You are on page 1of 3

Ikaapat na Lagumang Pagsusulit sa AP 7

Pangalan:___________________________________________________ Baitang/Pangkat:____________________
Panuto: Bilugan ang tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na terminolohiya ang tumutukoy sa dami ng tao na naninirahan sa isang lugar o bansa?
a. migrasyon b. populasyon c. literacy rate d. population growth rate

2. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagtukoy ng karaniwang bilang ng taon ng tagal ng buhay ng isang mamamayan sa isang
bansa?
a. literacy rate c. unemployment rate
b. life expectancy d. population growth rate

3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tinatayang pagtaas ng populasyon bawat taon?
a. migrasyon b. populasyon c. literacy rate d. population growth rate

4. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagtukoy sa bahagdan ng populasyong 15 taong gulang pataas ng isang bansa na may
kakayahang bumasa at sumulat?
a. literacy rate c. unemployment rate
b. life expectancy d. population growth rate

5. Maraming Pilipino ang nandarayuhan sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Ano kaya ang epekto nito sa pag-unlad ng Pilipinas?
a. Dadayuhin ang bansa dahil luluwag na ang mga pook pasyalan dito.
b. Babagal ang pag-unlad ng Pilipinas dahil kulang na ang lakas-pagawa nito.
c. Uunlad ang Pilipinas ng mas mabilis dahil liliit ang bilang ng mga taong walang trabaho.
d. Gaganda ang bansa dahil marami ang magpapagawa ng maganda at modernong .

6. Sa sumusunod na usapin, alin ang direktang epekto ng mababang bahagdan ng literacy rate?
a. patuloy na pagbaba ng kalidad ng lakas-paggawa ng isang bansa
b. pagtaas ng kaso ng krimen dahil sa kawalan ng trabaho ng mga mamamayan
c. pagtaas ng antas ng buhay ng mamamayan dahil sa pagkakaroon ng magandang trabaho ng mga tao
d. patuloy na pagbaba ng lebel ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan dahil sa kawalan ng oportunidad sa iba’t ibang larangan

7. Ang India at China ay ang mga bansang may pinakamalaking populasyon sa Asya. Ano ang maaring epekto ng patuloy na paglaki
ng populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng mga bansang ito?
a. Nangangahulugang magkakaroon ng mas masikip na paligid at maruming pamumuhay ang mga tao.
b. Isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang pamahalaan sa pagbibigay ng kaukulang serbisyo sa mga mamamayan ng lipunan.
c. Nagbibigay solusyon sa kakulangan ng lakas-paggawa ng isang bansa na isang mabisang paraan upang mapaunlad ang kabuhayan
ng mga mamamayan.
d. Nagiging hadlang upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao tungo sa pag-angat ng kabuhayan ng mamamayan at
ng lipunang kinabibilangan nito.

8. Paano nakakahadlang sa pag-unlad ang malaking populasyon ng bansa?


a. Pagkaubos ng likas na yaman ng bansa dahil marami ang nangangailangan.
b. Nahihirapan ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan.
c. Nagkakaroon ng problema sa kaayusan at katahimikan ng bansa dahil sa pagtaas ng kahirapan.
d. lahat ng nabanggit.

Suriin ang talahanayan ng populasyon ng mga bansa at sagutin ang mga mga tanong kaugnay nito
9. Kung isasaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng
populasyon, ano ang tamangpagkakasunod-sunod nito?
a. Philippines, China, at India c. India, Philippines, at China
b. China, India, at Philippines d. Philippines, India, at China

10. Makikita sa talahanayan na ang China ang may pinakamataas na populasyon


sa tatlong bansa ngunit ito ay may pinakamababang fertility rate o ang bilang ng
posibleng maging anak ng isang babae mula edad 15 hanggang 49. Ang India at Pilipinas naman ay madalas magkaroon ng higit sa
dalawang (2) anak ang bawat babaeng nasa kaparehong edad. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang China ay mangunguna pa rin sa pagkakaroon ng pinakamalaking populasyon .
b. Dapat ay magkaroon na ng batas kung saan iisa lamang ang maaaring maging anak ng bawat babae .
c. Kahit ano pa ang gawing pag-aaral ay patuloy pa rin ang paglaki ng populasyon at pagsikip ng paligid saan man sa mundo.
d. Doble ang magiging bilis ng paglaki ng populasyon ng India at Pilipinas kumpara sa China kapag hindi nasolusyunan ng
pamahalaan ang problema sa lalong madaling panahon.
11. Makikita sa talahanayan kung gaano kasikip ang isang bansa. Kung susuriin mo ito batay sa dami ng mga tao sa bawat kilometro
kwadrado, anong bansa ang mangunguna?
a. India b. China c. Pilipinas d. Timog Korea

Suriin ang talahanayan ng populasyon ng mga bansa at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

12. Batay sa talahanayan, ang bansang Japan ang may pinakamababa na bahagdan ayon sa bilis ng paglaki ng populasyon. Ito ay may
pinakamaliit na bahagdan ng batang populasyon ngunit may pinakamalaking bahagdan ng may edad na 15-65. Ano ang ipinahihiwatig
nito?
a. Pagbaba ng ekonomiya ng bansa.
b. Mabilis tumanda ang mga tao sa Japan.
c. Mahusay ang programa ng pamahalaan hinggil sa pagpaplano ng pamilya.
d. Ang mabagal na paglaki ng populasyon at pagrami ng matatanda sa kasalukuyan ay maaring maging problema sa lakas paggawa sa
hinaharap.

13. Makikita sa talahanayan na ang India ang may pinakamalaking populasyon. Ano ang masamang epekto nito sa kanilang bansa?
a. Masaya ang lipunan dahil sa dami ng tao.
b. Pagkaubos at pagkasira ng likas na yaman.
c. Polusyon sa hangin at pagdami ng depressed area.
d. Nahihirapan ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan.

14. Makikita sa talahanayan sa itaas na bumababa ang bilang ng mga batang populasyon ng mga piling bansa sa Asya at makikita rin
na bumababa ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng bansang Sri Lanka at Japan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Impluwensiya ng relihiyon.
b. Mahusay ang programa ng pamahalaan sa pagpaplano ng pamilya.
c. Pagbabagong dulot ng edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay.
d. Karamihan sa kanilang bansa ay matatanda kaya hindi na magkakaanak.

15. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng paglaki ng populasyon ng isang bansa?
a. upang makagawang kampanya para sa migrasyon.
b. upang magkaroon ng ideya tungkol sa dami ng lakas paggawa.
c. upang magkaroon ng ideya ang mga tao kung bubuo ng maliit o malaking pamilya.
d. upang magsisilbing batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng patakaran o programa na kailangang pagtuunan ng pansin.

Key to correction:
1. B
2. B
3. D
4. A
5. B
6. D
7. C
8. D
9. B
10. D
11. A
12. D
13. D
14. C
15. D

You might also like