You are on page 1of 9

Setyembre 26, 2022

Lunes
Walang pasok dahil sa Bagyong Karding

Setyembre 27, 2022


Martes
Q1M6 Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari

I. Layunin
Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong nabasa/narinig.
II. Paksa
Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwentong nabasa o narinig

Unang Pagsubok
Panuto. Pilin ang titik ng angkop na sagot sa mga katanungan.
1. Ano ang iyong gagawin pagkatapos mong banlawan ang mga damit?
A. kusutin B. ibabad C. isampay D. ikula
2. Ano ang iyong gagawin kapag narinig mong tumatahol ang aso sa labas ng inyong bahay?
A. sisilipin sa bintana B. papatayin ang mga ilaw C. hahayaan na lamang D. magsasawalang-kibo
3. Nakita mong kulay pula ang ilaw trapiko, ano ang iyong susunod na gagawin?
A. tatawid B. hihinto C. sasayaw D. uupo
4. Magluluto ka ng pritong manok pagkatapos mong magpainit ng kawali, ano ang susunod mong gagawin?
A. ilagay ang manok B. hanguin ang manok C. pakuluan D. igisa ang sibuyas at bawang
5. Maghuhugas ka ng kamay upang makaiwas ka sa anumang virus, alin ang una mong gagawin?
A. basain ang kamay B. banlawan ang kamay C. sabunin ang kamay D. patuyuin ang kamay
Balik-tanaw
Panuto: Suriin ang bawat pangungusap. Isaayos ang mga pangungusap ayon sa pagkakasunud-sunod nito sa anyong
talata. A ang unang nangyari at E ang huling pangyayari.

____1. Kusang-loob na sumama si Aling Nene nang dalhin siya sa quarantine facility.
____2. Pumunta si Aling Nene sa munisipyo upang magpa check-up sa doctor dahil inubo itod at nilagnat.
____3. Pagkalipas ng 14 araw ay nagpa swab test ulit si Aling Nene at wala na siyang covid-19 kaya siya ay nakauwi na sa
bahay nila.
____4. Nagpositibo ang siya sa swab test ng covid-19 .
____5. Sa loob ng 14 na araw ay nanatili si Aling Nene sa quarantine facility.

Panuto: Pilin ang titik ng angkop na sagot sa mga katanungan.


Pagpapakilala ng Aralin
Alamat ng Makahiya
Noong unang panahon ang makahiya ay walang tinik, mabango at may bulaklak na kaaya-ayang pagmasdan. na.
Kapag may mga kaganapan tulad ng piyesta, kasalan ay palaging naroon ang Makahiya upang gawing palamuti. Dahil sa
gandang taglay si Makahiya ay naging mayabang.
Isang araw, ay umulan nang napakalakas at bumaha ang buong paligid. Lahat ay basang-basa at naghahanap ng
masisilungan. May isang munting langgam na nanginginig na sa lamig at putikan ang nakiusap kay Makahiya upang
makisilong sa kaniyang mga dahon. Si Makahiya ay nagsuplada at tumanggi sa hiling ng kawawang langgam at baka raw
siya ay maputikan. Niyugyog niya ang kaniyang sanga na naging dahilan ng pagkahulog ng langgam sa baha, inanod ito,
nalunod at namatay.
Dahil sa ginawa ni Makahiya ay marami ang nagalit sa kaniya pati na ang Diwata ng mga Halaman. Si Makahiya
ay pinarusahan ng Diwata. Inalis ang bango at ganda ng bulaklak nito. At upang magtanda ay nilagyan ng Diwata ng tinik
ang mga sanga ni Makahiya.
Dahil wala nang ganda at bango ay hindi na nagiging palamuti sa mga pagdiriwang si Makahiya. Si Makahiya
ngayon ay matatagpuan na lamang sa tabi ng mga kalsada. Nilalayuan na siya ng mga kapwa niya halaman at mga
insekto dahil sa kaniyang mga tinik. Sa labis na kahihiyan ay naging ugali na ni Makahiya na kapag nasasaling o
nahahawakan ang mga dahon ay tumitiklop ito. Kawawang Makahiya. Magsisi man siya ay huli na.

Pagtalakay sa kuwento
1. Sino ang palaging palamuti sa mga okasyon tulad ng piyesta at kasalan?
2. Ano ang nangyari kay Makahiya dahil lahat ay humahanga sa kaniyang ganda at bango?
3. Sino ang nakiusap sa kaniya upang sumilong minsang umulan nang napakalakas?
4. Paano namatay ang langgam na nakiusap na makisilong sa kaniyang dahon?
5. Ano ang iginawad na parusa sa kaniya ng Diwata?

Gawain 1
Panuto. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga hugis upang maaayos ang kuwento ayon sa tamang pagkakasunod-
sunod.

Dumating Pinarusahan ng
Diwata si Naging
ang isang
Makahiya. Inalis mapagmataas
bagyo ang bango at si Makahiya.
nilagyan ng tinik.

Si Makahiya ay
palaging
palamuti sa
Namatay ang munting Langgam
mga
pagdiriwang

Tandaan
Ang pangyayari o hakbang ay inaayos nang may pagkakasunod-sunod ayon sa panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng
isang ideya, gawain o pangyayari sa napakinggang kuwento. Ang ilan sa mga salitang nagpapahiwatig ay ang mga
sumusunod: una, pangalawa, sumunod, pagkatapos, nang malaunan, nagsimula, unang-una, sa wakas, ang pinakahuli.

Pag-alam sa Natutuhan
Panuto: Isulat sa inyong kwaderno ang 5 salitang nagbibigay pahiwatig sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kwento.

“Aling Elena, Responsableng Mamamayan”


ni Rebecca Legaspi
Si Aling Elena ay isang ina ng tahanan. Sa panahon ng epidemya ng COVID -19 ay ingat na ingat siya para sa
kanyang mga anak. Siya ang binigyan ng quarantine pass ng kanilang barangay dahil siya ang laging namamalengke sa
kanilang tahanan. Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ay nagpupunta siya sa palengke upang bumili ng mga
pangangailangan sa kanilang tahanan. Bago umalis ay naglalagay siya ng mask upang takpan ang kanyang ilong at bibig.
Pagkatapos ay inilalagay din niya ang “protective shield” sa kanyang ulo upang matakpan ang buong mukha niya. Ilalagay
naman niya ang kanyang guwantes sa kanyang kamay dahil naniniwala siya na maaring kumapit dito ang virus. Pagkauwi
naman ay naghuhugas agad siya ng kanyang kamay at diretsong naliligo agad nagpapalit ng damit at tsinelas upang
makaiwas sa virus. Kanya ring hinuhugasan ang kanyang mga pinamiling gulay at mga prutas. Talagang maingat at
sumusunod sa mga kalinisan ng katawan si Aling Elena.
Isulat sa patlang ang 5 salitang nagbibigay pahiwatig sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kwento.
____________ 1.
____________ 2.
____________ 3.
____________ 4.
____________ 5.

Pangwakas na Pagsusulit
1. Narinig mo sa radyo na paparating ang bagyo, ano ang susunod mong gagawin mo upang makatulong sa iyong nanay?
A. Matutulog lang at hihintayin kong dumating ang bagyo.
B. Sasabihin ko sa aking ina na maghanda ng mga kandila, pagkain at kung may mga sira ang aming bubong ay ayusin
C. Makikipaglaro sa aking mga kaibigan.
D. Maghanda para makaligo na.
2. Isa ka sa may mga matataas ang marka sa iyong klase. Ano ang susunod mong gagawin kapag nalaman mo na may
paparating na pagsusulit?
A. Mag-aaral upang makakuha ng mataas na marka.
B. Aayain ko ang mga kaklase ko na magpicnic na lamang.
C. Manonod ng sine upang marelax muna.
D. Maglalaro ng online games magdamag.
3. Napanood mo sa T.V. na marami ang nahahawahan ng sakit na COVID19. Ano ang susunod mong gagawin upang
maiwasan ito?
A. Maghuhugas ng kamay palagi C. Makipaglaro sa labas ng bahay.
B. Balewalain lamang ito. D. Huwag maligo araw-araw.
4. Pinagbawalan ang mga batang tulad mo na lumabas ng bahay dahil sa pandemyang nagaganap. Ano susunod mong
gagawin?
A. Susunod sa mga ipinag-uutos ng aming barangay.
B. Lalabas pa rin kasi inahantay ako ng aking mga kalaro.
C. Aantayin ko sa labas ang nanay kong pumunta sa palengke.
D. Matutulog at manonood ng telebisyon tapos tatawagin ko na ang mga kalaro ko.
5. Balak ng nanay mo na hindi ka na pag-aralin dahil natatakot siya na ikaw ay mahawahan ng sakit na COVID-19? Ano
ang susunod mong hakbang na gagawin batay sa nalaman mo?
A. Ipapaliwanag ko sa aking ina sa paaralan na di kailangang pumunta sa paaralan dahil maraming paraan ang inihanda
ng kagawaran ng edukasyon.
B. Okay lang na huminto ako sa pag-aaral.
C. Magagalit ako sa aking nanay at mag-iiyak.
D. Hayaan ko na lang at susunod kung ano ang desisyon ng nanay ko.

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Masaya ako dahil natutuhan ko____________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________

Setyembre 28, 2022


Miyerkoles
I. Layunin
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar
Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyon

II. Paksang Aralin


Pagbibigay-kahulugan ng mga salitang pamilyar at di pamilyar
Pagsagot sa mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyon
Sanggunian: Gabay Kurikulum, Alab Filipino V pp. 12-17
Kagamitan: laptop, projector
Integrasyon: ESP

III. Mga Gawain


Unang Pagsubok
Ibigay ang kahulugan ng may salungguhit na salita sa ikalawang pangungusap.
1. Si Tatay ay magaling na barbero. Siya ay mahusay din na magsasaka.
2. Matayog ang lipad ng aking saranggola. Mataas din ba ang lipad ng saranggola mo?
3. Payak lang ang aming pamumuhay. Simple lang din ang aking pangarap.
4. Matatag ang itinayo nilang bahay. Ang mga pundasyon nito ay matibay.
Baliktanaw
Tukuyin kung Opinyon o Katotohanan
1. Ayon sa mga siyentipiko ay manipis ang oksiheno sa planetang Mars.
2. Sa palagay ko ay uunlad na ang bansa natin.
3. Sa tingin ko ay marami ang aanihin natin ngayong taon.
4. Kailangan ng mga tao, halaman at hayop ang sikat ng araw.

Pagpapakilala ng Aralin
Magpakita ng larawan ng magkapatid. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
Paano mo ipinakikita ang pagiging mabuting anak?
Ipabasa sa mga bata ang teksto sa pahina 12.
Pagkatapos ay ipasagot sa kanila ng Talakayin.

Gawain
Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno
Hanay A
1. pagkagaling sa paaralan
2. dlawang taon ang pagitan
3. sanggang dikit tayo , kuya
4. salitang lagi kong sinasambit
5. ang pangarap niya ay pangarap ko rin
6. nakatuon ang oras
7. mula kami sa payak na pamilya

Hanay B
A. isang ambisyon na nais makamit
B. magkasundo sa lahat ng bagay
C. sinasabi
D. pokus sa gawain
E. agwat
F. mula sa isang lugar
G. simple

Pag-alam sa Natutuhan
Ipasagot sa mga bata ang mga sumusunod na tanong sa kanilang kuwaderno.
1. Ano ang ibig sabihin ng sanggang dikit?
2. Sino ang magkasanggang dikit?
3. Sa ano-anong bagay magkatulad ang magkasanggang dikit?
4. Tungkol saan ang binasang teksto?
5. Paano pinalaki ng kanilang magulang ang magkasanggaang dikit? Ipaliwang ang inyong sagot. Magbigay ng patunay
6. Ganito rin ba kayo kalapit o magkasanggang dikit ng iyong kapatid? Ibahagii ang inyong kuwento.
7. Sa iyong palagay, paano pinatitibay ng pagiging magkasanggang dikit ang magkapatid?
8. Sa iyong palagay, magiging matagumpay kaya ang magkapatid sa pag-abot ng kanilang pangarap?

IV. Pagtataya
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na mga salita.
1. Kapuwa kami pinalaki ng aming mga magulang na mabubuting bata.
A. pareho
B. ibang tao
C. kapitbahay
2. Dalawang taon lang ang aming pagitan.
A. lagpas
B. puwang
C. agwat
3. Ang nanay ko ay isang simpleng maybahay.
A. tumutukoy sa kasambahay
B. tumutukoy sa nanay
C. tumutukoy sa kapitbahay
4. Laging sinasabi ni kuya na nais niyang maging isang doktor.
A. madalas
B. minsan
C. madalang

V. Takdang Aralin

Setyembre 29, 2022


Huwebes
I. Layunin
Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito (F4PL-0a-j-1)

II. Paksang Aralin


Pagsulat ng Talata
Sanggunian: Gabay Kurikulum, Alab Filipino V pp.12-17
Kagamitan: laptop, projector
Integrasyon: ESP

III. Mga Gawain


Unang Pagsubok
Kopyahin sa inyong kuwaderno.
Bayanihan
Likas na sa atin ang pagiging matulungin. Hindi natin matiis na mayroon tayong kapuwa na naghihikahos sa
buhay na hindi sila tulungan. Makikita ang katangiang ito lalo na kapag may mga kababayan tayong nasalanta ng bagyo o
di kayay nasunugan. Magbibigay tayo ng mga pagkain, tubig, damit, kumot at iba pa upang maibsan ang paghihirap na
nadarama ng ating kapuwa. Bukas-palad tayong nagbibigay sa kanila at ang pagtulong na ito ay walang hinihinging
kapalit.

Balik-tanaw
Panuto. Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Maliksing iniabot ni Obet ang martilyo sa kaniyang tatay.
A. mabilis B. mabagal C. matagal
2. Malawak ang lupain nila sa probinsiya.
A. maliit B. kapiranggot C. malaki
3. Malalaki angkanilang mga katunggali kaya sila natalo.
A. kakampi B. kalaban C. kalihim
4. Makupad ka kasi kaya ka naunahan.
A. maliksi B. mabagal C. maikli

Ano ang pangarap ng magkapatid sa kuwentong Magkasangggang dikit?


Pagpapakilala ng Aralin
Ipakita sa mga bata ang halimbawang talata. Bigyang pansin ang mga panuntunan sa pagsulat ng talata tulad ng palugit,
pamagat, balarila, pagkakaugnay na mga ideya.
Sa Aking Paglaki
Ang gusto kong maging sa aking paglaki ay maging isang doktor ng mga bata. Gusto kong manggamot ng mga
batang maysakit. Kapag kasi pumupunta ako sa doktor upang magpacheck-up, naaawa ako sa kanila lalo na yung mga
baby. Nakakaawa yung mga bata na mahihirap kasi wala silang perang pambayad sa doktor. Gusto kong maging doktor
ng Gobyerno para libre lang ang check-up. Doon ako mangagamot sa mga mahihirap na bayan. Siyempre, magagawa ko
lang ito kung mag-aaral ako nang mabuti.

Gawain
Gabayan ang klase sa pagsusuri ng pagsulat ng talata tulad ng
1. Pamagat
2. Pagpapasok
3. Bantas
4. Pagsisimula at pagwawakas ng talata.

Pag-alam sa Natutuhan
Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong pangarap.
Gawing gabay ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang gusto mong maging sa iyong paglaki?
2. Bakit?
3. Sino ang iyong mga matutulungan kapag ito ay iyong naisakatuparan?

Pagtataya
Pagtataya sa pamamagitan ng Rubriks

RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATA


5 4 3 2 1
ANYO
-pagsunod sa uri at anyong
hinihingi o ipinasusulat
BALARILA
-wastong gamit ng
wika/salita
-baybay, bantas, estruktura
ng mga pangungusap
HIKAYAT
-paraan ng pagtalakay sa
paksa
Lohikal na pagkakaayos ng
mga ideya
-pagkakaugnay ng mga ideya
NILALAMAN
-lawak at lalim ng pagtalakay
sa paksa

V. Takdang Aralin

Setyembre 30, 2022


Biyernes
Gawaing Asynchronous

Sumulat ng balita gamit ang mga detalye sa ibaba. Isulat sa isang buong papel.
Ano: Pamimigay ng gamot pampurga, bakuna laban sa tetano at tigdas
Sino: Gng. Rose Acosta, Nars ng paaralan, mga mag-aaral
Saan: Valeriano E. Fugoso Pang-Alaalang Paaralan
Kailan: Biyernes, Hulyo 5, 2019
Bakit: upang maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa bulate, tetano at tigdas.

Miyerkoles, Hunyo 27, 2019

I. Layunin
Nagagamit nang wasto ang mga Pangngalan at Panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa tao, , hayop, lugar at
pangyayari sa paligid(F5WG-Ia-e-20)

II. Paksang Aralin


Paggamit ng Pangngalan at Panghalip
Sanggunian: Gabay Kurikulum, Alab Filipino V d.12-13 Aralin 3,
Kagamitan: laptop, projector
Integrasyon: ESP

III. Mga Gawain


A. Introduksiyon
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong kuwaderno.
1. Kami ay patungo sa Riverbanks.
A. palabas
B. papunta
C. pamigay
2. Tinugis ng pulis ang holdaper.
A. pinituhan
B. hinabol
C. tinignan
3. Ang pangarap koy sintayog ng lipad ng saranggola.
A. sinlaki
B. sinhaba
C. sintaas
4. Nagwagi ang grupo nila sa larong volleyball.
A. natalo
B. nahiya
C. nanalo.

B. Pagtuturo/Modeling
Pansinin ang mga pangungusap
1. Dalawa kaming magkapatid na parehong lalaki.

Alin sa mga salita sa pangungusap ang nagsasaad ng kasarian ng magkapatid?


Kapag sinabi nating magkapatid, nakasisiguro ba tayo ng kasarian?

2. Ang nanay ay isang simpleng maybahay.

Alin sa mga salita ang nagsasaad na babae?


Ang maybahay ba ay babae?
3. Ang mga lapis, papel at iba pa ay mga pangngalang walang kasarian

KASARIAN NG PANGNGALAN
- nilalayon nito na maipakilala kung lalaki o babae ang tao, hayop, halaman o iba pang bagay.

1. PAMBABAE – pangngalang para lamang sa babae.


Si Doktora ay hindi pa dumarating.
Ang Reyna ay kumakain.
2. PANLALAKI – mga katawagang panlalake.
Ang aking bana ay masipag.
Matapang ang alaga kong tandang.
3. DI-TIYAK – walang tinutukoy na kasarian.
Masayang nagsalu-salo ang mga magulang, guro at bisita sa inihandang pagkain ng punong-guro.
4. WALANG KASARIAN – tumutukoy sa mga bagay.
Naiwan niya ang kanyang aklat sa ilalim ng lamesa na malapit sa pinto.

C. Pagsasanay

C1. Buong Klase


Sagutan ang Pagsikapan natin A
C.2. Pangkatan
Magbigay ng mga halimbawa ng Pangngalan ayon sa kasarian ng mga sumusunod:
Pangkat 1- Panlalaki
Pangkat 2- Pambabae
Pangkat 3- Walang kasarian
Pangkat 4- Di-tiyak

C.3. Isahan
Sagutin ang Pagsikapan natin B.
IV.. Pagtataya
Tukuyin ang kasarian. Isulat ang L kung Panlalaki, B kung pambabae, D kung Di tiyak at W kung walang kasarian
1. kumpare
2. tindera
3. Ninong
4. binata
5. Piloto
6. laptop
7.bayaw
8. hipag
9. papel
10. kalabaw

You might also like