You are on page 1of 13

School LUCENA EAST 2 ELEMENTARY SCHOOL Grade Level Five (5)

Teacher MICHELLE S. BORROMEO Learning Area ESP


DETAILED Date/Time November 14, 2022 Quarter Second
LESSON PLAN

4As FORMAT Quarter 2 - Week 2 DAY 1


I. Layunin Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kanyang tulong para
sa nangangailangan
11.1 biktima ng kalamidad
11.2 pagbibigay ng babala / impormasyon kung may bagyo, baha, sunog,
lindol at iba pa
(EsP5P-IIa-22)
II- Paksa Pagtulong sa Nangangailangan, Isasabuhay Ko!
Aklat PIVOT 4A Learner’s Materials Quarter 2 ESP Pp. 6-13
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon p. 79-80
Kagamitan Tarpapel , larawan
III. Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain 1. Balik – aral

Paano nakabubuti sa inyong pagsasama ang pagsasabi nang tapat?

B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak

Ano ang masasabi mo sa larawan? Ano ang nararamdaman mo kapag


nakakakita ka ng ganitong sitwasyon?

2. Paglalahad
Ang pagtutulungan ay ang sama-samang paggawa ng isang grupo o
pangkat ng mga tao na may isang layunin o mithiin, kakambal ito ng
salitang pagkakaisa.

Ang pagkakaroon ng pagtutulungan ay isang mahalagang gawi upang


magkaroon ng kaunlaran ang isang lipunan. Kung ang mga samahan, grupo
o pangkat ay may pagtutulungan tiyak ang lahat ng mga layunin at mithiin
ay kanilang makakamit.

Ang pagiging matulungin ay isang katangian na dapat taglayin ng


bawat isa. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi dapat pinipilit bagkus ito ay
bukal sa loob o kusang loob. Maraming pwedeng gawin para maipakita ang
ating pagiging matulungin sa ating kapwa.
3. Pagtatalakayan

Ano ang masasabi ninyo sa larawan? Ano ang ibat – ibang halimbawa ng
kalamidad?

Pagbabalik tanaw sa naging hagupit ng Bagyong Paeng. Pagtawag sa mga


batang nakasaksi ng ibat – ibang pangyayari sa bagyo.

4. Pagsasanay
Ilagay sa loob ng kahon ang iyong masasabi sa pagtulong sa iyong kapwa.

C. Pangwakas na 1. Paglalahat
Gawain
Paano makatutulong sa kaligtasan ng bawat mamamayan ang pamumuno ng
isang tao upang maipaalam sa kapwa ang mga babala na dapat gawin sa
panahon ng kalamidad?
Anu – ano ang mga ginagawa ng mga tao sa panahon ng kalamidad?

Magbigay ng 5 paraan na maari mong gawin kung panahon ng kalamidad na


makakatulong sa kapwa at komunidad?

1. ___________________________________
2. ___________________________________.
3. ___________________________________.
4. ___________________________________.
5. ___________________________________.

2. Paglalapat
Ano ang gagawin mo sa kapitbahay mong nawalan ng tirahan? Paano ang
pagtulong na iyong gagawin?

Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap at


MALI naman kung hindi.
IV. Evaluation ______1. Ang pagtutulungan ay ang sama-samang paggawa ng isang grupo
o pangkat ng mga tao na may isang layunin o mithiin.
______2. Ang salitang pagtutulungan ay kakambal ng pagkakaisa.

______3. Kung ang mga samahan, grupo o pangkat ay may pagtutulungan


tiyak ang lahat ng mga layunin at mithiin ay kanilang makakamit.
_____4. Ang pagiging matulungin ay isang katangian na dapat taglayin ng
isang tao lamang.

_____5. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi dapat pinipilit bagkus ito ay


bukal sa loob o kusang loob.

V. Assignment Bilang mag – aaral sa ikalimang baitang ,ano ang magagawa mo sa iyong
kapwa sa panahon ng kalamidad?

Prepared by: Checked by: Noted:

Michelle S. Borromeo Melanie O. Zabala Enelyn H. Bayani


Teacher I Master Teacher II Principal I
School LUCENA EAST 2 ELEMENTARY SCHOOL Grade Level Five (5)
Teacher MICHELLE S. BORROMEO Learning Area ESP
DETAILED Date/Time November 15, 2022 Quarter Second
LESSON PLAN
4As FORMAT Quarter 2 - Week 2 DAY 2
I. Layunin Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kanyang tulong para
sa nangangailangan
11.1 biktima ng kalamidad
11.2 pagbibigay ng babala / impormasyon kung may bagyo, baha, sunog,
lindol at iba pa
(EsP5P-IIa-22)
II- Paksa Pagtulong sa Nangangailangan, Isasabuhay Ko!
Aklat PIVOT 4A Learner’s Materials Quarter 2 ESP Pp. 6-13
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon p. 79-80
Kagamitan Tarpapel , larawan
III. Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain 1. Balik – aral
Anu – ano ang ginawa mong pagtulong sa kapwa mo ?

B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak

o Ano ang masasabi ninyo sa larawan?


o Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan?
o May mga pagkakataon ba nakasali ka sa ganiyang gawain?

2. Paglalahad

Sa panahon ng sakuna at pangangailangan, pagtutulungan ang dapat


asahan. Napatunayan nating mga Pilipino na isa tayo sa mga
pinakamatulungin na tao sa mundo. Sa lahat ng nagdaang mga pagsubok at
kalamidad, pinatunayan natin na kaya natin kung tayo nagkakaisa at
nagsama-sama. Ikaw, handa ka bang tumulong kung sakaling may
nangangailangan? Handa ka bang mamuno para tulungan ang mga biktima
ng kalamidad?

3. Pagtatalakayan
Pagsagot sa puzzle na makikita sa PIVOT modyul ng ESP pp. 7

1.Ito ay ang paggalaw ng lupa dulot ng pagkikiskisan ng Tectonic Plate.


Maaari ring sanhi ito ng pagputok ng bulkan.
2. Ito ay ang pagguho ng lupa dulot ng malakas o patuloy na pagbuhos ng
ulan sa mga matataas na lugar.
3. Ito ay ang mabilis na pagkalat ng apoy sa isang gusali. Ito ay nagiging
sakuna kung ito ay nakakaapekto sa maraming tao o malawak na kapaligiran.

4. Ito ay ang di-pangkaraniwang paglaki ng alon sa dalampasigan na dulot ng


malakas na lindol, sa ilalim o baybay dagat.
5. Ito ay ang malakas na hanging kumikilos ng paikot na madalas ay may
kasamang malakas at matagal na pag-ulan.

4. . Pagsasanay
Isulat ang ibat – ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa Pilipinas. Ilagay
ang Paghahandang gagawin kapag may ganitong kalamidad.

Mga Kalamidad Paghahandang Gagawin

C. Pangwakas na
Gawain 1. Paglalahat
Anu – ano ang ibat – ibang halimbawa ng kalamidad? Ilarawan ito.

2. Paglalapat
Bilang mag -aaral sa ikalimang baitang, ano ang gagawin mo para maging
ligtas kayo sa ibat – ibang kalamidad?

IV. Evaluation
Panuto: Basahin ang pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong kuwaderno.

1. Ito ay ang paggalaw ng lupa dulot ng pagkikiskisan ng Tectonic


Plate. Maaari ring sanhi ito ng pagputok ng bulkan.
A. Sunog B. Tsunami C. Lindol D. Bagyo

2. Ito ay ang pagguho ng lupa dulot ng malakas o patuloy na pagbuhos


ng ulan sa mga matataas na lugar.
A.Landslide B. Tsunami C. Lindol D. Bagyo

3. Ito ay ang mabilis na pagkalat ng apoy sa isang gusali. Ito ay


nagiging sakuna kung ito ay nakakaapekto sa maraming tao o
malawak na kapaligiran.
A. Buhawi B. Tsunami C. Lindol D. Sunog

4. Ito ay ang malakas na hanging kumikilos ng paikot na madalas ay


may kasamang malakas at matagal na pag-ulan.
A. Landslide B. Bagyo C. Lindol D. Sunog

5. Ito ay ang di-pangkaraniwang paglaki ng alon sa dalampasigan na


dulot ng malakas na lindol, sa ilalim o baybay dagat.
A. Sunog B. Tsunami C. Lindol D. Bagyo
V. Assignment Magtala sa inyoong notebook ng ibat – ibang kalamidad na inyong naranasan
na.

Prepared by: Checked by: Noted:

Michelle S. Borromeo Melanie O. Zabala Enelyn H. Bayani


Teacher I Master Teacher II Principal I
School LUCENA EAST 2 EL7EMENTARY SCHOOL Grade Level Five (5)
Teacher MICHELLE S. BORROMEO Learning Area ESP
DETAILED Date/Time November 16, 2022 Quarter Second
LESSON PLAN
4As FORMAT Quarter 2 - Week 2 DAY 3
I. Layunin Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kanyang tulong para
sa nangangailangan
11.1 biktima ng kalamidad
11.2 pagbibigay ng babala / impormasyon kung may bagyo, baha, sunog,
lindol at iba pa
(EsP5P-IIa-22)
II- Paksa Pagtulong sa Nangangailangan, Isasabuhay Ko!
Aklat PIVOT 4A Learner’s Materials Quarter 2 ESP Pp. 6-13
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon p. 79-80
Kagamitan Tarpapel , larawan
III. Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain 1. Balik – aral
Anu – ano ang ibat – ibang kalamidad na ating nararanasan ?

B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak

Anu – ano ang mga Hakbang sa Paghahanda para sa Kalamidad

2. Paglalahad

Paghahanda para sa Lindol


 Ugaliing dumalo sa programa ng paaralan tulad ng earthquake drill
 Pag-aralan kung paano magbigay ng paunang lunas
 Palaging ihanda ang mga emergency kits tulad ng paunang lunas,
flashlight, kandila, posporo, pito, inuming tubig, de-latang pagkain at iba
pa.

Paalala sa Pananalasa ng Bagyo


 Ugaliin ang pakikinig sa radyo at telebisyon para sa mga balita mula sa
PAG-ASA hinggil sa parating na bagyo.
 Sa pagdating ng bagyo ay manatili sa bahay at huwag magpunta sa mga
lugar tulad ng ilog at baybaying dagat.

Mga Dapat Gawin sa Oras ng Sunog


 Habang maliit pa ang apoy ay subukan na itong apulahin, kung hindi mo
ito magagawa ay humingi ng tulong sa mga kalapit na bahay at tumawag ng
bumbero o sa BFP (Bureau of Fire & Protection).
 Kung ikaw ay nása ikalawang palapag o pataas, hintayin ang bumbero
upang ikaw ay masaklolohan. Huwag tumalon, maliban na lámang kung ito
na lámang ang paraan para mailigtas ang sarili.
Mga Dapat Gawin sa Panahon ng Pandemya
 Ito ay mapanganib sapagkat ang sakit ay madali mong makukuha mula sa
ibang tao, lugar o bagay na hinawakan ng may sakit.
 Upang maiwasang mahawa, manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang
matataong lugar.
Ugaliin ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at panatilihin
ang isang metrong layo mula sa ibang tao (social distancing).
 Panatilihing malusog at malakas ang resistensiya at kumain ng
masusustansyang pagkain.

3. Pagtatalakayan

Anu -ano ang mga paghahandang ginangawa sa ibat – ibang kalamidad?


Anu – ano ang mga dapat ihandang kagamitan sa ibat – ibang
kalamidad?
Ang pag-unawa o pag-alam sa mga hakbang kung paano maghahanda sa
mga kalamidad man o pandemya ay isang pamamaraan upang makatulong
sa kapwa. Ang pagbibigay ng babala o impormasyon ay makakatulong
naman sa pagligtas ng buhay. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang
pagbibigay ng tulong sa naaapektuhan ng sakuna o trahedya.

4. Pagsasanay

Ano ang nagging epekto ng Bagyong Paeng sa sumusunod:

buhay ng tao kabuhayan

C. Pangwakas na 1. Paglalahat
Gawain Sumulat ng 5 pangungusap tungkol sa mga paghahandang ginagawa ng
inyong pamilya kung may kalamidad na darating.

2. Paglalapat
Paano nakakatulong sa iyo bilang isang mag -aaral ang paghahanda sa ibat
– ibang kalamidad?

IV. Evaluation Isulat sa kuwaderno ang inyong sagot. Iba’t ibang kalamidad ang
dumarating sa ating bansa. Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang
malubhang pinsala nito?

HABANG may bagyo

BAGO ang lindol

BAGO pumutok ang bulkan


V. Assignment Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa tulong ng iyong mga magulang o
guardian, tulungan si “Johne Rye” sa kaniyang misyon. Kopyahin at
gawin ito sa iyong sagutang papel. Maaari mong palitan ang picture ni
“Johne Rye” ng iyong sariling picture o paborito mong cartoon o movie
character.

Ako si Johne Rye. Isa akong matulunging batà katulad mo. Nais ko ring
tumulong sa mga nangangailangan ngayong pandemya at iba pang
naapektuhan ng kalamidad. Gusto kong magsimula ng pamumuno ng
pagtulong. Ngunit kailangan ko ng makakasama. Maaari mo ba akong
matulungan sa misyon ko? Kailangan rin natin ng mga puntos para
magkaroon ng mga goods na maibibigay at para maipaparating ito sa
nangangailangan. Para makakuha táyo ng puntos, kailangan mong
mapalagdaan sa iyong magulang ang mga daanat puso sa ibaba sa
tuwing matatapos mo ang mga sumunod na Gawain sa Pagkatuto (GP).
Handa ka ba na tulungan ako? Salamat at tara na!

Prepared by: Checked by: Noted:

Michelle S. Borromeo Melanie O. Zabala Enelyn H. Bayani


Teacher I Master Teacher II Principal I
School LUCENA EAST 2 ELEMENTARY SCHOOL Grade Level Five (5)
Teacher MICHELLE S. BORROMEO Learning Area ESP
DETAILED Date/Time November 17, 2022 Quarter Second
LESSON PLAN
4As FORMAT Quarter 2 - Week 2 DAY 4
I. Layunin Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kanyang tulong para
sa nangangailangan
11.1 biktima ng kalamidad
11.2 pagbibigay ng babala / impormasyon kung may bagyo, baha, sunog,
lindol at iba pa
(EsP5P-IIa-22)
II- Paksa Pagtulong sa Nangangailangan, Isasabuhay Ko!
Aklat PIVOT 4A Learner’s Materials Quarter 2 ESP Pp. 6-13
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon p. 79-80
Kagamitan Tarpapel , larawan
III. Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain 1. Balik – aral
Anu – ano ang mga paghahandang ginagawa ng pamilya mo tuwing may
kalamidad?
B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak

Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon.

Inanunsiyo ng PAG-ASA na may paparating na isang malakas na bagyo.


Habang nakatutok sa pakikinig sa radyo ay inihanda ng batang si Joy ang
lahat ng mga kakailanganin tulad ng emergency kit. Matapos manalasa ng
bagyo ay malaki ang iniwang pinsala nito pero mapalad ang pamilya niya
sapagkat walang nasaktan at walang nasira sa kanilang tahanan. Ngunit ang
bahay ng kaibigan niyang si Nica ay nasira at wala siyang matuluyan. Kung
ikaw si Joy, anong gagawin mo?

2. Paglalahad

Nasunog ang bahay ni Elia Vyonne at walang nasalba sa kanilang mga


gamit. Pansamantala siláng tumuloy sa isang shelter ng lokal na
pamahalaan. Kung si Elia Vyonne ay kaibigan mo, ano ang maaari mong
maitulong sa kaniya?
Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?

3. Pagtatalakayan

Dahil sa tagal ng lockdown dulot ng pandemya, nawalan ng


hanapbuhay at naubos ang perang ipon ng magulang ni Niño na pantustos
sana sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kung ikaw ay
kaibigan ni Niño, ano ang maaari mong gawin para siya ay matulungan?
Anu -ano ang mga hakbang na gagawin mo para matulungan ito?

4. Paglalahat
Anu- ano ang mga gagawin mong hakbang sa panahon ng kalamidad?
C. Pangwakas na 1. Pagsasanay
Gawain
Sa tuloy-tuloy na pag-ulan, ang bahay ng magkakapatid na Reniel at Ricki
na kapitbahay ni Althea ay inaabot ng baha. Nakita ni Althea kung gaano
kakapal at karami ang putik na iniwanan ng baha sa bahay nila. Nagsimula
na ang magkakapatid na maglinis. Kung ikaw si Althea, ano ang gagawin
mo?

2. Paglalapat
Bilang mag -aaral sa ikalimang baitang, ano ang tulong na magagawa sa
mga naging biktima ng kalamidad?

IV. Evaluation Basahin at unawain ang sumusunod na talata. Sagutan ang mga katanungan
sa iyong sagutang papel. Ito ay makikita sa modyul ng ESP p. 12

Noong Hulyo 16, 1990, 4:30 ng hapon, lumindol na may lakas na magnitude
7.7 na tumagal ng apatnapu’t limang segundo. Ang estudyanteng si Robin
Garcia ng Cabanatuan ay iniligtas ang walong estudyante at guro sa
gumuguhong Christian College of the Philippines. Sa kasamaang palad,
matapos ang kabayanihan, si Robin ay nasawi siya dahil natabunan siya ng
mga debris na dulot ng after shock. Kinilala siya ng Boy Scout of the
Philippines at pinarangalan ng “Gold Medal of Honor” gayundin ni
Pangulong Corazon Aquino na naggawad ng titulong “Grieving Heart
Award” na tinanggap ng kaniyang mga magulang.

1. Sa iyong palagay, ano ang nag-udyok kay Robin upang ibuwis ang
kaniyang buhay sa pagliligtas ng mga estudyante at guro? Ipaliwanag.

2. Bílang kabataan tulad ni Robin, gagawin mo rin ba ang kabayanihang


ginawa niya? Pangatwiranan.
3. Ano-anong mahahalagang aral ang iyong natutuhan mula kay Robin?
4. Anong pagmamalasakit o pagtulong ang maaari mong magawa para sa
iyong kapwa?
5. Bukod kay Robin, sino pa sa palagay mo ang mga huwarang tao na dapat
mong tularan sa pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa?
V. Assignment Mag- aral para sa isang pagsusulit.

Prepared by: Checked by: Noted:

Michelle S. Borromeo Melanie O. Zabala Enelyn H. Bayani


Teacher I Master Teacher II Principal I
School LUCENA EAST 2 ELEMENTARY SCHOOL Grade Level Five (5)
Teacher MICHELLE S. BORROMEO Learning Area ESP
DETAILED Date/Time November 11, 2022 Quarter Second
LESSON PLAN

4As FORMAT Quarter 2 - Week 1 DAY 5


I. Layunin Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kanyang tulong para sa
nangangailangan
11.1 biktima ng kalamidad
11.2 pagbibigay ng babala / impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol at
iba pa
(EsP5P-IIa-22)
II- Paksa Pagtulong sa Nangangailangan, Isasabuhay Ko!
Aklat PIVOT 4A Learner’s Materials Quarter 2 ESP Pp. 6-13
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon p. 79-80
Kagamitan Tarpapel , larawan
III. Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain 1. Balik – aral
Magbigay ng ibat – ibang paraan ng pagtulong sa kapwa sa panahon ng
kalamidad?
B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak
Nakagawa ka na ba ng iskrip sa isang dula – dulaan?

2. Paglalahad
Ngayon ay magsasagawa tayo ng pangkatang Gawain na may kinalaman sa
paghahanda sa darating na kalamidad

3. Pagtatalakayan
1.Mga pamamaraan sa pagsasagawa ng pangkatang Gawain.
2.Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain

4. Paglalahat
Anu- ano ang mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng isang pangkatang Gawain?
C. Pangwakas na 1. Pagsasanay
Gawain Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyon
na nakasulat sa cartolina at hayaan itong isagawa ng mga bata.

Pangkat I- Operasyong Pagpapabatid

Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang gagawing pagbibigay ng babala


sa mga mamamayan lalo na ang nakatira sa mga delikadong lugar hinggil sa
paparating na malakas na bagyo. Bigyang diin ang kahalagahan ng
pamumuno sa gawaing ito.

Pangkat II- Operasyon Sagip- Buhay

Isa sa mga kaklase mo ay naging biktima ng nagdaang bagyo. Nabalitaan


mo na nasira ang kanilang bahay at sa kasalukuyan ay talagang kailangan
nila agad ang tulong upang muling maitayo ang kanilang tahanan. Ikaw ang
pangulo ng inyong klase, sa pamamagitan mo paano ninyo sila
matutulungan. Ipakita kung paano mo mahihikayat ang iyong kaklase sa
boluntaryong tulong na kanilang maibibigay.

Pangkat III- Ipabatid Mo!


Kumatha ng isang “jingle“ na naglalaman ng pamumuno para
makapagbigay ng kayang tulong para sa mga nangangailangan lalo na ang
biktima ng kalamidad. Awitin ito.

2. Paglalapat
Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa mo ang pangkatang Gawain?
Anong mahalagang mensahe ang nais nitong ipabatid ? Bakit at Paano?

IV. Evaluation Gumawa ng isang pag-uulat o balita (news script) tungkol sa isang malakas na
bagyong paparating sa inyong lugar. Kailangan mong mabigyan ng babala ang
iyong mga kabarangay. Pagkatapos mong isulat ang iyong script ay maaari
mong kunan ng video ang iyong sarili (sa gabay ng nakakatanda sa bahay) o i-
perform ito sa harapan ng iyong mga magulang. Kopyahin ang krayterya sa
iyong sagutang papel at palagyan ng tsek sa iyong magulang ang marka ng
kasanayan batay sa iyong performans.

V. Assignment
Manood ng balitang nagpakita ng kabayanihan ng ating kapwa Pilipino pagkatapos
ng Bagyong Paeng . Isulat sa inyong notebook.

Prepared by: Checked by: Noted:

Michelle S. Borromeo Melanie O. Zabala Enelyn H. Bayani


Teacher I Master Teacher II Principal I

You might also like