You are on page 1of 13

BAITANG

7
ARALING PANLIPUNAN 7

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang TITIK lamang sa
sagutang papel.
1. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig. Ito ay
napapalibutan ng Arctic Sea sa Hilaga at Indian Ocean sa Timog. Sa
Kanluran, nakapalibot ang Red Sea, Mediterranean Sea, Caspian Sea
at Bundok Ural. Anong karagatan ang matatagpuan sa Silangang
bahagi nito?
A. Atlantic Ocean
B. Indian Ocean
C. Pacific Ocean
D. Southern Sea

2. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-


Silangan, at Silangang Asya. Alin sa sumusunod na salik ang
isinaalang-alang sa paghahating heograpikal na ito sa Asya?
A. etnisidad, wika at lahi
B. kasaysayan, lahi at kultura
C. klima, historikal at pisikal
D. pisikal, historikal at kultural

3. Anong rehiyon sa Asya ang binansagang Farther India at Little China


dahil sa mga naging impluwensiya nito?
A. Hilagang Asya
B. Silangang Asya
C. Timog Asya
D. Timog Silangang Asya

4. Ang talampas ay uri ng anyong lupa na patag sa ibabaw ng bundok.


Anong talampas ang tinaguriang “roof of the world” dahil ito ang
itinuturing na pinakamataas na talampas sa mundo na may taas na
16,000 na talampakan?
A. Anatolian Plateau
B. Deccan Plateau
C. Indo-Ganges
D. Tibetan Plateau

5. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at
lambak
D. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat
ng tao

Regional Achievement Test – Araling Panlipunan


6. Ano ang tawag sa templong itinatag ng mga Sumerian na kinilala bilang
dambana ng kanilang diyos at diyosa?
A. Great Wall of China
B. Hanging Garden
C. Taj Mahal
D. Ziggurat

7. Ang KABIHASNAN ay mula sa salitang bihasa na ang ibig sabihin ay,


A. Eksperto
B. Marunong
C. Sanay
D. Sibilisado

8. Alin sa sumusunod na impormasyon ang sumasaklaw sa kahulugan


ng kabihasnan?
A. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kumplikadong pamumuhay
B. Ito ay tumutukoy sa pamumuhay na walang maayos na sistema
ng pangangasiwa.
C. Ito ay tumutukoy sa pamumuhay na tumutugon sa may mataas
na antas ng uring panlipunan
D. Ito ay tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga mamamayan sa
isang kulturang kinagisnan o nakasanayan at pinaunlad ng
maraming pangkat ng tao

9. Ano ang dalawang bansang Europeo ang nanguna sa paghahanap ng


bagong ruta bunga ng pagkakasakop ng mga Turkong Muslim sa dagat
Mediterranean?
A. France at England
B. France at Spain
C. Spain at England
D. Spain at Portugal

10. Siya ang adbenturerong mangangalakal na taga-Venice, Italy na


nakapaglimbag ng aklat na nakapukaw sa interes ng mga Europeo na
magtungo sa Asya.
A. Ferdinand Magellan
B. Marco Polo
C. Robert Clive
D. Vasco da Gama

11. Si Mahatma ang nanguna sa pagpapakita ng nasyonalismo sa India. Ano


ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas
Gandhi upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?
A. Armadong pakikipaglaban
B. Pagbabago ng pamahalaan
C. Pagtatayo ng mga Partido Politikal
D. Passive Resistance

Regional Achievement Test – Araling Panlipunan


12. Ang Nirvana ay nangangahulugan ng tunay na kaligayahan at
katahimikan. Kailan ito mararating o matatamo?
A. Kung napabilang sa lebel ng Brahmin
B. Kung nakagawa siya ng tunay na kabayanihan at pinagbunyi ng
sambayanan
C. Kung natapos na ng isang nilalang ang siyam na siklo ng
kanyang buhay
D. Kung nakamit ang moksha o ang paglaya sa siklo ng
kapanganakan at kamatayan

13. Sino ang pinuno ng mga katutubo sa Bohol ang nakipagkasunduan sa


mga Espanyol sa pamamagitan ng sanduguan?
A. Humabon
B. Lapu-lapu
C. Sikatuna
D. Soliman

14. Ito ay isang paraan ng pananakop ng mga Dutch sa Indonesia kung


saan pinag-away-away nito ang mga lokal na pinuno o mga
naninirahan sa isang lugar.
A. culture system
B. digmaan
C. divide and rule policy
D. resident system

15. Ang Unang Digmaang Opyo ay nagwakas sa pamamagitan ng paglagda


ng Kasunduang Nanking noong 1842. Alin sa sumusunod ang
nilalaman ng kasunduang ito?
A. pagkuha sa Kowloon
B. pagbubukas ng 11 daungan
C. pagiging legal ng opyo sa pamilihan sa China
D. pagbibigay ng 11 milyong dolyar bilang bayad-pinsala

16. Sa ginawang pananakop ng mga Kanluranin sa Asya, ipinakilala ang


istruktura ng pamilihan na iisa lamang ang may kontrol sa pagtatakda
ng presyo at dami ng produkto at serbisyo. Anong uri ng istruktura ang
tinutukoy dito?
A. Kapitalismo
B. Merkantilismo
C. Monopolyo
D. Oligopolyo

Regional Achievement Test – Araling Panlipunan


17. Ang Ring of Fire ay matatagpuan sa Pacific Ocean. Ito ay isang malawak
na sona na kung saan madalas na nagaganap ang paggalaw ng lupa at
pagputok ng bulkan. Anong bansa ang hindi napapabilang dito?
A. Indonesia
B. Japan
C. Myanmar
D. Philippines

18. Ang mga yamang likas ay binubuo ng mga____.


A. Yamang lupa at tubig
B. Yamang mineral at kagubatan
C. Yamang gubat, lupa, mineral at tubig
D. Yamang gubat at mga produktong agrikultural

19. Ang Sri Lanka at Taiwan ay ilan sa mga bansa na napaliligiran ng mga
anyong-tubig. Ano ang tawag sa mga bansang ito?
A. kapuluan
B. peninsula
C. pulo
D. tangway

20. Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na “meso”


na ibig sabihin ay “pagitan” at “potamos” o “ilog”. Ano ang kahulugan
nito?
A. Lupain ng mga Akkadian
B. Lupain ng mga Sumerian
C. Lupain sa pagitan ng mga ilog
D. Lupain sa pagitan ng mga burol

21. Ito ay paniniwala ng mga Tsino na ang kanilang imperyo ang sentro ng
daigdig.
A. Animismo
B. Confucianism
C. Shintoism
D. Sinocentrism

22. Ang China ay nagkaroon ng tinatawag na apat na dakilang dinastiya.


Bakit tinawag na dakilang dinastiya ang mga ito?
A. Lumawak ang mga impluwensiya ng China
B. Umunlad ang sining at arkitektura ng China
C. Nagkaroon ng pagsakop ng mga dayuhan sa yaman ng bansa
D. Naganap sa panahong ito ang pag-unlad ng China sa iba’t-ibang
larangan

Regional Achievement Test – Araling Panlipunan


23. Ang sumusunod ay naging epekto ng kolonisasyon sa Asya, alin ang
HINDI kabilang sa mga ito?
A. Pagsasarili
B. Pagpapatayo ng mga paaralan
C. Naging pamilihan ng mga hilaw na material
D. Pagtatatag ng mga organisasyon ukol sa paglaban sa mga
mananakop

24. Ang French Indochina ay matatagpuan sa Timog Silangan ng Asya. Dito


itinatag ng France ang mga pamayanang pangkomersyo sa
pamamagitan ng French East India Company. Anong mga bansa ang
bumubuo sa French Indochina?
A. Laos, Vietnam at Burma
B. Laos, Vietnam at Cambodia
C. Myanmar, Malaysia at Cambodia
D. Vietnam, Malaysia at Cambodia

25. Ito ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga Asyano upang sila'y


magbuklod at labanan ang mga dayuhang mananakop.
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Komunismo
D. Nasyonalismo

26. Nang matalo ang China laban sa England sa Unang Digmaang Opyo,
isa sa mga karapatang ipinagkaloob ng China sa England ay ang
extraterritoriality. Ano ang isinasaad ng patakarang ito?
A. Lahat ng nagkasala na Ingles ay lilitisin sa korte ng China
B. Ang nagkasala na Ingles sa China ay papatawarin ng hukuman
C. Ang nagkasala na Ingles sa China ay lilitisin sa korte ng England
D. Lahat ng nagkasala na Ingles ay pagkakalooban ng pangalawang
pagkakataon ng emperador ng China

27. Tawag sa direktang pagkontrol at pamamahala ng imperyalistang


bansa sa kanyang sakop na bansa.
A. Colony
B. Isolationism
C. Protectorate
D. Sphere of Influence

Regional Achievement Test – Araling Panlipunan


28. Ang mga bansang Vietnam, Laos at Cambodia ay tinawag na Indochina
na nagmula sa pinagsamang India at China. Ang taguring ito ay kinuha
sa pangalan ng dalawang bansang nabanggit dahil________
A. dating sakop ng China at India ang Vietnam, Laos at Cambodia
B. nagmula sa lahi ng China at India ang mga tao sa Vietnam, Laos
at Cambodia
C. nasa pagitan ng China at India ang mga bansang Laos, Vietnam
at Cambodia
D. malaki ang impluwensya ng India at China sa kultura ng Laos,
Vietnam at Cambodia

29. Bilang kabataan ng bagong henerasyon, paano mo maipapakita ang


wastong pangangalaga sa mga likas na yaman?
A. Pagisipan ang 4 Rs (reuse, reduce, recycle, at refuse)
B. Mag organisa ng kampanya sa pagsira ng kalikasan
C. Magsasagawa ng mga batas na magpoprotekta sa mga likas na
yaman
D. Makiisa at makilahok sa mga programang inihanda ng
pamahalaan

30. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa na matatagpuan sa Pacific Ring


of Fire. Ito ang dahilan kung bakit nararanasan ng bansa ang mga
sakuna tulad ng lindol, bagyo, o pagsabog ng bulkan. Bilang mag-aaral,
ano ang iyong gagawin upang maiwasan ang panganib na dulot nito?
A. Sumulat ng gawa-gawang balita ukol sa lindol
B. Lumiban sa klase kapag may “earthquake drill”
C. Sumali at makiisa sa mga gawain ng organisasyon tulad ng
DRRM
D. Mag-upload sa youtube ng mga paksa tungkol sa lindol kung
naatasan ng guro

31. Ang mga sinaunang kabihasnan ay nakabuo ng kani-kaniyang uri ng


pagsusulat, halimbawa ang sistema ng pagsusulat ng Kabihasnang
Sumer ay ang cuneiform. Paano nakatulong sa mga historyador ang
sistema ng pagsulat sa kanilang pag-aaral ng sinaunang kabihasnan?
A. Ito ang naging paraan ng komunikasyon ng mga sinaunang tao.
B. Ang mga tala sa clay tablet ay isa sa naging batayan ng
pananaliksik.
C. Ang mga awit, tula at epiko ay nagbunyag sa kultura ng mga
sinaunang tao.
D. Dahil sa sistema ng pagsulat nagkaroon ng mga tala ng mga
produktong ikinakalakal noong unang panahon.

Regional Achievement Test – Araling Panlipunan


32. Hindi naging malawak ang mga karapatan at kapangyarihan ng mga
sinaunang kababaihan sa Asya. Ito ay batay sa kasaysayan na naitala
sa mga bansang Asyano. Ano ang ugat ng mababang pagtingin sa mga
kababaihang Asyano?
A. Hindi pinagkalooban ng langit ang mga kababaihan na mamuno
sa lipunan.
B. Mahihina ang loob at walang kakayahang mamuno ang mga
babae sa imperyo.
C. Hindi pinakakalooban ang kababaihan ng mataas na edukasyon
at kasanayan sa buhay.
D. Itinuturing na mababang miyembro ng lipunan ang kababaihan
at limitado ang kanilang mga karapatan sa lipunan

33. Naganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1914 at


1939. Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng digmaang pandaigdig?
A. mag-imbak ng maraming armas
B. maghangad ng labis na kapangyarihan
C. maglunsad ng propaganda ng pananakop
D. magkaroon ng mga kasunduang pangkapayapaan

34. Paano naging instrumento ang nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa


imperyalismong Kanluranin?
A. Ginising ng damdaming ito ang tapang at talino ng mga
mamamayan
B. Naging maayos ang pamamalakad at pagpapatakbo sa mga
bansa sa Kanlurang Asya
C. Ito ang nagbunsod sa mga mamamayan na ipaglaban ang
kanilang bansa laban sa mga mananakop
D. Pinagbuklod ng damdaming ito ang magkakatunggaling estado
sa Timog at Kanlurang Asya

35. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at


imperyalismong kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo?
A. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang
pakikipag-kalakalan
B. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong
Kristiyanismo
C. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang
nasakop na bansa
D. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga
katutubong Asyano

Regional Achievement Test – Araling Panlipunan


36. Kung ikaw si Andres Bonifacio, ano ang gagawin mong hakbang upang
mahimok ang maraming Pilipino na lumahok sa Katipunan para sa
ikabubuti ng ating bayan?
A. Magbigay ng sahod sa mga lalaban
B. Pangakuan ng mataas na posisyon ang mauunang lalahok
C. Gumawa ng patakaran na magpaparusa sa hindi sasama sa
rebolusyon
D. Magsagawa ng malawakang kampanya para mapaliwanagan ang
mga mamamayan sa kahalagahan ng kalayaan

37. Sa iyong pagtingin sa mapa sa baba, paano mo ilalarawan at bibigyan


ng interpretasyon ang kinalalagyan ng kontinente ng Asya?

A. Insular o kapuluan ang karamihan sa mga bansa sa Asya.


B. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
C. Karamihan sa mga bansa na matatagpuan sa Asya ay mainit ang
panahon
D. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay
pare-pareho

38. Ang heograpiya ay pag-aaral sa pisikal na katangian ng daigdig. Bakit


mahalaga ang pag-aaral ng Heograpiya?
A. upang maunawaan natin ang mundo
B. upang masuri kung bakit may mga bansang maunlad at hindi
maunlad
C. upang magkaroon tayo ng ideya sa uri ng pamahalaan at paraan
ng pamamahala sa isang bansa
D. upang maunawaan natin ang tungkol sa mga hangganan,
lokasyon, klima, sukat at lawak ng mga bansa

Regional Achievement Test – Araling Panlipunan


39. May iba’t ibang relihiyon ang umusbong sa Asya tulad ng
Kristiyanismo, Budismo, Islam, Judaismo, Hinduismo at iba pa. Paano
naimpluwensiyahan ng relihiyon ang buhay at pamumuhay ng mga
Asyano?
A. Ito ang naging batayan ng kagandahang asal.
B. Sandigan ng mga may kabiguan sa buhay.
C. Nagiging idolo ng ilan ang mga nagawa ng kanilang diyos.
D. Ang mga turo, aral at mga gawain nito ay naisasabuhay at
nagiging inspirasyon sa buhay.

40. Bilang mamamayang Asyano, paano mo ipapakita ang pagpapahalaga


sa mga naging kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunidad
sa Asya?
I. Ipagmamalaki ko ang mga gawang Asyano
II. Tatangkilikin ko ang mga produktong Asyano
III. Sisikapin ko na makapag-ambag para sa lipunan Asyano
IV. Uunahin ko na tangkilikin ang mga produkto na naging
ambag mula sa ibang kontinente
A. I, II, III
B. I, II, IV
C. I, III, IV
D. II, III, IV

41. Ang “White Man’s Burden” na isinulat ni Rudyard Kipling ay nagsasaad


na __________.
A. may ugnayan ang Asyano at Kanluranin
B. ang mga nasasakupan ay pabigat at pasanin ng mga Kanluranin
C. na namumuhunan ang mga Kanluranin upang magkaroon ng
interes o tubo
D. nakaatang sa mga nasasakupan ang pag-unlad ng mga
Kanluranin

42. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pagkamit ng


pandaigdigang kapayapaan, kalayaan at kaunlaran?
A. Hahayaan na lamang ang mga lider ng pamayanan at bansa para
sa usaping ito
B. Makiisa sa mga programang pangkapayapaan at pangkaunlaran
ng aming lugar
C. Sasali sa mga rally sa lansangan upang isigaw ang kakulangan
ng pamahalaan
D. Hindi kikibo sa mga oras ng kaguluhan at magtatago na lamang
para hindi madamay

Regional Achievement Test – Araling Panlipunan


43. Dahil sa pang-aabuso at hindi pantay na karapatan ang ipinakita sa
mga Asyano ng mga mananakop na Kanluranin, sumibol ang
damdaming makabansa sa Asya. Aling slogan ang nagpapamalas ng
Nasyonalismo?
A. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”
B. “Magsakripisyo tayo, upang tayo ay umasenso”
C. “Pag-ibig sa bayan, susi sa kalayaan at kaunlaran”
D. “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan”

44. Alin sa mga patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Kastila


sa Pilipinas noon, ang isinasagawa pa sa sistemang pang-ekonomiya
ng ating pamahalaan?
A. Bandala
B. Encomienda
C. Polo y Servicio
D. Tributo

45. Ang hindi wastong pagtatapon ng solid waste o basura ay isang


malaking suliraning pangkapaligiran sa mundo. Alin sa sumusunod
ang malaking epekto ng walang habas na pagtatapon ng basura kung
saan-saan?
A. Nahaharangan ang mga estero at ilog na daluyan ng tubig
B. Nanunuot sa lupa ang ilang maasido at organikong material
C. Nakokontamina o narurumihan ang hangin, tubig, at maging ang
lupa
D. Naghahalo ang nakalalasong katas nito sa tubig na iniinom at sa
mga irigasyon

46. Ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa kasalukuyan


ay nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan. Sa iyong
palagay, alin ang pinaka-epektibong pagtugon upang mapanatili ang
balanseng ekolohikal ng daigdig?
A. Paghahanap ng pabrikang mapapasukan na hindi nagbubuga ng
matinding usok.
B. Pakikilahok sa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa
lumalalang kalagayang ekolohikal.
C. Pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring
maidulot ng mga usok ng sasakyan
D. Manirahan sa mga lugar na hindi gaanong apektado ng anumang
suliraning pangkapaligiran

Regional Achievement Test – Araling Panlipunan


47. Maraming pagbabago ang naganap sa mga bansang napasailalim sa
kapangyarihan ng mga kanluraning bansa. Suriin ang tsart sa ibaba
na nagpapakita ng epekto ng kolonyalismo sa isang bansa. Anong
aspekto ng pagbabago ang ipinapakita ng dayagram?

EPEKTO NG
KOLONYALISMO

Pagkaubos ng Monopolyo sa Paglaganap ng


likas na mga produkto kahirapan
yaman

A. Edukasyon
B. Kabuhayan
C. Lipunan
D. Politika

48. Batay sa larawan, ano ang mahihinuha mo sa kalagayan ng


pamumuhay ng mga Asyano sa ilalim ng mga mananakop?

A. Mas napalago ang sektor ng industriya


B. Umunlad ang pamumuhay ng mga Asyano
C. Ang pagsasaka ay kinontrol ng mga mananakop
D. May kalayaan ang mga Asyano sa pamunuan ng sariling bansa

Regional Achievement Test – Araling Panlipunan


49. Ikaw ay isang Ambassador of Goodwill na naatasang hikayatin at
impluwensiyahan ang kabataang Asyano upang maipalaganap ang
programang pangkapaligiran. Ano ang dapat mong isaalang-alang kung
gagawa ka ng multimedia advocacy?
A. Organisasyon, bilang ng pahina, pagkamalikhain
B. Madaling maunawaan at pagkamalikhain
C. Pagkamalikhain, Impact at Organisasyon
D. Kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos at pagkamalikhain

50. Noong ika 16 na siglo bumagsak sa kamay ng mga Turkong Muslim ang
Jerusalem sa Israel at ang Constantinople. Karamihan sa mga bansa sa
ibat-ibang rehiyon ng Asya ay naging kolonya ng mga Europeo maliban
na lamang sa Kanlurang Asya dahil ito ay hawak ng mga Turkong Muslim.
Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Dahil mahirap na kalaban ang mga Muslim.
B. Unti unting humina ang pwersa ng mga Europeo dahil na rin sa
kawalan ng pagkakaisa.
C. Hindi interesado ang mga Europeo sa Kanlurang Asya dahil
karamihan dito ay disyerto at salat sa likas na yaman.
D. Dahil sa matinding pananampalataya at pagkakaisa ng mga Muslim
hindi nagtagumpay ang mga mananakop na agawin ang kanilang
teritoryo.

Regional Achievement Test – Araling Panlipunan


Regional Achievement Test – Araling Panlipunan

You might also like