You are on page 1of 92

Ama naming makapangyarihan sa

lahat,kami po’y taos na nagpapasalamat


sa araw na ito. Maraming salamat po sa
panibagong araw na inyong pinagkaloob
sa amin. Gawaran mo kami ng isang bukas
na isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang mga
aralin na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.
Pamantayan sa Pakikinig
1. Itago ang mga bagay na hindi kailangan sa
pagkatuto.
2. Maaari lamang sumagot o magsalita kapag
tinawag ng guro.
3. Bawal kumain habang nagtuturo ang guro.
4. Huwag maingay o gumawa ng mga bagay
na hindi angkop habang nagtuturo ang guro.
5. Makinig ng mabuti.
Aralin 1:
“KINALALAGYAN
NG MGA
LALAWIGAN SA
AKING
RELIHIYON”
ANG MAPA

⮚ Nakaguhit na representasyon
ng isang lugar o bahagi ng
isang lugar.
⮚ nalalaman ang eksaktong
lokasyon o kinalalagyan ng
isang lugar.
⮚ mahalagang gabay para sa
taong naglalakbay.
KARTOGRAPO- Ang mga taong
gumuguhit ng mapa

- maraming impormasyon ang makikita


sa mapa tulad, ng anyong lupa at tubig,
hugis, laki, hangganan ng isang lugar
at iba pa.
MGA BAHAGI NG MAPA
⮚ PAMAGAT O TITULO- malalaman
natin kung ano ang piapakita ng mapa.
halimbawa makikita sa titulo kung ang
mapang hawak mo’y ay mapa ng iyong
bayan,bansa daigdig at iba pa
⮚ SIMBOLO O PANANDA-
mahala ang simbolo o pananda
upang malaman kung ano-nung
bagay ang matatagpuan dito
⮚ LEGEND- ang bahaging nagtataglay ng mga
simbolong ginamit sa mapa. dito makikita ang
kahulugan ng mga simbolo
⮚ MGA DIREKSYON- makikita sa mapa
ang isang compass rose , nanagsasaad sa oryentasyon
gayundin sa pangunahin at pangalawang direksyon. ang
oryentasyon ng lahat ng mapa ay sa hilaga at pinapakita
ito sa palaso na nakaturo sa direksyong ito.
⮚ ESKALA O SCALE- batayang panukat sa
distansya o lawak ng lugar, Ginagamit ito ng
mga kartograpopara maipakita ang katumbas
ng distansya o lawak ng lugar na
kinakatawanan ng mga maliliit na sukat
Halimbawa ang bawat sintemetro (cm) sa
mapa ay nangangahulugan ng isang kilometro
(km) sa tunay na lugar
MGA
URI NG
MAPA
MAPANG POLITIKAL-
MAKIKITA SA MAPANG
ITO ANG HANGGAHAN
SA NASASAKUPAN NG
ISANG LUGAR KASMA
ANG KATUBIGAN
NAKAPALIGID DITO,
IPINAPAKITA DIN ANG
BOUNDARY NG
BAWAT LAALAWIGAN,
LUNGSOD AT BAYAN
GAYUNDIN ANG
KABISERA O KAPITAL
NG MGA LALAWIGAN
MAPANG PISIKAL-
IPINAPAKITA ANG
IBAT-IBANG ANYONG
LUPA AT ANYONG
TUBIG NA
MATATAGPUAN SA
LUGAR NA
INILALARAWAN NG
MAPA
MAPANG PANGKLIMA-
MAKIKITA SA MAPNG
ITO ANG URI NG
KLIMANG
NARARANASAN NG
MGA LUGAR SA
BANSA. MAKIKITA RIN
SA MAPA NA MAY MGA
LUGAR SA BANSANG
NABIBILANG SA
MAGKAKAPAREHONG
URI NG KLIMA
MAPANG
PANGKABUHAYAN O
EKONOMIKO-
IPINAPAKITA ANG MGA
NANGUNGUNANG
PRODUKTO GAYUNDIN
ANG LIKAS NA
YAMANG TAGLAY NG
LUGAR.
MAPA NG
POPULASYON-
MAKIKITA SA MAPANG
ITO ANG KAPAL NG
POPULASYON SA IBAT
IBANG REHIYON AT
LALAWIGAN SA ATING
BANSA.
⮚ ANG MGA DIREKSIYON
⮚ Tumayo ka at humarap sa direksyon kung saan sumisikat ang
araw
⮚ nakaharap ka ngayon sa direksyong silangan. sasilangan
sumisikat ang araw.
⮚ ang nasa likod mo naman ay ang direksyon ng kanluran.

⮚ idipa ang dalawang braso. nakaturo ngayon sa timog ang iyong


kanang kamay. nakaturo naman sa hilaga ang iyong kaliwang
kamay
MGA PANGALAWANG DIREKSYON
Hilaga (H)

Hilagang-Kanluran (HK) Hilagang-Silangan (HS)

Kanluran (K) Silangan (S)

Timog-Kanluran (TS) Timog-Silangan (TS)

Timog (T)
IBA PANG GAMIT SA
PAGTUTURO NG DIREKSYON
HARAPAN AT LIKURAN

- Nasa harapan ko ang


malawak at asul nadagat
- Nasa likuran ko naman ag
magaganda at matataas na
kabunndukan
ANG ESKELA
-Ang mapa ay maliit na representasyon , ito ang dahilan
kung bakit gumagamit ng eskela.
-batayang panukat sa distansya o lawak ng lugar,
Ginagamit ito ng mga kartograpopara maipakita ang
katumbas ng distansya o lawak ng lugar na kinakatawanan
ng mga maliliit na sukat Halimbawa ang bawat sintemetro
(cm) sa mapa ay nangangahulugan ng isang kilometro (km)
sa tunay na lugar.
INTER-AKTIBONG MAPA
inter-aktibong online na mapa tulad ng Google Maps at Waze. Ang mga
application na ito ay ilan lang sa mga pinakapopular na download para sa mga
tablet, smartphones, at laptop dahil sa laki ng pakinabang na naibibigay nito sa
mga tao.

Kapag nasa gadget mo na ang alinman sa mga app na ito ay kailangan mo lang
i-type sa browser ang kasalukuyan mong lokasyon at ang address ng iyong
pupuntahan. Mula rito'y ipakikita. na ng mapa ang lokasyon at ang direksiyon
kung paano ito mapupuntahan.
Ang Google Maps ay mayroon ding kakayahang ipakita ang Street View imagery
o ang aktuwal na itsura ng lugar na nais mong puntahan para kahit hindi mo pa
nararating ay malalaman mo na ang itsura nito.
Kahit wala ka nang Internet connection, basta't na-download mo na sa app ang
destinasyon mo habang konektado ka pa ay magagabayan ka na ng mga ito sa
iyong pagba-biyahe o paglalakad upang marating ang iyong pupuntahan. Ibibigay
rin nito ang inaasahang haba ng biyahe (kung nakasakay ka) o tagal ng
paglalakad (kung naglalakad ka lang) para marating ang direksiyong pupuntahan
mo.
Maraming salamat
Grade 3 ☺
Araling Panlipunan
Grade 3
Aralin 2:
“Ang Populasyon sa
Aking Lalawigan at
Rehiyon”
Ama naming makapangyarihan sa
lahat,kami po’y taos na nagpapasalamat
sa araw na ito. Maraming salamat po sa
panibagong araw na inyong pinagkaloob
sa amin. Gawaran mo kami ng isang bukas
na isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang mga
aralin na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.
Pamantayan sa Pakikinig
1. Itago ang mga bagay na hindi kailangan sa
pagkatuto.
2. Maaari lamang sumagot o magsalita kapag
tinawag ng guro.
3. Bawal kumain habang nagtuturo ang guro.
4. Huwag maingay o gumawa ng mga bagay
na hindi angkop habang nagtuturo ang guro.
5. Makinig ng mabuti.
Pagsasagawa ng census upang
malaman ang populasyon sa isang
lugar

-Maging noong unang panahon ay


isinasagawa na ang census o
pagbibilang sa mga mamamayan ng
isang lugar,
-Karaniwang inaatam ng mga
namumuno ang populasyon o bilang ng
mga tao sa kanilang nasasakupan.
-Ito kasi ang ginagamit na basehan sa mga plano
ng pamahalaan tulad ng kung magkanong badyet
ang ilalaan para sa mga pangangailangan ng
mamamayan, kung ilang kalsada, tulay, at
pampublikong gusali ang ipatatayo, kung ilang
pulis, sundalo, guro, doktor, at iba pang
nagbibigayserbisyo.
- Dito rin natatantiya o nalalaman kung magkanong
buwis naman ang maaaring makolekta mula sa mga
mamamayan na pinagmumulan ng badyet ng
pamahalaan.
-Maging ang mga negosyante, bago magdesisyong
magtayo ng negosyo ay inaalam muna ang bilang o
kapal ng populasyon sa isang lugar.
Resulta ng Census Noong Agosto l,
2015
-Ayon sa resulta ng Census on Populatlon o
POPCEN 2015 na inilabas ng Phillippine Statistics
Authority (PSA) noong Mayo 19, 2016, ang
populasyon ng Pilipinas noong Agosto 1, 2015 ay
nasa 100,981 ,437,
-Ang bilang na Ito ay mas mataas ng 8.64 milyon
kompara sa resulta ng census na isinagawa noong
2010 kung saan nasa 92,34 milyon ang bilang ng
populasyon sa ating bansa. Makikita sa
talahanayan sd ibaba ang resulta ng census noong
mga taong 2000, 2010, at 2015.
PAGSASAGAWA NG CENSUS
UPANG MALAMAN ANG POPULASYON
SA ISANG LUGAR
TALAHANAYAN NG POPULASYON SA PILIPINAS
BATAY SA CENSUS SA MGA TAONG 2000, 2010 AT
2015
• Base sa talahanayang ito, ang
populasyon ng Pilipinas ay tumataas
nang may 1.72% taon-taon mula noong
2010 hanggang 2015. Pero mas mababa
ito kompara sa 1.90% na pagtaas ng
ating populasyon taon-taon mula 2000
hanggang 2010
ANG POPULASYON NG MC,A
ANG POPULASYON NG MGA LALAWIGAN AT
LALAWIGAN AT REHIYON
REHIYON SA LUZONSA LUZON
-Labimpitong rehiyon sa buong Pilipinas,
Rehiyon 4-A ang may pinakamalaking populasyon sa bilang na
14,41 milyon,
-Sa lahat naman ng lalawigan sa buong bansa, ang lalawigan ng
Cavite ang may pinakamalaklng populasyon. Nasa 3,68 milyong tao
ang naninirahan dito ayon sa census na inilabas noong 2015
Matatagpuan din sa Luzon ang dalawa pa sa mga rehiyong may
pinakamalalaking populasyon;ang NCR o National Capital Region na
may 12.88 milyong mamamayan at ang Rehiyon 3 o Gitnang Luzon
na may 1 1.22 milyong tao, Kapag pinagsama-sama ang populasyon
ng tatlong rehiyong ito, nasa 38.51 milyong katao ang naninirahan
dito o mahigit 1/3 o sangkatlo na ito ng kabuoang populasyon sa
buong Pilipinas. Kung nasa Luzon man ang mga lalawigang may
pinakamalalaking populasyon.
• dito rin matatagpuan ang lalawigang may
Pinakakaunting populasyon. Ito ang
lalawigan ng Batanes ng rehiyon 2
• Mayroon lamang itong 17,246 na
mamamamyan
ANG
POPULASYON
SA MGA
LALAWIGAN AT
REHIYON SA
VISAYAS
ANG
POPULASYON
SA MGA
LALAWIGAN AT
REHIYON SA
MINDANAO
Distribusyon ng Populasyon Ayon sa Edad
• Isa pang mahalagang bagay na dapat malaman tungkol
sa populasyon ay ang edad ng mga kabilang dito. Ito ay
makikita sa tinatawag na population pyramid o age
pyramid,
• Mapapansing ang population pyramid ng Pilipinas ay may
perpektong hugis kono, Ibig sabihin, nakararami sa ating
populasyon ang mga bata,
• Mapapansing kumakaunti ang bilang ng populasyon
habang tumataas ang edad. Makikita ritong pinakakaunti
sa ating populasyon ang mga may edad 100 pataas,
pinakamarami ang batang populasyon, at patuloy ang
paglaki ng ating populasyon taon-taon.
• Ang iba pang bansa ay hindi na ganito ang
itsura ng kanilang population pyramid, Sa kanila'y
kumakaunti na ang bilang ng mga batang
isinisilang, pinakamarami ang mga nása gitnang
edad tulad ng 45 hanggang 49, at muling lumiliit
habang papatanda ang edad ng populasyon,
• Ang nabubuo ay isang ”constrictive" pyramid na
ang nakararaming bilang ay nása gitna na
nagpapakitang matandang populasyon ang
nakararami sa kanila,
• May mga kabutihan ang pagkakaroon ng batang populasyon
• Isa sa mga ito ay nakatitiyak tayong may mga batang lalakí upang
magpatuloy sa paghahanapbuhay at pangangalaga sa matatanda at sa
susunod na henerasyon ng mga batang populasyon,

• Gayumpama'y mangyayari lang ito kung titiyakin ng pamahalaan at ng


bawat magulang na maibibigay nila ang sapat na pag-aalaga, pagkain,
edukasyon, at iba pang pangangailangan sa mga batà. Mahalaga ang
pagiging responsable ng mga magulang para mapangalagaan at
maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

• Sa gayon, paglaki nila'y magkaroon silá ng maayos na hanapbuhay at


maging sandigan silá ng bayan kapag dumating ang panahong silá na
ang populasyong naghahanapbuhay at hindi na umaasa,
Aralin 3:
“Ang mga Anyong-
Lupa sa Aking
Lalawigan”
KAPATAGAN
• Ang kapatagan ay isang malawak at patag na anyong lupa. Sa mga
kapatagan karaniwang naninirahan ang mga taos
• Dito rin karaniwang matatagpuan ang mga bayan at lungsod at mga
sentro ng kalakalan, edukasyon, at pamahalaan dahil mas
maraming mamamayan ang naninirahan dito, Mas magaganda at
maluluwang din ang mga kalsada rito kaya't mas madali ang
paglalakbay,
• Ang malalawak na taniman o sakahan ay matatagpuan sa mga
kapatagan, Ang kapatagan ng Gitnang Luzon kung saan kabilang
ang aming lalawigan ang plnakamalawak na kapatagan sa bansa,
• Ang palay ay masaganang Inaani sa aming rehiyon kaya't
tinatawag itong Kamalig ng Palay ng Pilipinas o Rice Granary Of the
Phillppines, Bukod sa palay ay inaani rln sa mga kapatagan ang
mais at iba't ibang prutas at gulay,
LAMBAK
• Ang lambak ay patag at mababang anyong-lupa sa pagitan ng
mga bundok. Mataba ang lupa sa mga lambak kaya't maraming
uri ng pananim ang itinatanim qt inaani mula rito. Ang aming
rehiyon na tinatawag ding Lambak ng Cagayan o Rehiyon 2 ay
itinuturing na pinakamalaking lambak sa Pilipinas. Masaganang
inaani mula rito ang palay at mais at iba pang pananim tulad ng
mani, munggo, tabako, at iba't Ibang prutas at gulay.
• Ang isa pang kilalang lambak sa ating bansa ay ang Lambak
ng La Trinidad sa Lalawigan ng Benguet kung saan nagmumula
ang maraming sariwang gulay tulad ng repolyo, letsugas,
carrots, patatas, at mga prutas tulad ng strawberry kaya't
tinatawag itong Salad Bowl of the Phillppines.
BUNDOK
• matatagpuan ang pinakamataas na
bundok sa Pilipinas, ang Bundok APO.
Libolibong turista ang nagnanais umakyat
sa bundok na ito.

Ang limang pinakamatataas na bundok sa


Pilipinas ay makikita sa sumusunod na
BULUBUNDUKIN
• Bulubundukln naman ang tawag sa hanay ng mga bundok
o kawing-kawing na mga bundok. Ang Sierra Madre ay
kilalá bllang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas,
Mahalaga ang mga bundok at bulubundukin sapagkat dito
matatagpuan ang mga kagubatang napagkukunan ng mga
trosong ginagamit sa pagtatayo ng mga bahay at ginagamit
sa paggawa ng iba't ibang produktong kahoy tulad ng mga
upuan, mesa, kabinet, papel, at iba pae
• Ang mga bundok at bulubundukin ay tahanan din ng iba't
ibang uri ng hayop at halaman, Mayaman din ang mga
bundok at bulubundukin sa iba't ibang uri ng mineral na
namimina tulad ng ginto, tanso, pilak, bakal, nikel at iba pa.
BULKAN
• Mayon, Ito ang itinuturing na pinakamagandang bulkan sa buong bansa dahil sa
hugis nitong halos perpektong kono.
• Ang bulkan ay isang anyong-lupang may bunganga o bütas at maaaring pumutok
o sumabog. May mga bulkang aktibo, maaaring maging aktibo, at mayroon ding
hindi aktibo. Ang mga bulkang aktibo ay madalas pumutok o nakaranas na ng
pagputok. Ang maaaring maging aktibo ay nagpapakita ng ilang galaw o
palatandaang maaari itong pumutok, Ang mga di aktibo naman ay mga bulkang
nanahimik na sa mahabang panahon nang walang naitatalang paggalaw,
pagputok, o pagsabog.
• Kapag sumasabog o pumuputok ang bulkan ay nagbubuga ito ng mga
nagbabagang bato at kumukulong putik. Nakapipinsala ito sa mga tao, hayop, at
pananim na n6sa paligid nito.
• Gayumpaman, ang kumukulong putik na umaagos mula sa bulkan ay nagiging
matabang lupa kayd angkop tamnan ang lupa sa paligid ng bulkan,
• Ang iba pang kilalång bulkan sa Pilipinas ay ang Bulkang Taal na matatanaw mula
sa Lungsod ng Tagaytay, Bulkang Bulusan sa Sorsogon, Bulkang Kanlaon sa
Visayas, at Bulkang Pinatubo sa Zambales.
BUROL
• Ang burol ay anyong lupang mataas din
subalit higit na mababa kaysa sa bundok.
Ito ay karaniwang nababalot ng makapal
na damuhan kaya't mainam itong gawing
pastulan ng mga hayop tulad ng båka,
kalabaw, kambing, kabayo, at iba pa.
Napagtatamnan din ang burol ng mga
pananim tulad ng kape, niyog, at iba't
ibang gulay at prutas.
Talampas
• Ang talampas ay patag na anyong-lupa
sa itaas ng isang bundok. Malamig ang
klima sa talampas kaya't angkop itong
tamnan ng iba't ibang uri ng gulay, prutas,
at makukulay na bulaklak. Ang Tagaytay
sa lalawlgan ng Cavite gayundin ang
lalawigan ng Bukidnon sa Mindanao ay
mga halimbawa ng tal
TANGWAY
• Ang tangway ay isang pahabang anyong-
lupang nakakabit sa kalupaan at
napaliligiran ng tubig sa halos lahat ng
bahagi
• maliban sa bahaging nakadikit sa
kalupaan. Maliban sa Zamboanga, ang
iba pang tangway sa Pilipinas ng Bataan
at Rehiyong Bicol.
PULO
• Ito ay isang anyong lupangnapapaligiran ng tubig
• Ang pilipinas ay kapuluan dahil binubuo ng maliliit at malalaking pulo
• Ang eksaktong bilang ng pulo isla sa Pilipinas ay 7,641 o mas
marami ng 534 kaysa dating bilang na 7,107. Ito ay ayon kay
Environment Secretary Ramon Paje.
• Base raw ito sa proyektong isinagawa ng National Mapping and
Resource Information Authority (NAMRIA).
• Sinabi ni Ginoong Paje na tatlo ang maaaring dahilan kung bakit
hindi agad natuklasan ang mga karagdagang isla o pulo noon tulad
ng: makalumang teknolohiya pa ang ginamit sa pagmamapa noon
maaaring bunga ito ng pagbabago sa mga anyong-lupa na ang
pagtukoy sa mga isla dahil sa mga modernong kagamitang
nagbibigay ng mas malinaw na datos o impormasyon
Aralin 4:
“Ang mga Anyong-
Tubig sa Aking
Lalawigan”
KARAGATAN
• Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-
tubig. Maalat ang tubig dito.
• Ang mga pangunahing karagatan sa Mundo ay ang sumusunod:
Una, ang karagatang Pasipiko na pinakamalawak at matatagpuan sa
gawing silangan ng ating bansa. Pangalawa ang karagatang
Atlantiko, pangatlo ang karagatang Indian, at pang-apat naman ang
karagatang Arktiko.
• Sa loob ng mahabang panahon ay nanatili ang kaalamang apat
lamang ang karagatan sa Mundo subalit noong taong 2000 ay
pinangalanan ng International Hydrographic Organization (IHO) ang
karagatang Southern bilang panlima. Ang karagatang ito ay
nakapalibot sa kabuoan ng Antarctica.
• Mahalaga ang mga karagatan sapagkat dito naglalayag ang
malaking barko patungo sa iba't ibang panig ng bansa at ng mundo
Alam Mo Ba?

• Si Ferdinand Magellan ang nagbigay ng pangalan
sa Karagatang Pasipiko. Ito ay hango sa salitang
Latin na Mare Pacificum na ang ibig sabihin ay
"payapanglaot." Gayumpama'y hindi laging payapa
ang karagatang Pasipiko. Maraming bagyo ang
dumaraan dito taon-taon. Marami ring bulkan ang
nása mga islang nakapaligid dito kaya't madalas
din itong niyayanig ng mga lindol sanhi ng
paggalaw ng lupa at pagsabog ng mga bulkan.
DAGAT
• Ang dagat ay isa ring malaking anyong tubig, ngunit mas
maliit kaysa karagatan. Karaniwan itong nakadugtong sa
karagatan. Ang tubig nito'y maalat ding tulad ng sa
karagatan. Nagagamit ng mga barko at ng iba't ibang
sasakyang-pantubig ang dagat bilang daanan sa
kanilang pagtungo sa iba't ibang panig ng ating kapuluan.
• Maliban sa Dagat Celebes ay marami pang dagat ang
matatagpuan sa Pilipinas tulad ng Dagat Kanlurang
Pilipinas, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, at Dagat
Mindanao. Matatagpuan din sa Pilipinas ang ikalawang
pinakamalalim na bahagi ng dagat sa buong mundo. Ito
ay ang Philippine Deep o Mindanao Trench.
Alam Mo Ba?

• Ang pinakamalalim na bahagi ng dagat sa mundo ay ang


Challenger Deep na nasa Mariana Trench na matatagpuan sa
kanlurang bahagi ng karagatang Pasipiko. Noong 2010 ay
sinukat ng United States Center for Coastal and Ocean
Mapping ang lalim ng Challenger Deep at napag-alaman
nilang ito ay may lalim na 10,994 metro (36,070 talampakan).
Napakalalim nito at katunayan, kung ilalagay rito ang Bundok
Everest, ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa buong
mundo, matatabunan pa rin ito ng halos isang milyang taas ng
tubig. Kaya naman, libo-libong tao na ang nakaakyat sa
Bundok Everest subalit dadalawang tao pa lang ang
nakababa sa pinakamalalim na bahagi ng dagat sa buong
mundo.
LOOK
• Ang look ay katubigang karugtong ng dagat na
malapit na sa kalupaan. Maalat din ang tubig nito.
Napakahalaga ng look sapagkat ito ay nagsisilbing
daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-
pandagat.
• Ang Look ng Maynila na pinakamalaki sa bansa ay
itinuturing ding isa sa pinakamagagandang daungan
sa mundo.
• Ang Look ng Subic sa Zambales, Look ng Ormoc sa
Leyte, Look ng Batangas, at Look ng lligan sa
Mindanao ay ilan pa sa mga look sa Pilipinas.
GOLPO
• Ang golpo ay isang anyong-tubig na mas
malaki kaysa sa look, Katulad ng look,
ang golpo kalapit din ng kalupaan kaya't
hindi gaanong malalim
• Maliban sa Golpo ng Lingayen sa
Pangasinan, ang ilan pang golpong
matatagpuan sa Pilipinas ay ang Golpo
ng Davao sa Mindanao at ang Golpo ng
Lagonoy sa Bicol.
KIPOT
• Ang kipot ay isang makitid o makipot at
pahabang anyong tubig na nakapagitan
sa dalawang pulong magkalapit. Ang ilan
pang halimbawa ng kipot na matatagpuan
sa ating bansa ay ang Kipot ng Cebu na
tinatawag ding Kipot ng Bohol na nása
pagitan ng Cebu at ng Bohol gayundin
ang Kipot ng Mindoro na nása pagitan
naman ng Mindoro at Palawan.
Alam Mo Ba?

• Ang pinakamakitid na kipot o strait sa


buong Pilipinas ay ang Kipot ng San
Juanico. Ito ay naghihiwalay sa mga isla
ng Samar at Leyte at nag-uugnay sa
Carigaya Bay at San Pedro Bay. Ang
pinakamakitid na bahagi nito ay dalawang
kilometro lang ang lapad.
ILOG
• Ang llog ay isang mahabang anyong-tubig na
karaniwang umaagos papunta sa dagat. Mahalaga ang
mga ilog dahil pinagmumulan ito ng patubig na pang
agrikultura, nagsisilbing daanan ng mga bangka at iba
pang maliliit na sasakyang pandagat, napagkukunan ng
isda at iba't ibang yamang-tubig, at nagagamit ng mga
tao sa iba't iba pang kapakinabangan.
• Maliban sa llog Cagayan ay marami pang ilog ang
matatagpuan sa Pilipinas. Ang iba pang malalaki at
mahahabang ilog sa Pilipinas ay ang llog Mindanao o
Rio Grande de Mindanao, Ilog Agusan, Ilog Pampanga,
at llog Agno.
LAWA
• Ang lawa ay isang anyong tubig na napaliligiran ng lupa.
Hindi umaagos ang tubig sa lawa at karaniwang ito ay tubig-
tabang. May mga lawang likas at mayroon din namang
ginawa ng tao para sa paglikha ng lakas hydroelectric,
gamit pang-industriya, pang agrikultura, mapagkukunan ng
tubig, at pasyalan o libangan tulad ng Lawa sa Burnham
Park sa Baguio at Lawa ng Caliraya sa Laguna.
• Ang Lawa ng Laguna na isang likás na lawa ay itinuturing
na pinakamahabang lawa sa Pilipinas. Ang ilan pang
halimbawa ng lawa sa bansa ay ang Lawa ng Lanao at ang
Lawa ng Buhi, kung saan matatagpuan ang pinakamaliit na
isdang komersiyal sa buong mundo, ang sinarapan.
TALON
• Ang talon ay isang anyong-tubig na
nagmumula sa mataas na lugar at
bumabagsak pababa.
• Ang isa pang tanyag na talon sa bansa ay ang
Talon ng Maria Cristina na matatagpuan sa
Lungsod ng lligan sa Lalawigan ng Lanao del
Norte sa Mindanao. Ito ay mahalaga sapagkat
isa ito sa mga pinagmumulan ng koryenteng
ginagamit sa ilang bahagi ng Mindanao.
BUKAL
• Ang bukal ay anyong-tubig na
nagmumula sa ilalim ng lupa o bundok at
bumubulwak paitaas. May mga bukal na
mainit at mayroon ding malamig ang
tubig.
• Ang mainit na tubig ng mga bukal ay.
hindi lámang nagdudulot ng ginhawa sa
mga naliligo rito kundi maaari ding
panggalingan ng enerhiyang geothermal.
Maraming salamat
Grade 5 ☺

You might also like