.
_______3. Nakita ni Edrian ang malaking pinsalang dulot ng bagyong Glenda
sa kanilang lugar.
_______4. Napanood ni Edrian sa telebisyon ang balita tungkol sa paparating
na bagyo.
_______5. Masaya ang lolo at lola ni Edrian nang malamang may pampaayos
na sa kanilang bubong.
Basahin at unawain mo ang kasunod
na kuwento. Pagkatapos, mula rito
bumuo ka ng mga tanong. Mga
tanong na Ano, Sino, Kailan, Bakit, at
Paano.
Ang mga mag-aaral ay sama-sama sa kantina
tuwing recess. Kantina ito ng paaralan. Ayon sa
kanila, may mahal at mura na mga paninda rito.
Masarap ang mga pagkain at malinamnam.
Malinis ang mesa. Pero minsan marumi ang
basahan. Maingay ang ilang mga bata ‘pag
recess pero, mas marami ang tahimik.
Nagkakatuwaan sila tuwina. Masaya sila.
Basahin at unawain ang kasunod na mga talata. Pagkatapos,
sagutin ang mga tanong na kasunod. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
1.Ano ang nabubuo sa ating isipan kung hindi maliwanag
na naiintindihan natin ang ating mga naririnig at
nababasa?
2. Bakit kailangang gumamit ng mga
magkakasingkahulugan at magkakasalungat na mga
salita sa pagsulat ng mga babasahin?
Ang tao ay nagtatanong dahil sa mayroon siyang nais malaman.
Mayroon sa kanya na hindi maliwanag. Kailangan niya nang malinaw
na sagot. Kaya, kailangan niyang magtanong. At sa pagbuo ng mga
tanong dapat ito ay maliwanag, at nauunawaan ng kausap.
Tandaan na ang pangungusap na patanong, ay palaging nagtatapos
sa tandang pananong (?). Ginagamitan ito ng mga salitang pananong
tulad ng sumusunod;
a. Ano- ang tanong kung ang nais malaman ay bagay, pangyayari,
katangian o pagpapahalaga. b. Sino- ang tanong kung ang nais
tukuyin ay tao o tauhan.
c. Saan- ang tanong kung ang gustong tukuyin ay lugar.
d. Kailan- ang tanong kung ang nais tukuyin ay oras o
panahon.
e. Alin- ang tanong kung pumipili sa pagitan ng dalawang
tao, hayop, lugar o pangyayari.
f. Ilan- ang tanong kung ang itinatanong ay dami o bilang.
g. Bakit-ang tanong kung kailangan nang paliwanag na
sagot.
h. Paano- ang tanong kung tinatanong ay paraan o
pagkaganap ng kilos.
Narito ang ilang mga salitang hango sa nabasa mong sanaysay
na Si Pedro. Bigyan mo ang mga ito ng kasalungat o
kasingkahulugan na mga salita. Gawin ito sa iyong sagutang
kuwaderno
1.Saan nagpupunta ang mga mag-aaral tuwing
recess?
2.Kailan
3.Ano
4.Alin
5. Sino-sino
Muli mong tawagin ang iyong tagapag-alaga at
ipabasa mo nang malakas ang kuwentong
kasunod. Pakinggan mo itong maiigi at
unawain. Pagkatapos, gawin mo ang mga
mungkahing gawain sa hulihan.
Ang Unggoy at Buwaya
Ang Unggoy at Buwaya
Sa isang pulo ay may nakatirang mag-amang lahi ng mga unggoy. Sa pulong
ito, malinaw, malalim, malinis ang tubig sa ilog na nakapalibot dito. Nakatira
rin ang lahi ng matatakaw na buwaya sa ilog na nakapalibot sa pulo. Masarap
at masaya ang buhay ng mga unggoy dahil marami ang mga punongkahoy na
namumunga rito. Gayundin ang buwaya dahil sagana sila sa isda at iba pang
hayop na minsan ay naliligaw sa ilog. Subalit dahil sa pagdami ng mga
matsing at buwaya, dumating ang panahon na wala na halos silang makain.
Isang araw, habang masayang naglalambitin sa mga sanga ang mga unggoy,
napansin ng isa na maraming bungang-kahoy sa kabilang pulo. Tuwang-tuwa
ang kanyang mga kasamahan. Gustong-gusto nilang lumangoy papunta sa
kabilang
pampang. Ngunit dahil maraming buwayang gutom ang nakaabang sa
kanila, wala silang madaraanan. Gustong-gusto ng buwaya ang
masarap nilang atay. Pumunta ang tusong unggoy sa tabi ng ilog at
tinawag ang pinuno ng mga buwaya. “Pinunong Buwaya, may
mahalagang mensahe ang hari,” ang kaniyang pakli. Lumabas naman
ang pinuno na halos nasa tabi ng unggoy. “Ano ang maipaglilingkod
naming sa mahal na hari?” usisa ng punong buwaya. “Nais malaman
ng hari kung ilan kayong lahat. Magpapasko na kasi at bibigyan kayo ng
regalo. Pumila kayo at bibilangin ko kung ilan kayong lahat,” sagot ng
unggoy. “Isa, dalawa, tatlo, apat…tatlumpu’t pito,” sabay talon sa
kabilang pampang. Nakatawid siya sa kabilang pulo nang walang
kapagud-pagod.
Basahin ang sumusunod na pangungusap at pagkatapos piliin ang mga salitang
magkakasingkahulugan at magkakasalungat. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Maligayang-maligaya sina Claude at Joel ng sabadong yaon. Ngunit pagkatapos ng
isang oras ay lungkot na lungkot sila dahil hindi sila maaaring maligo at mamingwit sa
ilog.
2. Ibig na ibig na nilang makarating sa bukid. Gustong-gusto na ni Joel na mamitas ng mga
prutas.
3. Si Claude ay nais maligo sa ilog ngunit hindi ito natuloy dahil marumi at mababaw ang
tubig.
4. Ang mga pabrika ay nagtatapon sa ilog ng kanilang chemical waste. Ang chemical waste
ay yaong mga dumi ng ginamit na kimiko at iba pang bagay sa pabrika na hindi na
maaaring gamitin pang muli kaya itinapon na.
5. Hindi maaaring mabuhay nang malusog ang mga gulay sa lupang tigang. Maaaring
lagyan ng pataba ang tuyot na lupa upang mapagtaniman ito
ARALING
PANLIPUNAN
Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng Kolonyalismong Espanyol
Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng
Kolonyalismong Espanyol Sa huling bahagi ng ika-16
na siglo, maraming aspeto ng pamumuhay ng mga
Pilipino ang kinakitaan ng bahid ng kulturang
Espanyol. Malaki ang impluwensya ng Kristiyanismo
sa mga pagbabagong naganap sa kulturang Pilipino.
Ilan sa mga impluwensya ng kulturang Espanyol sa
kulturang Pilipino ay ang mga sumusunod:
Panahanan
Bago pa man dumating ang mga Espanyol ang mga Pilipino ay nagtayo
ng mga tirahan na malapit sa mga baybayin at sa tabing ilog. May mga
nanirahan din sa mga kabundukan. Ito ay upang malapit sila sa kanilang
pinagkukunan ng kabuhayan. Ang disenyo ng mga tirahan ng mga
Pilipino ay kadalasang yari sa mga likas na materyales tulad ng
kawayan, buho, cogon at ratan na angkop sa klima ng bansa. Ang
tirahan ng mga Pilipino ay tinatawag na bahay kubo. Sa pagdating ng
mga Espanyol nagbago rin ang istruktura ng tirahan ng mga Pilipino.
Ipinakilala ng mga Espanyol ang bahay na bato. Ito ay malaki at
matibay, gawa ang unang palapag nito sa bato at ang ikalawang
palapag naman ay yari sa matigas na kahoy
Lutuin
Ang impluwensya ng mga Espanyol sa pagkaing Pilipino ay
makikita pa rin hanggang sa kasalukuyan. Natutunan ng mga
Pilipino ang pagluluto ng longganisa, tocino, embutido, bistek,
callos, torta, pochero, escabeche, menudo, afritada, relleno,
mechado, caldereta at estofado na madalas makikita sa tuwing
may pagdiriwang. Nariyan din ang arroz caldo, empanada,
paella, chicharon at leche flan. Natuto ang mga Pilipino na
gumamit ng kutsara, tinidor at kutsilyo sa pagkain. Mga
kasangkapan tulad ng tasa, baso, mangkok at plato na naging
impluwensya rin ng mga Espanyol at Tsino.
Pananamit
Unti-unting natutunan ng mga Pilipino ang magsuot ng mga damit na may
mga istilong Espanyol. Naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol
ay ang tsinelas at sapatos. Ang mga kalalakihan ay natutong magsuot ng
sumbrero, mahabang pantalon, dyaket, camisa chino, ropilla at sapatos. Ang
mga kababaihan naman ay natutong magsuot ng saya (mahahabang palda)
at kimona (blusang yari sa pinong tela). Minsan sinasamahan nila ito ng
panuelao. malaking panyo na ipinapatong sa balikat at mantillao alampay.
Naimpluwensyahan din ng mga Espanyol ang pagsusuot ng payneta o
panggayak na suklay sa buhok. Nakagawian din nilang magdala ng abaniko
at panyolito. Ang kasuotang Maria Clara, isa sa mga pangunahing tauhan sa
nobela ni Jose Rizal ang isang halimbawa ng kasuotan ng mga kababaihan
noong panahon ng mga Espanyol.
Edukasyon
Walang pormal na edukasyon ang mga sinaunang Pilipino noon. Natuto sila sa
mga turo ng kanilang mga magulang tulad ng pangingisda, pangangaso at
pagtatanim. Bagama’t may baybayin ngunit wala silang pormal na edukasyon. Sa
panahon ng mga Espanyol, ang pormal na edukasyon sa Pilipinas ay pinasimulan.
Ang mga prayle ang nangasiwa sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Layunin nito
na turuan ang mga Pilipino na mamuhay sa pamamaraang Kristiyano. Dito
nagsimula nang nagtayo ng iba’t ibang paaralan at kolehiyo. Ang pagtuturo ng
asignaturang tulad ng katesismo o relihiyon, pagsulat, pagbasa at aritmetika ang
tanging pokus ng mga paaralan. Ang mga paaralang ito ay eksklusibo lamang sa
mga kalalakihan bago pa man sumapit ang ika-19 na siglo. Noong ika-19 siglo
lamang sila unang tumanggap ng kababaihang Pilipino
Musika, Sayaw, at mga Pagdiriwang Musika
Ang angking talento at pagkahilig ng mga Pilipino sa musika ay lalo pang umunlad
noong panahon ng mga Espanyol. Natutunan ng mga Pilipino ang musikang Kanluranin.
Ang paggamit ng instrumentong alpa, biyolin, gitara, piano at plauta ay nalaman din.
Naipakita rin ang kanilang husay sa paglikha ng instrumentong yari sa kawayan.
Halimbawa nito ay ang “Organong Kawayan” na nasa simbahan ng Las Pinas na ginawa
ni Padre Diego Cera, isang rekoletong misyonero noong 1818. Naging tanyag sa
larangan ng musika sina Jose Canseco, Bibiano Morales, Marcelo Adonay, Hipolito
Rivera, Andres Dancel at Ladislao Bonus. Sayaw Nakilala ang mga sayaw na Jota,
Surtido, Habanera, Tango, Fandango, Lanceros, Rigodon, Polk, Mazurka at Waltz.
Nahaluan din ng impluwensya ng Kanluranin ang mga katutubong sayaw ng mga
Pilipino. Sinayaw ang Itik-itik at Tinikling sa indayog na La Jota at Polka. Ang mga ilang
galaw naman sa Cariñosa, sayaw Santa Isabel at iba pang sayaw pag-ibig at
pananampalataya sa mga santo ay hango sa Waltz. Pagdiriwang Malaking impluwensiya
din ang mga iba’t ibang pagdiriwang panrelihiyon na dinala ng mga Espanyol.
Ang mga ito ay naging bahagi na rin ng tradisyong Pilipino hanggang
kasalukuyan ay ipinagdiriwang pa rin. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:
● Pista.
Ang kapistahan ng patron o santo ng bayan ang pinakatanyag at
nakakaaliw na pagdiriwang. Kumpleto ito sa mga banderitas sa kalsada,
banda ng musiko, palaro, palabas at sayawan. Bahagi nito ang magarbo
at magastos na handaan. Ang mga kamag-anakan sa ibang bayan ay
dumadalaw upang makipagdiwang ng pista. Natutong mangutang ang
mga Pilipino para may maihanda sa araw na ito. Mayroon din prusisyon
ng mga napiling magandang kababaihan tuwing Flores de Mayo at
Santacruzan
● Pasko.
Ang pasko ay pagdiriwang ng bawat pamilya na ginugunita ang kapanganakan ni
Hesus. Kumakain sila sa noche buena at nagbibigayan ng regalo katulad ng ginawa
ng tatlong hari na nagbigay ng regalo kay Hesus.
● Mahal na Araw.
Ang kuwaresma o mahal na araw ay sinisimulan sa Linggo ng Palaspas (Palm
Sunday). Nagdaraos sila ng mga gawaing pansimbahan kagaya ng misa at
prusisyon. Sa panahong ito binabasa nila ang Pasyon o aklat na kung saan
nakasulat ang buhay ni Hesukristo. Nakapapanood din tayo ng mga prusisyon ng
mga taong sinasaktan ang kanilang mga sarili tulad ng pagpasan at pagpapako sa
krus, kilala ang Cutud, San Fernando, Pampanga sa mga gawaing ito. Sila ay nagpi-
Penitensya na kinapapalooban ng sariling pagpaparusa bilang pagbabalik tanaw
sa hirap at sakit na dinanas ng Panginoong Hesukristo
● Binyag at Kasal.
Ang bawat Pilipino ay dumaraan sa ritwal ng pagbibinyag. Ito ay palatandaan na
bahagi na ng mga pananampalatayang Kristiyano. Ang taong binibinyagan ay
kumukuha ng ninong at ninang sa paniniwalang gagabay at gaganap sila bilang
pangalawang magulang niya. Gayundin ang kaugalian sa kasal mamimili ng mga
ninong, ninang at abay upang maging saksi ng kanilang kasal o pag-iisang dibdib.
● Mga Laro.
Marami ring mga larong Pilipino ang naimpluwensyahan ng mga Espanyol. Ang
mga larong ginagamitan ng kard ay nakuha natin sa mga Espanyol tulad ng Juego
de Prenda, Pangguinggui, Kuwaho at Siete-siete. Mga larong panlabas naman ang
mga Patintero, Sipa at Palosebo. Panitikan Malaki rin ang naging impluwensya ng
mga Espanyol sa larangan ng panitikan. Ipinakilala ng mga Espanyol ang dasal,
nobena, talambuhay ng mga santo at santa, awit, korido, tula, kuwento, moro-
moro, senakulo, karilyo at sarsuwela.
⮚ Awit-tulang pasalaysay na binubuo ng labindalawang pantig
sa bawat linya. Halimbawa nito ang “Florante at Laura: na likha
ni Francisco Balagtas, ang tinaguriang “prinsipe ng Makatang
Tagalog”.
⮚ Korido. Tulang may walong pantig sa bawat taludtod. Ang
“Ibong Adarna” at “Don Juan Tiñoso” ang mga halimbawa nito.
⮚ Moro-moro. Dulang nagpapakita ng paglalaban ng mga
Kristiyano at Muslim at ang wakas nito ay ang pagkagapi ng
Muslim o pagtanggap sa relihiyong Kristiyanismo.
⮚ Sarswela. Dulang may salitaan, sayawan at awitan
⮚ Karilyo.
Dulang gumagamit ng mga tau-tauhang karton na pinapagalaw sa harap ng ilaw
⮚ Senakulo.
Dulang nagpapakita ng mga paghihirap at pagpaparusa sa Panginoong Hesukristo.
Pagpapangalan Nagbago rin ang paraan ng pagpapangalan ng mga Pilipino.
Batay sa kautusan ni Gobernador–Heneral Narciso Claveria Bautista, ang Claveria
Decree noong 1849. Dahil dito, binigyan ng apelyidong Espanyol ang mga Pilipino
tulad ng dela Cruz, del Rosario, de los Santos, at Santiago. Nakatala ang mga ito at
mahigit 61, 000 mapagpipiliang apelyido sa Catalogo Alfabetico de Apellidos.
Relihiyon Itinuro ang mga Katolikong kaugalian gaya ng pagbibinyag, pagpapakasal,
pangungumpisal, pagrorosaryo, pagnonobena, pagsimba at iba pa. Kaugnay nito,
dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas ang sistema ng palimbagan. Ang Doctrina
Christiana ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593. Ito ay
isang aklat tungkol sa katesismo at mga dasal at isinalin ito sa wikang Tagalog.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga pagbabago sa kultura ng mga Pilipino sa
panahon ng Espanyol?
2. Alin sa mga impluwensyang Espanyol ang umiiral at
ipinagpapatuloy pa sa kasalukuyan?
3. Paano naimpluwensiyahan ng Kristiyanismo ang kultura ng
mga Pilipino?
4. Nakatulong ba sa mga Pilipino ang mga pagbabagong
pangkultura upang maging mabuti ang kanilang pamumuhay?
Ipaliwanag ang iyong sagot
Gayahin ang graphic organizer na nasa
ibaba sa iyong sagutang papel. Gamit
ang ginawang graphic organizer ay
magbigay ng mga pagbabago sa
panahon ng kolonya sa bawat
elementong kultura.
Sa iyong sagutang papel gayahin ang tsart na nasa ibaba. Gamit ang ginawang tsart ay paghambingin ang mga sumusunod
noong panahon ng Espanyol at sa kasalukuyan. Isulat ang salitang naglalarawan sa tamang hanay
Panuto: Iguhit sa may patlang ang masayang mukha kung tama ang isinasaad ng pahayag
at malungkot na mukha naman kung hindi.
1. Ipinakilala ng mga Espanyol ang bahay na bato. Ito ay malaki at matibay, gawa ang
unang palapag nito sa bato at ang ikalawang palapag naman ay yari sa matigas na
kahoy.
2. May pormal na edukasyon ang mga sinaunang Pilipino noon.
3. Sa pananamit ang naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol ay ang tsinelas
at sapatos.
4. Madaling natutunan ng mga Pilipino ang pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika
tulad ng plauta, biyolin, harpa, at piano na dala ng mga Espanyol sapagkat kahalintulad ito
ng mga instrumentong katutubo sa kanila.
5. Bago pa dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay marunong ng gumamit ang mga
Pilipino ng kutsara at tinidor at kutsilyo sa pagkain.
Anu-ano ang
impluwensya ng mga
Espanyol sa kultura ng
mga Pilipino?
a.Mga larong panlabas na impluwensya ng mga
Espanyol
b. Uri ng pananamit noong panahon ng Espanyol
c. Isang pagdiriwang na pagbabalik tanaw sa naging
pasakit na dinanas ni Hesukristo
d. Panghimagas na hanggang kasalukuyan ay di
nawawala sa handaan at paborito ng mga Pilipino
e. Panahanan na dinala ng mga Espanyol
f. Uri ng sayaw na impluwensya ng mga Espanyol
Piliin ang mga bagay, produkto na dinalang pagbabago sa Pilipinas
noong panahon ng Espanyol na hanggang kasalukuyan ay di pa
nawawala. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
ARTS
Likhang Paglilimbag Gamit
Ang Linoleum, Rubber, o
Woodcut Print
Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
katotohanan at MALI kung hindi.
____________1. Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na
magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng isang kinulayang bagay.
____________2. Ang mga patapong bagay ay maaaring gamitin sa
paglilimbag.
____________3. Lahat ng uri ng paglilimbag ay ginagawang paulit-ulit.
____________4. Maaari kang maglimbag gamit ang dahon o mga
natural na bagay sa paligid na pwedeng mag-iwan ng bakas.
____________5. Ang mga ito ay kagamitang sa paglilimbag ay
kinakailangan bibilhin lahat o paglalaanan pa ng maraming pera.
Piliin sa loob ng kahon ang pangalan ng bawat larawan na nasa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Maghanda ng isang patapon o gamit na styrofoam, poster paint o watercolor,
isang bondpaper, lapis, at cutter o kutsilyo.
2. Gumuhit ng isang half-moon at isang maliit na hugis bituin sa styrofoam.
3. Gamit ang cutter o kutsilyo, tabasin ang mga ito. Tandaan, kailangan magingat sa
paggamit ng cutter o kutsilyo. Mas mabuti kung magpatulong sa mga nakatatanda
para maiwasan ang masugatan.
4. Kulayan ng itim ang buong bondpaper gamit ang watercolor o poster paint at
patuyuin.
5. Lagyan ng watercolor o poster paint na kulay puti ang natabas na half-moon at
pagkapos ay idiin ito sa isang bondpaper sa kanang itaas na bahagi.
6. Kulayan naman ng dilaw ang bituin at idiin ito sa bondpaper. Ulitin ng pitong
beses ang paglagay ng kulay sa hugis bituin at idiin sa mga espasyo sa bondpaper
upang mailipat ang disenyo.
Ang paglilimbag ay isang uri ng gawaing sining na ginagawa sa
pamamagitan ng pag-iiwan ng bakas o marka sa mga bagay sa
papel o tela. Sa pamamagitan ng paglilimbag ay maipahahayag mo
ang iyong kaisipan at damdamin at maipakikita mo rin ang iyong
pagkamalikhain. Maliban sa mga nabanggit ano pa ang maitutulong
ng paglilimbag sa likhangsining? Mas mabuti kung maging
partikular sa benepisyo nito tulad ng pagpapalawak ng
pagkakataon na maibahagi sa mga tao ang maramihang salin ng
isang likhang sining. Kahit ang simpleng “stamps” na ginagamit ng
karamihan pang disenyo ay isang uri ng paglilimbag.
Mga Kagamitan sa Relief Printing
Woodcut
Ito ang pinakalumang anyo ng paglilimbag na ang isang
disenyo ay inuukit sa kahoy. Ito ay nilalagyan ng tinta
upang maisalin sa ibang materyal ang disenyo kagaya ng
papel o tela. Ang woodcut ay nalinang noong ika-5 siglo sa
China at kalaunan ay umabot ang likhang sining na ito sa
Japan. Mas mainam na piliin ang malambot na kahoy
upang madaling maukitan ng disenyo.
Kung ang kahoy na nagamit ay magaspang, kailangan itong gamitan ng papel
de liha bago maukitan upang maging makinis at maayos kapag lalagyan na ng
tinta.
Linoleum -mas madaling maukitan kaysa sa kahoy dahil ito ay patag, malambot
at hindi na kailangan pakinisin. Wala itong himaymay di gaya ng kahoy. Ito ay
naimbento bilang takip ng sahig (floor covering) noong ika-19 na siglo.
Carving Tools
May dalawang pangunahing kagamitan para iukit sa woodcut, ito ay ang curved
gouge at v-tool.
Ang gouge ay nakakaukit ng malawak at may palikong hugis.
Ang v-tool naman ay para sa maninipis na pagukit at may matalim na unahan.
Ang iba pang pwedeng gamiting pang-ukit ay ang chisel at kutsilyo.
Ink
Karaniwang ginagamit na ink ay ang mga oil-based at yung mga water soluble
ink na para talaga sa relief printing depende ang gamit nito sa material na
paglilipatan ng disenyo. Para sa simpleng likhang paglilimbag, maaaring gamitin
ang acrylic paint o poster paint.
Brayer
Ito ay kahawig lang ng isang paint roller. Mayroon itong apat na uri, hard rubber,
soft rubber, acrylic rubber, at sponge brayer. Ginagamit ang brayer upang mas
mapadali ang pagpahid ng ink sa linoleum, rubber o woodcut.
Iba pang kagamitan
Maaring gumamit ng Styrofoam plate bilang alternatibo kung walang makitang
linoleum o malambot na kahoy.
Panuto: Ipakita ang kakayahan sa paglilimbag sa pamamagitan ng
pagsunod ng mga sumusunod na hakbang.
1. Ihanda ang mga sumusunod na kagamitan.
· Malambot at patag na kahoy na pwedeng maukitan
 Mga pang-ukit (pwedeng cutter o kutsilyo)
· Poster paint/ Acrylic paint (berde)
· Dalawang short bondpaper
2. Sa isang short bondpaper, gamit ang lapis, iguhit ang larawan na
nasa ibaba. Pagkatapos ay gupitin ito at itabi muna ang nagawang
disenyo
3. Gamit ang disenyo na nagawa, gawin itong stencil at iguhit sa kahoy.
4. Kunin ang cutter/kutsilyo at ukitin ang nasa labas na bahagi ng guhit.
Ukitin hanggang sa lumitaw ang disenyong dahon. Palaging tandaan na
kailangan mag-ingat sa paggamit ng cutter o kutsilyo. Mas mabuti kung
magpatulong sa mga nakatatanda para maiwasan ang masugatan.
5. Pagkatapos maukit ang disenyo, kulayan ito ng berde gamit ang poster
paint/acrylic paint.
6. Ilatag ang natitirang bondpaper at doon ilipat ang disenyong inukit at
kinulayan sa pamamagitan ng pagdidiin nito ng maayo at dahan-dahan.
Panuto: Kilalanin ang iba’t-ibang kagamitan sa relief printing sa
pamamagitan ng pabilog sa titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang paraan ng paglilimbag na kung saan inuukitan ng
disenyo ang linoleum, rubber o malambot na kahoy, o iba
pang materyal na pwedeng maukitan gaya ng sponge, at
syrofoam.
a. intaglio b. relief c. stencil
2. Ito ay isa sa pangunahing kagamitan sa pag-ukit na
nakakaukit ng malawak at may palikong hugis.
a. v-tool b. chisel c. curved gouge
3. Ang kagamitang ito ay para naman sa maninipis na pag-ukit at
may matalim na unahan.
a. v-tool b. curved gouge c. chisel
4. Ang likhang sining na ito ay ang pinakalumang anyo ng
paglilimbag galing sa China.
a. linocut b. woodcut c. rubber
5. Ang kagamitang ito ay walang himaymay di gaya ng kahoy. Ito ay
naimbento bilang takip ng sahig (floor covering) noong ika-19 na
siglo.
a. linoleum b. woodcut c. rubber
1. Ano-ano ang mga iba’t-ibang kagamitan sa
relief printing?
2. Mahalaga ba ang magkaroon ng kakayahan
sa likhang paglilimbag gamit ang linoleum,
rubber o woodcut na may tamang paggamit
mga kagamitang pangukit? Bakit?
Mga Kagamitan sa Paggawa:
● Isang piraso ng linoleum ● Isang woodcut ● Lapis ● Mga pang-ukit ● Poster paint/ Acrylic paint (asul,
pula, dilaw, at puti) ● Tatlong short bondpaper
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan na kakailanganin sa paggawa.
2. Isulat sa isang bondpaper sa itaas na bahagi ang “Paglilimbag gamit ang linoleum” at sa isang bondpaper
naman ang “Paglilimbag gamit ang woodcut” at itabi muna ito.
3. Sa isang bondpaper naman ay iguhit ang watawat ng Pilipinas na may katamtamang laki upang
magkasya sa linoleum at woodcut.
4. Gamit ang ginuhit, gawin itong stencil. Iguhit ito pareho sa linoleum at sa woodcut.
5. Ukitin sa linoleum at sa woodcut hanggang sa lumitaw ang disenyo ng watawat. Mag-ingat sa paggamit
ng kutsilyo/cutter upang hindi masugatan.
6. Pagkatapos ukitin ang watawat sa dalawang materyal, lagyan ito ng angkop na kulay gamit ang poster
paint/acrylic paint.
7. Ilatag ang dalawang bondpaper na nasulatan kanina. Isa-isahing isalin nang maingat ang disenyong
kinulayan ayon sa ginamit na materyal sa paglilimbag. Pagkatapos ay patuyuin.
MUSIC
Mga Uri ng Tinig sa Pag-awit
Panuto: Tukuyin ang iba’t ibang uri ng anyo ng musika. Isulat ang tamang
sagot sa espasyong nakalaan
Lagyan ng tsek (✔) sa tamang kolum kung alin sa mga ito ang uri ng tinig ng mga mang-aawit.
Panuto: Hanapin sa kahon ang mga uri ng tinig sa pag-awit. Bilugan ang
tamang sagot upang makabuo ng salita mula sa puzzle.
Isa sa elemento ng musika ay ang Timbre. Ito ay
tumutukoy sa kulay at lawak (mataas, katamtaman, at
mababa) ng tinig. Sa pamamagitan ng Timbre, madali
nating nakikilala ang isang mang-aawit dahil sa lawak ng
tinig na kanyang tinataglay. May apat na uri ng tinig na
ginagamit sa pag-awit. Ito ay naaayon sa pinakamababa
at pinakamataas na tono na naaabot ng isang mang
aawit.
Ang tinig ng mga mang-aawit tulad nila Regine Velasquez,
Lea Salonga, at Lani Misalucha, ay Soprano. Samantalang
Alto naman ang tinig nila Aiza Seguerra, at Jaya. Ang mga
kilalang lalaking mang-aawit tulad nila Daryl Ong at Jed
Madela, ay may tinig na Tenor. Sina Joey Ayala at
Juancho Gabriel (Idol Philippines) ay may tinig na Bass.
Ilarawan ang mga uri ng tinig ng mga kilalang mang-aawit. Isulat ang iyong
sagot sa kanang kahon.
Ilarawan sa pamamagitan ng isang
sanaysay ang mga uri ng tinig ng mga
kilalang mang-aawit na sina Bruno Mars,
Ariana Grande, Adele at Michael Buble.
Ilagay ang sanaysay sa loob ng kahon.
Sumangguni sa Rubriks na makikita sa
pahina 13 para sa kauukulang puntos.
Panuto: Buuin ang pangungusap. Isulat
ang sagot sa patlang.
a.Ang natutunan ko sa araling ito ay
b.b. Naintindihan ko na ang timbre ay
c.c. May mga uri ng tinig tulad ng
Panuto: Ilarawan ang mga ng uri ng tinig. Isulat ang
sagot sa espasyong nakalaan. Dalawang puntos
bawat aytem.
1. Soprano =
2. Alto =
3. Tenor =
4. Bass =
Humanap ng isang mang-aawit sa bawat uri ng
tining na iyong kilala. Isulat ang iyong sagot sa
nakalaang patlang.
EPP
nakagagawa ng proyekto na ginagamitan ng
elektrisidad
Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin
ang titik ng tamng sagot. Isulat ang iyong sagot sa
kwadreno.
1.Ang yakal, molave at narra ay nakapaloob sa anong
materyal na industriya?
a.katad b. niyog c. kabibe d. kahoy
2. Anong bahagi ng niyog ang kapaki-pakinabang sa
mga mamamayan?
a. dahon b. bunga c. kahoy d. lahat ng nabanggit
3. Ito ay mga materyal na ginagamitan sa
pagsusuplay ng kuryente, sa pag- init a pag –
iilaw.
a. metal b. seramika c. elektrisidad d. katad
4. Ito ay isang uri ng halaman na tumutubo
mula 250 m. hanggang 650 m. Ito ay gingamit
sa paggawa ng duyan, higaan at iba pa.
a. himaymay b. rattan c. kawayan d. niyog
5. Ito ay isa sa pinakamalaking
halamang palmera. Ang midrib ng
dahoon nito ay ginagamit sa paggawa
ng walis, basket, at iba pang
kasangkapan.
a. Buri b. rami c. abaka d. pinya
Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
tamng sagot. Isulat ang iyong sagot sa kwadreno.
1. Ito ay nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente. a. lamp
holder b. male plug c. switch d. fuse
2. Dito ipinagkakabit- kabit ang mga wire?
a. Connectors b. circuit breaker c. utility box d. junction box
3. Si Mang Aldos ay kilala sa pagiging mahusay na karpintero sa
Brgy. Magallanes. Sa anong gawaing pang - industriya nabibilang
ang kanyang propesyon?
b. gawaing – kahoy b. gawaing – metal
c. gawaing – elektrisidad d. lahat ng nabanggit
4. Ito ay isang uri ng pang – ipit na mainam
gamitin kung walang gato
a. martilyo b. rip saw c. c- clamp d. kikil
5. Isang kagamitang pang- elektrisidad na
ginagamit para luwagan o higpitan ang tornilyo
na ang dulo ay hugis krus.
a. flat screwdriver b. Philips screwdriver
c. stubby screwdriver d. claw hammer
1.Ano ang suliranin ni Mang Alex?
2. Ano ang naging papel ng extension
wire sa paglutas ng suliranin ni Mang
Alex?
3. May kaalaman rin ba kayo sa
paggawa ng extension cord tulad ni
Mang Alex?
Mga dapat isaalang-alang bago gawin ang proyekto na ginagamitan ng
elektrisidad;
1. Tiyaking nakasuot ng angkop na kasuotan sa paggawa.
2. Ilagay ang mga kagamitan sa matibay, malinis at ligtas na lalagyan.
3. Tiyaking na nasa maayos na kondisyon ang mga kagamitan at alam
ang tamang paggamit nito.
4. Pumili ng isang maaliwalas, ligtas at malinis na lugar kung saan
isasagawa ang proyekto.
5. Sundin ang panuto sa paggawa ng proyekyo.
6. Humingi ng payo sa nakatatanda at guro kung nag – aalangan sa
proseso ng paggawa.
7. Iwasan ang pakikipag- usap at ituon ang atensiyon sa gingawang
proyekto.
8. Iwasan ang paglalagay ng matutulis at matatalas na kagamitan sa
bulsa upang maiwasan ang aksidente.
9. Balutin ang matulis at matalas na bahagi ng mga kasangkapan.
10.Maging maingat sa paggamit ng matultuis at matatalas na mga
kagamitan.
11.Tiyaking kumain at nakapagpahinga nag maayos bago gawin ang
proyekto.
12.Panatilihing malinis ang lugar na pinaggagawaan ng proyekto. Iligpit
ang mga kalat at ang mga kasangkapang ginamit.
Mga Kagamitan sa Paggawa ng Extension Cord
1. side cutting pliers 4. Combination plier
2. Philip screwdriver 5. Flat chord
3. male plug 6. Convenience outlet/female outlet
Mga Hakbang sa Paggawa ng Extension Cord
2. Balatan ng kaunti ang magkabilang dulo na goma ng flat cord
conductor gamit ang side cutting plier nang sa gayon ay makita ang
cooper wire.
2. I-twist ang apat na dulo ng mga copper wires.
3. Gamit ang Philip screwdriver, buksan ang male plug at ikabit ang
magkatabing dalawang copper wires sa kabitan ng male plug.
 
4. I-screw/takpan pabalik ang male plug gamit ang
Philip screwdriver
5. Buksan ang convenience outlet/female outlet gamit
ang philip screwdriver at ikabit ang natitirang
magkatabing dalawang copper wires sa kabitan nito.
6. I-screw/takpan pabalik ang convenience
outlet/female outlet gamit ang philip screwdriver.
Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at MALI
kung ito ay mali. __________ 1. Balatan ang kaunting magkabilang
dulo na goma ng flat cord conductor gamit ang philip screwdriver nang
sa gayon ay makita ang cooper wire.
__________ 2. Itwist ang apat na dulo ng mga copper wires.
__________ 3. Gamit ang combination plier, buksan ang male plug at
ikabit ang magkatabing dalawang copper wires sa kabitan ng male
plug.
__________ 4. Iscrew/takpan pabalik ang male plug gamit ang Philip
screwdriver.
__________ 5. Buksan ang convenience outlet/female outlet gamit ang
Philip screwdriver at ikabit ang natitirang magkatabing dalawang copper
wires sa kabitan nito
Pagsunod–sunurin ang mga sumusunod na mga larawan batay sa mga hakbang sa pagbuo ng extension
cord. Lagyan ng bilang ang bawat patlang. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
Sa pamamagitan ng TULONG ng iyong mga
magulang o kahit na sinong nakatatanda sa bahay,
subukang gamitin ang inyong ginawang extension
cord. Gamitin ang Rubric sa ibaba bilang pamantayan
sa pag iskor ng iyong output. Gawin ito sa iyong
kwaderno.
Babala: HUWAG GAWING MAG-ISA ANG
PAGSUBOK SA GINAWANG EXTENSION CORD AT
IWASANG PAGLARUAN ANG BAGAY NA ITO.
Magsaliksik sa pamamagitan ng
pagtatanong o sa tulong ng internet
tungkol sa tamang hakbang sa
paggawa ng bulb socket extension
cord. Isulat sa kwaderno ang iyong
mga kasagutan.

You might also like