You are on page 1of 6

Pagiging Handa Sa Panahon

Ng Sakuna At Kalamidad!
WEEK 7 DAY 5
Basahin ang usapan nina Bimbo at ng kaniyang nanay sa
ibaba.

Araw ng Lunes habang nanonood ng telebisyon si Bimbo, narinigniyang


may paparating na malakas na bagyo.
Bimbo: Nanay, may paparating daw pong malakas na bagyo.
Nanay: Naku, Bimbo mabuti na lang at napanood mo ang balita
tungkol sa lagay ng panahon. Nag-aaya kasi ang iyong
kapatid na mamasyal sa parke bukas.
Bimbo: Mainam nga po na huwag na kayong tumuloy at
paghandaan na lang po natin ang darating na bagyo.
Nanay: Tama ka, mahalaga na maging handa tayo sa
anumangkalamidad na darating.
Bimbo: Kung gayon, ano po ang ating gagawin?
Nanay: Kailangan muna nating ihanda ang mga kagamitan na maaari nating
gamitin kapag may bagyo. Kumuha ka ng isang emergency bag at doon natin
ilalagay ang mga ito.Pagkatapos ay magtungo ka saating silid imbakan at
kuhanin na ang mga kagamitan.
 
Dali-dali siyang nagtungo sa silid na imbakan ng mga gamit upang
kuhanin ang mga gagamitin nila sa paghahanda sa paparating
na bagyo.
sakuna o kalamidad?
Ano- ano kaya ang mga kagamitan na kukuhanin ni Bimbo?
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa
sagutang papel ang sagot.
1. Ano-ano ang mga gamit na kaniyang kakailanganin? Iguhit ang
mga ito sa loob ng bag?
2. Sa iyong palagay tama ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
3. Anong katangian mayroon si Bimbo?
4. Kung ikaw si Bimbo, ganun din ba ang iyong gagawin?
Paanomo ito isasagawa?
5. Bakit mahalaga na lagi dapat maging handa tuwing may bagyo?
TANDAAN:

May paparating na kalamidad o sakuna. Bilang bata, may magagawaka


upang manatili kang ligtas. Kailangan mong isaalang-alangang mga salik
na dapat gawin tuwing may kalamidad o sakunaupang manatiling ligtas
hindi lang iyong sarili kundi pati na rin ang buong pamayanan.
Malaki din ang maitutulong ng mga samahan tulad ng National Disaster
Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at mga
nanunungkulan sa isang pamayanan sa pagtuturo o pagbibigay ng
impormasyon.Ang pamamahagi ng mga babasahin, pagpapaskil ng babala
atpagdidikit ng poster o karatula tungkol sa pag-iingat ay ilan lamang sa
dapat gawin upang maging ligtas ang mga mamamayan.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like