You are on page 1of 19

Aralin 3:

Ang Mapa ng
Aking Komunidad
Panturong DireksIyon
May mga karaniwang salitang
ginagamit para maituro ang
direksiyon o kung saan
matatagpuan ang isang lugar. Ang
mga salitang tulad ng sa kanan, sa
kaliwa, sa harap, at sa likod ang
ilan sa mga halimbawa nito.
Pangunahing Direksiyon
Sa pagtukoy ng kinaroroonan o
direksiyon ng isang lugar, gumagamit
tayo ng mapa. May apat na
pangunahing direksiyon. Ito ay ang
hilaga, timog, silangan, at kanluran.
Magkasalungat ang direksiyon ng
hilaga at timog, gayondin ang silangan
at kanluran.
Paano matutukoy ang direksiyon? Sa
umaga, tumayo at idipa ang mga braso
at kamay. Ituro ang kanang kamay sa
sinisikatan ng Araw. Sa ganitong
posisyon, ikaw ay nakaharap sa hilaga
at nakatalikod sa timog. Ang iyong
kanang kamay ay nakaturo sa silangan
at ang iyong kaliwang kamay ay
nakaturo sa kanluran.
Hilaga

Kanluran Silangan

Timog
Ang North Arrow o North Star
na matatagpuan sa mapa ay
nakatutulong din bilang gabay sa
pagtukoy ng direksiyon.
Ipinakikita nito ang oryentasyon
ng mapa. Humarap sa
direksiyong itinuturo ng North
Arrow. Sa ganitong posisyon,
ikaw ay nakaharap sa hilaga, ang
iyong kanan sa silangan, ang
iyong likuran ay sa timog, at ang
iyong kaliwa ay sa kanluran.
Pangalawang Direksiyon
Ang bawat pangunahing direksiyon
ay may dalawang pangalawang
direksiyon. Ang bawat
pangalawang direksiyon ay nasa
pagitan ng dalawang pangunahing
direksiyon. Masdan ang larawan sa
ibaba.
Makikitang ang nasa pagitan ng hilaga
at silangan ay tinatawag na hilagang-
silangan (HS). Ang nasa pagitan ng
hilaga at kanluran ay hilagang-
kanluran (HK). Samantalang sa
pagitan ng timog at silangan ay ang
timog-silangan (TS) at sa pagitan ng
timog at kanluran ay tinatawag na
timog-kanluran (TK).
HK HS
H

K S

TK TS
T
ANO ANG MAPA?
Ang mapa ay palapad na larawang
nagpapakita ng kabuuang anyo ng isang
lugar. Maaaring ang lugar ay komunidad,
lungsod, lalawigan, rehiyon, bansa, o
Mundo.
Upang maituro ang iba’t ibang lugar sa
komunidad at para madaling matukoy ang
pupuntahan, mainam na iguhit ito. Ang mga
guhit na kumakatawan sa mga lugar o mga
bagay na makikita sa komunidad ay
bumubuo sa isang mapa.
Ano ang ipinakikita sa mapa sa itaas? Kung
ikaw ay nasa palaruan, masusundan mo ba
ang mapa patungo sa paaralan? sa ospital?
sa munisipyo?
May mga simbolo, sagisag, o
panandang makikita sa mapa. Ang
mga ito ay kumakatawan sa mga
lugar o bagay na makikita sa isang
komunidad o lugar. Ang mga ito ay
ginagamit upang mapadali ang
pagtukoy ng mga lugar sa isang
mapa. Narito ang ilang halimbawa
ng simbolo sa mapa.
Uri ng Mapa
May iba’t ibang uri ng mapa.
Nagkakaiba ang mga ito sa
katangian at gamit. Dalawa sa
mga ito ay ang mapang
pangkomunidad at ang mapang
pangkalsada.
Ang mapang pangkomunidad ay
gumagamit ng mga pananda ng
mga bagay at lugar na
matatagpuan sa isang komunidad.
Makikita sa mapang ito ang
munisipyo, gusaling sambahan,
plasa, ospital, paaralan, palengke
o pamilihan, kabahayan, palaruan,
at pasyalan.
Mapa Pangkalsada
Makikita sa mapang pangkalsada
ang mga pangunahing daanan o
kalye sa iba’t ibang lugar.
Inilalarawan dito ang malalaki at
maliliit na daanan sa komunidad.
Makatutulong ang mapang ito
upang makaiwas sa trapiko sa
pamamagitan ng pagdaan sa
maliliit na kalye, na hindi gaanong
dinaraanan ng mga sasakyan.
Ito rin ang uri ng mapa na
makikita sa Global Positioning
System (GPS) ng ating mga mobile
phone. Napadadali nito ang
pagtunton sa lugar na nais nating
puntahan.
Takdang Aralin
Buksan ang AP E-Book: Pilipinas Sa
Makabagong Mundo: Isang Hamon Grade 2
Hanapin ang Aralin 3: Pahina 48 hanggang 50 at
ito ay sagutan sa long Bond Paper.
Kuhanan ng larawan at isubmit/i-upload sa LMS:
Ap subject (Takdang-aralin 3)

You might also like