You are on page 1of 24

Aralin 6:

Mga Alituntunin sa
Pamilya
Tunghayan ang pag-uusap ni Lia
at ng kaniyang ama.
Tatay: Lia, tapos ka na bang maglaro ng
iyong mga laruan? Puwede mo na bang
iligpit ang mga iyan at ilagay sa basket?
Kapag nagawa mo 1ang sinabi ko,
maiiwasan mo ang aksidente.
Lia: Sige po, Tatay.

Ngunit hindi iniligpit ni Lia ang kaniyang


mga laruan. Isang laruan ang gumulong
sa tabi ng hagdan.
Kinahapunan, bumaba si Lia mula sa
ikalawang palapag nang makita niyang
dumating ang kaniyang tatay galing sa
trabaho. Tumakbo siya at
aksidenteng natapakan ang laruang
nakakalat sa tabi ng hagdan.
Sagutin ang sumusunod na mga
tanong.
1. Ano sa palagay mo ang nangyari kay
Lia?
2. Maaari kayang napigilan ito? Kung
Oo, paano?
3. Paano mo maiiwasan ang aksidente
sa loob ng iyong tahanan?
4. Ano ang iyong ginagawa upang
maging ligtas sa tahanan?
MGA ALITUNTUNIN SA TAHANAN

Ang mga magulang ay nagbibigay ng


mga alituntunin sa tahanan upang
mailayo, maprotektahan, at mailigtas
sa aksidente o sakuna ang buong
pamilya, lalo na ang mga bata.
Ginagawa rin ang mga alituntunin
upang maipakita ng mga magulang ang
kanilang pagmamahal.
Maipakikita naman ng mga anak ang
paggalang at pagmamahal sa mga
magulang sa pagsunod sa mga
alituntunin sa tahanan. Ano ang
alituntunin? Ang alituntunin ay
patakaran o panutong nagpapaalaala
kung ano ang dapat o hindi dapat
gawin. Ito ay dapat na sinusunod upang
ang lahat ay maging ligtas at malayo sa
aksidente o anomang kapahamakan.
Ito ay ibinibigay rin upang mapanatili
ang kaayusan, katahimikan, at
pagkakaisa sa tahanan. Narito ang ilan
sa mga alituntuning
dapat sundin sa
tahanan. Sinusunod
mo ba ang mga ito?
Para Makaiwas sa Aksidente
1. Huwag tumakbo sa loob ng bahay.
2. Huwag maglaro ng apoy. Huwag
paglaruan ang posporo.
3. Mag-ingat sa pag-akyat at pagbaba
sa hagdan. Huwag tumakbo.
4. Huwag paglaruan ang matutulis na
bagay gaya ng kutsilyo, gunting, at iba
pa.
5. Itago ang mga laruan sa kabinet o
sa tamang lagayan pagkatapos
gamitin.
6. Humingi ng tulong sa nakatatanda
kung nais abutin ang mga bagay na
nasa ibabaw ng kabinet o anomang
taguan o lagayan.
7. Huwag tapakan ang basang sahig.
Kung hindi maiiwasan, mag-ingat sa
paglalakad.
8. Huwag buksan o inumin ang likidong
may tandang . Nangangahulugan
ito na ang likido ay nakalalason.
9. Huwag paglaruan ang mga sabon at
kemikal na ginagamit sa paglalaba ng
damit.
10. Huwag umupo sa pasamano ng
bintana.
11. Huwag magpadulas sa hawakan ng
hagdan.
12. Mag-ingat sa paggamit ng
paliguan. Huwag paglaruan ang sabon
at shampoo. Huwag paglaruan ang
tubig sa timba at palanggana.
Para Makapag-ingat sa
Estranghero o Taong Hindi Kilala
1. Huwag pagbuksan ng pinto ang
estranghero o hindi kilalang tao.
2. Huwag ipagkatiwala sa estranghero
ang iyong personal na kagamitan o
impormasyon.
3. Huwag agad magtitiwala sa hindi
kilalang taong kausap sa telepono.
4. Huwag tatanggap ng anomang
pagkain o inumin mula sa hindi kilalang
tao.
5. Huwag sasama sa hindi kilalang tao
kahit pa ano ang sabihin o ibigay nito.
Para sa Pagtitipid ng Tubig,
Koryente, at Iba Pa
1. Patayin ang ilaw kung hindi
ginagamit.
2. Isara ang kompyuter kung hindi
ginagamit.
3. Isara ang gripo pagkatapos
gamitin.
4. Gumamit ng baso kapag
nagsesepilyo. Huwag hayaang umagos
ang tubig mula sa gripo habang
nagsesepilyo.
5. Ingatan ang mga kagamitan upang
magamit ang mga ito nang matagal.
6. Itapon nang wasto ang mga basura.
Ihiwalay ang nabubulok sa hindi
nabubulok na basura.
Para sa Magandang
Pakikitungo sa Pamilya
Ang mga alituntunin ay nakatutulong
upang mapanatiling maganda ang
samahan sa isang pamilya. Narito ang
mga dapat tandaan sa pakikitungo sa
mga miyembro ng pamilya.
1. Laging tandaan ang pagsasabi ng
“Paki” at “Salamat.”
2. Huwag kunin ang mga bagay na
hindi pag-aari. Magpaalam nang
maayos kung nais hiramin ang isang
bagay.
3. Gawin ang nakatakdang gawaing
bahay sa tahanan.
4. Matutong maghintay sa paggamit
ng palikuran o banyo.
5. Sundin ang itinakdang oras ng
pagtulog at paglalaro.
6. Laging humingi ng permiso sa
paggamit ng kompyuter at panonood
ng telebisyon.
7. Maghintay ng oras ng paggamit ng
kompyuter at iba pang gamit o
kasangkapan.
Para sa Tamang Paggamit ng
Gadget

Upang makaiwas sa kapahamakan sa


paggamit ng kompyuter at iba pang
gadget, palagiang sundin ang
sumusunod na mga alituntunin.
1. Gamitin lamang ang kompyuter kung
may kasamang nakatatanda. Hayaan
sa nakatatanda ang pagsasaksak sa
outlet at pagbubukas ng kompyuter.
2. Buksan lamang ang website na
aprubado ng iyong magulang
3. Huwag magbigay ng anomang
personal na impormasyon sa Internet.
4. Sundin ang nakatakdang oras ng
paggamit ng mga gadget. Limitahan
ang oras ng paggamit ng mga ito.
5. Magpahinga sa paggamit ng
kompyuter. Mag-ehersisyo bago
bumalik sa harap ng kompyuter.
6. Gamitin nang wasto ang mobile
phone. Gamitin lamang ito sa mga
importanteng mensahe o tawag.
7. Siguruhing alam ng iyong magulang
kung kanino ka nagpapadala ng mga
text message. Gayondin, kung sino
ang nagpapadala sa iyo ng mga text
message.
Takdang Aralin
Pahina 154 – 156

You might also like