You are on page 1of 89

ESP D

Matalinong A

Pagpapasiya para Y
1
sa Kaligtasan
QUARTER 3 WEEK 3
Balik-aral:
Sa iyong sagutang papel, buoin ang
konsepto.
Ipakita ang iyong ________at sikaping mapaunlad hindi lamang sa
sariling kapakanan ngunit para sa __________ ng lahat. Maging
__________sa pagtanggap ng papuri ng ibang tao at responsible sa
paggamit ng iyong mga talento. Ugaliing _______ sa mga paligsahan
upang lalo pang mahasa ang iyong talento. Makabubuting gumamit ng
________ o teknolohiya sa pagpapaunlad ng talento at pagiging
malikahin.
Suriin ang pahayag:

Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?


Ano ano ang iyong mga pinapanood sa
telebisyon, internet at sa iyong telepono?

Minsan dahil sa ating kuryosidad ay nagagawa


natin ang isang bagay lalo na kung ito ay Nakita,
napakinggan o napanood at ating tinutularan.
Narito ang ilang
mahahalagang paalala para sa
mga panoorin at babasahin na
hindi angkop sa bata.
Mga Dapat Gawin sa Panonood ng mga Eksena o
Palabas sa Telebisyon na Hindi Angkop sa Bata :

 Huwag gagayahin ang mga ginagawa ng


mga paborito mong artista na alam mong
makasasama o makapagpapahamak sa
iyong kapwa.
Maging matalino sa panonood at
iwasan ang mga panoorin na
hindi akma sa isang batang tulad
mo.
Kung may mapanood man na
hindi maganda sa paningin mo,
humingi ng paggabay ng iyong
magulang.
Bukod dito, kailangan din nating maging
mapanuri at magkaroon ng matalinong
hakbang sa pagbuo ng pasiya kung tayo ay
nasa panganib lalo na kung ang nakataya
rito ay ang kapakanan at kaligtasan ng
lahat.
Basahin ang maikling pahayag sa ibaba.

Si Dino ay nakipag-away sa paaralan ng walang


dahilan kaya siya ay dinala sa Guidance office upang
magpaliwanag kung bakit niya ginawa iyon. Nang
tanungin siya ng guro kung bakit niya sinuntok ang
kanyang kamag-aral ay sumagot siya na ito ay kanyang
napanood lamang sa kanilang telebisyon sa bahay.
Nang malaman ito ng kanyang magulang ay
pinagbawalan na siyang manood ng mga
mararahas na bagay at laging nakagabay ang
kanyang mga magulang tuwing siya ay manood.
At napagtanto na din ni Dino na masama ang
kanyang ginawa.
Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
1. Tungkol saan ang pahayag?
2. Ano ang ginawa ni Dino kaya siya
pinatawag?
3. Saan niya nakita ang kanyang
ginayang gawain?

4. Tama ba na gayahin ang mga


napapanood sa telebisyon?
5. Ano ang napagtanto ni Dino?

6. Maari din bang ikapahamak ni Dino


panggagaya ng mga mararahas na gawain
sa telebisyon?
Gagayahin mo ba ang iyong
mga napapanood?

Maniniwala ka ba sa lahat ng
iyong napapanood?
Lagi mong tandaan, upang makaligtas sa anumang banta ng
panganib, sumunod nang maayos sa mga paalala at gumamit ng
matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan ng bawat isa. Hindi
natin matitiyak kung kailan ito magaganap at kung saan ito
mananalasa kung kaya kailangan nating maging handa sa tulong
ng mga piling tanggapan ng ating pamahalaan na pangangasiwa
sa mga paparating na kalamidad o banta ng panganib.
Piliin ang tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang
sagot.
1. Ang pagsunod sa mga paalala sa panonood ay
naglalayong mapanatili ang _______
A. Kagalang-galang na asal
B. Mapanagot na panonood
C. Pagiging pasaway
D. Pagsusulong ng karahasan
2. Ang paghingi ng paggabay sa magulang
kapag may mapanood na hindi angkop ay
isang:
A. Maliit na bagay lamang
B.Mahalagang hakbang sa kaligtasan
C. Walang saysay na gawain
D. Paraan ng pagiging makulit
3. Saan dapat humingi ng tulong o payo kapag
may mga eksena na nakakatakot o hindi
angkop sa edad?
A. Sa mga kaibigan
B. Sa mga magulang
C. Sa mga guro sa paaralan
D. Huwag na lang humingi ng tulong
4. Ano ang layunin ng mga paalala na dapat maging
mapanuri sa mga pinapanood?
A. Pabayaang manood ng kahit anong palabas
B. Ituro ang tamang pag-uugali sa panonood
C. Gawing modelo ang mga artista sa telebisyon
D. Huwag pansinin ang mga paalala
5. Bakit mahalaga ang maging matalino sa panonood ng
mga palabas sa telebisyon?
A. Para mapabuti ang grades sa paaralan
B. Upang magkaroon ng mas maraming kaibigan
C. Para hindi maging maalam sa paligid
D. Upang maiwasan ang negatibong impluwensya
ESP D
Matalinong A

Pagpapasiya para Y
2
sa Kaligtasan
QUARTER 3 WEEK 3
Balik-aral;
Ano ano ang dapat gawin sa
panonood ng eksena sa
telebisyon?
Pagmasdan ang larawan;

Anong sakuna ang


nakikita sa larawan?

Ano ang iyong gagawin


kung sakaling may
kapitbahay ka na
nasusunugan ng bahay?
May mga pagkakataon na may mga
hindi inaasahang pangyayari sa ating
paligid kaya dapat tayo ay laging
handa sa anumang oras at tamang
pagpapasya ang isagawa upang
maging ligtas.
May mga pangyayari na hindi
naiiwasan ng ibang tao lalo na sa
matataong lugar o sa lungsod.
Kadalasan nangyayari ang sunog
sa mga kabahayan at iba pang mga
pagawaan.
Panoorin ang video para sa mga paraan para
maiwasan ang sunog.

https://youtube.com/watch?v=Q
jIX5UlHMV4
Ano ang masasabi mo sa iyong napanood.

Isasagawa mo ba ang mga hakbang upang


maiwasan ang sunog?

Paano mo ibabahagi ang mga paraan na ito sa iyong


kapitbahay upang maiwasan ang sakuna?
Mga Paalaala Para Sa Kaligtasan

Kaligtasan sa Sunog
1. Huwag hayaan na maglaro ng posporo at lighter
ang mga bata.
2. Tingnan kung mayroong mga maling
pagkakakabit ng mga linya ng kuryente sa bahay.
3. Ilayo ang mga bagay na madaling
masunog tulad ng alcohol, gas, at
kandila.
4. Pag-aralan ang inyong lugar kung
saan pwedeng dumaan sakaling
magkasunog.
5. Tanggalin sa saksakan ang mga
appliances na hindi ginagamit.
6. Pahingahin ang mga appliances.
7. Maging mapagmatyag sa mga amoy at
usok sa tahanan.
9. Kung nasusunog ang inyong damit:
huminto, dumapa, at gumulong hanggang
mapatay ang apoy. Sumigaw at humingi ng
tulong.
10. I-display ang emergency number na
maaaring tawagan sa oras ng sunog.
Basahin ang mga pahayag kung nakakasunod sa matalinong pagpapasya para
sa kaligtasan. Isulat ang Tama kung nakakasunod at Mali naman kung hindi.

1. Huwag hayaan na maglaro ng posporo at lighter


ang mga bata.
2. Ang pagtingin sa mga maling pagkakakabit ng
mga linya ng kuryente sa bahay ay hindi mahalaga
para sa kaligtasan sa sunog.
3. Ilayo ang mga bagay na madaling
masunog tulad ng alcohol, gas, at kandila.
4. Pag-aralan ang inyong lugar kung saan
pwedeng dumaan sakaling magkasunog.
5. Pagkatapos gamitin, hindi na
kailangan tanggalin sa saksakan
ang mga appliances.
Bilang isang bata, ano ang kahalagahan ng
pagiging handa sa anumang kalamidad?

Ano ang natutunan mo sa araling


ito?
Piliin ang tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang
sagot.
1. Ano ang dapat gawin kapag mayroong bata na
naglalaro ng posporo at lighter?
A. Pabayaan na lang
B. Pagsabihan sila na itigil ang laro
C. Bigyan sila ng mas maraming posporo at lighter
D. Iwanan sila mag-isa
2. Bakit mahalaga ang pagtingin sa maling
pagkakakabit ng mga linya ng kuryente sa bahay?
A. Para magkaroon ng magandang dekorasyon
B. Upang maiwasan ang sunog at aksidente
C. Dahil gusto lang ng maayos na itsura
D. Para sa entertainment ng mga bata
3. Ano ang nararapat gawin kapag mayroong
amoy at usok sa tahanan?
A. Magluto ng masarap na pagkain
B. Magbukas ng bintana para lumabas ang
amoy
C. Tumakbo palabas ng bahay
D. Magtanim ng halaman
4. Bakit mahalaga ang pagtanggal sa saksakan ng mga
appliances na hindi ginagamit?
A. Para makatipid sa kuryente
B. Upang maiwasan ang pag-init ng appliances
C. Dahil sa kagustuhan lang
D. Para magkaruon ng mas maraming saksakan
5. Ano ang nararapat gawin kapag nasusunog
ang damit?
A. Maglakad-lakad lang
B. Umupo at maghintay
C. Huminto, dumapa, at gumulong
hanggang mapatay ang apoy
D. Sumigaw at sabihing wala lang ito
ESP D
Matalinong A

Pagpapasiya para Y
3
sa Kaligtasan
QUARTER 3 WEEK 3
Balik-aral: Basahin ang mga pahayag kung nakakasunod sa
matalinong pagpapasya para sa kaligtasan. Isulat ang Tama
kung nakakasunod at Mali naman kung hindi.

1. Huwag hayaan na maglaro ng posporo at lighter


ang mga bata.
2. Ang pagtingin sa mga maling pagkakakabit ng
mga linya ng kuryente sa bahay ay hindi mahalaga
para sa kaligtasan sa sunog.
3. Ilayo ang mga bagay na madaling
masunog tulad ng alcohol, gas, at kandila.
4. Pag-aralan ang inyong lugar kung saan
pwedeng dumaan sakaling magkasunog.
5. Pagkatapos gamitin, hindi na
kailangan tanggalin sa saksakan
ang mga appliances.
Pagmasdan ang larawan;

Ano ang masasabi mo sa larawan?


Ano ano ang maaring mangyari kapag lumindol
ng malakas?
Maraming maaring mangyari kapag nangyari
ang malakas na lindo. Masisira ang mga
nagtataasang gusali, mga imprastraktura at iba
pa. May mga buhay din na nawawala lalo na
kung hindi handa ang lahat.
Kaligtasan sa Lindol

Bago ang Lindol


1. Alamin ang mga ligtas na lugar sa loob ng bahay.
2. Palaging ihanda ang mga kagamitang pang-
emergency tulad ng flashlight, posporo, kandila, first
aid kit, at iba pa.
3. Huwag maglagay ng mabibigat na mga
bagay sa mataas na lugar.
4. Hikayatin ang miyembro ng pamilya na
magkaroon ng kaalaman kung ano ang
gagawin sa sakuna na maidudulot nito.
Habang Lumilindol
1. Kung nasa loob ng bahay o gusali magtago
sa ilalim ng matibay na mesa at humawak sa
paanan.
2. Lumayo sa bintana at pintong babasagin,
cabinet, at iba pang mabibigat na bagay.
3. Kung nasa labas, manatili sa
kinatatayuan. Tingnan ang paligid kung
may maaring matumba o bumagsak.
Pumunta sa isang ligtas na lugar na
malayo sa maaring bumagsak o
matumba na istruktura.
4. Kung nasa tabing dagat, lumikas sa
mataas na lugar upang makaiwas sa
tsunami.
5. Kapag may nagaganap na lindol
lumagakpak, magsuklob, at kumapit o
drop, cover, and hold.
C. Pagkatapos ng Lindol
1. Tingnan kung may nasaktan, tiyakin kung
ligtas ang mga kasamahan.
2. Inspeksyunin kung may sira ang bahay o
gusali.
3. Mag-ingat sa mga kuryente at gas na
maaring magdulot ng sakuna.
Pagsasagawa ng duck, cover and hold.

(Maglabas ng Pito ang guro)

Ipakita muna sa mga bata ang tamang


pagsasagawa ng drop, cover and hold.
Pagsasagawa:
Ang guro ay pipito ng matagal bilang hudyat ng pagsisimula ng
lindol.

Drop = Unang pito


Cover = Pangalawang pito
Hold = Pangatlong pito

(Tingnan kung tama ang pagsasagawa ng mga bata.)


Itanong sa mga bata:

Ano ang kahalagahan ng pagiging handa


sa panahon ng kalamidad gaya ng lindol?
Kung may lindol at nasa kalye ka,
ano ang iyong gawin?

Ano ang tatlong paraan para maging


ligtas ka sa tuwing lumilindol?
Piliin ang tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang
sagot.
1. Ano ang dapat alamin bago mangyari ang lindol?
A. Paano gumawa ng emergency kit
B. Mga ligtas na lugar sa loob ng bahay
C. Paano magtago sa ilalim ng mesa
D. Kung paano lumayo sa bintana
2. Ano ang kahalagahan ng paghawak sa paanan
habang nasa ilalim ng mesa habang may lindol?
A. Para magkaruon ng balanse
B. Para maiwasan ang pagkakasugat
C. Para magkaruon ng pag-asa
D. Para makaiwas sa kuryente
3. Ano ang dapat gawin kapag nasa labas ka at
may lindol?
A. Tumakbo palayo ng mabilis
B. Manatili sa kinatatayuan at maghanap ng
puno
C. Pumunta sa ligtas na lugar malayo sa
maaring bumagsak na istruktura
D. Magtago sa ilalim ng silya
4. Saan dapat lumikas ang mga taong nasa
tabing dagat kapag may lindol?
A. Sa ilalim ng puno
B. Sa kanto ng kalsada
C. Sa mataas na lugar upang makaiwas sa
tsunami
D. Sa malapit na ilog
5. Ano ang dapat gawin pagkatapos ng
lindol?
A. Magtago sa ilalim ng mesa
B. Mag-inspeksyon ng bahay o gusali
C. Lumayo sa bintana
D. Gumawa ng emergency kit
ESP D
Matalinong A

Pagpapasiya para Y
4
sa Kaligtasan
QUARTER 3 WEEK 3
Balik-aral:

Ano ang tatlong paraan na maari mong


gawin kapag lumilindol?
Suriin ang larawan sa ibaba;

Ano ang masasabi mo sa larawan?


Isa rin sa mga suliranin ng ating
pamahalaan ang pagbaha sa mga
mabababang lugar gaya ng Maynila na
laging binabaha, kaya ang mga awtoridad ay
laging nagpapaalala sa mga residente na
laging handa sa anumang oras lalo na kung
may darating na bagyo.
Hindi maikakaila sa atin na may pagkakataon
na nakararanas ang mga tao ng banta ng
panganib, nararapat lamang na ang bawat isa
ay nakasusunod nang maayos sa mga paalaala
at gamitin ang matalinong pagpapasya para sa
kaligtasan.
Ang paggawa ng mabuting pasya ay
mahalaga upang maiwasan ang mga
sakuna at mapanatiling ligtas kung
may kalamidad.
Kaligtasan sa Baha
A. Bago ang Pagbaha
1. Maging alerto at makinig ng balita.
2. Maghanda ng emergency supplies tulad ng
inuming tubig, pagkain, pera, gamot, damit, de-
bateryang radyo, flashlight, at nakalagay ang
mahahalagang dokumento sa isang lalagyan at
nakatago sa ligtas na lugar.
3. Maging handa sa paglikas. Alamin ang
lokasyon ng mga evacuation center,
magkaroon ng alternatibong daan na hindi
bahain. Huwag antaying payuhang lumikas at
huwag mag-atubili at gawin sa
pinakamadaling panahon.
B. Habang Bumabaha
1. Makinig sa radyo o manood ng
telebisyon para sa mga balita.
2. Iwasang lumabas ng bahay kung
hindi kinakailangan.
3. Kung inabot ng baha, humanap ng
mataas at ligtas na lugar. Lumikas sa
ugar na binabaha kung kinakailangan
lalo na kung may payo na ang mga
awtoridad na lumikas.
4. Iwasang pumunta sa mga lugar na
maaaring magkaroon ng pagkatibag o
landslides.
5. Kung baha na sa kapaligiran, isarado
ang kuryente, gasul at gripo ng tubig sa
bahay.
C. Pagkatapos ng Baha
1. Pakinggan ang babala kung ligtas na
ang kapaligiran at kung maaari nang
magsibalik ang mga pamilyang lumikas
ng bahay.
2. Iwasan ang mga nasirang istruktura,
gusali, poste ng kuryente, at mga
naputol na puno.
3. Maging maingat sa pagkukumpuni
ng mga napinsalang bahagi ng bahay.
4. Siguraduhing hindi nabasa ang mga
electrical outlets at appliances bago
buksan ang kuryente.
5. Linising mabuti ang mga alulod,
gulong, plorera, at kahit anong maaaring
pamahayan ng lamok.
Basahin ang mga pahayag kung nakakasunod sa
matalinong pagpapasya para sa kaligtasan. Lagyan ng
tsek (/)kung nakakasunod at ekis (x) naman kung
hindi.

1. Bago ang pagbaha, mahalaga ang maging handa sa


paglikas at alamin ang lokasyon ng mga evacuation
center.
2. Habang bumabaha, mainam na lumabas
ng bahay at humanap ng mataas at ligtas na
lugar.
3. Pagkatapos ng baha, isang dapat gawin
ay buksan agad ang kuryente sa bahay.
4. Mahalaga ang pakinggan ang balita kung
ligtas na ang kapaligiran matapos ang baha.
5. Iwasan ang mga nasirang istruktura,
gusali, poste ng kuryente, at mga naputol na
puno pagkatapos ng baha.
Paano mo maipapakita ang
pagmamalasakit kung may mga
nasalanta ng bagyo at sila ay
nabaha?
Bilang isang mamamayan mahalaga na magkaroon
ng kaalaman sa mga kalamidad upang masiguro
ang kaligtasan ng bawat isa. Makinig ng mga
balita, makiisa sa proyekto ng barangay, makiisa
sa pagtatanim ng mga puno at tumulong sa
pagpapanatili ng kalinisan at kaligtasan ng ating
kapaligiran.
Piliin ang tamang sagot. Isulat sa sagutang papel
ang sagot.
1. Ano ang dapat gawin bago magbaha?
A. Manood ng telebisyon
B. Magtago sa mataas na lugar
C. Maging alerto at makinig ng balita
D. Maglakbay papunta sa lugar na hindi binabaha
2. Ano ang dapat gawin habang bumabaha?
A. Lumabas ng bahay kahit hindi kinakailangan
B. Iwasan pumunta sa mga lugar na maaaring
magkaroon ng pagkatibag o landslides
C. Huwag makinig sa balita
D. Pumunta sa tabi ng ilog
3. Ano ang dapat gawin pagkatapos ng baha?
A. Magtago sa nasirang istruktura
B. Magsisimula ng pagkukumpuni ng bahay
agad-agad
C. Iwasan ang mga evacuation center
D. Pakinggan ang babala kung ligtas na ang
kapaligiran
4. Bakit mahalaga ang pagsara ng kuryente,
gasul, at gripo ng tubig sa bahay kapag may
baha?
A. Para makatipid sa kuryente
B. Upang maiwasan ang pagkuryente
C. Para maging ligtas sa pagkakuryente
D. Dahil kailangan lang gawin
5. Ano ang dapat gawin sa mga alulod, gulong,
plorera, at iba pang maaaring pamahayan ng
lamok pagkatapos ng baha?
A. Iwanan na lang at huwag linisin
B. Linisin mabuti
C. Pinturahan para maging malinis
D. Itapon na lang sa basurahan
ESP D
Catch-Up Friday A
Y
5

QUARTER 3 WEEK 3

You might also like