You are on page 1of 30

FILIPINO 6

Q4 WK.6 D3
1. Ang graph ay mga larawang nagpapakita ng datos,
bilang, halaga at paglalarawang impormasyon.
2.Ang tsart ay ginagamit upang mapadali ang pagpapakita
ng dami o estruktura ng isang sistema.
3. Ang mapa ay nagpapakita o naglalarawan ng lokasyon,
hugis at distansya.
4. Ang dayagram ay isang paglalarawan o drawing para
maipakita ang presentasyon.
5. Mahalagang gumamit ng mga tulong biswal o
grapikong pantulong sa pag-aaral at pagsusuri ng mga
impormasyon o datos.
Basahing mabuti ang
maikling talata at isulat sa
itaas na bahagi ang sanhi
at sa ibabang bahagi
naman ang bunga.
Hindi lingid sa atin ang pagkalat ng covid-19 sa
buong mundo. Marami ang naging biktima nito.
Paano nga ba tayo makakaiwas sa sakit na ito?
Ayon sa Department of Health, kailangan palagi
tayo maghugas ng kamay upang mawala ang
mga dumi sa ating mga kamay. Takpan ang
ilong at bibig kapag tayo at babahing para di
tumalsik ang laway. At higit sa lahat iwasan ang
paglabas ng bahay upang di ka mahawaan ng
sakit na ito.
Tingnan ang larawan.
Ano ang masasabi mo tungkol dito?
Nagtatrabahong mabuti ang iyong
magulang upang maibigay ang
pangangailangan ng inyong pamilya.
Ipagpalagay na ang kinikita ng iyong tatay
at nanay sa buong taon ay napupunta sa
mga sumusunod:
1. Tungkol saan ang grap?
2. Aling bahagdan ang may pinakamataas na
pinagkakagastusan ng pamilya?
3. Ilang bahagdan ang nakalaan para sa edukasyon? Pang-
ilang antas ito ng priyoridad ng tatay at nanay? Patunay ba
ito na pinahahalagahan nila ang edukasyon?- Pagpapahalaga
sa Edukasyon
4. Alin ang maaari mong bawasan para maidagdag sa ipon ng
pamilya?Bakit ito ang iyong napili?
5. Kung babaguhin mo ang datos sa graph, alin ang gagawin
mong pinakamataas o pinakamababang bahagdan
pinagkakagastusan ng pamilya? Bakit?
Mahalagang gumamit ng mga tulong biswal o
grapikong pantulong sa pag-aaral at pagsusuri ng mga
impormasyon o datos upang higit na maging malinaw,
madaling maunawaan at matandaan ang ugnayan ng
mga ideya mula sa teksto. Gayundin ang pagbibigay ng
opinyon o reaksyon ay isang mabuting kasanayan dahil
naipapahayag natin ang sariling saloobin, opinyon o
pananaw hinggil sa mga kaisipang inilahad.
Ang isang mahusay na mambabasa at tagapakinig ay
kailangang makapagbigay ng wastong
interprestasyon sa dayagram, tsart, mapa at graph sa
pamamagitan ng pagtatanong. Mahalaga rin na
makapagbigay ng opinyon o reaksyon dahil
nakadaragdag ito sa ating kaalaman at kakayahan na
maipahayag ang sariling ideya tungkol sa
napakinggang balita, isyu o usapan.
Iba’t ibang uri ng Grapikong Pantulong
Graph ay mga larawang nagpapakita ng datos,
bilang, halaga at paglalarawang impormasyon.
Maliwanag nitong naipakikita ang pagkakatulad o
pagkakaiba, taas o baba, laki o liit at dami ng nais
ilarawan at ihambing. Ang mga halimbawa nito ay
bar graph, bilog na graph, linyang graph, at larawang
graph.
Tsart ay ginagamit upang mapadali ang
pagpapakita ng dami o estruktura ng isang
sistema. Ito ay ginagamitan ng paghahanay
batay sa hinihingi o ibinibigay na impormasyon.
Ang halimbawa nito ay tsart ng organisasyon at
flow tsart.
Mapa ay nagpapakita o naglalarawan ng
lokasyon, hugis at distansya. Ito rin ang
nagtuturo ng palatandaan ng lokasyon ng isang
lugar. Ito ay nakakatulong sa pagbibigay ng
direksyon. Ang halimbawa nito ay ang mapa ng
Pilipinas at globo.
Dayagram ay isang paglalarawan o drawing
para maipakita ang presentasyon. Ang
halimbawa nito ay venn diagram, fishbone at
cycle diagram.
Pag-aralan ang grap. Basahin at unawaing mabuti ang mga
tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Anong uri ng grap


ang nakikita mo
larawan?
A. Pie Grap
B. Bar Grap
C. Line Grap
D. Picto Grap
2. Tungkol saan ang grap?
A. Tungkol sa pakikiramay,
pakikipagkapwa-tao at
pagkakawang-gawa sa panahon
ng covid.
B. Tungkol ito sa nakatanggap
na ayuda mula sa gobyerno.
C. Tungkol ito sa mga taong
gusto at hindi gustong pumasok
sa trabaho
D. Datos ng mga Pilipino na
tumutulong sa kapwa.
Ilang bahagdan ang
madalang na nakikiramay,
nakikipagkawa-tao at
nakakakawang-gawa?
A. 56.4 bahagdan
B. 40 bahagdan
C. Wala sa nabanggit
D. 6.4 bahagdan
4. Anong uri ng mapa
ang nakikita mo sa
kanan bahagi?
A. Mapang Pisikal

B. Mapang Pang
Ekonomiya
C. Mapang Politikal

D. Mapang Pangklima
5. Ano ang ipinapakita ng mapang
ito?
A. Ang klima na meron ang Pilipinas.
B.Ang mapa na nagpapakita ng
kabuhayan ng Pilipinas.
C.Mapang nagpapakita ng iba’t ibang
kaanyuang pisikal gaya ng anyong
lupa at tubig sa isang lugar .
D. Mapa na nagpapakita ng lokasyon
ng ibat ibang lugar sa bansa.
SAGOT
Pag-aralan ang grap. Basahin at unawaing mabuti ang mga
tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Anong uri ng grap


ang nakikita mo
larawan?
A. Pie Grap
B. Bar Grap
C. Line Grap
D. Picto Grap A
2. Tungkol saan ang grap?
A. Tungkol sa pakikiramay,
pakikipagkapwa-tao at
pagkakawang-gawa sa panahon
ng covid.
B. Tungkol ito sa nakatanggap
na ayuda mula sa gobyerno.
C. Tungkol ito sa mga taong
gusto at hindi gustong pumasok

A
sa trabaho
D. Datos ng mga Pilipino
na tumutulong sa kapwa.
Ilang bahagdan ang
madalang na nakikiramay,
nakikipagkawa-tao at
nakakakawang-gawa?
A. 56.4 bahagdan
B. 40 bahagdan
C. Wala sa nabanggit

D
D. 6.4 bahagdan
4. Anong uri ng mapa
ang nakikita mo sa
kanan bahagi?
A. Mapang Pisikal

B. Mapang Pang
Ekonomiya
C. Mapang Politikal

A
D. Mapang Pangklima
5. Ano ang ipinapakita ng mapang
ito?
A. Ang klima na meron ang Pilipinas.
B.Ang mapa na nagpapakita ng
kabuhayan ng Pilipinas.
C.Mapang nagpapakita ng iba’t ibang
kaanyuang pisikal gaya ng anyong
lupa at tubig sa isang lugar .
D. Mapa na nagpapakita ng lokasyon
ng ibat ibang lugar sa bansa.

C
TANDAAN:
Iba’t ibang uri ng Grapikong Pantulong

Graph ay mga larawang nagpapakita ng datos, bilang, halaga at


paglalarawang impormasyon.
Tsart ay ginagamit upang mapadali ang pagpapakita ng dami o
estruktura ng isang sistema.
Mapa ay nagpapakita o naglalarawan ng lokasyon, hugis at
distansya.
Dayagram ay isang paglalarawan o drawing para maipakita ang
presentasyon.
Magsulat ng limang tanong ukol sa grap na iyong
nakikita.
Tingnang mabuti ang tsart. Gumawa ng limang tanong ukol
dito.
Takdang-aralin
Gumawa ng grap ng mga
gastusin ng inyong pamilya
sa loob ng isang buwan.

You might also like