You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN

Unang Markahan
IKALAWANG BAITANG

Paksa: Wastong gawain/ pagkilos sa tahanan at paaralan sa panahon ng kalamidad


Code: AP2KOM-If-h-8

Layunin:

o Nasasabi ang mga wastong gawain/ pagkilos sa tahanan at paaralan


sa panahon ng kalamidad

o Nakakalahok ng aktibo sa mga disaster drill

Pagpapahalaga: Pagkamaingat at pagsunod ng maayos sa mga panuto

Photo Gallery

Pagmasdan ang mga larawan sa pisara. Anu –ano ang mga nakikita ninyo dito?
Maari ninyo ba itong ilarawan?
Batay sa mga larawang nakita ninyo, naranasan ninyo na rin ba ang mga gawaing
ito?

Kailan ninyo isinasagawa ang mga paghahandang ito? Bakit ninyo ito isinagawa?
Ibahagi ito sa klase. Hayaan ang mga bata na magbahagi ng kanilang sariling
karanasan.

Ang disaster drill o kahandaan sa lahat ng pagkakataon ng pamilyang Pilipino


sa oras ng mga di inaasahang pagkakataon ang nagpapakita kung gaano
katibay at ka alerto ang bawat pamilya. Ito ang kaugalian at kakayahan ng
mga Pilipino na kung saan laging handa sa mga pangyayaring kanilang
haharapin.

Babasahin ang maikling kwento.

“Ako at ang Aking Pamilya”

Isang umaga biglang nagpulong ang pamilya Lopez. Ito ay paghahanda sa


isang parating na kalamidad, ang nagbabadyang pagputok ng Bulkan Mayon. Si
tatay Noli ay agarang binanggit na ang bawat kasapi ng pamilya ay may tungkuling
dapat gampanan. Si tatay ang may tungkulin sa pag-aayos at paghahanda ng
sasakyan at malilipatang bahay. Si Nanay Rosa ang may tungkulin sa pagliligpit ng
mga gamit na dadalhin. Sina ate ang mag-aasikaso kay bunso. Si kuya naman ang
mag-aayos ng mga sira ng bahay at kulungan ng mga manok. Habang si bunso ay
katulong ni ate sa pagbitbit ng mga kagamitan.

Pagsagot ng mga katanungan

Pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.


1. Kaninong pamilya ang nabanggit?
2. Ano ang paksa ng pagpupulong?
3. Anu ano ang mga paghahanda ng pamilya Lopez?
4. Naranasan ninyo na ba ang ganitong pangyayari?
5. Kung ikaw ay kasapi ng pamilya Lopez, ano ang maari mong gawing
paghahanda?

Suriin ang mga larawan sa ibaba. Pumili ng limang (5) kagamitan na iyong unang-
unang ihahanda kapag may bagyong paparating? Ipaliwanag ang kasagutan sa
inyong kwaderno.
Sa mga ginawang gawain natin, bakit kailangan ang disaster drill o paghahanda
bago ang kalamidad? Sumulat ng isang pangungusap na nagsasaad ng wasto at
dapat mong gawin. Pumili ng isang paksa para saguting ang gawain:
a. bagyo
b. lindol
c. sunog
d. pagputok ng bulkan

Basahin ang maikling sitwasyon. Pagkatapos ay gumawa ng maikling tugma


tungkol sa kahalagahan ng pagsasagawa ng disaster drill o paghahanda bago ang
kalamidad. Isulat ito sa inyong AP notebook.

Habang naglalaro ang mga bata sa pook pasyalan, ay biglang naramdaman


nila ang isang malakas na lindol. Mabilis na isinagawa ng mga bata ang paglagay ng
kanilang kamay sa kanilang ulo at naghanap ng ligtas na lugar. Ang kaalamang ito
bilang agarang pagkilos ay kanilang natutuhan sa kanilang paaralan noong
magkaroon sila ng disaster drill o paghahanda bago ang kalamidad kagaya ng lindol.

Pangkatin ang klase sa dalawa. Gagamitin ang bilang na 1-2 sa pagpapangkat.


Magkakaroon ng maikling role playing ang klase. Ipapakita sa gawaing ito ang mga
nararapat gawin sa panahon ng kalamidad.
A. Mayroong malakas na bagyo sa inyong lugar
B. Mayroong baha sa inyong lugar
C. May biglaang naganap na sunog
RUBRICS SA PANGKATANG GAWAIN

Pamantayan Puntos
1. Naipakita ng malinaw at wastong kilos na dapat
gawin tungkol sa disaster drill o paghahanda. 10
Lahat ng kasapi ng pangkat ay nakikilahok. Ang
bawat kasapi ay marunong magtulungan at
magkaisa sa kanilang ginawa.
2. Naipakita ng medyo malinaw at wastong kilos na
dapat gawin tungkol sa disaster drill o paghahanda.
Ang 2- 3 kasapi ng pangkat ay di kinakikitaan ng 7
pagkakaisa o pagtulong sa kanilang ginagawa.

3. Hindi gaanong nabigyan ng atensyon ang


ginagawa.
Ang 4 o higit pangkasapi ng pangkat ay hindi 4
kalahok sa Gawain. Ang 4 o higit pangkasapi ay di
kinakikitaan ng pagkakaisa sa kanilang ginagawa.
4. Lahat ng kasapi sa pangkat ay hindi nakiisa sa 0
gawain. Bunga nito walang nagawang output ang
pangkat.

Mga litrato at larawan mula sa:

Xinhua/Reuters, Nelson Salting, DisasterSurvivalSkills.com, Pirada Jaokaew

Inihanda ni:

RICHARD ORASA NUNEZ


Teacher, Bogna Elementary School
Legazpi City Division

You might also like