You are on page 1of 3

MASUSING Paaralan F.

Baitang 7
BANGHAY- Bustamante
ARALIN National
High School
Guro Ivy S. Jaena Asignatura Filipino
Petsa at Dec. 2-6, Markahan Ikatlong Markahan
Oras 2019
I. LAYUNIN
F7WG-IIIf-g-15 Nasusuri ang mga pahayag na ginamit sa paghihinuha ng pangyayari
A. Mga Kasanayang
Natutukoy ang mga mensaheng nais ihatid ng may-akda sa sanaysay.
Pampagkatuto/Layu
Nakasusulat ng reaksyon hinggil sa sanaysay na napanood.
nin Naisapuso ng mga mag-aaral ang aral sa sanaysay na napanood.

II. PAKSA
Ang Ningning at Ang Liwanag ni Emilio Jacinto
III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 pahina 332-336

B. Iba pang kagamitang pampagtuturo Laptop, TV Monitor, speaker.

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

Tanong: Ano ang tinalakay natin noong nakaraang araw?


Sagot: Tinalakay po natin ang mga hudyat sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari

B. Pangganyak
Pagpapakita ng mga larawan.

Panuto: Suriin ang mga larawan at alamin kung alin sa mga ito ang higit na mahalaga sa inyo.

Tanong:
1. Alin sa mga ito ang higit na mahalaga sa inyo? Bakit ito ang itinuturi mong mahalaga sa iyong
buhay?
2. Bakit mahalagang mamuhay ang tao sa liwanag o katotohanan at hindi lamang sa liwanag sa
ningning na bunga ng kasikatan at kapangyarihan?

C. Paglalahad ng Aralin

Basahin ng sabay at malakasan.

Pahina 1 of 3
“Hindi lahat ng kumikinang ay nagbibigay-liwanag sa buhay”

(Ipapakita ng guro ang video na kanyang hinihanda).

D. Pagtalakay sa Aralin

1. Ano ang pinagkaiba ng ningning at liwanag ayon sa ating napanood?


2. Ano ang higit na mabuti sa kanilang dalawa? Bakit?
3. Bakit sinasabit ng may-akda na ang ningning ay madaya? Ano-ano nag pandarayang dala nito?
Isa-isahin ang mga ito.
4. Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang labis na nagpapahayag sa ningning o kinang ng
kapangyarihan at kasikatan?
5. Bilang isang kabataan, paano ka makaiwas upang hindi mabighano ng ningning ng kasikatan at
kapangyarihan?

E. Paglalapat

Ipaliwanag.

1. Huwag mabighani sa panlabas na kaanyuan.


2. Ang taong mapagmataas ay kinaiinasan ng marami.
3. Ang kaliluhan ay maihahalintulad sa ugali ng isang ahas.

II. Bigyang-kahulugan ang pariralang nakasulat sa biluhaba at pagkatapos ay magbigay ng hinuha


sa kung ano ang posibleng positibong mangyayari sa taong nagtataglay nito. Ang unang bilang ay
ginawa na para sa iyo.

Kahulugan: Hinuha:

Masagana ang buhay taong Maari siayng


nasa makatulong sa mga
liwanag nangangailangan

Kahulugan: Hinuha:
taong
bukas ang
mata

Kahulugan: Hinuha:
taong
nagtigis ng
pawis

F. Paglalagom

Pahina 2 of 3
Ang “Ang Ningning at ang Liwanag” ay isnag akda ni Emilio Jacinto. Ito ay tumalakay sa kung ano
ang dapat gagawin o susundin ng mga tao. Ang pag-iwas sa mga bagay na nagpapasama sa atin
at hindi paghumaling dito. Ito rin ay tumatalakay sa pamumuno ng mga pinunpo na gahaman sa
kapangyarihan, ayaw nang bitawan ang posisyong hinahawakan at ang pagdusta at pang-alipin
sa kanyang nasasakupan. Ang sanaysay na nagbibigay aral sa atin sa anumang pagkakataon
kailangan nating gamitin an gating isip at tukuyin ang mga bagay na muli at hindi tamang gawin at
iwasan ito.

G. Pagtataya
Ang mga mag-aaral ay susulat ng reaksiyon hinggil sa sanaysay na napanood.

Pamantayan:
Nilalaman- 15 puntos
Estilo- 10 puntos
Estratehiya- 10 puntos
35 puntos

II. Isulat sa patlang kung nagpapakita ng ningning o liwanag ang sumusunod na sitwasyon.

____________1. Mahilig bumili at magsuot ng magagandang damit si Jackilou para sa


mapahanga niya ang mga kaibigan.
____________2. Nag-aral at nagsikap si John upang maging isang doctor ng kanilang bayan sa
Mabalacat.
____________3. Nakita ni Rolan na tama ang naging pasiya ng kaniyang kaibigang si Aldwin na
humanap ng trabaho sa malayong lugar para makatulong sa kaniyang pamilya kaya’t mabigat
man sa kalooban ay tinanggap niya ito nang buong puso.
____________4. Si Aling Dolores ay nagdarasal sa loob ng simbahan ngunit nang may nanghingi
ng limos paglabas niya ay galit nag alit niya itong itinaboy.
____________5. Si Ferdie ay isang politikong magaling magsalita at mangako sa mamamayan
ngunit inuuna naman ang sariling kapakanan kaysa sa nasasakupan.

Inihanda ni:

Ivy S. Jaena
Teacher I Ipinasa kay:

Gng. Zenaida G. Teleron


Filipino Department Head

Pahina 3 of 3

You might also like