You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN II

I-LAYUNIN

*Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtutulungan at pakikipagkapwa sa paglutas ng mga problema


sa komunidad.

II-NILALAMAN

a. Paksa: Pagtutulungan at Pakikipagkapwa


b. Sangguninan: K to 12 Curriculum Guide in Araling Panlipunan p.9
Katangiang Pilipino 2 (Batayang Aklat) pp.164-167
c. Kagamitan: Cartolina, larawan, puzzle
d.Pagpapahalaga: Pagkakaisa at pagtutulungan

III-PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
a.Panalangin
b.Pampasiglang awit
c. Pagbati
d.Pagbibigay ng mga alituntunin
e. Balik-aral
Buuhin ang salita na nasa kahon.

Itanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng pagtutulungan?
2. Anu-ano ang mga gawaing nagpapakita ng pagtutulungan?
f.Pagganyak
Magpakita ng larawan tungkol sa isang lugar na dinaanan ng kalamidad tulad ng tsunami at
magpakita ulit ng isang larawan na ang mga tao ay tumutulong sa nasalanta.
Itanong:
1. Ano ang nakikita niyo sa larawan?
2. Ano ang ginagawa ng mga tao?
B.Panlinang na Gawain

1. Paglalahad
Maglahad ang guro ng Semantic Web. Sa bawat bilog ay maglagay ng mga larawan ng
Mga sumusunod: maruming kapaligiran, nagsusugal, pagpuputol ng mga puno, mga taong
Nagwewelga.
2. Pagtatalakay
Itanong:
1. Ano ang ipinakita ng bawat larawan na nasa semantic web?
2. Ano ang tawag sa mga ito? Sino ang gumagawa ng mga ito?
3. Paano nilulutas ang mag suliraning ito?
4. Sinu-sino ang tumutulong sa paglutas ng mga suliranin sa inyong pamayanan?
5. Paano nalulutas ang suliranin o problema sa komunidad?
6. Bakit kinakailangan na magtulungan ang mga tao sa paglutas ng mga problema sa
Komunidad?

3. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng pagtutulungan at pakikipagkapwa sa paglutas ng mga
problema sa komunidad?

4. Paglalapat
Pangkatang Gawain
*Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.
*Talakayin ng madalian ang mga pamantayan sa paggawa ng pangkatang gawain.
*Bawat grupo ay may bubuuhing isang puzzle na may larawan ng mga kalamidad
tulad ng sunog, lindol, at baha.
*Bigyan sila ng kard na may mga tanong sa loob.
Tanong:
1. Sa mga sitwasyon na tulad nito ano ang dapat gawin ng mga tao?
2. Paano maipapakita ng mga tao ang pakikipagkapwa sa mga
sitwasyong gaya nito.
*Ipaulat sa klase ang gawa nila’
*Talakayin ang mga ipinakitang gawain ng mga bata.
Itanong:
1. Ano ang ipinakita ng bawat pangkat?
2. Ano ang dapat gawin ng mga tao upang maresolba ang
mga suliranin sa kanillang komunidad?
3. Bakit kinakailangan na magtulungan?
IV-PAGTATAYA

Alin sa mga gawain ang nagpapakita ng pagkakaisa ng mga tao . Lagyan ng( / ) ang linya
kung tama ang panngungusap at ( X ) kung mali.

______1. Pagbibigay ng lumang damit sa mga biktima ng baha.


______2. Pinatira ni Danilo ang kanyang kaibigan sa kanilang bahay ng ito ay mawalan ng magulang.
______3. Tinitingnan lang ni James ang mga taong naaksidennte sa baha.
______4. Nasunog ang mga gamit ni Tristan. Pinahiram siya ni Ana.
______5. Pinagtawanan ni Arnold ang mga taong dinaanan ng bagyo.

V-TAKDANG-ARALIN

Bilang isang bata ano ang iyong magagawa upang makatulong sa pagresolba sa mga suliranin.

Prepared by:
VICELLY A.RABINO
Practice teacher

Noted by:
ELISA M. GIMINO
Cooperating teacher

Approved by:
MARLAW A. CAMACHO
Principal II

You might also like