You are on page 1of 6

Lesson Exemplar in Araling Panlipunan 2 Using the IDEA Instructional Process

Learning Delivery Modality Online Distance Learning


School Southville 8C ES Grade Level Grade 2
Teacher Irish B. Zonio Learning Area Araling Panlipunan

Teaching Date June 24, 2021 Quarter Ikaapat na Markahan


Teaching Time No. of Days

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pagpapahalaga sa
kagalingang pansibiko bilang pakikibahagi sa
mga layunin ng sariling komunidad.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapahahalagahan ang mga paglilingkod ng
komunidad sa sariling pag-unlad at nakakagawa
ng makakayanang hakbangin bilang pakikibahagi
sa mga layunin ng sariling komunidad.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat Napahahalagahan ang pagtutulungan at
ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkakaisa ng mga kasapi ng komunidad.
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Pagpapahalaga sa pagtutulungan at pagkakaisa
ng mga kasapi ng komunidad.
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC AP 2 – Ikaapat na Markahan (Week 7-8),
PIVOT BOW R4QUBE,
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Modyul sa Araling Panlipunan 2 pahina 32-38
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa
www.google.com
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo
Modules, activity sheets, Powerpoint
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Presentation
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Ang Napapanahong Pagpapaalala:
Ipapaalala ng guro sa mga bata ang
panuntunan sa ODL.
Balitaan muna Tayo:
Magkaroon ng kumustahan at balitaan sa
mga bata.

Balikan Natin:
Balikan ang nakaraang aralin tungkol sa mga
Karapatan at tungkulin na dapat gampanan sa
komunidad.
Tukuyin kung ang sitwasyon ay
nagpapahayag ng Karapatan o tungkulin. Isulat
sa drill board ang K kung ito Karapatan at T kung
tungkulin.
Subukin muna ang kakayahan ng mga bata sa
pagdadagdag gamit ang isip lamang.
(1+2+3+4+5)

Magkwentuhan Tayo!

Basahin ang kuwento tungkol sa komunidad


ni Oscar. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos.
Si Oscar ay nakatira sa komunidad ng
Kasiglahan Village. Sa ilang paligid nito ay may
tambak na basura at mga baradong kanal. Isang
araw, nagkaroon ng bagyong Ulysses. Mabilis
ang pagbaha sa buong komunidad dahil bukod
sa mababa ang lugar, may mga baradong kanal
at tambak na basura dito.
Pagkalipas ng bagyo, nangamba ang Kapitan
ng Barangay sa mga pangyayaring ito.
Nagpatawag siya ng pagpupulong upang
malunasan ang mga suliraning ito. Ang mga tao,
babae man o lalaki, bata at matanda ay
nagtulong tulong sa paglilinis ng buong
komunidad. Ang mga babae at lalaki ay
magkatulong sa paglinis ng mga putik at kanal.
Ang mga bata naman ay nagwalis at nanguha ng
mga basurang kaya nilang dalhin. Maganda ang
naging bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng
bawat kasapi ng komunidad. Tunay na mahalaga
ang pagtutulungan sa paglutas ng problema sa
isang komunidad.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin Mo!


Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang suliranin sa komunidad ni Oscar?


2. Ano ang nangyari sa kaniyang komunidad?
3. Ano ang ginawa upang matugunan ang
suliranin ng komunidad?
4. Ano ang kinalabasan ng pagtutulungan ng
bawat kasapi ng komunidad?
E. Development (Pagpapaunlad) Anong magandang kaugalian sa komunidad ang
nakuha natin sa kuwento?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ikwento Mo!


May katulad bang pangyayari sa inyong
komunidad na iyong nakita o nasaksihan ang
nagpakita rin ng pagtutulungan at pagkakaisa?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Sa pamamagitan ng daliri, ipakita ang markang
tsek (/) kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng pagtutulungan sa komunidad
at ekis (x) naman kung hindi.
1. Nagtutulungan ang mga residente ng Sitio
Wawa sa pagpapanatili ng kalinisan ng Wawa
Dam.
2. May iilang mamamayan ng Rodriguez Rizal
ang nagkagulo sa pamimigay ng ayuda.
3. Nag-ambagan ang mga binatang nagpunta sa
Puray Falls upang bigyan ng pagkain ang ilang
katutubo na naninirahan sa Puray.
4. Ang mga pulis at bumbero ay nakikiisa sa
paglilinis ng Southville 8C Elem. School tuwing
may Brigada Eskuwela.
5. Nagkalat ang mga kabataang nag-jogging sa
Montalban Sports Center.

F. Engagement (Pagpapalihan) Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ipakita Mo!

Ipakita ang masayang mukha kung ang


larawan ay nagpapakita ng pagtutulungan at
pagkakaisa sa komunidad at malungkot na
mukha kung hindi.
Bakit mahalaga ang pagtutulungan at
pagkakaisa sa komunidad?

Ano ang magiging epekto kung walang


pagtutulungan at pagkakaisa sa komunidad?

G. Assimilation (Paglalapat) Gawain sa Pagkatuto 5: Isalaysay Mo!


Panuto: Isalaysay ang maaaring maitulong
ninyo at ng mga tao sa komunidad sa mga
sitwasyon.

a. Nasunugan ang dati ninyong kapitbahay


na nakatira na sa Barangay Burgos.
Walang silang natirang kagamitan.

b. Dahil sa pandemya maraming tao ang


nawalan ng trabaho. Isa ang magulang ng
kalaro mo sa inyong cluster ang nawalan
ng hanapbuhay kaya nakakaranas sila ng
kagipitan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Pagtataya


Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap. Piliin
ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang
diwa nito. (Ipakita sa screen ang pagpipilian)

1. Ang ___________________ ay nagiging


daan tungo sa pagkakaisa.
2. Ang ___________________ ay
kinakailangan ng isang komunidad sa
paglutas ng problema.
3. Ang pagtutulungan at pagkakaisa ay
nagdudulot ng pagkakabuklod ng mga tao
sa ________________.
4. Ang anumang mabigat na gawain at
suliranin sa aming komunidad sa Southville
8C ay ____________________ kung may
pagtutulungan at pagkakaisa ang bawat tao.
5. Ang pagtutulungan at pagkakaisa sa Bayan
ng Rodriguez ay naipakita lalo sa panahon
ng _________________________.
V. PAGNINILAY Isulat sa kwaderno o journal ang iyong
nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt.

Ano-ano ang iyong natutunan sa ating aralin?


_______________________________________
__________________________________

Paano mo isasabuhay ang iyong natutunan sa


aralin?
_______________________________________
_______________________________________

You might also like