0% found this document useful (0 votes)
370 views10 pages

Week 3

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral ng populasyon sa iba't ibang bansa sa Asya. Binigyang diin nito ang kaugnayan ng dami ng populasyon, bilis ng paglaki nito, edad ng populasyon, at iba pang datos sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng mga bansa.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
370 views10 pages

Week 3

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral ng populasyon sa iba't ibang bansa sa Asya. Binigyang diin nito ang kaugnayan ng dami ng populasyon, bilis ng paglaki nito, edad ng populasyon, at iba pang datos sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng mga bansa.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

LESSON 4

Yamang Tao

Pamantayan sa Pagkatuto:
 Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng Asya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon batay sa:
1. dami ng tao
2. komposisyon ayon sa gulang,
3. inaasahang haba ng buhay,
4. kasarian,
5. bilis ng paglaki ng populasyon,
6. uri ng hanapbuhay,
7. bilang ng ma hanapbuhay,
8. kita ng bawat tao,
9. bahagdan ng marunong bumasa at sumulat, at
10. migrasyon
 Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya
 Nasusuri ang kaugnayan ng paglinang ng wika sa paghubog ng kultura ng mga Asyano

EXPLORE
Nagagalak ka na bang simulan ang iyong pag-aaral tungkol sa mga Asyano? Bago ang
lahat, subukin mong sagutan ang panimulang pagtataya upang masubok ang lawak ng kaalaman
mo tungkol sa aralin. Habang sinasagutan ang bawat tanong ay pagtuunan mo ng pansin ang mga
sagot na hindi mo tiyak at alamin ang kasagutan ng mga ito sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral.
Maari mo nang simulan ang pagsagot. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na terminolohiya ang tumutukoy sa dami ng tao na naninirahan


sa isang lugar o bansa?
a. migrasyon
b. populasyon
c. literacy rate
d. population growth rate

2. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagtukoy ng karaniwang bilang ng taon ng


tagal ng buhay ng isang mamamayan sa isang bansa?
a. literacy rate
b. life expectancy
c. unemployment rate
d. population growth rate

3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tinatayang pagtaas ng populasyon bawat


taon?
a. migrasyon
b. populasyon
c. literacy rate
d. population growth rate

4. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagtukoy sa bahagdan ng populasyong 15


taong gulang pataas ng isang bansa na may kakayahang bumasa at sumulat?
a. literacy rate
b. life expectancy
c. unemployment rate
d. population growth rate

5. Maraming Pilipino ang nandarayuhan sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Ano kaya
ang epekto nito sa pag-unlad ng Pilipinas?
a. Dadayuhin ang bansa dahil luluwag na ang mga pook pasyalan dito.
b. Babagal ang pag-unlad ng Pilipinas dahil kulang na ang lakas-pagawa nito.
c. Uunlad ang Pilipinas ng mas mabilis dahil liliit ang bilang ng mga taong walang
trabaho.
d. Gaganda ang bansa dahil marami ang magpapagawa ng maganda at modernong bahay
dahil sa perang ipapadala ng mga kamag-anak na OFW.

6. Sa sumusunod na usapin, alin ang direktang epekto ng maliit na bahagdan ng literacy


rate?
a. patuloy na pagbaba ng kalidad ng lakas-paggawa ng isang bansa
b. pagtaas ng kaso ng krimen dahil sa kawalan ng trabaho ng mga mamamayan
c. pagtaas ng antas ng buhay ng mga mamamayan dahil sa pagkakaroon ng magandang
trabaho ng mga tao
d. patuloy na pagbaba ng lebel ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan dahil sa
kawalan ng oportunidad sa iba’t ibang larangan

7. Ang India at China ay ang mga bansang may pinakamalaking populasyon sa Asya. Ano
ang maaring epekto ng patuloy na paglaki ng populasyon sa pagunlad ng kabuhayan at
lipunan ng mga bansang ito?
a. Nangangahulugang magkakaroon ng mas masikip na paligid at maruming pamumuhay
ang mga tao.
b. Isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang pamahalaan sa pagbibigay ng
kaukulang serbisyo sa mga mamamayan ng lipunan.
c. Nagbibigay solusyon sa kakulangan ng lakas-paggawa ng isang bansa na isang
mabisang paraan upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan.
d. Nagiging hadlang upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao tungo
sa pag-angat ng kabuhayan ng mamamayan at ng lipunang kinabibilangan nito.

8. Paano nakakahadlang sa pag-unlad ang malaking populasyon ng bansa?


a. Nakakapagdulot ito ng kalituhan sa pamamahagi ng ayuda dahil sa dami ng tao.
b. Pagkaubos ng likas na yaman ng bansa dahil marami ang nangangailangan.
c. Nahihirapan ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat
mamamayan.
d. Nagkakaroon ng problema sa kaayusan at katahimikan ng bansa dahil sa pagtaas ng
kriminalidad dulot ng kahirapan.

Suriin ang talahanayan ng populasyon ng mga bansa at sagutin ang mga mga tanong kaugnay
nito.

Bansa Populasyon (2019) Fertility Rate (2018) Density (P/Km2)


China 1, 433, 783, 686 1.69 148
India 1, 378, 552, 140 2.22 420
Philippines 109, 423, 258 2.57 320
https://data.worldbank.org/indicator
worldpopulationreview.com

9. Kung isasaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano
ang tamang pagkakasunod-sunod nito?
a. Philippines, China, at India
b. China, India, at Philippines
c. India, Philippines, at China
d. Philippines, India, at China

10. Makikita sa talahanayan na ang China ang may pinakamataas na populasyon sa tatlong
bansa ngunit ito ay may pinakamababang fertility rate o ang bilang ng posibleng maging
anak ng isang babae mula edad 15 hanggang 49. Ang India at Pilipinas naman ay
madalas magkaroon ng higit sa dalawang (2) anak ang bawat babaeng nasa kaparehong
edad. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang China ay mangunguna pa rin sa pagkakaroon ng pinakamalaking populasyon sa
paglipas ng panahon.
b. Dapat ay magkaroon na ng batas kung saan iisa lamang ang maaaring maging anak ng
bawat babae sa India at Pilipinas.
c. Kahit ano pa ang gawing pag-aaral ay patuloy pa rin ang paglaki ng populasyon at
pagsikip ng paligid saan man sa mundo.
d. Doble ang magiging bilis ng paglaki ng populasyon ng India at Pilipinas kumpara sa
China kapag hindi nasolusyunan ng pamahalaan ang problema sa lalong madaling
panahon.

11. Makikita sa talahanayan kung gaano kasikip ang isang bansa. Kung susuriin mo ito batay
sa dami ng mga tao sa bawat kilometro kwadrado, anong bansa ang mangunguna?
a. India
b. China
c. Pilipinas
d. Timog Korea

Suriin ang talahanayan ng populasyon ng mga bansa at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

BANSA POPULASYON POPULATION EDAD


GROWTH 0-14 15-64 65+
INDIA 1,198,003,272 1.38 29.3 65.2 5.6
INDONESIA 229,964,723 1.10 27.0 66.6 6.4
JAPAN 127,156,225 -0.24 13.5 62.6 23.9
LAOS 6,320,429 2.29 36.1 60.1 3.7
SRI LANKA 20,237,730 0.86 24.9 76.0 8.1
ASYA:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Unang Edisyon, 2014, pahina 90

12. Batay sa talahanayan, ang bansang Japan ang may pinakamababa na bahagdan ayon sa
bilis ng paglaki ng populasyon. Ito ay may pinakamaliit na bahagdan ng batang
populasyon ngunit may pinakamalaking bahagdan ng may edad na 15-65. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
a. Pagbaba ng ekonomiya ng bansa.
b. Mabilis tumanda ang mga tao sa Japan.
c. Mahusay ang programa ng pamahalaan hinggil sa pagpaplano ng pamilya.
d. Ang mabagal na paglaki ng populasyon at pagrami ng matatanda sa kasalukuyan ay
maaring maging problema sa lakas paggawa sa hinaharap.

13. Makikita sa talahanayan na ang India ang may pinakamalaking populasyon.


Ano ang masamang epekto nito sa kanilang bansa?
a. Masaya ang lipunan dahil sa dami ng tao.
b. Pagkaubos at pagkasira ng likas na yaman.
c. Polusyon sa hangin at pagdami ng depressed area.
d. Nahihirapan ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan
ng bawat mamamayan.

14. Makikita sa talahanayan sa itaas na bumababa ang bilang ng mga batang populasyon ng
mga piling bansa sa Asya at makikita rin na bumababa ang bahagdan ng bilis ng paglaki
ng populasyon ng bansang Sri Lanka at Japan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Impluwensiya ng relihiyon.
b. Mahusay ang programa ng pamahalaan sa pagpaplano ng pamilya.
c. Pagbabagong dulot ng edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay.
d. Karamihan sa kanilang bansa ay matatanda kaya hindi na magkakaanak.

15. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng paglaki ng populasyon ng isang bansa?
a. upang makagawang kampanya para sa migrasyon.
b. upang magkaroon ng ideya tungkol sa dami ng lakas paggawa.
c.upang magkaroon ng ideya ang mga tao kung bubuo ng maliit o malaking pamilya.
d.upang magsisilbing batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng patakaran o programa na
kailangang pagtuunan ng pansin.
FIRM-UP

Katangian ng Populasyon sa Asya


Sa pagtalakay ng mga bagay tungkol sa populasyon ay kinakailangan munang mabigyan ng
kahulugan ang mga salita o terminolohiya na karaniwang ginagamit sa pagsusuri ng mga datos
tulad ng mga salitang nasa talahanayan:

Terminolohiya Kahulugan
Fertility Rate Tumutukoy sa bilang ng maaaring maging anak ng babae edad
15 hanggang 49 taong gulang.
GDP per Capita Kita ng bawat indibidwal sa loob ng isang taon sa bansang
kanyang pananahanan.
Gross Domestic Product Ang kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng isang
(GDP) taon.
Life Expectancy Inaasahang haba ng buhay ng isang tao.
Literacy Rate Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa
at sumulat.
Migrasyon Pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan.
Populasyon Tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa.
Population Density Kapal o dami ng tao sa isang lugar sa bawat kilometro
kwadrado.
Populasyon Tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa.
Population Growth Rate Bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa bawat
taon.
Unemployment Rate Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na walang hanapbuhay
o pinagkakakitaan.
ASYA:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Unang Edisyon, 2014, pahina 73
https://news.abs-cbn.com/news/02/26/18/fertility-rate-ng-kababaihan-bumaba
https://www.merriam-webster.com/dictionary/population%20densit

Talahanayan 1: Katangian ng Populasyon


Growt
Bansa Populasyon Edad Kasarian h Rate
65
15- pataa
0-14 64 s Lalaki Babae
Afghanistan 38,041,754 43.09 54.3 2.58 19,976,265 18,952,076 2.33%
2
Armenia 2,957,731 20.63 68.1 11.25 1,393,747 1,569,487 0.19%
1
Azerbaijan 10,047,718 23.37 70.44 6.19 5,064,664 5,074,511 0.91%
Bahrain 1,641,172 19.25 78.3 2.43 1,100,474 601,109 3.68%
2
Bangladesh 163,046,161 27.71 67.1 5.16 83,259,108 81,430,275 1.01%
4
Bhutan 763,092 25.77 68.2 6.00 410,087 361,525 1.12%
3
Brunei 433,285 23.03 72.1 4.87 226,987 210,496 0.97%
0
Cambodia 16,486,542 31.20 64.2 4.57 8,162,424 8,556,547 1.41%
3
China 1,433,783,68 17.8 71.2 10.92 738,247,34 701,076,43 0.39%
6 8 0 0 4
Cyprus 1,198,575 16.79 69.4 13.72 603,514 603,847 0.73%
9
Georgia 3,996,765 19.80 65.3 14.87 1,901,227 2,087,948 -0.19%
4
India 1,366,417,75 27.0 66.7 6.18 717,100,97 662,903,41 0.99%
4 5 7 0 5
Indonesia 270,625,568 26.5 67.5 5.86 137,717,86 135,805,76 1.07%
5 9 1 0
Iran 82,913,906 24.48 69.3 6.18 42,408,406 41,584,547 1.30%
4
Iraq 39,309,783 38.39 58.2 3.32 20,357,778 19,864,725 2.32%
9
Israel 8,519,377 27.93 60.1 11.98 4,308,117 4,347,424 1.60%
0
Japan 126,860,301 12.70 59.7 27.58 61,753,045 64,723,413 -0.30%
3
Jordan 10,101,694 34.25 61.9 3.85 5,165,979 5,037,161 1.00%
1
Kazakhstan 18,551,427 28.46 64.1 7.39 9,112,939 9,663,768 1.21%
5
Kuwait 4,207,083 21.54 75.9 2.55 2,614,446 1,656,117 1.51%
1
Kyrgyzstan 6,415,850 32.35 63.1 4.49 3,227,270 3,296,921 1.69%
5
Laos 7,169,455 32.60 63.3 4.08 3,651,794 3,623,762 1.48%
2
Lebanon 6,855,713 26.10 66.9 7.00 3,435,746 3,389,696 -0.44%
0
Malaysia 31,949,777 24.00 69.3 6.67 16,630,813 15,735,185 1.30%
3
Maldives 530,953 20.15 76.1 3.70 342,928 197,614 1.81%
5
Mongolia 3,225,167 30.41 65.5 4.08 1,615,039 1,663,253 1.65%
1
Myanmar 54,045,420 26.37 67.8 5.78 26,220,190 28,189,604 0.67%
4
Nepal 28,608,710 69.57 63.8 5.72 13,348,435 15,788,373 1.85%
5
North Korea 25,666,161 20.21 70.4 9.33 12,608,379 13,170,436 0.44%
6
Oman 4,974,986 22.25 75.3 2.39 3,370,230 1,736,392 2.65%
6
Pakistan 216,565,318 35.2 60.4 4.31 113,672,00 107,220,32 2.00%
7 2 7 4
Philippines 108,116,615 30.96 63.9 5.12 55,028,825 54,552,260 1.35%
1
Qatar 2,832,067 13.54 85.0 1.37 2,165,135 715,925 1.73%
9
Saudi Arabia 34,268,528 25.04 71.6 3.31 20,131,308 14,682,559 1.59%
4
Singapore 5,804,337 12.28 76.2 11.46 3,062,257 2,788,086 0.79%
6
South Korea 51,225,308 12.99 72.6 14.41 25,665,854 25,603,329 0.09%
0
Sri Lanka 21,323,733 24.20 65.3 10.47 10,267,351 11,145,899 0.42%
3
Syria 17,070,135 14.60 84.3 1.09 8,760,065 8,740,592 2.52%
1
Tajikistan 9,321,018 36.78 60.1 3.02 4,805,738 4,731,904 2.32%
9
Thailand 69,625,582 17.09 71.0 11.90 33,966,060 35,833,918 0.25%
1
Timor-Leste 1,293,119 37.78 57.9 4.32 666,242 652,200 1.96%
0
Turkey 83,429,615 24.65 66.8 8.48 41,636,125 42,702,942 1.09%
7
Turkmenista 5,942,089 30.82 64.7 4.43 2,969,310 3,061,877 1.50%
n 5
United Arab 9,770,529 14.6 84.3 1.08 6,836,349 3,054,051 1.23%
Emirates 1 1
Uzbekistan 32,981,716 28.69 66.8 4.42 16,696,918 16,772,281 1.48%
9
Vietnam 96,462,106 23.17 69.5 7.27 48,598,254 48,740,329 0.91%
5
Yemen 29,161,922 39.62 57.5 2.88 15,024,985 14,800,983 2.28%
1
World Development Indicators, 2019
https://worldpopulationreview.com/(2019) https://www.indexmundi.com/map/?t=0&v=27&r=as
http://statisticstimes.com/demographics/countries
https://tradingeconomics.com/country-list/unemployment-rate?continent=asia

Talahanayan 2: Katangian ng Populasyon


Unempl Density
Fertility Migration Literacy o y-ment (P/Km2 GDP Per
Bansa Rate Rate Rate Rate ) Capita
Afghanistan 4.56 62.7 38.2 11.1 59.7 $538
Armenia 1.76 74.8 99.7 17.9 99.6 $3,918
Azerbaijan 2.08 73.1 99.8 4.8 117.1 $4,139
Bahrain 2.00 79.1 95.7 3.9 2224.3 $23,715
Bangladesh 2.05 72.7 61.5 4.2 1116.0 $1,564
Bhutan 2.00 70.6 64.9 3.4 20.1 $3,391
Brunei 1.85 76.4 96.0 9.1 75.9 $28,572
Cambodia 2.52 69.4 77.2 0.7 92.4 $1,384
China 1.69 76.4 96.4 6 148.3 $8,612
Cyprus 1.34 80.7 99.1 7.92 130.5 $18,695
Georgia 2.06 72.6 99.8 12.7 57.2 $3,762
India 2.24 68.8 71.2 7.8 419.8 $1,980
Indonesia 2.32 69.3 93.9 4.99 143.6 $3,837
Iran 2.15 75.7 86.8 10.4 51.0 $5,628
Iraq 3.68 69.8 79.7 7.9 91.8 $5,114
Israel 3.04 82.3 97.8 3.3 416.7 $42,852
Japan 1.37 84.2 99.0 2.6 334.7 $38,214
Jordan 2.77 74.3 95.4 19 114.2 $4,095
Kazakhstan 2.76 71.1 99.8 4.8 6.9 $9,009
Kuwait 2.1 74.8 96.3 2.17 239.7 $29,616
Kyrgyzstan 3 71.4 99.5 3 32.6 $1,222
Laos 2.7 65.8 79.9 0.6 30.7 $2,424
Lebanon 2.09 76.3 93.9 6.2 653.0 $7,857
Malaysia 2.01 75.3 94.6 3.9 97.8 $10,118
Maldives 1.88 78.4 99.3 6.4 1801.8 $9,802
Mongolia 2.9 69.8 98.4 8.1 2.1 $3,672
Myanmar 2.17 66.8 93.1 1.6 80.4 $1,256
Nepal 1.93 70.2 67.9 3.2 197.97 $900
North Korea 1.1.1 74.8 100.0 5.7 213.9 -
Oman 2.93 77 91.1 3.1 16.5 $15,170
Pakistan 3.55 66.5 57.9 5.7 250.5 $1,467
Philippines 2.58 69.3 96.3 5.3 320.1 $2,982
Qatar 1.88 78.1 95.7 0.1 248.7 $61,264
Saudi Arabia 2.34 74.8 97.3 5.7 16.2 $20,747
Singapore 1.21 82.9 94.7 2.4 8239.9 $56,746
South Korea 1.91 82.7 96.8 3.8 511.6 $29,958
Sri Lanka 2.21 75.3 92.6 4.5 326.4 $4,135
Syria 2.84 63.8 86.4 8.4 94.5 -
Tajikistan 3.61 70.8 99.8 2.1 66.7 $805
Thailand 1.53 75.5 96.7 1 136.0 $6,579
Timor-Leste 4.1 68.6 67.5 3 88.6 $2,377
Turkey 2.08 76.4 95.0 - 107.6 $10,498
Turkmenistan 2.79 68.2 99.7 3.9 12.4 $6,587
United Arab 2.64 $40,325
1.42 77.2
Emirates 93.8 118.3
Uzbekistan 2.43 72.3 99.6 5.5 74.8 $1,554
Vietnam 2.06 76.3 94.5 2.15 293.9 $2,366
Yemen 3.84 65.3 70.1 12.8 56.5 $1,123
World Development Indicators, 2019 https://worldpopulationreview.com/(2019)
https://www.indexmundi.com/map/?t=0&v=27&r=as
http://statisticstimes.com/demographics/countries
https://tradingeconomics.com/country-list/unemployment-rate?continent=asia

Ang Asya sa Panahon ng Covid-19


Ayon sa ulat ng United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population
Division, sinasabing 59.76% ng kabuuang populasyon sa mundo ay mula sa Asya. Tinatayang 4.6 bilyon
ang kabuuang bilang ng populasyon sa Asya sa pagpasok ng taong 2020. Hindi maipagkakailang higit sa
kalahati ng tao sa mundo ay mula sa Asya. Patunay dito ay ang dalawang (2) bansa na may
pinakamalaking populasyon, ito ay ang China na matatagpuan sa Silangang bahagi ng Asya at ang India
na nasa katimugang bahagi. Sinasabi sa ulat na sa kasalukuyan tinatayang nasa 1.4 bilyon ang
populasyon ng China habang ang India naman ay 1.3 bilyon. Hindi magkalayo ang bilang ng tao sa
dalawang bansa. Ngunit paano kung sa bansang may pinakamaraming tao magsimula ang problemang
kakaharapin hindi lamang ng Asya kundi ng buong mundo?
Isa sa mga suliraning kinakaharap ng Asya habang papasok ang taong 2020 ay ang pandemyang
Covid-19 na pinaghihinalaang unang nagsimula sa China. Patuloy ang pagkalat ng nasabing sakit na
umabot din sa India. Paano nilalabanan ng dalawang bansa ang problema? Batay sa kasalukuyang ulat ng
World Health Organization, sa higit isang bilyong kabuuang populasyon ng China higit 82,000 rito ay
kumpirmadong nahawa ng virus kung saan 78,000 ang nakarekober at mahigitkumulang 4, 000 ang
namatay. Ang India naman ay may kabuuang bilang ng populasyon na tinatayang 1.3 bilyon. Humigit-
kumulang 100,000 ang kumpirmadong may Covid-19, higit 36,000 ang nakarekober at higit 3,000
naman ang mga namatay. Ang dalawang bansa ay parehong may malaking populasyon ngunit may ideya
ka ba kung bakit mas kaunti ang kaso ng Covid-19 sa China kumpara sa India? Marahil ay magkaiba ang
pagtugon ng dalawang bansa sa sakit na ito. Maari din namang isaalang-alang ang bahaging
ginagampanan ng katangian ng populasyon ng isang lugar o bansa sa pagharap hindi lamang sa banta ng
Covid19 kundi sa anumang hamon ng lipunan.
Source:https://www.un.org/en/development/desa/population/index.asp
https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019

DEEPEN
A. Tukuyin ang sagot sa mga tanong.
1. Anong bansa sa Asya ang may pinakamalaking populasyon? Isulat rin kung ilan ito.
2. Anong bansa sa Asya ang may pinakamataas na literacy rate? Isulat rin kung ilan ito.
3. Anong bansa sa Asya ang may pinamataas na antas ng pandarayuhan? Isulat rin kung ilan
ito.
4. Anong bansa sa Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng batang populasyon? Isulat
rin kung ilan ito.
5. Anong bansa sa Asya ang may pinakamataas na GDP? Isulat rin kung ilan ito.

B. Paano nakakatulong ang pag-alam sa mga sumusunod:


1. Populasyon
2. Literacy Rate
3. Migrasyon o Pandarayuhan
4. Gulang at Kasarian
5. Hanapbuhay

TRANSFER
SANAYSAY: Paano inaapektuhan ng pandemiya ang populasyon, literacy rate,
migrasyon o pandarayuhan, gulang at kasarian at hanapbuhay sa Asya?

You might also like