You are on page 1of 29

ARALIN 2: Ilahad ang

Kaisipan sa Grap, Tsart


at Mapa Binibigyan ka ba
ng pera araw-araw?
Inuubos mo ba ito sa
pagbili ng iba’t ibang
pagkain o may marami ka
nang naiipon? Suriin natin
ang pie grap, kung paano
siya nakapag-iipon mula sa
kanyang baon araw-araw.
A. Anu-ano ang mga
pinaglalaanan ng baon ng
mag-aaral?
B. Ano ang pinakamalaking
badyet? Ikalawa, ikatlo at
ikaapat?
C. Anong paraan ang
ginamit sa pagbibigay ng
impormasyon?
Ganito ba ang sagot mo?
A. Ang pinaglalaanan ng
baon sa mag-aaral ay para
sa Tanghalian
50%, Miryenda 25%,
Pamasahe 15% at Ipon
10%.
B. Ang pinakamalaking
badget niya ay tanghalian
50%, ikalawa ay
miryenda 25%, ikatlo ay
pamasahe ay 15% at ang
ikaapat ay ipon 10%.
C. Pie grap ang ginagamit
niyang paraan para
maibigay ang
impormasyon.
1. Grap – ay matatagpuan
sa mga aralin sa
Matematika, Agham at
Sibika. May iba’t ibang uri
ang grap tulad ng
sumusunod.
a. Line graph –
nagpapakita ito ng
pagbabago sa halaga o
dami.
b. Bar graph – ito ay
nagpapakita ng
paghahambing ng dami.
Bar graph
c. Pictograph –
naghahambing ito ng dami
sa tulong ng mga
larawan.
Pictograph
d. Circle o pie graph –
ipinakita ang ugnayan ng
mga bahagi
ng isang kabuuan.
Circle o pie graph
2. Tsart – ipinakita nito ang
dami ng hanay ayon sa
impormasyong
ibibigay o hinihingi.
Mapa
Ipinakikita nito ang hugis at
nilalaman sa loob at paligid
ngisang lugar; saklaw o
dami at ayos nitong pook,
bayan, lalawigan,
bansa o maging buong
mundo. Malaking tulong
ito sa mga
manlalakbay.
Pumapatnubay ito sa bansa
para marating ang lugar na
nais marating o puntahan.
Ang paggawa ng direksiyon
ng pupuntahan mula sa
isang lugar
ay maaari ring pagkatuto na
hawig sa mapa. Inilalarawan
nito ang
iba’t ibang lugar kasama
ang kapaligiran ng lupa at
dagat. Ang mga
ngalan at capital ng iba’t
ibang lugar ay dito
matatagpuan. May iba’t
ibang panandang
kumakatawan sa mga lugar
tulad ng guhit, tuldok o
kulay. Suriin ang mapa ng
Mindanao.
Pag-aralang mabuti ang
impormasyong ipinahayag
ng mapa at
sagutin ang mga tanong.
Mga Tanong: Isulat ang
sagot sa inyong sagutang
papel.
1. Ilan lahat ang lungsod sa
Metro Manila?
______________________
_
2. Ilang bayan mayroon ang
Metro Manila?
______________________
_
3. Anu-anong mga bahagi
ng tubig ang makikita sa
Metro Manila?
4. Aling lungsod ang
pinakamalaki?
____________________
5. Aling bayan ay may
pinakamahabang ngalan?
_________________

You might also like