You are on page 1of 2

Tuklasin at Suriin: Basahin ang maikling kuwentong pinamagatang ''Isang Insidente'' na isinalin ni John

Andrew M. Del Prado, pagkatapos ay sagutan ang mga nakaatas na pagsasanay o gawain.

GAWIN: PICTURE POWER


Isaayos ang mga larawan ayon sa palagay mong tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Isulat ang bilang 1-5 (bilang 1 sa unang pangyayari at bilang 5 sa huling pangyayari) sa salungguhit na nasa
ibaba ng bawat larawan. Pagkatapos, isalaysay ang nabuong kuwento mula sa mga larawang iyong isinaayos.
Makikita ang gawain na ito mula sa pahina 10-11 ng modyul.
3 4 1 2 5
Una, mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.
Pagkatapos, nagising siya at narinig ang balita sa radyo.
Sumunod, narinig niya sa radyo ang balita tungkol sa bagyo.
Nang nalaunan, naalala niya ang kanilang napag-aralan sa paaralan tungkol sa bagyo.
At sa dakong huli ay inalis niya ang makapal na kumot at patuloy na nakinig ng balita.
SURIIN:
Ibigay ang hinihingi ng bawat katanungan na halaw mula sa maikling kuwentong binasa at sinuri.

1. Ano ang insidenteng binabanggit ng pangunahing tauhan sa kuwento?


Ang pagtawid ng matandang babae at pagsabid niya sa pedicab na sinasakyan ng pangunahing
tauhan.
2. Bakit kaya napaisip ang persona matapos hilingin sa pulis na bayaran ang kutsero?
Nakaramdam siya ng konsensiya dahil nasaksihan niya ang pagtulong ng kutsero sa matandang
babae imbis na magalit o makaramdam ng inis.
3. Kung ikaw ang pasahero, babayaran mo ba ang driver ng pedicab? Bakit?
Babayaran ko ang driver ng pedicab para may pera siyang kikitain para sa pamilya niya o sa
pangaraw-araw na gastos.
4. Kung ikaw ang matandang nabangga ng pedicab ano ang gagawin mo? Bakit?
Susubukan kong tumayo mag-isa. Hindi naman ako nasaktan ngunit kapag nasa ganoon akong edad,
malamang ay hindi na gaano kaya ng aking katawan pero susubukan ko pa rin tumayo gamit ang aking
dalawang paa.
5. Sa iyong palagay, bakit kaya mas inisip niya ang nangyari kaysa sa mga usaping pampolitika?
Napagtanto niya na hindi lang siya ang nag-iisang may problema sa mundo, lahat ay may
kinakaharap na hamon sa buhay. Hindi dapat siyang magpakasarili at alalahanin ang kapwa tao.
PAGYAMANIN
Alamin ang tungkol sa gamit ng mga pangatnig bilang pang-ugnay na ginagamit sa pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari sa isang kuwento.
GAWIN:
A. Mula sa mga pangatnig o pang-ugnay bumuo ng mga pangungusap gamit ang sumusunod na pangatnig o
pang-ugnay.
1. Pabalik na ako mula sa paaralan samantalang aalis pa ang kapitbahay ko.
2. Una akong natapos sa pagsusulit kaya nakauwi ako ng maaga.
3. Sa wakas, nakauwi ako ng maaga.
4. Natapos ko na ang paglalaba gayunpaman marami pa akong dapat gawin sa bahay.
5. Sina Jacintha at Alika ay naglalaro sa labas.
B. Punan ng angkop na mga pangatnig o pang-ugnay ang pangungusap.
1. Si Jan ay matalino ngunit di maganda ang kanyang ugali.
2. Sa wakas, natapos ko rin ang aking mga gawain.
3. Siya ay kumakain habang nanonood ng telebisyon.
4. Hindi natuloy ang lakbay-aral dahil sa malakas na ulan.
5. Si Ara ay maganda at magaling magpinta.

ISAHANG GAWAIN
Sa paghahanda sa pagdating ng bagyo, ano-ano ang dapat gawin? Isulat ang mga hakbang sa paghahanda
sa paparating na bagyo. Sundin ang pormat mula sa pahina 19 ng modyul at ikahon ang mga pang-ugnay o
pangatnig na ginamit bilang hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga hakbang.

Paghahanda para sa paparating na Bagyo


Pamagat

Unang Hakbang: Una ay manatiling kalmado at huwag magpanic.


Pangalawang Hakbang: Sumunod ay maghanda ng mga kagamitan sa paghahanda tulad ng de-lata at biscuit,
flashlight, baterya, tubig, at first aid kit.
Pangatlong Hakbang: Pagkatapos ay suriin ng mabuti kung may sirang bahagi ng bahay at agad ayusin ito.
Pang-apat na Hakbang: Nang malaunan, alamin ang mga emergency hotlines o evacuation center.
Panglimang Hakbang: Ang pinakahuli ay makinig sa radyo at manatiling aktibo sa balita tungkol sa bagyo.

You might also like