You are on page 1of 13

Mga Uri ng

Pang-abay sa
Paglalarawan
ng Kilos
Pang- abay na Pamaraan
• Ito ay nagsasaad ng paraan kung paano
isinasagawa ang kilos. Ito ay sumasagot sa
paano.
Mga halimbawa sa pangungusap:
1. Unti- unting binabakunahan ang mga
frontliners.
2. Dahan-dahang mapapababa ang mga kaso
ng COVID-19.
3. Sabayan natin ng taimtim na pagdarasal
upang ito’y mawala na.
Pang-abay na Panlunan
• Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan
isinasagawa ang kilos. Sumasagot sa
tanong na saan.
Mga halimbawa sa pangungusap:
1. Ang Gobyerno naman ay nakikipag-
ugnayan sa ibang bansa para sa bakuna.
2. Ang bakuna ay manggagaling sa Russia.
3. Bilang kabataan, ang maitutulong natin
ay manatili sa tahanan.
Pang-abay na Pamanahon
• Ito ay nagsasaad ng panahon
kung kailan ginawa ang kilos. Ito
sumasagot sa tanong na kailan.
Mga halimbawa sa pangungusap:
1. Napanood ko kahapon ang
balitang yan.
2. Sa Sabado ito ipapadala.
Sabihin ang uri nito at gamitin ito
sa pangungusap.
1. sa tindahan
2. kagabi
3. makupad
4. noong nakaraang taon
5. paluhod
Tukuyin ang uri ng pang-abay sa
nakasalungguhit kung ito ba ay
pamaraan, pamanahon o
panlunan.
1. Araw-araw nag susuot ng
personal protective equipment
ang mga frontliners’ bilang
proteksyon kontra sa COVID-19
2. Talagang nakababahala ang pagdami ng
mga nagpopositibo ng COVID-19.
3. Ang mga test kits at medical equipments
ay galing sa China.
4. Taon-taon ay napakaraming mag-aaral
ang tumitigil sa pag-aaral dahil sa
impluwensiya ng masamang barkada at
kakulangan ng interes.
5. Libo-libo ang apektado ng COVID-19 sa
buong mundo.
6. Noong araw ay uso pa ang sumasakay sa kalesa.
7. Naglalaro ang mga mag-aaral sa silid-aralan
habang nagtuturo ng guro.
8. Agad-agad ibinigay ang ayuda sa aming
barangay.
9. Marami ang nalungkot nang ibinalita na
palalawigin ang Enhanced Community
Quarantine sa Baguio.
10. Mag-aaral siya nang mabuti dahil buwan-
buwan siyang pinapadalhan ng pera ng
kanyang magulang.
Salungguhitan ang pang-abay na ginagamit
sa bawat pangungusap at tukuyin kung ito
ay pamaraan, pamanahon o panlunan
_____1. Padabog na nagbigay ng ayuda.
_____2. Magpapamigay ako bukas ng bigas.
_____3. Sa palengke bumibili ng facemask.
_____4. Lumalabas kaagad ang resulta ng
kanyang swab test.
_____5. Linggo-linggo nagsasagawa ng
paglilinis.
Takdang-aralin
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod
na uri ng pang-abay.
1. Kanina
2. sa kabinet
3. Biglang
4. sa biyernes
5. Mabilis

You might also like